You are on page 1of 10

Proyekto

sa
EPP
Ipinasa ni:

Marian Althea E. Fumwera

Ipinasa kay:

Mr. Amadeo Domasig


Guro

Moonflower
The moonflower (Ipomoea alba) is most commonly an annual vine which grows and flowers
quickly in warm, tropical zones. Acting as the nightly counterpart to the morning glory, which has
flowers that open in the later morning and close towards the afternoon, the moonflower blooms at
night and continues on until morning or noon. Their fragrance and beautiful blooming make them
an excellent choice for hanging baskets.

Lavender
Lavender grows best in moist, moderately rich soil and strong sunlight. The lavender color of the
flowers, for which the plant is named, are the most memorable, but it also flowers violet-blue,
white-pink and blue-purple. Native of the Mediterranean, lavender is great for adorning walkways
and borders.

Morning Glory
A well known perennial vine that grows flowers with heart shaped leaves, the common morning
glory (Ipomoea purpurea) is native to Central America. With a fair flower size, beautiful reds,
pinks, purples and whites for colors, and the ability to flourish on both roadsides and in fields, the
blooming of these plants from early morning to late afternoon is rarely overlooked.

Marigold
The golden brilliance of the African marigold (Tagetes erecta) and its ease of growth make it a
popular flower. The marigold can even grow well in poor soil if it is well watered. In the garden,
the closely growing flowers can be put to good use as border plants.
Proyekto
sa
Aralin
Panlipunan
Ipinasa ni:

Marian Althea E. Fumwera

Ipinasa kay:

Mr. Gilbert Bringino


Guro

Francisca Reyes Aquino (Sining)


Kilala bilang Mother of the Philippine Folkdancing

Si Francisca Reyes-Aquino (Fran·sís·ka Ré·yes A·kí·no) ang


pinakaunang Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw nang igawad sa
kaniya ang karangalang ito noong 1973. Kilala rin siyá bilang
Francisca Reyes- Tolentino at Kikay. Kinilala ang kaniyang natatanging pagpapahalaga sa katutubong
sayaw na Filipino.

Isang lakbay-saliksik na sinuportahan ng Unibersidad ng Pilipinas ang nagbunga ng pagkakatuklas niyá


ng tinikling mula sa Leyte. Sa pamama- gitan din ng lakbay-saliksik na ito natipon ang 38 katutubong
sayaw at 33 awit na mula sa Mindanao at Mountain Province. Sinundan ito ng marami pang mabungang
pananaliksik na nakapagtala ng 33 karagdagang sayaw at awit. Inilathala niyá ang mga ito sa iba’t ibang
pag-aaral at naging inspirasyon ng mga guro at mananayaw. Naging susi rin siyá sa pagkakatatag ng
mga grupong may kinalaman sa katutubong sayaw— ang U.P. Folk Song-Dance Troupe (1937);
Filipiniana Dance Troupe (1945); at Philippine Folk Dance Society (1949). Sa loob ng mahigit45 taon,
umani siyá ng mga karangalan gaya ng Honorary Doctorate sa Boston (1954), Republic of the
Philippines Award of Merit; Honorary Doctorate mula Far Eastern University (1959); UNESCO
Cultural Award (1959); Rizal Pro-Patria Award (1961); at pagkilala mula sa UP Department of Physical
Education.

Ipinanganak siyá noong 7 Marso 1899 sa Lolomboy, Bocaue, Bulacan kina Felipe Reyes at Juliana
Santos. Ikinasal siyá kay Ramon Tolentino Jr., Katuwang na Direktor ng UP Department of Physical
Education, noong 1934 at biniyayaan ng isang anak na babae na si Celia. Labindalawang taon matapos
pumanaw si Ramon, muli siyáng nag-asawa at ikinasal kay Serafin Aquino, ang naging Kalihim-Ingat
Yaman ng Philippine Amateur Athletic Federation, noong 1947. Nagtapos siyá ng B.S.E. noong1924 sa
UP. Natapos din niyá ang digring master sa nasabing unibersidad noong 1926. Ang kaniyang tesis ay
isang koleksiyon na pinamagatang Philippine Folk Dances and Games na inayos para sa mga guro sa
P.E. sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Itinanghal ito bilang mahalagang kontribusyon sa
larangan ng Physical Education at mapagkukunan ng impormasyon para sa isang larangang di-gaanong
napahahalagahan sa bansa. Namatay siyá noong 21 Disyembre 1983.

Guillermo Tolentino (Istruktura)


Kilala sa larangan ng istruktura. Siya ang gumawa ng monumento ni Andres Bonifacio sa Lungsod ng
Kalookan.

