You are on page 1of 9
Jose Villa Panganiban ANG MODERNISASYON NG ISANG WIKA DAHIL SA NOONG taéng 1967 ang mga bansang Asiano ay nagkatipon sa Kuala Lumpur upang ipagdiwang ang “Taén ng Wikang Pambansang Melayu, "at sa pagtitipong ito, ang pinag-usapan ay ang suliranin ng “modernisasyon” ng mga wikang pambansa sa Silangang Asia, ang pag-aaral-suring ito ay ginanap upang maiambag sa kalipunan ng mga kuro-kuro hinggil sa paksa. Iyan ang unang layunin ng papel na ito. ‘Ang ikalawang layunin ay ang hanapin ang kahulugan ng “modernisasyon ng isang wika’ at sa papaanong paraan mabising mailaapat ito sa sarling suliranin sa wikang Pilipino. Kaya nais alamin dito kung ano ang mga bagay na “‘moderno” na magagémit sa “modernisasyon” sa tunay at tapat na kahulugan at paglalapat ng slit at gawa sa kapakanan ng wikang Pilipino. Ano ang Modernisasyon? ‘Ayon sa Merriam-Webster, ang salting Ingles na “modern” ay: “ofa language belonging to the (present or most recent period of its development as contrasted with earlier period.” Samakatwid, ang wikang modemo ay nésa kalagayang kasalukuyan ng nasabing wika na naiibé sa kalagayan ng nakaraan. ‘Ang salitang Ingles na “modernization” kung hinggil sa wika ay pinakahuluganang: “actor procss of conforming to modern mades of thinking or acting.” At ang itinalagang kahulugan ng Ingles na “modernize” ay: “to cause to conform to recent or present usage or taste; as, to modernizing a text, i, to substitute madern forms, sfor them.” ‘Ang modernisasyon ng isang wika, samakatwid, ay pagpaalinsunod ng pagsulat sa makabagong baybay at pahayag ng anyong makaluma, lion, ipés, 0 laos. 2 ‘Ang Modernisasyon ng Isang Wika Kailangang Kaalaman Kung ang modernisasyon ay ilalapat sa sarili, it'y pagpapakamakabago. Kung ilalapat naman sa mga bagay, gaya sa kasangkapan 0 wika, ito’y pagsasaanyong makabago—hindi pagbabago. Ang ibig sabihi'y mayroon tyong alam sa anyong luma o makaluma at may alam din téyong anyong bago o makabago. Itong huli ay siyng ipapalit sa una. Ngunit alaming anyo ang palitan, hindi wika. soc ‘Ano-ano ang mga anyong pangwika na dapat isaalang-alang sa modernisasyon? Kung pasalita, (1) tunog ng bigkas, (2) hagkis ng pantig, (3) pagbubuo ng mga salitd, (4) pagsasima-sima ng mga salita sa isang pangkat o parirala ayon sa daling kahulugan, (5) pagbabalarila sa impluho ng panahon, (6) wikaan o idiyoma, (7) paggimit ng tayutay 0 pigura. Kung pasulat, (1) palabaybayang tumutugon sa tunog ng pasalit, (2) kayarian ng pangungusap na higit na makabalarila kaysa pasaliti (3) anyo ng manuskrito na nakikibagay sa pandaigdig. Bago tayong maglapat ng modernisasyon ng wika, kailangang linawin natin sa isip at unawa kung anong anyo ang luma (0 laon, ipés, laos), at kung ano ang tiyak na moderno o makabago sa mga anyong pangwika. Dapat téyong mag-ukol ng pansin, samakatwid, sa “matanda, sinauna, o makalumang Tagalog,” sa “makabagong Tagalog,” at sa “makabagong Wikang Pilipino.” Mayroon kaying makalumang Wikang Pilipino? Ang modernisasyon ay magiging paglalapat ng Makabagong Wikang Pilipino sa Makalumang Wikang Tagalog. Kaya, ilang tanong ang ninanais atuhing masagot sa pagsusuring ito: 1. Ano ang anyong makaluma ng Tagalog? 2. Ano ang anyong makabago ng Tagalog? 