You are on page 1of 25

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 45:
Seksuwalidad: Pagkilala at
Pag-unawa sa Sarili

CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 45: Seksuwalidad: Pagkilala at Pag-unawa sa Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: John Rey C. Clarion, Jezzine F. Salar
Editor: Emelinda L. Raza, PhD, Mark Lorenz C. Luib
Tagasuri: Judith E. Ecoben, Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo
Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit,
Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat
Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Eljun A. Calimpusan
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Isidro M. Biol Jr.
Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseňares
Lope C. Papeleras
Michael C. Paso
Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa:

Department of Education - Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center


J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600
Telefax No.: (085) 342-5969
Email Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 45:
Seksuwalidad: Pagkilala at
Pag-unawa sa Sarili
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

petensi. Kaya mo ito!

ii
Alamin

May mahalagang papel na ginagampanan ang seksuwalidad sa pagkakilanlan


at pakiramdam ng isang tao.
May napapansin ka bang pagbabago sa iyong sarili?
Mararahil ay mapapansin mong nagbago na ang iyong damdamin, atraksyon
pananaw at maging ang pag-uugali, iyan ay ilan lamang sa mga palatandaan na ikaw
ay nagbibinata o nagdadalaga na. Maging ang interes ng isang tao ay nagbabago
kapag tumungtong na sa ganitong yugto.
Sa pagkakataong ito, dapat ay malinaw na sa sarili ang seksuwalidad nang
sa ganoon ay ganap na matanggap, mapahahalagahan at maipahayag ang iyong
buong pagkatao sa lipunang ginagalawan. Ito ay nakatutulong sa pagpapabuti ng
kalusugang pangkaisipan at pagpapahalaga sa sarili ng isang tao tungo sa maayos
na pakikisalamuha.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa seksuwalidad. (EsP8IP-
Iva-13.1)

1
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na, “Seksuwalidad ay ang pagkakilanlan ng


isang indibidwal sa kanyang sarili na nakapokus sa kanyang bayolohikal na
pagkilala, pagsasakilos ng mga nais gawin, pagkakaroon ng kagustuhan o
pagnanasa sa kapwa at pagkilala sa gampanin ng isang tao sa lipunan.”
A. Ito ay daan upang maging ganap na tao.
B. Maari mong piliin ang iyong seksuwalidad.
C. Walang tiyak na seksuwalidad ang isang tao.
D. Ang seksuwalidad ay sumasalamin sa iyong pagkatao at pagpapakatao.

2. Alin sa sumusunod ang tumutugma sa mensahe ng pahayag na, “Isang hamon


sa bawat indibidwal ang pagbuo ng seksuwalidad at pagkatao upang maging
ganap ang pagkababae o pagkalalaki”?
A. Hindi magkatugma ang seksuwalidad at pagkatao.
B. Lalaki ay dapat lalaki lamang, at gayundin ang babae.
C. Mahalagang behikulo sa pag-unawa ng pagpapakatao ang seksuwalidad.
D. Hindi itinuturing na ganap na tao kung hindi buo ang kanyang
seksuwalidad at pagkatao.

3. Simula nang ikaw ay isilang kaugnay na ng iyong pagkatao ang pagkamit sa


kaganapan ng pagkikilala sa iyong seksuwalidad. Ano ang tinutukoy sa
pahayag?
A. kabutihan
B. kaganapan
C. kakayahan
D. kasarian

4. Ano sa mga sumusunod ang may malaking bahagi sa ating pagpapakatao?


A. pagkababae
B. pagkatao
C. pagkalalake
D. seksuwalidad

5. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na, “Ang katawan ng tao, kasama ang kanyang
itinakdang kasarian ay hindi lamang instrumento sa pagpaparami at pagtiyak
ng pagpapatuloy ng bawat salinlahi, kundi ito rin ay daan sa pagpapahayag
natin ng pagmamahal.”?
A. Ginagamit natin ang ating kasarian upang magparami.
B. Pinapalaganap natin ang pagiging maka-Diyos upang magparami.
C. Hindi ginagamit ang sekuswalidad para sa hindi kaaya-ayang gawain
kaya ito’y napapariwara.
D. Ang ating kasarian at seksuwalidad ay ating taglay upang magmahal ng
taos-puso at magpatuloy ng salinlahi.