Si Guillermo Estrella Tolentino (Gil·yér·mo Es·trél·ya


To·len·tí·no) ay kinilalang Pambansang Alagad ng
Sining sa Eskultura noong 1973. Siyá ay isa sa mga
nangungunang Filipinong eskultor at itinuturing na
kampeon ng klasisismo sa sining Filipino.

Unang umani ng pambansang pagkilala ang husay ni


Tolentino bilang eskultor sa kaniyang likhang
Bantayog ni Bonifacio na matatagpuan sa gitna ng
rotonda sa Lungsod Caloocan na ngayon ay mas kilala
bilang Monumento. Tampok sa bantayog na ito ang
tableau ng mga pigurang yari sa tanso na nagsasadula
ng pinakamaiigting na yugto at hulagway ng
Himagsikang 1896.

Nagtapos sa School of Fine Arts ng Unibersidad ng


Pilipinas si Tolentino. Nagpatuloy siyá ng pag-aaral ng
eskultura sa Beaux Art School sa New York City. Matapos ang dalawang taon ay nagtungo siyá sa
Europa at nag-aral sa Royal Academy of Fine Arts sa Rome. Dito siyá naglunsad ng unang solo exhibit,
kasáma ang obrang Saluto Romano. Nagwagi rin ng ikalawang karangalan ang obra niyáng Four
Horsemen of the Apocalypse sa isang paligsahan sa eskultura sa Rome. Bumalik siyá noong 1925 sa
Filipinas at naging propesor sa School of Fine Arts ng UP. Naging Direktor siyá nitó noong 1953
hanggang sa kaniyang pagreretiro bilang Professor Emeritus noong 1955. Sa panahong ito nilikha ni
Tolentino ang Oblation bilang parangal sa mga bayani ng bansa. Pigura ito ng hubad na kabataang lalaki
na nakadipa at nakatanaw sa itaas. Naging simbolo ito ng kalayaan at pananagutang pang-akademya
para sa pamayanan ng UP.

Marami pa siyáng ibang nilikhang dakilang pigura at dahil dito’y tinanggap niyá ang mga parangal na
tulad ng Rizal Pro-Patria Award (1961); Patnubay ng Sining at Kalinangan para sa Eskultura ng
Lungsod Maynila(1963). Isinilang si Tolentino noong 24 Hulyo 1890 sa Malolos, Bulacan kina Isidro
Tolentino at Balbina Estrella. Ikinasal siyá kay Paz Raymundo at nagkaroon sila ng pitong anak. Naging
kamag-aral, kaguro sa UP, kaibigang matalik at tagapagtanggol niyá si Fernando Amorsolo. Namatay si
Tolentino noong 12 Hulyo 1976 sa edad na 86.

Nicanor Abelardo (Musika)


Kilalang Pilipino sa larangan ng musika.

Kinikilála si Nicanor Abelardo (Ni- kanór Abelárdo) bílang


isa sa “Tatlong Haligi ng Musikang Filipino.” Kasama sa tatlo
sina Francisco Santiago, unang Filipinong Direktor ng UP
Konserbatoryo ng Musika, at Antonio Molina na ginawaran
ng Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong
1973.

Si Abelardo ang unang Filipinong kompositor na lumikha ng


Concerto in B Flat Minor para sa piyano at orkestra noong
1923, na gumamit ng mga temang batay sa awiting-bayan.
Higit na kilalá si Abelardo sa kaniyang mga likhang awit na
kadalasan ay siyá rin ang sumulat ng titik. Kabílang sa mga
awit sa estilong kundiman na kaniyang nilikha ang Nasaan ka
Irog? (titik: Nemesio Asistio), Kung Hindi Man, Magbalik Ka
Hirang (titik: Filomena Alcanar), Himutok, Paghanga, Sa
Libingan ng Irog (titik: Pedro Icasiano), at Kundiman ng Luha
(titik: Jose Corazon de Jesus). Ang kundiman ayon kay
Abelardo, ay “isang awit na nag- tatampok sa isang lalaking
nagmamahal na nagdedeklara ng pagkakait sa sarili upang
sundin ang nasà ng babaeng minamahal.” Ang halimbawa
naman ng mga awit na may makabayang titik na nilikha niyá
ay Ang Aking Bayan at Ultimo Adios (titik: Jose Rizal).

