You are on page 1of 1

Pagganyak: Maikling Gawain (Bumuo ng tatlong pangungusap tungkol sa larawan)

 Sila ay grupo ng mga propesyonal na nagpupulong.


Ang lalaki sa ibabang kanang banda ay may pie chart,
maaaring patungkol sa negosyo o ekonomiya ang
kanilang pinag-uusapan at kanilang pinag-aaralan ang
mga datos. Maaari ring inaalisa nila kung may
kaunlaran ang mga datos sa kanilang pinag-uusapan.

Output: Replektibong Sanaysay

Ang kalagayan ng kabataan sa COVID19

Sa gitna ng pandemya, tayo ay nagquarantine sa ating mga bahay upang


maging ligtas sa banta ng corona virus. Makikita sa ating mga mata ang takot at
pangamba ng bawat isa ngunit ang mga puso natin ay may nakikita pa bukod sa
mga pangambang ito. Nakita ko ang halaga ng self-quarantine. Ito ay hindi lang
para sa mga nagpositibo sa virus ngunit para sa lahat, ito ay oras para pakalmahin
ang ating mga isipan at muling buhayin ang mga sarili.

Ang Pilipinas ay may pinakamataas na kaso ng positibo sa COVID sa Timog-


Silangang Asia. Sa bawat pagbukas natin sa ating mga telebisyon o pagscroll sa
ating mga social media at makita ang mga numero ng mga kaso, tayo ay
nanghihina at nangangamba. Sa aking sarili mismo ay napansin ko ang pagbabago,
ang aking masiyahing sarili ay napuno ng takot. Paano kaya ang aking kapwa
kabataan sa panahon na ito?

Sa datos ng Global Burden of Disease noong 2015, karamihan sa kabataan


sa ating bansa ay nakakaranas ng anxiety at depression sa bilang na 3.3 milyon.
Simula ng nagkaroon ng mga lockdowns sa bansa, napansin ng National Center for
Mental Health ang biglaang pagtaas pa nito.

Dapat tayong magsalita at buksan ang ating mga sarili. Kung hindi man natin
ito mapagsabi sa ating pamilya o mga kaibigan, nararapat lamang na maging totoo
tayo sa ating mga sarili. Ang pagtanggap sa kung ano ang nararamdaman natin ay
mahalaga. Sa gitna ng lungkot at takot, huwag tayo magpakulong sa dilim, ating
buksan ang mga sarili at maging ilaw sa sarili at iba.

You might also like