You are on page 1of 9

Disyembre 8, 2020

ATTY. RODRIGO ROA DUTERTE


Pangulo ng Republika ng Pilipinas

Minamahal naming Pangulo, Rodrigo Duterte

Isang mapagpalang araw po sa inyo ang aking pinaabot.


Ako po si Rocelyn Ayson Ramos, na nakatira sa bayan ng
Carranglan, Nueva Ecija. Nangyaring sumulat po ako sa inyo sa dahilan
na narinig ko na kung may hinaing kami sa sangay ng anumang ahensiya
ng gobyernoay kami ay inyong tutulungan. Una sa lahat, ako po ay
nagpapasalamat at mayroon kaming Pangulo Rodrigo Duterte at
Commissioner Atty. Aileen Lizada na handing tumulong.
Ako po ay lumapit sa abugado sa aming probinsiya ng Nueva Esiha
upang ilapit ang aking ihahain na reklamo laban sa aming Punong Bayan
na si Mary B. Abad, HRMO na si Leonora Bauto at applikante na si
Michelle Julian na asawang kinakasama ng anak ng Punong Bayan na si
Marvin Abad na siyang Administrative Officer. Ako daw po ay may laban
sa dahilan na unang-una ng ibedensiya ay kung paano siya nakapag-aral
ng 24 units ay gayung pumapasok siya sa munisipyo bilang OIC-MSWD
Officer at ang 24 units ay regular classes. Na, ito ay labag sa batas at
tinatawag na Graft and Corruption practice. Yan palang daw po ay
ibedensiya na. ikinuwento ko po ang mga pangyayari sa kanya at
pinakita ko ang transcript of record. Kaya nalaman niya ang lahat. Kaya
lang po ay hinihingian niya ako ng PhP120,000.00 (one hundred twenty
thousand pesos) para sa acceptance fee.
Sabi po nya PhP120,000.00 ireduce na lang daw nya ng
PhP80,000.00 kasi po may nagrefer po sa akin na kakilala nila. Subalit
napakalaki po noon. Nawalan na po ako ng pag-asa subalit nagsalita kayo
sa TV kaya nagkaroon ako ng lakas loob.
Ako po ay nanunumpa sa aking salaysay na pawang katotohanan
ang aking ihahayag. Ako po ay nag-umpisa nag-apply sa aming
munisipyo umpisa noong March 7, 2018 na nabakanteng posisyon na
MSWDO natanggap ang application letter ko noong March 20, 2017 ni
Ms. Maricel Aspric. (Kalakip ng Katibayan Annex A) na naghintay po ako
ng patawag para interviewhin ngunit walang nangyaring patawag.
Na, napag-alaman ko po na may itinalaga na OIC-MSWDO na si
Michelle P. Julian na kinakasama at hindi daw sila kasal ni Marvin Abad
na anak ng Punong Bayan Mary Abad. Na, sila ay may 3 anak na
naninirahan sa gitna na ng aming bayan. Na, matatagpuan sa isang
gasolinahan na pag-aari nila (pagpapakita ng ibedensiya Annex B) .
Itinalaga siya noong October 5, 2017 sa bias ng EO 10-5-2017(katunayan
ng transcript of record July 20, 2020). na pinirmahan ng Punong Bayan
Mary B. Abad. Ngunit nakasaad sa R.A. No9433 Sec. 5 na kailangan
Registered Social Worker. Ang tanong po ay bakit umabot pa ng 2020
ulit bago inopen ang posisyon. Hinintay munang makagraduate ang
kinakasama ng anak ni Punong Bayan Mary B. Abad na paglabag sa batas
BIAS at abused of discretion. Nabaliwala na kaming mga applikante at
walang due process na tinatawag. Itutuloy ko po sana ang apila kaya lang
may kumausap sa akin na si Punong Bayan Mary Abad ay may
malubhang kalagayan for humanitarian reason kaya ako ay nanahimik.
Ang posisyon ay mandatory bakit hindi na inopen.
Muli po nilang binuksan ang posisyon noong Marso humigit
kumulang unang linggo ng Marso 2020. Napag-alaman ko kay HRMO
Leonora Bauto dahil pinuntahan niya ako sa aming bahay at inalok ako
ng kanyang tindang gasul na, bakante nga ang MSWDO kay inihanda ko
na ang aking mga papeles. Ngunit sa hindi inaasahan ay nagkaroon ng
EPEDEMIA (COVID 19) kaya hindi ko na isubmit agad at LOCKDOWN at
naisumite ko na noong March 24, 2020 (katibayan ng pagpapatunay
Annex C) at ito ay kanilang tinanggap sa tanggapan ng Punong Bayan at
HRMO. Hinihintay kong ipatawag ako, ngunit walang patawag o abiso.
Nagkita muli kami ni HRMO Leonra Bauto at aking tinanong kung ano
nangyari, ang sabi sa akin napirmahan na ng Punong Bayan Mary Abad
noong Marso 27, 2020. Ang tanong ko sa kanya paano nangyari yoon ay
hindi kami intenterview. Sabi niya ay napirmahan na daw. Pano sabi ko
labag sa batas yoon at hahabulin ko yon sa Civil Service hindi siya
kumibo.
Naghain ako ng reklamo sa Pang. Punong Bayan na si Kgg. Efren
Alfonso, Jr. noong Abril 6, 2020 (Katibayan ng Pagpapatunay Annex D
dated April 6, 2020) Na, agad naman tinugunan. Nang dahil sa
PANDEMIC hindi agad nakapagtalakayan (session). Na, nag-
umpisa/nagsimula silang nagtalakay noong Abril 20, 2020 hanggang
August 10, 2020. Na, kung saan nagkaroon ng pagsisiyasat, pagsusuri at
pagsasaliksik. Na, kung saan aking hiniling na magkaroon ako ng sipi ng
transcript o records na kung saan tinatalakay ang lahat ng bagay sa mga
dokumento ni Michelle Julian na applikante (Pagpapakita ng katibayan,
transcript of record (July 20, 2020). Na kanilang sinaliksik ang lahat at
nagkaroon ng Committee Report sa pamamagitan ni Kgg. SBM Rona
Venturina na siyang humawak ng aking hinaing, kasama niya si SBM
Maria Luisa Cayabyab. Si SBM Maria Luisa Cayabyab, ay walang
isinumite na committee report, sa dahilan na binase sa OMNIBUS RULE
na within 15 days na hindi na-aksyonan ng Sangguniang Bayan ay
considered as approved, ngunit base sa Memorandum Circular NO.14,
2020. CSC Resolution 2000659 promulgated on July 8, 2020, the
Commission adopted the following interim Guidelines on Appointments
and other Human Resources Action for the Period of State of Calamity
due to COVID-19 (Pagpapakita ng katibayan Annex E) Na, napagalaman
na marami silang nilabag na batas ng OMNIBUS RULES. Kinukuha ko ang