Lumikha rin siyá ng musika para sa mga sarsuwelang Tagalog. Kabílang dito ang Sumilang ni Basilio
Lanuza at Dakilang Punglo ni Servando de los Angeles. Ang kilaláng awit na Bituing Marikit ay nilikha
ni Abelardo para sa sarsuwelang Dakilang Punglo. Tinagurian din siyáng “Ama ng Filipinong Sonata”
para sa kaniyang mga obrang Sonata in G Major (1921), Sonata for violin and piano (1931), at Sonata
for String Quartette (1932).
Isinilang siyá sa San Miguel de Mayumo, Bulacan noong 7 Pebrero 1893. Ang bulto ng komposisyon
niyá ay nása anyo ng awit. Marahil, dahil kabataan pa siyá’y mangaawit na at piyanista. Noong 1931-
1932, nag-aral siyá bílang pensionado sa Chicago Musical College at dito’y lumikha siyá ng mga
komposisyong pang-instrumento. Nagtangka rin siyáng lumikha ng Symphony na hindi natapos dahil sa
kaniyang maagang pagkamatay noong 21 Marso 1934.

Francisco Baltazar (Panitikan)


Mas kilala bilang Francisco Balagtas. Kilala bilang magaling na manunulat. Ang Florante at
Laura ang kanyang pinakakilalang obra.

Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar


(Fran·sís·ko Ba·lag·tás Bal·ta·zár) na “Prinsipe ng
Makatang Tagalog” dahil sa kaniyang obra maestra na
Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng
mga pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng
mga Español.

Hinangaan nina Ipinanganak siyá noong 2 Abril 1788


sa Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan sa
mag-asawang Juan Balagtas at Juana Cruz. Noong batà
pa siyá, ipinadalá siyá ng kaniyang ina sa isang
malayong kamag-anak sa Tondo, Maynila, na siyáng
nagpaaral sa kaniya kapalit ng paninilbihan sa bahay.
Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at sa Colegio de
San Juan de Letran. Ayon sa ulat, na- kalista siyáng
estudyante sa Colegio de San Jose ngunit sa pangalang
“Francisco Baltazar”. Ito rin ang pangalan niya sa
dokumento ng kasal kay Juana Tiambeng noong 22
Hulyo 1842. Walang tiyak na paliwanag sa pagbabago
ng kaniyang apelyido.

Noong 1835, umibig siyá kay Maria Asuncion Rivera, anak ng mayamang angkan sa Pandacan. Si
Rivera ang pinag-alayan ni Balagtas ng tulang “Kay Celia,” ang pambungad na tula ng Florante at
Laura. Gayunman, hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa Pandacan, nakulong siyá sa isang di-malinaw
na dahilan. Lumaya siyá noong 1838, taón na sinasabing unang inilathala ang Florante at Laura.
Lumipat si Baltazar sa Udyong (ngayo’y Orion), Bataan, at doon pinakasalan si Juana Tiambeng, anak
ng isang mayamang pamilya. Nagkaroon sila ng 11 supling. Muli na naman siyáng nakulong noong
1856 kaugnay ng reklamo ng isang katulong na diumano’y ginupitan niya ng buhok sa di-malamang
dahilan. Naghirap ang pamilya ni Balagtas dahil sa kasong ito. Pinagdusahan niya ang kaniyang
sentensiya sa Balanga, Bataan, at nang sumunod, sa Tondo, Maynila. Hábang nása Tondo, mula 1857
hanggang 1860, nagsulat siyá ng maraming komedya para sa Teatro de Tondo. Nang makalaya, bumalik
siyá sa Udyong at dito niya naisulat ang marami pang tula at komedya hanggang sa mamatay siyá noong
20 Pebrero 1862.

Rafael “Paeng” Nepomuceno (Isport)


Kilala bilang magaling na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Si Rafael "Paeng" Nepomuceno ay Filipinong bowler na nasa unang hanay ng pandaigdigang
manlalaro, at maibibilang sa isa sa matatagumpay na atletang nag-ambag nang malaki upang
sumulong ang bowling sa Filipinas. Kinikilala rin siya bilang pinakamagaling na bowler sa buong
mundo nang makamit niya nang anim na ulit ang pandaigdigang kampeonato. Humamig ng
mahahalagang parangal si Paeng, at kabilang dito ang medalya ng Legion of Honor mula sa
pangulo ng Filipinas at Presidential Medal of Merit. Ginawaran din siya ng limang ulit na "Atleta
ng Taon" ng Philippine Sports Association (PSA), at pagkaraan ay nakamit ang PSA Hall of Fame.
Kikilalanin din ng Senado at Mababang Kapulungan ng Filipinas si Paeng bilang "Pinakamahusay
na Filipinong Atleta sa Anumang Panahon."

You might also like