Professional Documents
Culture Documents
Perhaps the most accomplished and most admired screenwriter in the country, Ricardo
“Ricky” Lee, at 72, finally got to wear a graduation toga in a commencement exercise at
the Philippine International Convention Center, Wednesday. The Polytechnic University
of the Philippines awarded Lee with a Doctorate in Humanities Honoris Causa. “Akala
ko di na ako gagraduate. Ilang dekada ko rin itong hinintay,” the writer said in the
beginning of his speech in front of a crowd of around 3,000. “Masasabi ko na
ngayong graduate na ako. Nakatoga pa.”
While it was at the University of the Philippines Diliman that he began his college
studies—he never completed it because Martial Law was declared and he went
underground full-time— Lee considers PUP his second alma mater. For many years, he
wasn’t able to fulfill his childhood dream of being a teacher because he didn’t have a
degree. This frustration, however, would urge him to hold his free scriptwriting
workshops which have trained many screenwriters since 1982.
At the ceremonies, he was joined by people closest to him, among them his son Kiko;
his best friends Chanda Romero and director Rahyan Carlos; and his assistants Jerry
and Ram. He acknowledged them in a moving speech that detailed his many
challenges when he was still a working student in Manila, a poor bagong salta from
Bicol. Before joining the movies (one of the early screenplays he wrote was Jaguar, a
collab with Jose “Pete” Lacaba”), Lee was a waiter in a pizza parlor, a salesman, an
accounting clerk, “at kung ano-ano pa.” There was a time, he says, when he was so
poor, he would black out from hunger. From these hardships, he was able to handle the
complications of success.
“Maraming mga okasyong gaya noon na bumabagsak ako. Iyon bang parang madilim
at wala nang pag-asa ang lahat,” he said in his speech. “Iniisip ko lang ang kulang na
silya sa apartment at lumalakas na uli ang loob ko, nakakabangon uli ako.”
Lee gladly shared the transcript of his full speech to us and we couldn’t be happier to
share it with you.
GRADUATION SPEECH OF RICKY LEE, MAY 8, 2019
Mahalaga sa akin ang edukasyon. Noong grumaduate ako ng high school sa Daet sa
Bicol, lumayas ako sa mga nag-ampon sa akin dahil hindi nila ako kayang pag-aralin sa
college dito sa Maynila.
Bata pa pangarap ko nang makapagturo. Pero hindi puwede dahil wala akong degree.
Kaya nagpa-workshop ako sa bahay ko nang libre mula noong 1982. Tapos sinubukan
kong mag-apply sa UP sa Filipino Department dahil naisip ko, total ginagamit naman
nila ang short stories ko sa kanilang mga subject…
Noong 1986, kinuha ako ng Ateneo maski wala akong degree. Di nagtagal ay sumunod
ang UP Mascom Department. Noong huli ay kinuha na rin ako ng Filipino Department
sa UP.
Kaya mahalagang mahalaga sa akin ang karangalang ito na ibinibigay sa akin ng PUP.
Walang katapusan ang aking pasasalamat.
Kung noon ako grumaduate sa halip na ngayon, ano ang maipapayo ko sa sarili ko
bilang isang bagong graduate na haharap na sa mundo? Tatlong bagay.
Nang lumayas ako sa Daet noon at sumakay ng bus papuntang Maynila, may kasama
akong apat na kaklaseng puro mahihirap din. Hindi namin alam kung saan kami titira,
kung ano ang magiging trabaho namin, kung ano ang naghihintay na kapalaran sa
amin. Ang alam lang namin, punung-puno kami ng mga pangarap.
Di nagtagal nagtrabaho sa pabrika ng payong ang tatlo sa amin. Kami naman ng isa ko
pang kasama ay naging waiter sa isang pizza parlor sa Pasay. Umarkila kami ng maliit
na apartment. Aapat lang ang silya namin kaya kapag kumakain kami ay laging may
isang nakatayo.
Working student ako all throughout college. Nag-salesman ako, accounting clerk, tutor,
student assistant, proofreader at kung anu-ano pa. Tinanggap ko na, na sa buhay na ito
ay laging hindi kompleto ang silya. Hindi nakaabang ang mundo para ibigay sa'yo ang
lahat ng kailangan mo. Hindi ka entitled. You have to be resourceful. You have to work
hard. Kailangan mong pagtrabahuhan ang kulang na silya.
May panahon noon na buong araw akong nagtatrabaho sa isang factory sa Del Monte,
tapos mag-aaral ako sa gabi sa Lyceum. Para makapagtipid ay hindi ako kumakain ng
hapunan, at bandang mga alas nuwebe ng gabi ay nilalakad ko lang pauwi mulang
Lyceum hanggang Aranque kung saan nakikitira ako doon sa mag-asawang Bikolano.
Minsan ay hinimatay ako sa gutom sa Avenida. Mga five minutes siguro akong nag-
black out bago ako nagkamalay.
Maraming mga okasyong gaya noon na bumabagsak ako. Iyon bang parang madilim at
wala nang pag-asa ang lahat. Iniisip ko lang ang kulang na silya sa apartment at
lumalakas na uli ang loob ko, nakakabangon uli ako.
Ikalawang payo ko, hindi ka kailangang maging perpekto.
ka, pupunahin, ikukumpara lagi sa iba pa. Mag-eexpect sila ng kung ano-ano mula
sa'yo, na karamihan naman ay hindi na reasonable. Kung anu-ano ang gagawin sa'yo
ng mundo upang ipakita lagi sa'yo na you don't measure up, kulang ka.