2
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
6. Alin sa mga sumusunod na pagpapakahulugan ang tumutukoy sa pahayag na
ang seksuwalidad ay hindi lamang tumutukoy sa bayolohikal na aspekto ng
indibidwal?
A. Mahuhubog ng wasto ang kanyang pagkatao.
B. Makikilala ang seksuwalidad ng isang tao ayon sa pisikal na aspekto
nito.
C. Ang seksuwalidad ay makikilala sa pamamagitan ng kasarian at bahagi
ng tao.
D. Mayroong kalayaan at karapatang pumili ang isang indibidwal kung ano
ang ninanais niyang maging.

7. Si Tanya ay may gusto kay Ricky, dahil dito ay nagpapaganda siya araw-araw
nang sa gayon ay mapansin siya nito. Anong seksuwalidad mayroon si Tanya?
A. asexual
B. babae
C. lalake
D. bisexual

8. Alin sa sumusunod ang nakakaimpluwensiya sa seksuwalidad ng tao?


I. anatomikal III. historikal
II. bayolohikal IV. saykolohikal
A. I, II at III
B. II, III at IV
C. I, III at IV
D. I, II, III at IV

9. Alin sa mga sumusunod ang nakakaimpluwensiya sa seksuwalidad ng tao?


I. laruan at pagkain III. media
II. layunin sa buhay IV. Pagpapahalaga sa kapwa
A. I, II at III
B. I, III at IV
C. II, III at IV
D. I, II, III at IV

10. Alin sa sumusunod ang isa sa mga palatandaan ng pagbibinata o pagdadalaga?


A. umiiyak kapag inaaway
B. mas pinipiling mapag-isa
C. nakakaligtaang magbihis nang maayos
D. pagpapakita ng atraksiyon o kagustuhang makipagrelasyon sa kapwa

11. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na pagpapakahulugan sa seksuwalidad?


A. Ang seksuwalidad ay humuhubog sa kapangyarihan ng isang tao.
B. Ang seksuwalidad ay isang behikulo tungo sa lubusang pagkilala at pag-
unawa sa sarili.
C. Ang seksuwalidad ay isang lunsaran upang makilala ng tao ang
gampanin sa lipunan.
D. Ang seksuwalidad ay susi sa pag-alam sa tunay na kahulugan ng
kayamanan at kapangyarihan.

3
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
12. Anong palatandaan ang pagkakaroon ng pagbabago sa sariling damdamin,
atraksyon, pananaw at maging sa pag-uugali?
A. pagiging matanda
B. pagiging binata at dalaga
C. pagiging bata at isip bata
D. pagkakaroon ng wastong pag-iisip o maturidad

13. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaganapan ng pagkatao?


A. Nakagagawa ng desisyong kalimitang hindi pinag-iisipang mabuti.
B. Hindi ikinakahiya ang kasarian at ginagalang ang seksuwalidad ng ibang
tao.
C. Binigyang halaga ang kahulugan ng pagiging lalake at naipapakita ang
pagiging dominante nito.
D. Binibigyang halaga ang kahulugan ng pagiging babae at naipapakita na
mas nakaaangat sila sa lipunan.

14. Sa paanong paaran masasabing nakatutulong ang pagkakaroon ng malawak


na kaalaman at pag-unawa sa katuturan ng seksuwalidad?
A. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa
seksuwalidad nakatutulong upang maipagmalaki sa ibang tao ang
sariling seksuwalidad.
B. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa
seksuwalidad nakatutulong upang maging bukod tangi sa lahat ng
indibidwal at maging makapangyarihan.
C. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa
seksuwalidad nakatutulong sa pagtataguyod ng mga responsibilidad,
seksuwal na kalusugan at malaman ang tungkulin sa lipunan.
D. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa
seksuwalidad nakatutulong upang malaman na ang katuturan ng
seksuwalidad ay umiikot lamang sa bayolohikal at pisikal na aspekto ng
tao.

15. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa seksuwalidad?


A. Ang seksuwalidad ay tungkol lamang sa bahagi ng katawan.
B. Ang seksuwalidad ay hindi makikita sa paraan ng pagsasalita, pagkilos
at pananamit.
C. Ang seksuwalidad ay maaaring mahubog sa kung sino at ano ang
nakikita at nakasasama.
D. Ang seksuwalidad ay higit pa sa mga bahagi ng katawan at
kasarian.

4
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Aralin

1 Katuturan ng Seksuwalidad

“Ang enerhiyang seksuwal ng tao ay naibabaling at ginagamit sa paglinang ng


damdaming pagkamahabagin na kinakailangan para makontrol ang simbuyo ng
kalupitan.”

