You are on page 1of 1

ISANDAANG PISONG DIGNIDAD

Maikling Kwento ni Churchill Marie De La Luna at Dexter Guerrero


Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na si Tatay Pedro. Agad itong nagtungo sa kubeta at siniguradong
maayos ang kanyang itsura. Suot nito’y kupas na kamiseta na binili lamang sa sanglaan. Gayon rin ang suot
ng kanyang tatlong anak. Mag-isa na lang itong nagtataguyod sa pamilya dahil pagkapanganak ng asawa nito
sa bunso nila’y linagnat binawi ng diyos ng maaga. Kasabay ng tilaok ng tandang ang paglabas ni Tatay
Pedro sa kanilang maliit na tagpi-tagping bahay. Malayo pa ang lalakarin niya sapagkat ang bayan ay mahigit
na limang kilometro pa ang layo ngunit para sa kanilang kinabukasan ay sinikap niya. Sa dami ng lubak na
dinaanan, lalamunang uhaw na uhaw at tiyan na kumakalam dahil sa hindi siya nakakain ng almusal ay
nakarating na rin siya sa patutunguhan. Usok ay makikita at ang mga poste’y punong-puno ng mga papel na
may nakalagay na “For Hire”, ngunit lalo lang itong nakapagpababa ng loob ni Tatay Pedro dahil karamihan
sa mga ito’y kinakailangan nakapagtapos ng kolehiyo. Elementarya lamang ang natapos ni Tatay Pedro dahil
siya’y anak-dalita lamang. Ang tatay niya’y magsasaka at ang nanay naman niya’y natitinda ng isda sa
palengke. Pinili niyang tumulong na lamang sa kanyang mga magulang sapagkat inaakala niya noon na mas
mapapabuti kung tumulong na lamang siya, ngunit ngayo’y nakikita na niya ang resulta ng hindi pag-aaral.
Halos wala siyang maipakain sa kanyang mga anak. Ang tanging pero niya lamang ay bente pesos na galing pa
sa ipon noong bata pa lamang niya. Ito na lamang ang huling baryang natira sa alkansiya niyang kawayan.
Napapaluha na lamang siya tuwing naiisip kung ano ang ipapakain sa mga anak niya bukas. May nakita siyang
papel na pagmamay-ari ng “Reyes Company”, walang anumang kinakailangang nakalagay dito kaya’t
pinuntahan niya ito nagbabakasakaling may maiuwi sa kanyang mga anak. Mataas ang gusali na inabutan ni
Tatay Pedro. Makikita talaga na ito’y isang kilalang kompanya. Kung makakapatay lang ang tingin ay marahil
pantay na ang kanyang paa sa titig pa lamang ng guwardiya sa kanya. “Anong kailangan mo dito?” tanong
nito sa kanya. “Itatanong ko lang po yung trabahong nakalagay dito sa papel kung mayroon pa rin” halos
mangatog na sagot ni Tatay Pedro. “Siya magtungo ka sa loob at kumuha ng rehistro”. Agad naman siyang
pumasok at nagsulat sa papel. Matapos ang isang oras ay tinawag na siya at pinapasok sa isang silid na mas
malaki pa kaysa sa kanyang bahay. Ibinigay ni Tatay Pedro ang kanyang mga papels ngunit sa mukha pa
lamang ng babae sa kanyang harap ay nawawalan na siya ng pag-asa. “Hindi mo ba alam na wala kang
makukuhang trabaho sa isang kompanya kung ito lamang ang napagtapos mo?” pataray na tanong nito.
“Nagbabakasakali lang naman po” saad naman niya habang tuloy tuloy ang patak ng kanyang mga luha.
“Maawa po kayo kahit ngayong araw lang po. Wala na po kasi akong mapakain sa mga anak ko” dagdag pa
niya habang lumuluhod sa harapan ng babae. Siguro’y naawa ang babae kay Tatay Pedro kaya naman ay
binigyan niya ito ng isang daan. “Pakainin mo ang iyong mga anak gamit ang perang ito, ayokong magdusa
sila dahil sa pagpapabaya ng kanilang ama ngunit huwag ka nang babalik dito”. Puro pasasalamat lang ang
lumabas sa bibig ni Tatay at may ngiting lumabas sa gusali. Agad itong pumunta sa karinderya at bumili ng
tatlong pirasong tuyo at dalawang plastic ng kanin. Hiningi na rin niya ang ilang tira-tira at sa awa ng diyos
ay binigay. Tuwang tuwa itong umuwi sa kanilang bahay kahit ginigiling na ng tiyan niya ang sarili nito dahil
sa gutom. “Mga anak nandito na si tatay!” sabi niya. Nagpaunahan naman ang kanyang mga anak na yakapin
ang kanilang ama. Pinakita niya ang hawak niyang plastic na may lamang pagkain. “Wow tatay, tuyo!
Mapapasarap ang kain namin ngayon”. Agad naman nilang inihanda ang hapagkainan at sa plato ng mga bata
ay may tigiisang tuyo ngunit sabaw lamang ng sinigang ang pagkain ni Tatay Pedro. “Ayaw mo ba ng tuyo
tatay?” tanong ng isa niyang anak. “Busog na ako makita ko lamang na kumain kayo” nakangiting sagot nito.
Nagkibit- balikat na lamang ang mga ito at tinuon ang atensiyon sa pagkaing nasa harap nila. Matapos
kumain ay naghugas na sila at naghanda para matulog. Hinalikan ni Tatay Pedro ang bawat anak bago sila
matulog at habang pinapaypayan niya ito ay napaisip siya. “Paano na lamang bukas?”. “Ano na lamang ang
ipapakain ko sa kanila”. Paulit-ulit ang mga katagang ito habang siya’y dinalaw na ng antok. Sa panaginip
niya, siya’y walang hanggan na nagbibilang ng poste.

You might also like