You are on page 1of 2

Hindi Ako

Hindi ako doctor na kaya kang pagalingin

Mula sa sugat ng iyong kahapon

Na hanggan ngayon

dinadamdam mo pa din

Hindi ako guro na kaya kang turuan

Sa aspetong pagmamahalan

Na piliin nawa ang taong sayo’y umiibig

At wag sa taong sanay sumulat sa tubig

Hindi ako sundalo na kaya kang ipaglaban

hanggang kamatayan

dahil alam kong sumabak man ako sa digmaan

sa huli, uuwi parin akong talunan

Hindi ako ang babaeng minahal mo

Iba siya at iba din ako

Sa buhay mo,

hindi kami magkapareho

Inibig mo siya

ngunit iniwan ka lang niya

Minahal kita
kahit walang kasiguradahang magiging tayo ba

Iibigin kita

at hindi iiwan ng mag-isa

Gugustuhin pa rin kita

sa kabila ng iyong sugat, pilat at mga pasa

Kung ako lang ang pinili mo sana…

Sana.

Ngunit…

Hindi Ako.

You might also like