-Dr. Melvin Anchell

Ngayon, subukin sa Balikan ang natutunan mo sa nakaraang modyul upang


hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.
Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.

Balikan

Gawain 1: Magtala Ka!


Panuto: Magbigay ng mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita
at gawa. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.

Katapatan sa
Salita at
Gawa

5
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
RUBRIKS SA PAGPUPUNTOS NG GRAPHIC ORGANIZER

Pamantayan Mahusay Katamtaman Kailangan pang


(15 puntos) (10 puntos) magsanay
(5 puntos)

Paglatag ng Malinaw at Kakikitaan ng Hindi kakikitaan


ideya kakikitaan ng paggamit ng mga ng malinaw na
paggamit ng mga teknikal at paglatag ng ideya
teknikal at konkretong patungkol sa
konkretong konsepto ng konsepto ng
konsepto ng katapatan sa katapatan sa
katapatan sa salita at gawa salita at gawa
salita at gawa
Paggamit ng Tama at Tama at Kapansin-pansin
wika naaangkop ang naaangkop ang ang mga
gamit ng mga gamit ng mga pagkakamali sa
salita. Walang salita. paggamit ng wika
pagkakamali sa
paggamit ng wika
Pagbibigay ng Maayos at lohikal May ilang Kapansin-pansin
mensahe ang mensahe sa argumento na na hindi malinaw
graphic organizer hindi malinaw sa ang mensahe sa
patungkol sa ng mensahe sa graphic organizer
konsepto ng graphic organizer patungkol sa
katapatan sa patungkol sa konsepto ng
salita at gawa konsepto ng katapatan sa
katapatan sa salita at gawa
salita at gawa
Kabuuang Puntos = 45 puntos

Mga Tala para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa


Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain.
Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

6
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Tuklasin

Gawain 2: Pagnilayan Mo!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag na nasa kahon at pagnilayan ang
sumunod na mga gabay na tanong.

Ang seksuwalidad ay
behikulo upang Ang pagtanggap sa May kamalayan at
makikilalang ganap seksuwalidad ay isa kalayaan ang
ang pagkatao ng sa paraan upang seksuwalidad ng
isang indibidwal. Ang matamo ang ganap isang tao. Ito ay
pag-unawa sa na pag-unawa sa bunga ng pagpili o
seksuwalidad ng sarili. Ang mga pagdedesisyon na
isang tao ay hindi pisikal na nag-uugat mula sa
lamang makikilala kakanyahan ng pagmamamahal.
ayon sa bayolohikal o isang tao ay patuloy
pisikal na na lumalaki at
kakanyahan nito, nagiging ganap.
bagkus ay maaari rin Kasabay ng
itong masukat ayon pagbabagong ito ang
sa kanyang gampanin kamalayang mag-
sa Pamilya at isip ng tama at
lipunan. mabuti,
makapagdesisyon at
pumili.

Gabay na tanong: Gabay na tanong:

Paano masasabing ang Ano ang nais


seksuwalidad ay ipahiwatig ng
Gabay na tanong:
nakatutulong sa pag- pangungusap?
Bakit sinasabing ang unawa sa sarili?
seksuwalidad ay may
malaking bahagi sa
pagiging ganap ng tao?

1 2 3

7
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Suriin

Nasagutan mo ba ang mga katanungan sa bahaging Tuklasin? Ano ba ang


naging pangunahing ideya sa tatlong pangungusap? Kung ang sagot mo ay
Seksuwalidad, binabati kita kaibigan dahil tama ang iyong kasagutan.

Ang seksuwalidad ay isang behikulo tungo sa lubusang pagkilala at pag-


unawa sa sarili o true self. Ito din ay ang pag-unawang panlipunan na nagbibigay
pagkilala sa kaibahan ng lalaki at babae, batay sa bayolohikal na kasarian ngunit
kasama rin dito ang tungkulin ng indibidwal ayon sa pamantayan ng lipunan at
kultura.

“Ayon sa kasalukuyang pang-agham na pag-aaral, ang indibidwal ay may


karaniwang kamalayan sa kanilang oryentasyong sekswal sa pagitan ng gitnang
pagkabata at maagang pagbibinata o pagdadalaga.” (American Psychological
Association 2008)

Ang seksuwalidad ay may malaking gampanin sa ating pagkatao, naipapakita


kung paano kinikilala, pinakitutunguhan ang sarili at kung paano tumugon sa iba
upang maging handa sa anumang hamong panseksuwalidad na kahaharapin. Ang
pag-alam sa seksuwalidad ng isang tao ay makatutulong upang mapalaganap ang
kamalayang pansarili. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin ang pansariling
kahinaan ayt kalakasan.

