You are on page 1of 4

URI NG KOMUNIDAD AT TULONG NG KOMUNIDAD

URBAN RURAL

 maraming naninirahan  maraming mga puno


 maraming malalaking gusali  bihira ang mga sasakyan
 maraming uri ng transportasyon  may mga palayan, bukid, at bundok

KABUNDUKAN KAGUBATAN KABUKIRAN BAYBAYIN


-nasa bundok -maraming puno -nasa bukid -nasa tabing-
dagat

MGA TULONG NG KOMUNIDAD


1. Tulong sa Pagkain
- Tumutulong upang magkaroon ng malinis na pagkain na mabibili sa tamang
halaga.
2. Tulong sa Kaligtasan
- Tumutulong upang magkaroon ng seguridad at mahuli ang mga masasamang
loob.
3. Tulong sa Pag-aaral
- May mga Pampublikong Paaralan upang makapag-aral ang lahat ng
kasapi ng komunidad.
4. Tulong sa Paglilibang
- May mga pampublikong parke kung saan maaaring maglibang ang mga
tao.
5. Tulong sa Pabahay
- Tumutulong upang magkaroon ng bahay sa murang halaga.
6. Tulong sa Kalusugan
- Tumutulong upang maging malusog ang mga kasapi ng komunidad.
- Nagbibigay ng libreng konsultasyon, bakuna, gamut, at seminar.
Panuto: Isulat ang U kung Pamayanang Urban ang tinutukoy sa pahayag. Isulat ang
R kung ito ay Pamayanang Rural.
________1. maraming gusali
________2. may mga bukid at palayan
________3. maraming puno
________4. maraming mga tao at mga sasakyan
________5. karaniwang sementado ang mga kalsada
________6. maraming alagang hayop tulad ng mga baka at kalabaw
________7. maraming modernong kabahayan at pamilihan
________8. sariwa ang simoy ng hangin dahil sa mga puno at halaman
________9. bibihira ang mga dumadaan na sasakyan
________10. maraming mga paaralan, pook-pasyalan, opisina, at pamilihan

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa patlang.
A. Baybayin C. Kabundukan E. Rural
B. Kabukiran D. Kagubatan F. Urban

________1. Ito ay malapit sa dagat kaya’t maraming mangingisda sa


komunidad na ito.
________2. Ang pangunahing hanapbuhay sa komunidad na ito ay ang
pagtatanim sa bundok.
________3. Sa uri ng komunidad na ito makakakita ng mga bundok, bukid,
bahay-kubo, maraming mga puno at halaman.
________4. Ang mga magsasaka ay matatagpuan sa komunidad na ito.
________5. Sa uri ng komunidad na ito matatagpuan ang mga matataas na
gusali, sementadong mga kalsada, malalaking pamilihan, at
maraming maninirahan.
Panuto: Tukuyin ang institusyon na nagpapatupad ng mga sumusunod na gawain. Piliin
ang sagot sa kahon. Isulat ang angkop na titik sa patlang.
A. Pamilihan D. Pamilya F. Paaralan
B. Pook-Libangan E. Health Center G. Pamahalaan
C. Simbahan

________1. Sila ang gumagawa at nagpapatupad ng mga batas sa komunidad.

________2. Sila ang nagtuturo ng mga kaalaman sa mga kabataan.

________3. Dito makakakuha ng mga libreng gamot at serbisyong medikal.

________4. Sila ang nangangaral ng mabuting asal at pananampalataya.

________5. Dito nabibili ang mga bagay na kailangan natin.

________6. Sila ang nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at nag-


aaruga sa atin.

________7. Sa mga lugar na ito nagkakaroon ng pagkakataong makapaglibang.


Panuto: Itiman ang  kung ito ay gawain at tungkulin ng mga kasapi ng isang
komunidad. Itiman ang  kung hindi.

  1. Nagbibigay ng mga libreng pabahay.

  2. Nagbibigay ng libreng gamut sa mga health center.

  3. Itinataas ang presyo ng mga bilihin o paninda sa pamilihan.

  4. Nagbibigay ng libreng pag-aaral.

  5. Naglalaan ng parke o lugar-pasyalan.

  6. Inililigtas ang mga tao sa sakuna.


  7. Pinangangalagaan ang kaligtasan ng mga tao.

  8. Nagbibigay ng mga kailangan.

  9. Naglalaan ng libreng sasakyan.

  10. Nagbibigay ng libreng pagkain.

Panuto: Basahin at intindihin ang mga alituntunin sa komunidad.

A. Sumunod sa mga babala at batas.


B. Maging tapat at mahalin ang komunidad.
C. Igalang ang mga lider at kasapi sa komunidad.
D. Pangalagaan ang mga pampublikong lugar at kapaligiran.

Panuto: Tukuyin kung alin sa mga alituntunin sa itaas ang sinusunod sa bawat
pangyayari. Isulat ang titik ng iyong sagot.
________1. Si Jade ay tumatawid lamang sa tamang tawiran ng tao.
________2. Si Jasper ay magiliw na bumabati sa mga kapitbahay.
________3. Nagtatanim ng mga halaman si Lola Mira.
________4. Ibinigay ni Sophia sa barangay tanod ang napulot niyang celphone
sa gilid ng kalsada.
________5. Inaantay ni Lolo Mel ang basurero tuwing Martes at Byernes.
________6. Si Papa Jasper ay hindi lumalabas ng bahay ng walang kamiseta.
________7. Nagwawalis si Ate Mai sa harap ng kanilang tindahan.
________8. Si Tita Bing ay sumusunod sa mga batas trapiko.
________9. Si Ate Ally ay hindi nagtatapon ng basura sa kalye o sa mga parke.
________10. Matiyagang nag-aantay sa pila ang mga mag-aaral na kukuha ng
kanilang mga aklat.

You might also like