Professional Documents
Culture Documents
Filipino 10 Summative Test
Filipino 10 Summative Test
Filipino 10
Summative Test Quarter 1
A. Ang mga pangyayari sa kuwento ay nagpapakita ng katotohanan na ang labis na pagpapalayaw sa sarili ay
nagdudulot ng kapahamakan katulad ng sinapit ng pangunahing tauhan na si Mathilde.
B. Ang akdang “Ang Kuwintas” ay kuwentong isinulat ni Guy de Maupasant na naglalayong ipakita ang larawan ng
isang maybahay na labis na nagpapahalaga sa kanyang kagandahan at katanyagan.
C. Masasabing masining ang pagkakagawa ng may-akda sa kuwento, ang pagkakasalaysay ay nilakipan ng madaming
paglalarawan upang ipakita ang sistema ng lipunang ginagalawan ng pangunahing tauhan.
D. Si Mathilde ay nagnanais na maging kahali-halina, kaibig-ibig, maging tampulan ng papuri, at pangimbuluhan ng
ibang babae. Isang gabi ay natupad lahat ng kanyang pinangarap dahil sa isang diyamanteng kuwintas na
ipinahiram sa kanya ng mayamang kaibigang si Madame Forestier. Ngunit, ang kuwintas na ito rin ang naging mitsa ng
sampung taong bangungot sa buhay nilang mag-asawa.
36. Alin sa mga nasa kahon ang dapat ilagay bilang panimula ng isang suring- basa?
37. Alin sa mga nasa kahon ang halimbawa ng buod para sa isang suring-basa? 11. Alin sa mga
nasa kahon ang halimbawa ng Pagsusuring Pangnilalaman? 12. Alin ang halimbawa ng Pagsusuring
Pangkaisipan?
38. Sa pagsusuri sa mga kaisipan o ideyang taglay ng akda, alin sa sumusunod ang tanong na dapat
gawing patnubay?
A. Ito ba ay gasgas na o lumang pangyayari?
B. Magkakaugnay ba ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa wakas?
C. May nakikita ka bang uri ng pamumuhay, paniniwala, o kaugaliang nangibabaw sa akda?
D. Ang katotohanan ba ng kaisipang ito ay unibersal, likas sa tao at lipunan, at bahagi ng sistema sa
buhay?
39. Sa pagsusuri ng estilo ng pagkakasulat sa akda, alin sa sumusunod ang tamang gabay?
A. Ang pagkakabuo ba ng akda ay angkop sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa?
B. Ang mga tauhan ba sa akda ay anyo ng ng mga taong likha ng lipunang kanilang ginagalawan?
C. Magkakaugnay ba ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa wakas?
D. Ito ba ay gasgas na o lumang pangyayari o may bagong anyo at bihis?
40. Alin sa sumusunod ang nararapat tandaan kapag sumusulat ng buod?
A. Kailangang kumpleto sa detalye
B. Isulat ang buong kuwento
C. Isulat lamang ang mahalagang detalye
D. D. Banggitin lahat ng tauhan