Ang seksuwalidad ay nagkakaroon ng manipestasyon sa ating pagkatao


habang nagdadalaga o nagbibinata Halimbawa, ipinagmamalaki nila ang kanilang
kasarian at hindi ito ikinakahiya, nagagampanan nila ang kanilang tungkulin nang
may pagmamahal at iginagalang ang kasarian ng iba. Sa ganang ito naipapakita
natin ang ating pagpapakatao sa iba.

Sinasabi ring ang seksuwalidad ay hindi direktang nagpapalala o nagpapabuti


sa ating buhay bagkus ang mga hamong panseksuwalidad ang siyang nagpapaunlad
at nagpapatatag sa ating katauhan bilang sekswal na nilalang. Ang kaalamang
panseksuwalidad ay mahalaga upang magkaroon ng responsable, ligtas at
makapagbigay-kasiyahan sa seksuwal na buhay. Ito ay nangangailangan ng
positibong pag-unawa sa mga aspektong may kinalaman sa seksuwalidad para
mahubog ang pag-uugaling seksuwal ng tao.

Ayon sa ginawang pag-aaral ng World Health Organization (WHO), ang


seksuwalidad ay isang sentral na aspekto ng pagiging tao na sumasaklaw sa
kasarian, pagkakakilanlan at mga gampanin, oryentasyong panseksuwal at
pagpapalagayang-loob. Ang seksuwalidad ay naiimpluwensiyahan ng pakikipag-
ugnayang bayolohikal, sikolohikal, panlipunan, pang-ekonomiya, pampulitika,
kultural, etikal, ligal at ispiritwal na mga kadahilanan.

8
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Halimbawa, bilang isang babae, ikaw ay maaring maging ina, ate, lola o tiya;
sa lalaki naman, puwedeng ama, kuya, lolo o tiyo. Bagaman ang pagiging lalaki o
babae ay likas mula pa noong ipinanganak ang isang tao, mayroon pa ring kalayaan
at karapatang pumili ang isang indibidwal kung ano ang ninanais niyang maging.
Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang, ang pagpapakalalaki at
pagpapakababae ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na
gagampanan buong buhay.
Dagdag pa, ang katawan ng tao, kasama ang kanyang bayolohikal na kasarian
ay instrumento sa pagpapahayag ng pagmamahal, pagpaparami at pagtiyak ng
pagpapatuloy ng bawat salinlahi.
Anuman ang itinakdang kasarian o ninanais mong maging, laging tandaan
na mahalagang kilalanin muna ang sarili at mahalin ang iyong pagkatao upang ikaw
ay maging isang kapakipakinabang na mamamayan sa lipunan.
Narito ang ilang bagay na kasama kapag pinag-uusapan ang seksuwalidad;
• Ang seksuwalidad ay higit pa sa mga bahagi ng katawan at kasarian.
• Kasama sa seksuwalidad ang ating pagkakakilanlan sa kasarian (babae,
lalake, pareho o wala o nasa pagitan ng dalawa)
• Karugtung ng seksuwalidad ang papel ng kasarian (ang ideya kung paano
dapat kumilos na naaayon sa pagkakilanlan sa kasarian)
• Kaakibat ng usaping seksuwalidad ay ang konseptong oryentasyong sekswal
(heterosexual, homosexual, bisexual, asexual at iba pa.)
• Ang seksuwalidad ay tumutukoy rin sa nararamdaman ng tao sa kanyang
katawan na maaaring magkaroon ng malalim na epekto sa paglinang ng
kakayahan tungo sa maayos at matatag na pakikipagrelasyon.
• Kasama sa seksuwalidad ang sekswal na karanasan, kaisipan, ideya at
pantasya.
• Ang ating seksuwalidad ay nahuhubog sa kung sino at ano ang nakikita at
nakakasama (pamilya, kaibigan, relihiyon, media, edad, layunin sa buhay
at mga pagpapahalaga).
• Ang seksuwalidad ay maaaring makikita sa paraan ng pagsasalita, pagkilos
at pananamit.
• Ang seksuwalidad ay naiimpluwensiyahan ng pakiki-ugnayang bayolohikal,
saykolohikal, sosyal, ekonomikal, politikal, kultural, legal, historikal at
ispiritwal na salik ng pagkatao.

Sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa seksuwalidad ay naiintindihan din


ng mga mag-aaral ang tungkol sa mga impluwensya sa lipunan at kulturang
bumubuo sa paraan ng pagtingin ng lipunan sa kasarian at seksuwalidad.
Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa katuturan ng
seksuwalidad ay nakatutulong sa pagtataguyod ng mga responsibilidad at seksuwal
na kalusugan. Ang seksuwalidad ay magkakaiba kung kaya nararapat na maglaan
ng oras upang unawain at alamin ang seksuwalidad na angkop sa nararamdaman
at iniisip ng tao. Maaari ding ito ay magbago sa paglipas ng panahon kaya
pakatandaan na sa seksuwalidad ay walang tama o mali, ito ay tungkol sa kung ano
ang akma para sa iyo upang mas maging kapakipakinabang na nakikibahagi sa ating
lipunan. Kung ikaw man ay nakararanas ng diskriminasyon sa seksuwalidad
maiging tingnan mo ito sa positibong paraan tungo sa kaunlaran ng sarili at
nakararami.

9
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Pagyamanin

Gawain 2: Iugnay Mo!


Panuto: Pag-ugnayin ang mga konseptong may kinalaman sa usaping seksuwalidad.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Maaring maging isang ina, A. Kasarian


ate at lola.

2. Pwedeng maging isang B. Lalaki


ama, tiyo, at lolo.

3. Nagbabago ang kaanyuan C. Seksuwalidad


sa sarili.

4. Behikulo kung ano ang D. Anyong Pisikal


ninanais ng isang tao.

5. Dito nalalaman ang iyong E. Babae


unang pagkatao noong
ika’y ipinapanganak pa
lamang.

Gawain 3: Kilalanin Mo!


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang kasariang
ipinapahiwatig sa pahayag. Piliin lamang sa loob ng kahon ang iyong sagot
at isulat sa sagutang papel.

Pagkababae Pagkalalaki Anumang kasarian

1. Nagkagusto ako kay Daniel dahil sa sobrang bait niya. Kailangan kong magkilos
babae dahil ako’y nagdadalaga na at para mapansin niya.

2. Pagkatapos magsimba ay didiretso ako sa gym ng aming barangay para


makipaglaro ng basketball.

10
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
3. Tanggap ko sa sarili ko kung sino ako, dahil dito mas nagiging malikhain at
nagagawa ko ang mga bagay na nagbibigay sa akin ng kasiyahan. Nagagampanan
ko ang mga tungkulin sa lipunan dahil naniniwala ako na ang bawat isa ay may
pantay na karapatan sa lipunang kanyang ginagalawan.

4. Kailangan kong alagaan ang aking sarili upang kaaya-ayang tingnan at kagalang-
galang sa ibang tao.

5. Nagpakatotoo ako sa aking sarili at tinanggap ko ang aking buong pagkatao.

Gawain 4: Magsulat Ka!


Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa pagkakaroon ng tamang pananaw
hinggil sa seksuwalidad ng tao. Gawing pamantayan sa pagbuo ang rubric.
Isulat ito sa hiwalay na sagutang papel.

Rubric sa Pagsulat ng Sanaysay

Krayterya Napakahusay Mahusay Di-gaanong Kailangan


20 puntos 15 puntos Mahusay pa ng
10 puntos Kasanayan
5 puntos
Nilalaman Napakamakahulug Makahulugan Bahagya ang Mababaw
an at at katuturan sa at literal
makabuluhan ang makabuluhan pagkakalahad ang
pagkakalahad ng ang ng mensahe mensahe
mensahe sa pagkakalahad sa sanaysay sa
sanaysay ng mensahe sanaysay
sa sanaysay
Organisasyo Nakapalinaw at Malinaw at Hindi gaanong Hindi
n ng mga napakahusay ng mahusay ang malinaw at malinaw at
kaisipan pagkakabuo ng pagkakabuo mahusay ang mahusay
mga argumento. ng mga pagkakabuo ang
argumento. ng mga pagkakabu
argumento. o ng mga
argumento
.
Hikayat at Mahusay at Mahusay ang Hindi gaanong Hindi
wastong nakahihikayat ang mga salitang nakapang- nakapang-
gamit ng mga ginamit/wika hihikayat ang hihikayat
wika salitang/wikang ng sa mga ang mga
ginamit sa sanaysay. salitang/wika salitang /
sanaysay. ng ginamit sa
wikang
sanaysay.
ginamit sa
sanaysay.
Kabuuang puntos = 60 puntos

11
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Isaisip

Gawain 5: Buohin Mo!


