You are on page 1of 1

Basahin ang akdang “Ang Matapat na Kawani”

ni Rodolfo S. Jose
Nagkasakit ang prinsesa ng mga surot. Ipinatawag kaagad ng haring surot ang mga
dalubhasang manggagamot sa kaharian. Datapwa’t isa man sa kanila ay walang nakaalam
kung ano ang sakit ng prinsesa ng mga surot.

Nagalit ang hari, ipinatapon ang mga manggagamot na surot samga mababang uri ng
sinehan sa Pilipinas. Doon sa bakya crowd at wa-klasna audience.

Sa pamamagitan ng pinakamalaganap na himpilan ng radio ay ipinaabot ang balitang


nangangailangan ang hari ng makapagliligtas sa buhay ng prinsesa. Subalit wala isa
mang mangahas na maglakas-loob na maghandog ng paglilingkod sa maysakit

Ngunit ilang araw lamang ang nakalipas, isang umaga’y isang matandang albularyong
surot ang dinala ng sundalo sa palasyo sa harap ng namimighating hari. Buong
pagpapakumbaba niyang hiniling na gamutin ang prinsesa kahit na walang bayad sa
konsulta at gamot.

“Matataya sa panganib ang iyong buhay, albularyong surot, kung ikaw ay mabibigo,”
sabi ng hari. “Subalit kung ikaw ay magtatagumpay, ako ang bahalang mag-put sa iyo.
Hangga’t nabubuhay ka ay magpapasasa ka sa mga dugong masisipsip namin sa mga
sidewalk vendors, jeepney drivers at mga negosyanteng Intsik.

Nang makita ng albularyong surot ang prinsesa ay ipinatapat niyang lahat sa hari
ang kanyang nalalaman ukol sa sakit ng prinsesang suot.

“Mahal na haring surot, ang sakit po ng iyong anak ay sa dugo. Nakuha niya ang
sakit na ito nang siya ay mamasyal sa Cavite at Olongapo,” sabi ng albularyo.

“Hindi ko batid na nagpupunta pala ang aking anak sa Cavite at Olongapo, sa kabila
ng mga klas na tauhan ng gobyerno na dumadalaw sa aming palasyo,” ang nagtatakang
sagot ng hari.

“Ang tanging lunas po sa karamdaman ng mahal na prinsesang surot ay dugo ng isang


matapat na empleyado ng ating gobyerno.” ang sabi ng albularyo.

“Saang impiyerno ng daigdig na ito makakakita ng dugo ng matapat na empleyado ng


gobyerno? Hindi ba maaaring dugo na lamang ng karaniwang mamamayang Pilipinog
matapat?, ang tanong ng Reyna.

“Wala na rin pong karaniwang mamamayang Pilipinong tapat sapagkat nakukuha na rin
po sila sa lagay sa panahon ng halalan.” ang tugon ng albularyo.

“Sa matapat na empleyado ng gobyerno ay makatitik po tayo”


Hindi namalayang namatay ang prinsesana wala man lamang pagpapasiyang
gamot para sa kaniyang karamdaman.

Sinisi ng albularyoang hari at reyna ng palasyo. Sinabi niya ang dahilan ng


pagkamatay ng prinsesa ay ang kabagalan ng mga nasa palasyo. Sinisisi rin niya ang
mga kongreso ng surot dahil sa maraming salita kaysa gawa.

You might also like