3. Ano anyong makabago ng Wikang Pilipino? 4, Ang modernisasyon ba ay nakapagpapahago sa buong wika o sa isang bahagi lamang ng wika? 5. Ano ang kaugnayan ng buong aghamwika o lingguwistika sa modemnisasyon? 6. Ano ang kaugnayan ng panghihiram ng sata sa banyaga sa modernisasyon ng wika? Makalumang Wikang Tagalog Si Pedro Suarez Ossorio taga-Ermita, Maynila, ay sumulat ng isang tulang nalathala noong 1617: Salamat nang walang hoyang Sa iyo Dios con maalam Nitong iyong awang mahal sa aming catagalogan. cao paraluman naming ang sucat nga naming sondin hanggang di cami domating sa lalawigang mahimbing ‘Ang susunod na nabalitang tula ay ang petsang 1708, isinulat ni Felipe Miguel Bulakan: ‘Yoong camuntisa pugad sa inang inaalagad ay dili macalipad hanggan sa di magcapacpac. Loob ninyong masilacbo parang ningas alipato sa alapaap ang tongo ay bago hamac na abo Sa mga dakong 1750, ang paring Agustinong Francisco Bencuchillo (1710-176) ay naglathala ng aklat na Arte poetic agalo. Dalawa ang pinili naming maikling tula: a. Yaong loclocang Masaya walang catapusa't hanga sa langit natatalaga dimasapit nang sala b. Pagsisisi ang yacapin ca awaang gaoaii, gaouin Juha sa lupa,i, ytanim nang sa langit mo anihin, Mula sa Urbana at Fliza,edisyon ng 1854,niP. Modesto de Castro, isang halimbawa ay ang sumusunod: {tsa quinacamtang cong towa ang nacacaparis oj, sang magsasacang cumita ing alio, uupo sa isang pilapl, na nood ng caniyang halaman, at sa caniyang palayan na parang inaalon sa hap nang hangin at sa bungang hinog anaqui util na quintong nagbitin sa uhay, ay cumita ng saya Noon namang 1860, sa Vocabulario dela lengua tagala nina Noceda at Sanlucar isang bugtong ang aming napansin sa iim ng kaholugan ng “ito” (ngayoly bitin): Nang matacpai, naquita nang mabucsai, wala na. Sa Claus (1871, tomo iv), aklat ng mga sermon sa Tagalog ni P, Benito Rivas OP, ay may mga ganitong pahayag: 4 Ang Moderisasyon ng sang Wika [UIngmacyat sa pulpito't, sungmermon nang ocol sa naguing buhay nang gayong patay. Manga capatir con cristiano, aniya, ang ibang manga tauo4, nabubuhay dito sa mundo na parang cabayo, na samantalang nabubuhay pinaquiquinabangan sila, at cun mamatay ay wala nang cabolohan. Sa liham ni Rizal sa mga dalaga ng Malolos noong 1889 ay gindmit na niya ang K at W at maraming ibang pagsasaayos sa dating panulatang Tagalog, Samakatwid, si Rizal at mga kaséma ay nagdala sa Tagalog ng maaari nating masabing “modernisasyon” noong kaniling panahon. Ang ilang halimbawa ay: diyan na dating “dian” akin na dating “aquin’ ngayo’y iba na déting “ngayoi, iba* ilaw na dating “lao” Subalit may mga baybay siyang iniba naman ngayon sa ating panahon (1968): ala-ala na ngayo'y alaala kalulua, kapua, vag, kuintas, tua na ngayoly kaluluwa, kapuwa, luwag, kuwintas, tuwa fig na dati’y nang at ngayo'y ng nagdidiosdiosan na ngayo'y nagdidiyos-diyosan Ang Diccionario bispano-tagalog (1889) ni Serrano Laktaw, kapanahon ni Rizal, ay mayroon na ring K at W, at G, ngunit “monja” at “fraile” ang napansin namin, hindi gaya ngayong “mongha” at ‘prayle” kung sulétin; saka, “nang” pa rin ang gamit sa halip na “ng”sa kasalukuyan, gaya rin ng “manga tawo,” sa halip ng “mga tao” ng ating