Hayaan mo sila. Just keep working hard. Ipaglaban mo ang mga pangarap mo.
Hindi baleng mabigo ka na ipinaglalaban ang mga pangarap mo, kesa nabigo ka nang
hindi man lamang dahil sa mga ito.
At kahit mabigo ka, huwag kang mag-alala. Hindi iyan ang sukatan ng worth mo bilang
tao. Hindi mo kailangang maging perpekto. Hindi mo kailangang labanan ang sarili mo,
o pantayan ang iba. You are never worthless. Just be yourself. Langoy lang nang
langoy, lipad lang. Bawat graduation ay pag-iwan kaya lumayas ka, putulin mo ang tali,
iwanan mo ang nakagawian, pumalaot ka. Huwag kang matakot magkamali. Di baleng
malunod. Di baleng mahulog. Kapag bumagsak ka, doon mo mas mahahanap ang sarili
mo. Sa paulit-ulit na pagkabigo ay mas matututo ka. Para kang sinusulat na nobela na
kailangang paulit-ulit na i-revise. Hanggang sa kuminang.
Bata pa ay may inferiority complex na ako. Maaga akong naulila, sakitin, clumsy at
makakalimutin, walang sense of direction. Kanina nga nang papunta kami dito nina
Chanda (Romero), tapos ang dami-dami kong nakitang graduates—ngayon lang ako
nakakita ng ganito kadaming graduates, ang gulu-gulo ng sitwasyon—sabi ko sa
assistant kong si Jerry, siguraduhin n'yo 'yung papasukan nating hall, baka mamaya
mag-speech ako sa maling graduation. At ang sagot ni Chanda do'n, ‘Oo nga, Ricky, I
won't be surprised kung gawin mo 'yun!’ Kasi up to now I make that mistake. I enter the
wrong car.
So may inferiority complex ako bata pa. Weird ang tingin nila sa akin. Lagi kong
ikinukumpara ang sarili sa iba. Ba't ang dami nilang nagagawa na hindi ko magawa?
Ano ang kulang sa akin?
Lumaki akong laging gano'n. Kaya ang ginawa ko nagsikap ako. Nag-aral akong mabuti
para maging First honor ako mula Grade 1 hanggang Fourth Year. Sa UP rin university
scholar ako maski di ako nakatapos. Nag-aral talaga akong mabuti para labanan ang
inferiority complex ko.
Later on ko na lang natutunan, na kung saan ka mahina, kung anuman ang mga
depekto mo, balang araw iyon din ang magiging strength mo. Kasi ang strength, kapag
nanggaling sa depekto, mas matibay. Dahil nakita mo ang ibaba, mas naiintindihan mo
ang itaas. Dahil nanggaling ka sa dilim, mas natatanggap mo na ang buhay ay hindi
puro liwanag.
Kung nasaan man ako ngayon, kung anumang tagumpay ang meron ako ngayon,
matatag ang kinatatayuan ko kasi nakatuntong ako sa isang bundok ng mga
pagkakamali at mga pagkabigo.
Ikatlo at huling maipapayo ko, makisangkot ka. Ang buhay na hindi inilaan sa
kapakanan ng iba ay parang lantang gulay o bilasang isda na walang nakinabang.
Huwag kang kuripot. Ibigay mo ang buhay mo sa iba, maski na paminsan-minsan lang.
'Yang hawak mong diploma, para 'yan sa iba, hindi 'yan para sa'yo.
Isa sa pinakamakulay at pinakamahalagang bahagi ng buhay ko ay nang maging
aktibista ako noong panahon ng Martial Law. Lahat ng mga personal na ambisyon ay
kinalimutan ko. Ang buong buhay ko ay inilaan ko na para sa iba, para sa bayan.
Nakulong ako nang isang taon sa Fort Bonifacio. Minsan sa gabi ay naiisip ko pa rin,
paano na ang mga pangarap ko? Hindi na ba matutupad?
But in the end I realized it was all worth it. Dahil wala nang sasarap pa kaysa sa
pakiramdam na hindi lahat ng ginawa mo ay para sa sarili mo lang.
Lagi nila akong tinatanong. Ba't ka nagbibigay ng libreng workshops mula pa noong
1982? Napakahirap at madalas ay napapabayaan ko ang mga personal kong projects
tuwing nagpapa-workshop ako. Pero hindi lang ang mga workshopper ko ang natututo,
natututo rin ako. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila at sa paunti-unti nilang pag-unlad ay
umuunlad din ako.
Naniniwala kasi ako na kapag nagbigay ka nang walang hinihintay na kapalit, ngingiti
sa'yo ang mundo, ibabalik sa'yo ang ibinigay mo sa mga paraang hindi mo inaasahan.
Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n'yo sa akin. Di ko alam kung anong nagawa
kong kabutihan sa PUP para ibigay ninyo sa akin ito. Di ko alam kung paano kayo
pasasalamatan.
Di ko rin alam kung paano pasasalamatan lahat ang napakaraming taong tumulong sa
akin, mula doon sa matandang librarian sa Daet na lagi akong pinapahiram ng libro
maski nag-iimbentaryo sila o bumabagyo, hanggang sa mga teacher ko sa high school
na inihatid pa kami ng mga kaklase ko nang lumayas kami sa Bikol papuntang Maynila,
hanggang sa mga kaibigan ko at katrabaho at workshoppers at pamilya na laging
tumutulong sa akin. Maraming salamat sa kanila. At sa inyo ring mga graduates,
maraming maraming salamat.
Congratulations!
Source: https://news.abs-cbn.com/ancx/culture/spotlight/05/09/19/ricky-lees-graduation-speech