You are on page 1of 6

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga

HINDI IPINAGBIBILI

11
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Kuwarter 1
Linggo 3 (MELC 3.0-3.1)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Elizabeth Gernale at Judilyn Sioco


Culianan National High School
Komunikasyon
ASIGNATURA at Pananaliksik
sa Wika at MARKAHAN 1 LINGGO 3 ARAW ___________________________
AT BAITANG Kulturang dd/mm/yyyy
Pilipino

CODE F11PT – Ic - 86
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya(facebook, google, at iba pa)
KASANAYANG sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika; at
PAMPAGKATUTO
Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.
PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Maghanda ng iyong
Saling sagutang papel.

ARALIN NATIN
Layunin: Nakikilala ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.
Paksa: Pagkilala sa gamit ng wika sa lipunan
(Lunsaran)

Basahin ang teskto. Subuking kilalanin ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

Ang pinakadiwa ng wika ay ang lipunan. Sinasabing ang lipunan ay ang malaking pangkat ng
mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, idea, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at
itinuturing ang mga sarili bilang isang unit. Sa kabilang banda naman, ang wika, pasalita man o
pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito ay upang makipag-ugnayan
o makipagkomunikasyon sa bawat isa

Ngunit ano nga ba ang sinasabi nating komunikatibong gamit ng wika? Ayon kay M.A.K
Halliday ay may pitong tungkulin ang wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the
Functions of Language (Explorations in Language Study) (1973). Ang pitong tungkulin ng wikang
inisa-isa ni M.A.K Halliday ay ang sumusunod:

INSTRUMENTAL - Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao


gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.

REGULATORYO/ REGULATORI - Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa


pag-uugali o asal ng ibang tao. Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
INTERAKSYUNAL – nakikita sa paraang ito ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;
pakikipagbiruan; pagkukwento ng malungkot/masayang pangyayari;
paggawa ng liham pangkaibigan.

PERSONAL - Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa


paksang pinag-usapan.
Elizabeth Gernale at Judilyn Sioco
Culianan National High School
HUERISTIKO/ HUERISTIK - Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng
impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aralan. Kasama
na rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga
tanong tungkol sa paksang-pinag-aaralan.

IMPORMATIBO - Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o


paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng
impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
IMAHINATIBO – pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Paglalagay ng sarili sa
katauhan ng mga nababasa o napapanood sa telebisyon at sine, pakikinig ng
musika sa radyo o sa celpon.

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano-ano ang mga bagong kaalaman na iyong natutuhan?


Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Bakit mahalaga ang wika sa pagbuo ng isang nagkakaisa
at nagkakaunawaang lipunan?

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Buksan ang iyong facebook account o anumang social media, at sumipi ng post sa mga
kaibigan, at suriin ang gamit at bisa ng wika.

Post ng Kaibigan sa social media:


_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Suriin ang gamit at bisa ng wikang ginamit. _______________________________________


_______________________________________
 May pagbabago sa paraan ng paggamit _______________________________________
ng wika? _______________________________________
 Nakakaimpluwensiya baa ng wikang _______________________________________
ginamit? _______________________________________

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

 Ang isang taong hindi nakikipag-ugnayan o nakikisalamuha sa isang komunidad ay hindi matututong
magsalita sa paraan kung paano nagsasalita ang mga naninirahan sa komunidad na iyon.
 Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao ay mahihirapang matutong magsalita dahil wala itong
kausap.
 Tungkuling ng Wika ay ang mga sumusunod: instrumental, regulatori, interaksiyunal, personal,
heurisko, imporatibo, at imahinatibo
 Nagkakaroon ng isang maayos na lipunan sa sandaling magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga tao
sa isang tiyak na pamayanan. Nagagawang pagbuklurin ang lahat ng mga taong nakatira sa isang
lipunan sa pamamagitan ng wikang gagamitin upang magkaunawaan, magkaintindihan, at
magkapalagayan dahil nakabatay ito sa kanilang sariling kultura.