panahon. Sa manuskrito ng sarsuwelang Lukso ng Dugo (1904) ni Severino Reyes, ang napansing ibang baybay kaysa kasalukuyan ay: zarzuela buan ng Julio- comusta ka __— Sa aklat ng Balarlang Tagalog (1911) ni Mamerto Pagtinawan, ang katuturang ibinigay sa “paglalakip” (na sintaksis daw, ani Paglinawan) ay: “bahagi ng balarila na nagtuturo ng halaga at tungkulin ng mga pangungusap.” Ang pananagalog ni Paglinawan ay katularing malapit ng kasalukuyan, ngunit marami siying saliting naging ibé na ang baybay sa kasalukuyan, gaya ng : dalawangpu, labinglima, pangdiwa, pangturing tinging, pangtinig, pangukol, komisionad Nobiembre, Disiembre, siudad, kuaderno, kueba, Huebes, atbp. Panganiban § Sa Diccionario tagalog-bispano (1914) ni Serrano Laktaw, ang “bitoin” ng Noceda- Sanlucar ay naging “bitowin,”na sa kasalukuyan ay “bituin.” Sa pag-uulit ni Serrano Laktaw ang anyo (1914) ay katulad ng sa ngayon 1968: Nang matakpa'y nakita, Nang mabuksaly wala na. Subalit may mga baybay na hindi pa rin kaayon ng kasalukuyan gaya ng, makikita sa sumusunod na halimbawa: lamang loob sa tian ng hayop ‘ang tawo kung magwiwika ‘Ang panahong nasasaklaw ng impluho ng diksiyonaryo ni Serrano Laktaw ay umaabot hanggang sa panahon ng pagsapit ng kilusan sa pagtatatag, pagbubuo, at pagpapalaganap ng wikang-pambansang Pilipino (sicka 1938). Maaari nating sabiing tng buong panahon ng nakaraan ng wikang Tagalog na siying makalumang Tagalog, ay hagtatapos sa mga dakong 1940, na tadn ng unang pagtuturo ng Wikang Pambansa na batay saTagalog sa mga paaralan. Pansining ang wikang Tagalog ay unang nakitang may tulasasulat-Romano noong 1697 sa sinulat ni Suarez Ossorio, ngunit ang pamamaraan ng pagsulatat ang pananagalog ay d+-halata sa anumang pagbabago kay Felipe de Jesus noong 1708, kahit halos isang dantaon ang pagitan. ‘Ang halimbawa ng sska 1750 ay may gimit na “atapusa” a0,” at “Sapa” Nakikita pa rn ito sa mga halimbawa ng 1860. Ang panimulang 'y” (‘ytanim) ng panahon ni Bencuchillo ay nanatfi hanggang sa panahon nina Rizal at Serano Laktaw (sika 1880) na angy”ay ginawang “sa “tanim.” Samakatwid, noon pa maly nangyayari na ang modernisasyon, at ang modernisasyon ay kaunlaran, hindi paurong. ‘Ang mga unang taén ng pananakop ng mga Americano ay nagpasok ng maraming pagbabago sa baybay, sa kabalarilan sa pil ng ait, sa kl ng pagpapahayag, sa pagtulad ta estlong Americano sa Ingles, atbp. Ang mga itoy nangyari sa impluho ng pag-aaral na. ginawa at pagkalaisang tinupad ng mge manunulat na kasapi ng, ARlatang Bayan, ‘Akademyang Tagalog, at law at Paitk. Maraming dula(sarsuwela at drama), maraming nobel, di-mabilang na mga tula ang kinatha, napalathala at isinaaklat nang panahong ito, hanggang sa pagsiklab ng Unang Digmaang Panduigdlig. Makabagong Pananagalog ‘Ang tunay na mai, ngunit malinaw na katuturan ng pagkamakabago 0 modernismo ay kung ano ang naabot na katangian ng kasalukuyan, at ang kasalukuyang ito ay laging bunga ll aia 6 AngModernisasyon ng Isang Wika | ng nakaraan. Ang anumang panukalang repormang hindi kaugnay at karu inaras | na nakaraano hind aur su dugtungan ne nakancon a ieee male ae | Ang malabagong anyo ng wikang Tagalog sa capit ng hinog na panahon ng page unladnasinusundan