sipi ng Committee Report ngunit tumanggi na magbigay sa dahilan na
hindi daw kinatigan kaya magbibigay sila ng sipi kung ang Civil Service
at kayo po pangulo ang kukuha. Nakasaad naman sa talakayan
(transcript of records) ang mga katanungan at kanilang nilabag na batas
na kanilang tinatalakay gaya ng mga sumusunod na kalakip po dito ang
mga ibedensiya sa transcript of records.
- April 6, 2020 ng humihiling ang Punong Bayan na italaga ng
Sangguniang Bayan na Official Concurrence ng Sangguniang Bayan
ngunit hindi binigyan ng Sangguniang Bayan sa dahilan na sumulat
ako upang idulog ang aking hinaing na hindi naging patas ang
pagpili ng MSWDO. Sumulat ako nitong araw na ito April 6, 2020
(Transcript of records dated April 6, 2020)
- July 20, 2020 – Dito tinatalakay ang lahat ng mga pangyayaring
naganap sa paghirang ni Punong Bayan Mary B. Abad kay Michelle
P. Julian bilang MSWDO (Katibayan transcript of records dated July
20, 2020) at ayon kay SBM Eric Manucdoc na nabanggit niya na
approved ng Commission on Civil Service ay nasa Sangguniang
Bayan pa ang usapin.
- August 3, 2020- Ayon kay SBM Maria Luisa Cayabyab ay
naaprubahan na ng Commission on Civil Service gayun nasa
pandinig pa ng Sangguniang Bayan. Ito ay malaking kasagutan na
dapat nilang ipaliwanag (Katibayan transcript of records dated
August 3, 2020)
- August 10, 2020 – Naiulat ni Pang. Punong Bayan Efren Alfonso Jr.
na ang appointment ni Michelle Julian ay approved na ng CSC Field
Office. Na, paano po nangyari na hanggang August 10, 2020 ang
huling talakayan ng Sangguniang Bayan. Paano nabigyan ng CSC
Field Office. Kaya ito po ang malaking paglilinaw. Naiintindihan ko
na kung walang nagrereklamo ay hindi nila malalaman ito. Pero
segun sa unang nabanggit paano nag-aaral si Michelle Julian
gayung nag-aaral siya na hindi nalaman ng Commission on Civil
Service.
MGA NILABAG NA BATAS NG PUNONG BAYAN MARY ABAD, HRMO
LEONORA BAUTO AT APPLIKANTE NA SI MICHELLE JULIAN ANG
MGA SUMUSUNOD:
- Una sa lahat walang Maipalad o ipakita sa Sangguniang Bayan ang
HRMO na pinayagan nilang mag-aral si Michelle Julian ng full load
o full time (24 units) habang nagtratrabaho na ito ay labag sa graft
and corruption practices. Na pinakabigat na paglabag sa batas na
ang Commission on Civil Service ay walang alam ng kapahintulutan
sa bagay na ito, dahil bago ka mag-aral ng anumang kurso habang
ikaw ay nagtratrabaho sa gobyerno ay may mga sertipikasyon na
kinakailangan. (Katibayan: Transcript of Record dated July 20,
2020).
- OMNIBUS RULES 7160 Sec. 443 at Sec. 80 na dapat kinikilala ng
Sangguniang Bayan ang SELECTION BOARD ngunit wala pala
silang selection board na na-create pero may pinalalabas silang
Selection Board. Inamin ni HRMO Leonora na walang kinikilalang
Selection Board ang Sangguniang Bayan. Sa pagsasaliksik ng
Sangguniang Bayan walang Resolution na nagawa o nagtalaga sa
mga miyembro ng Selection Board ang nagtalaga ay ang Punong
Bayan Mary B. Abad at ang sabi ng HRMO Leonora Bauto ay may
Executive Order silang ginawa ngunit ayon sa Rule of Statutory ay
hindi maaaring baguhin ng Executive Order ng isang Republic Act.
Ito po ay paglabag muli sa Saligang Batas. (Pagpapakita ng
Katibayan, Transcript of Record Dated July 27, 2020) dahil dito sa
aking pagkakaalam hindi talaga puwedeng bigyan si Michelle Julian
ng “CONCURRENCE”
- Certificate Of Assumption to Duty, na kung saan nakasaad na siya
ay inasummed sa duty na MIDWIFE gayon hindi naman siya
graduate ng Midwifery. Na, approved ng Punong Bayan Mary B.
Abad at attested by HRMO Leonora Bauto (Katibayan ng
Pagpapatibay Annex F) at sa sipi ng transcript of records dated in
July 20, 2020) connection with the application as MSWDO na hindi
naman kaugnay sa kanyang inaapplayan posisyon. Isang paglabag
sa batas ang iassumption of duty. Na, hindi graduate si Michelle
Julian ng Midwifery at walang patunay sa kanyang isinumite sa
Sangguniang Bayan na graduate siya ng Midwifery. Labag sa batas
na Abused of Discretion/Authority.
- OMNIBUS RULES, Memorandum Circular No. 18 Series 2016
kailangang may tatlong lugar na paglalagyan ng post na
nagpapatuna na ang MSWDO na nakasaad ay naglagay sila sa
Simbahan ng Katoliko ngunit wala naman at Marso 4-18, 2020
ngunit nagkaroon sila ng maling patunay o pag-uulat ng
SELECTION BOARD na hindi kinilala ng Sangguniang Bayan na. Na,
nakasaad na nagbigay ng sipi sa CSC Bulletin date of publication
March 11, 2020 date of posting/circulation March 24-26, 2020
(katibayan sa transcript of Record dated July 20, 2020)
- Na, nagbigay ng certification of appointment noong March 27,
2020 na si Michelle Julian ay pinatutunayan na na nakapasa sa
“Passed thru the deep selection process and lone application”, na
nakasigned ang Punong Bayan Mary Abad. Paano nangyari na
nabigay ng Certification ang Punong Bayan Mary Abad gayun
walang nagyaring interview sa amin ang pinalalabas na Selection
Board nila. Na, hindi ko alam na may Selection Board pala sila.
- Nasaliksik ko na ang Salient of the 2016 OMNIBUS RULES ON
APPOINTMENT and OTHER HUMAN RESOURCES ACTIONS. Rule IX
Merit Selection Plan Sec 15. All appointment issued in violation of
this policy shall be disapproved/invalidated, except when to
promotional appointment falls with in the purvie of any of the
following exceptions: (katibayan annex G)
- Nilabag nila ang OMNIBUS RULES sapagkat si Michelle ay Salary
Grade 11 na napunta sa Salary Grade 24 agad, kaya violation ito sa
policy ng OMNIBUS RULES, RULE 18 SEC. 15.(Katibayan Annex H)