Panuto: Bago punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang diwa o
konsepto ng talata, subukang sagutin ang gabay na tanong. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

Gabay na tanong:

1. Ano ang tungkuling ginagampanan ng seksuwalidad sa pagiging ganap ng tao?


2. Paano maipapakita ang pagpapahalaga at pagrespeto sa seksuwalidad ng
kapuwa?

A. akma Ang pagkakaroon ng malawak na (1) _______ at (2)


B. iniisip _______ sa katuturan ng seksuwalidad ay nakatutulong
C. kaalaman sa pagtataguyod ng mga (3) _______ at sekswal na
D. nararamdaman kalusugan. Ang (4) _______ ay magkakaiba kung kaya
E. oras nararapat na maglaan ng (5) _______ upang unawain at
F. pag-unawa alamin ang seksuwalidad na angkop sa (6) _______ at (7)
G. responsibilidad _______ ng tao. Maaari ding ito ay (8) _______ sa paglipas
H. seksuwalidad ng panahon kaya (9) _______ na sa seksuwalidad ay
I. magbago walang tama o mali, ito ay tungkol sa kung ano ang (10)
J. pakatandaan _______ para sa iyo.

12
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Isagawa

Gawain 6: Obserbasyon Ko!


Panuto: Sumulat ng isang Journal gamit ang iyong mga obserbasyon sa loob ng
tahanan o pamilya na tungkol sa pag-unawa sa isyung panseksuwalidad.
Gawing hanguan ang gabay na tanong sa pagsusulat ng iyong Journal.

Gabay na tanong

• Ano ang mga aspektong nakaiimpluwensiya sa seksuwalidad ng isang


indibidwal?

My Journal

13
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
RUBRIKS SA PAGPUPUNTOS NG JOURNAL
Pamantayan Mahusay Katamtaman Kailangan pang
(15 puntos) (10 puntos) magsanay
(5 puntos)

Paglatag ng Malinaw at Kakikitaan ng Hindi kakikitaan


kaisipan at makabuluhan ang makabuluhang ng makabuluhang
obserbasyon mga kaisipang at kaisipan ang kaisipan ang
obserbasyong journal. journal.
nailatag sa
journal.
Paggamit ng Tama at Tama at Kapansin-pansin
wika naaangkop ang naaangkop ang ang mga
gamit ng mga gamit ng mga pagkakamali sa
salita. Walang salita. May ilang paggamit ng wika
pagkakamali sa pagkakamali sa
paggamit ng wika salitang ginamit.
Pagkakaunawa Naipapaliwanag Naipapaliwanag Kapansin-pansin
sa konsepto ng maayos ang ang ilang punto at na hindi
bawat punto at obserbasyon sa naipaliwanag ang
obserbasyon sa isinulat na mga punto at
isinulat na journal. obserbasyon sa
journal. isinulat na
journal.

Kabuuang Puntos = 45 puntos

14
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang isa sa mga palatandaan ng pagbibinata o pagdadalaga?


A. umiiyak kapag inaaway
B. mas pinipiling mapag-isa
C. nakakaligtaang magbihis nan g maayos
D. pagpapakita ng atraksiyon o kagustuhang makipagrelasyon sa kapwa

2. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na pagpapakahulugan sa seksuwalidad?


A. Ang seksuwalidad ay humuhubog sa kapangyarihan ng isang tao.
B. Ang seksuwalidad ay isang behikulo tungo sa lubusang pagkilala at pag-
unawa sa sarili.
C. Ang seksuwalidad ay isang lunsaran upang makilala ng tao ang
gampanin sa lipunan.
D. Ang seksuwalidad ay susi sa pag-alam sa tunay na kahulugan ng
kayamanan at kapangyarihan.

3. Anong palatandaan ang pagkakaroon ng pagbabago sa sariling damdamin,


atraksyon, pananaw at maging sa pag-uugali?
A. pagiging matanda
B. pagiging binata at dalaga
C. pagiging bata at isip bata
D. pagkakaroon ng wastong pag-iisip o maturidad

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaganapan ng pagkatao?