ng ating kaeukuyang panahon,aysyinganjongmakabag ng ik ‘Tagalog. Ang kalagayang yaon ay inabutan ng pambansang palatuntunan sa pagbubuo at agpapalaganap ng Wikang Pambansa ng Republika Ang makabagong pananagalog na nagsimula noon stka 1940 ay syd a ring makabagong pananagalog ngayon, spaghat ang karamihan sa mga manunuat sa Tagalog ay bihasa at saay a kalgayan ng wikang Tagalog na wala sa tiyakat tahasang impluho ng balailang iinur sa mga paarala- Tian se mga manunulat na may gulang na sa kasalukuyan ang nagpakaabalang magaral ng bla, Marami ang nanatt sa diting alam sa wika sa pagpapatuloy nl sa panunula, na may kaunting pagbabagong pang-ibabaw lamang, Dapat isaloob ng mag-aaral ng wika na ang kaalaman ng kung anumang makabagong pananagalog ay hindi nangangahulugang nagpapawi at lumilimot sa diting pananagalog. Manapay isiping mabuti ang maliman ang bagong pananagalog upang makildla at maunawaan ang dati at matandang paraan ng pagpapahayag. Itong huli ay bahagi ng kasaysayan ng kultura ng bansa. Tandaang ang pagtanggi sa katotohanan ng kahapon ay pagwawalang-kasaysayan ng ngayon. Makabagong Pilipino Kung tunay na ang kasalukuyan ay siying modernisadong anyo ng isang bagay, lalo na ng isang wika, ang larawan ng makabagong Pilipino ay hindi mapapagkamalan, Bagamatt nang unang itinuro ang Wikang Pambansang Pilipino noong 1940 ay hindi pa ito tinawag na Pilipino, kung hindi batay lamang sa Tagalog, ang makabagong Pilipino ngayong 1968 ay masasabing bunga ng disiplina at kabihasnang inalagaan ng mga pamamaraan ng pagtuturo ng Wikang Pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralan ng bansa. Ang disiplina ay humantong muna sa pamamagitan ng maraming pagsasanay sa pagpapahayag at pagsulat sa buong bansa, na saklaw ang lahat ng mga mag-aaral. Tagalog man o di-Tagalog. Sabihan pa, sa mga unang salpok ng pagtuturo, ang mga mag-aaral at guro ay nagdanas ng maraming balakid, Ngunit sa pamamagitan ng tiyaga at aral, ang mga balakid ay unti-unting nahawi, kung hindi man lahat. ‘Ano ang kaibhan ng makabagong Tagalog at ng makabagong Pilipino? Ang nasasapit na matayog na pamantayang kasalukuyan ng mga manunulat sa Tagalog na hindi nag-aaral ni nagsasanay sa impluho ng balarlang 1940 ngunit nagpatuloy sa pag-akda na ang ginémit ay sentido komun sa pagpapasiya kung ano ang mabuti at naaayon sa mabuting pananagalog—iyan ang makabagong Tagalog. Ang makabagong Pilipino, kung batay man sa Tagalog, ay disiplinado sa anyo, sapagkat pinag-aralan at pinagsanayan ng angaw-angaw na kabataang dumadami taon-taon mula pa noong 1940. Panganiban = 7 Ang mga nagsisipag-aral na ito ay nagdaos ng mga timpalak bigkasan at timpalak panitikan kung ilang beses sa isang taSng pampaaralan. ‘Ang mga ito ay nagsisipagsanay «2 pagpapahayag araw-araw sa kanilang mga klase, palit o pala, sa patnubay ng guro. Marami sa mga ito ang magaling na sa ngayo't maayos nang bumigkas, bihasa nang magbuo nig mga pangungusap na pasaliti, marunong na at nagkakasining na sa pagkatha ng mga sanaysay, kuwento, lathalan, at tula. Ang mga ito ay siyng nagdadula ng makabagong Pilipino, sapagkat ang mga ugaliin nilé sa pagpapahayag na lumalaganap sa bansa ay siyang magiging pamantayang pambansa. Tadn-tadn, ang