Elizabeth Gernale at Judilyn Sioco


Culianan National High School
SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Basahin nang mabuti ang tanong. Isulat sa sagutang papel ang tamang tungkulin ng wikang
tinutukoy ng pahayag sa ibaba.
1. Ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro - kuro sa
paksang pinag-uusapan.
a. instrumental b. interaksyonal c. personal d. regulatori
2. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali ng ibang tao.
a. impormatibo b. regulatori c. instrumental d. imahinatibo
3. Ito ay mayroong kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
a. hueristiko b. impormatibo c. interaksyonal d. instrumental
4. Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impomasyong may kinalaman sa paksang pinag-
aaralan.
a. personal b. interaksyonal c. imahinatibo d. hueristiko
5. Paglalagay ng sarili sa katauhan ng mga nababasa o napapanood sa telebisyon.
a. instrumental b. imahinatibo c. impormatibo d. personal
6. Litong – lito si Ana sa dami ng kanyang takdang gawain, kaya naisipan na lamang niyang
pumunta sa silid-aklatan upang magsaliksik.
a. imahinatibo b. personal c. impormatibo d. hueristiko
7. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at Tsina na humantong sa pagkakaroon ng
kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West
Philippine Sea.
a. personal b. instrumental c. interaksyonal d. imahinatibo
8. “Nabalitaan kong nagbakasyon ang inyong pamilya. Nag-enjoy ba kayo sa Dubai?”.
a. interaksyonal b. impormatibo c. personal d. instrumental
9. Namimiss na ni Anna si Roberto kaya naisipan niyang magsulat ng liham upang ipahayag ang
kanyang nararamdaman.
a. instrumental b. imahinatibo c. personal d. interaksyonal
10. Para kay Milagros, siya ay isang napakagandang prinsesa sa kanyang panaginip.
a. personal b. imahinatibo c. instrumental d. interaksyonal

Elizabeth Gernale at Judilyn Sioco


Culianan National High School
Mary Grace G. Del Rosario at Alma M. Dayag, Pinagyamang Pluma:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 28-38
Sanggunian

https://www.slideshare.net/greys14/kahalagahan-at-tungkulin-ng-wika

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.
Inihanda nina: ELIZABETH B. GERNALE, SHST-II
JUDILYN L.SIOCO, SHST-II
Culianan National High School

Elizabeth Gernale at Judilyn Sioco


Culianan National High School
SUSI SA PAGWAWASTO

ARALIN NATIN

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano-ano ang mga bagong kaalaman na iyong natutuhan?

-Ang mga bagong kaalamng natutuhan ay tungkol sa komunikatibong gamit ng wika sa


lipunan.
Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Bakit mahalaga ang wika sa pagbuo ng isang nagkakaisa
at nagkakaunawaang lipunan?

Mahalaga ang wika sapagkat ito ang siyang paraan para makipagkomunikasyon sa mga taong
nakapaligid sa kanya.
What is Digestion?
( ang sagot ay nakadipende pa rin sa mag-aaral batay sa kanyang pagkaunawa sa paksa)

SANAYIN NATIN

Post ng Kaibigan sa social media: Nakapende ang sagot sa mag-aaral


___________________________________
___________________________________
___________________________________

Suriin ang gamit at bisa ng wikang ginamit. ___________________________________


___________________________________
 May pagbabago sa paraan ng paggamit ___________________________________
ng wika? ___________________________________
 Nakakaimpluwensiya baa ng wikang ___________________________________
ginamit? ___________________________________

SUBUKIN NATIN

1. C - Personal 6. D - Hueristiko/Hueristik
2. B - Regulatoryo/Regulatori 7. B - Instrumental
3. B - Impormatibo 8. A - Interaksyonal
4. D - Hueristiko/Hueristik 9. C - Personal
5. B - Imahinatibo 10. B - Imahinatibo

Elizabeth Gernale at Judilyn Sioco


Culianan National High School

You might also like