A. Nakagagawa ng desisyong kalimitang hindi pinag-iisipang mabuti.
B. Hindi ikinakahiya ang kasarian at ginagalang ang seksuwalidad ng ibang
tao.
C. Binigyang halaga ang kahulugan ng pagiging lalake at naipapakita ang
pagiging dominante nito.
D. Binibigyang halaga ang kahulugan ng pagiging babae at naipapakita na
mas nakaaangat sila sa lipunan.

5. Sa paanong paaran masasabing nakatutulong ang pagkakaroon ng malawak


na kaalaman at pag-unawa sa katuturan ng seksuwalidad?
A. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa
seksuwalidad nakatutulong upang maipagmalaki sa ibang tao ang
sariling seksuwalidad.
B. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa
seksuwalidad nakatutulong upang maging bukod tangi sa lahat ng
indibidwal at maging makapangyarihan.
C. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa
seksuwalidad nakatutulong sa pagtataguyod ng mga responsibilidad,
seksuwal na kalusugan at malaman ang tungkulin sa lipunan.

15
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
D. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at pag-unawa sa
seksuwalidad nakatutulong upang malaman na ang katuturan ng
seksuwalidad ay umiikot lamang sa bayolohikal at pisikal na aspekto ng
tao.

6. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa seksuwalidad?


A. Ang seksuwalidad ay tungkol lamang sa bahagi ng katawan.
B. Ang seksuwalidad ay hindi makikita sa paraan ng pagsasalita, pagkilos
at pananamit.
C. Ang seksuwalidad ay maaaring mahubog sa kung sino at ano ang
nakikita at nakasasama.
D. Ang seksuwalidad ay higit pa sa mga bahagi ng katawan at
kasarian.

7. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na, “Seksuwalidad ay ang pagkakilanlan ng


isang indibidwal sa kanyang sarili na nakapokus sa kanyang bayolohikal na
pagkilala, pagsasakilos ng mga nais gawin, pagkakaroon ng kagustuhan o
pagnanasa sa kapwa at pagkilala sa gampanin ng isang tao sa lipunan.”
A. Ito ay daan upang maging ganap na tao.
B. Maari mong piliin ang iyong seksuwalidad.
C. Walang tiyak na seksuwalidad ang isang tao.
D. Ang seksuwalidad ay sumasalamin sa iyong pagkatao at pagpapakatao.

8. Alin sa sumusunod ang tumutugma sa mensahe ng pahayag na, “Isang hamon


sa bawat indibidwal ang pagbuo ng seksuwalidad at pagkatao upang maging
ganap ang pagkababae o pagkalalaki”?
A. Hindi magkatugma ang seksuwalidad at pagkatao.
B. Lalaki ay dapat lalaki lamang, at gayundin ang babae.
C. Mahalagang behikulo sa pag-unawa ng pagpapakatao ang seksuwalidad.
D. Hindi itinuturing na ganap na tao kung hindi buo ang kanyang
seksuwalidad at pagkatao.

9. Simula nang ikaw ay isilang kaugnay na ng iyong pagkatao ang pagkamit sa


kaganapan ng pagkikilala sa iyong seksuwalidad. Ano ang tinutukoy sa
pahayag?
A. kabutihan
B. kaganapan
C. kakayahan
D. kasarian

10. Ano sa mga sumusunod ang may malaking bahagi sa ating pagpapakatao?
A. pagkababae
B. pagkatao
C. pagkalalake
D. seksuwalidad

16
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
11. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na, “Ang katawan ng tao, kasama ang kanyang
itinakdang kasarian ay hindi lamang instrumento sa pagpaparami at pagtiyak
ng pagpapatuloy ng bawat salinlahi, kundi ito rin ay daan sa pagpapahayag
natin ng pagmamahal.”?
A. Ginagamit natin ang ating kasarian upang magparami.
B. Pinapalaganap natin ang pagiging maka-Diyos upang magparami.
C. Hindi ginagamit ang seksuwalidad para sa hindi kaaya-ayang gawain
kaya ito’y napapariwara.
D. Ang ating kasarian at seksuwalidad ay ating taglay upang magmahal ng
taos-puso at magpatuloy ng salinlahi.

12. Alin sa mga sumusunod na pagpapakahulugan ang tumutukoy sa pahayag na


ang seksuwalidad ay hindi lamang tumutukoy sa bayolohikal na aspekto ng
indibidwal?
A. Mahuhubog ng wasto ang kanyang pagkatao.
B. Makikilala ang seksuwalidad ng isang tao ayon sa pisikal na aspekto
nito.
C. Ang seksuwalidad ay makikilala sa pamamagitan ng kasarian at bahagi
ng tao.
D. Mayroong kalayaan at karapatang pumili ang isang indibidwal kung ano
ang ninanais niyang maging.