mga guro ng Wikang Pilipino ay nagdaraos ng mga seminar panlokal, pandibisyon, at pangnasyon, sa mga palitang-kuro at napapagkasunduan sa mga pagtitipong ito ay bago at bagong pamamaraan ng pagtutuo ang nagiging bungs—mga pamamaraang may tatak ng impluho ng mga simulan ng iba ibing sangay at pananaw ng aghamwikang niliinang sa Europa at America. Lumalabas na ang nagtitining na pabayag ng pag-unlad ay ang simplipikasyon at pagkamabisa sa pananaliti, Sa pamamagitan ng mgs libo-libong Klase sa Pilipino sa mga paaralan ng bansa, sa libo-libo ring mga guro, sa daan-daan libong mag-aaral na tumatanggap ng halos unipormeng pagtuturo sa buong bansa, ang pamantayan at uri ng makabagong Pilipino ay isa sa lahat, ang paghakbang na paunlad ng lahat ay sabay-sabay. Ang mga mag-aaral, anumang rehiyon ang kabilangan, ay may iisa at parchong pagkakatadng magpakabuti, rmagpakagaling, magpakadalubhasa, at magpakatayog, sa isang pamantayan ng sining at agham ng wika. Kung may mga “repormista” mang lumitaw, ang kanilang panukalang seporma ay mating makaimpluho 0 di-makaimpluho ayon sa lohika ng kaurian ng reporma na kaagos ng pag-unlad ng wika sa simplipikasyon at pagkamabis,s ina bigat at ganda ng pagpapahayag. Ang kauri at kayari ay madaling tangayin ng agos. Ang hindi kauri ni kaya fy parang mga batong nligiran ng agos na patuloy din, kung nabalam man nang kaunt sa ag-agos. Bagamalt may nibel na mataas at mababi sa lahat ng wika, ang ipinalalagay na smarapat ituro sa mga paaralan ay ang matas, matayog, maayos, mahusay, at binuli. Ang tring ito ng wikang Pilipino ay masaring lrawan sa mga surmusunod na pagitiyak: 1, Ang pinakamakatwiran, organisado, at sistematiko sa mga alituntunin at tuntuning hindi naman nakapipigil sa maluwag at magzang pag-unlad ng wika sa buong bansa. 2. Ang anyo ng wikang Pilipino na konsistente (o maugnayin) sa katupangkat ng mga tiong sadyang nag-aaral at nagpakadalubhasa sa nasabing wika sa mga paaralan o sa sarling pagsasanay at pananaliksik, 3, Ang anyo ng wikang Pilipino na malinaw at mabising tumutugon sa ugaling pambansa at pandaigdig sa pagpapahayag. 4, Ang anyo ng wikang Pilipino na konsistente (0 maugnayin) sa katutubong katangian ng kasarinlan ng wika. 8 ‘Ang Modernisasyon ng Isang Wika 5. Ang anyo ng wikang Pilipino na sasakyang-pahayag ng mga dinadakila at kinikilélang akdang pampanitikan ng mga pangunahing manunulat ng bansa at ng mga makikinis na akdang pang-agham ng mga pangunahing dalub-agham ng bansa. 6. Ang anyo ng wikang Pilipino na mazaring maipiling at maihanay na kapuri- puri, hakot-dangal, at hakot-paghanga sa mga kinikilélang pangunahing wika ng daigdig, 7: Ang anyo ng wikang Pilipino na bunga ng masinop, masusi, maingat, mapagyayaman, at maagham na pangangalaga at paglilinang ng mga guro, ng mga pantaswika, at ng mga makatat manunulat ng bansa, 8. Ang anyo ng wikang Pilipino na nagpapanatili sa katangiang pagka-Pilipino, maging sa panghihiram ng mga salita at parirala, pati sa mga paglikha ng mga kinakailangang talakay. Impluho ng Aghamwika Napasok ang aghamwikang galing sa America dito sa atin upang matuklasan ang mabising pagtuturo ng Ingles bilang “pangalawang wika’ ng mga Pilipino. Ang mga aklat sa aghamwika ay