Napatunayan na ang mga paglabag nila ay makikita sa Transcript of


Records/Proceeding na inulat ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni
Kgg. Efren Alfonso, Jr. na nagsaliksik at nagtanggol sa pamamagitan ng
kanyang Committee report na si Kgg. SBM Rona Venturina na lumabas
ang katotihanan na maraming nilabag si Punong Bayan Mary B. Abad ,
HRMO Leonora Bauto at Michelle Julian na batas ng Republika ng
Pilipinas. Kaya hinihingi ko po ang inyong tulong sa bagay na ito at kayo
ang may karapat ang humusga
Paano na po ang walang kalaban laban at walang lakas loob na
isiwalat ang kamalian ng mga ganyan namumuno.

Kung nais po ninyo akong makapanayam, ako po ay taos pusong


pupunta para patotohanan ang mga nakasaad dito o kung mayroon po
kayong ibang katanungan. Narito po ang aking numero 09162061955 at
aking address 28 Quezon St. D.L. Maglanoc, in front of MDRRMO,
Carranglan, Nueva Ecija. Handa po ako sa anumang inyong pag-uutos at
lumantad sa katotohanan.
Hanggang dito na lang po at maraming Salamat at nandyan kayo
handing tumulong sa aming mga nawawalan ng pag-asa dahil sa mga
taong mapagsamantala at abused of authority or discretion.
Naway pagpalain kayo ng Poong Maykapal at Merry Christmas and
Happy New Year.

Lubos na gumagalang,

ROCELYN AYSON-RAMOS
CC: ATTY. AILEEN LIZADA
Commissioner
Commission on Civil Service

You might also like