13. Si Tanya ay may gusto kay Ricky, dahil dito ay nagpapaganda siya araw-araw
nang sa gayon ay mapansin siya nito. Anong seksuwalidad mayroon si Tanya?
A. asexual
B. babae
C. lalake
D. bisexual

14. Alin sa sumusunod ang nakakaimpluwensiya sa seksuwalidad ng tao?


I. anatomikal III. historikal
II. bayolohikal IV. saykolohikal
A. I, II at III
B. II, III at IV
C. I, III at IV
D. I, II, III at IV

15. Alin sa mga sumusunod ang nakakaimpluwensiya sa seksuwalidad ng tao?


I. laruan at pagkain III. media
II. layunin sa buhay IV. Pagpapahalaga sa kapwa
A. I, II at III
B. I, III at IV
C. II, III at IV
D. I, II, III at IV

17
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Karagdagang Gawain

Gawain 7: Magsulat ng Obserbasyon!


Panuto: Sumulat ng isang pansariling obserbasyon tungkol sa mga napapansing
pagbabago sa iyong sarili. Punan ang tsart sa inyong sagutang papel.

Mga Pagbabago sa Aking Sarili

Aspektong Pisikal

Aspektong Emosyonal

Aspektong Pag-uugali

RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT


Pamantayan Napakahusay Katamtaman Kailangan pa ng
(15 puntos) (9 puntos) kasanayan
(6 puntos)
Kaalaman Mahusay at Maayos na Kulang at hindi
(Pag-unawa sa napakalalim na nailalahad ang mga maayos na
impormasyon at nailalahad ang impormasyon at nailalahad ang mga
mga ideya) mga impormasyon obserbasyon. impormasyon at
at obserbasyon. obserbasyon.

Wika at Estilo Malinaw at Hindi gaanong Hindi malinaw na


mahusay na malinaw na naipapakita ang
naipapakita ang naipapakita ang kahulugan at
kahulugan at kahulugan at hangarin ng
hangarin ng hangarin ng obserbasyon. Hindi
obserbasyon na obserbasyon. May angkop ang wikang
gumagamit ng iilang wikang ginamit.
mga angkop na ginamit na hindi
salita. angkop.
Makatotohanan Makatotohanan at Makabuluhan Hindi
at makabuluhang ngunit hindi makatotohanan at
makabuluhan naipapakita ang masyadong makabuluhang
mga pagbabago sa makatotohan ang naipakitang
sarili. obserbasyon. obserbasyon
Kabuuang puntos = 45 puntos

18
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
19
Tayahin
1. D
2. B
3. D
4. B
5. C
6. D
7. D
8. C
9. D
10. D
11. D
12. D
13. B
14. D
15. D
Isaisip Pagyamanin Subukin
Gawain 5 Gawain 2: Iugnay mo! 1. D
2. C
1. C 1. E 3. D
2. F 2. B 4. D
3. G 3. D 5. D
4. H 4. C 6. D
5. E 5. A 7. B
6. D 8. D
7. B 9. D
8. I Gawain 3 10. D
9. J 11. B
10. A 1 – 5. Ang lahat ng options ay
12. D
posibleng maging tamang sagot 13. B
sa lahat ng aytem. 14. C
15. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-
aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.

Hanguang Elektroniko
Robles, Patricia Diane. innerself.com. January 1, 1997.
http://tl.innerself.com/content/personal/relationships/couples/sexuality/5132-
make-peace-with-your-sexuality.html (accessed May 22, 2020).

Abrams, Mere. healthline.com. December 10, 2019.


https://www.healthline.com/health/different-types-of-sexuality (accessed May 22,
2020).

Molina, Ludwin. California State University,Northridge. 1999.


http://www.csun.edu/~vcpsy00h/students/sexual.htm (accessed May 22, 2020).

American Psychological Association & National Association of School Psychologists.


(2015)
https://www.apa.org/pi/lgbt/resources/sexuality-definitions.pdf (accesed March
28, 2021)

Defining sexual health: report of a technical consultation on sexual health, 28–31


January 2002, Geneva
https://www.who.int/reproductivehealth/publications/sexual_health/defining_sex
ual_health.pdf (accesed March 28, 2021)

20
CO_Q3_EsP 8_ Module 45
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like