pawang ukol, hinggil, at tumutumbok sa pagtututro ng Ingles. Dahil dito, inisip ng mga nagmamalasakit sa Pilipino na gamitin din ang mga simulain at tuntunin ng pagtuturo ng “pangalawang wika” sa pagtuturo ng Pilipino sa mga di- Tagalog. Malinaw na napapansin na sa mga pagtuturo ng Ingles bilang pangalawang wika ay kakaunti pa hanggang ngayon ang tunay na nakakaunawang lubos sa mga pasikot-sikot ng bagong pamamaraang ito. At hindi pa rin maaaring masabing may nakasulat na nang buong kasiyahan sa bist ng pagkaturo ng ilang gurong ito. At wala pa ring nakapagbibigay-ulat na malinaw hinggil sa pagtuturo ng Pilipino sa mga di-Tagalog sa pamamagitan ng pamamaraan ng pangalawang wika, na siying unang iniisip kapag sinasabing ilalapat ang simulain ng aghamwika sa pagtuturo ng Pilipino. ‘Ang nagiging mabising impluho ng aghamwika sa pagtuturo ng Pilipino, hindi sa pag-unlad ng wikang Pilipino, ay ang pagbabaling ng paningin ng mga guro at dalubwika sa maagham na pagtuturo at sa lalong tapat at mahusay na paglalarawan sa kalagayan ng wikang Pilipino, ayon sa katutubong katangian ng sariling konsistensiya at ayon sa impluhong semantika mula sa labas. Ang bunga nité'y hindi mapapansin nang biglaan, sapagkat ang alinmang wika'y hindi biglaan, o agad-agaran kung umunlad, lumawak, at malinang, Karaniwang nahahalata ang impluho ng kabihasnan ng isang salinlahi kapag ito'y malépit nang magwakas at hinuhugpungan na ng mga makabagong pananaw ng sumusunod na salinlahi na karaniwang sanib-sanib at sagu-sagunson. ‘Anuman ang sabihin, ang kasalukuyang kalagayan ng isang wika ay duluhan ng sariling kalagayan na nagsimula ng pagkabuhay na mahabang panahon. Sa ibang sali, ang lahat ng wika ay may pinagmulan, may pinanggalingan. Ang katangian ng pinagmulan Panganiban 9 at pinanggalingan ay mananatiling katutubo at tampok na katangian sa kasalukus kalagayan, kahitilang libong taén at patong-patong nang salinlahi oa eight esas Samakatwid, kung Kawi noong araw, na naghiwalay sa_Indones at Malay, at itong huli ay nangalat sa Filipinas, na Tagalog ang kapatid ng mga binisaya, biniko, inilokano, tbp, ang Pilipinong batay sa Tagalog ngayon ay dili ang hindi magtataglay ng katangian ng Kawi, Malay, Tagalog, atbp, na katutubo sa sariling kasaysayan ng pagkalinang bilang wika. ‘Ano Ngayon ang Modernisasyon? = me ect aN ‘Ang lahat ng kasalukuyang kalagayan ng wika ay modernisasyon ng nakaraan. Ang Pilipino ng 1968 ay modernisasyon ng Pilipino ng 1967 kung isang taunan ang pagsusuri. Ang | Pilipino ng salinlahi ngayon (ng mga hindi pa umabot sa 25 tasng gulang) ay modernisasyon | ng wikang Pilipinong alam ng mga téong mahigit kaysa 25 tadng gulang, at mga téong Jlampas sa 50 taéng gulang. ‘Ang ibig sabihin nité'y nangyayari ang modernisasyon ng alinmang wika, gustuhin man o hindi at hindi ginagawa, bagama't ang gawaing pagmiomodernisa ay maaaring makatulong na makapagpabilis sa panahon ng pagsapit ng modernisasyon. Maaaring gumanap ang isang presentadong modernisador, ngunit ang katutubong hakbang ding bagay sa katangian ng bansa ang masusunod, sa anumang pangyayari. TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Jose Villa Panganiban sa Ang Supling, big 1, 1970.

You might also like