You are on page 1of 2

Alegasyon laban sa siyudad ng Naga

Malaking kahihiyan para sa lungsod ng Naga na paratangang isang isang kanlungan o ‘hotbed’ ng
ipinagbabawal na gamot. Ang mas nakagugulantang aya ng katotohanang mismong ang Pangulo pa ng
bansa ang nagparatang ng alegasyon.

Isiniwalat ng pangulo noong ika-14 ng Agosto sa Malacaňang na ang lungsod ng Naga ay ‘hotbed’ ng
shabu. Bagamat wala itong ginagarantiyang mga patunay sa harap ng senado na sa katunayan ay
nagbabadya nanamang magbunga ng isa o higit pang mga isyu sa pagitan ng Pangulo at Bise Presidente
ng bansa.

Hindi tinaggap ni Robredo ang pahayag ng pangulo at sinabing huwag nang idamay ang buong siyudad
kung siya lang naman ang puntirya nito, dahil ang Naga City ay hindi naman siya. Sa katunayan, hindi
ito ang unang beses na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang nangungunang lider ng
bansa. Bagamat nauna nang tinukoy ni Duterte na pinagkukunan ng shabu ang Naga sa gitna ng
pagbatikos nito sa kakayahan ng liderato ni Vice President Leni Robredo kung saan sinabi pa nito na
hindi mahusay si Robredo upang palitan siya sa puwesto.

Kuwestionable ang agarang pagsiwalat ng Pangulo patungkol sa isyu sapagkat walang sapat na
ebidensiya na maaring magpatunay sa mga alegasyon nito sa harap ng senado at hindi rin malinaw
kung saan nanggaling ang mga impormasyon niya laban sa lugar. “Hindi ko talaga alam kun saan
nanggaling ang impormasyon ng Pangulo tungkol dito. Masasabi nating merong iligal ng paggamit at
pagbebenta ng droga sa lugar pero hindi ibig sabihin na siya ang pinaka hot. Kapag sinabi kasi nating
‘hotbed’ parang ‘source’ kasi yan e.” Ito ang mga salitang namutawi sa bibig ni PNP Chief Director
Oscar Albayalde sa isang interbyu sa CNN-Philippines na nagkapagbigay ng suporta sa ipinaglalaban
ng Bise Presidente at mga lokal na opisyales ng lugar.

Samantala, matapang naman na ipinaglaban ng mga lideres ng Naga ang kanilang bayan. “Ang aming
siyudad ay nagsasagawa ng iba’t-ibang programa sa pagsugpo ng iligal na paggamit ng droga mula pa
noong 2001 na pinamumunuan pa ng yumaong alkalde na si DILG Sec. Jesse Robredo hanggang sa
kasalukuyang termino ni Alkalde John Bongat. Sa madaling sabi, hindi responsable ang lugar para sa
alegasyon na ibinabato sa kanila.

Sa Rebolusyon Blg. 2018-541 nakasaad na ang Naga City ay matagal ng naglalaan ng pondo para sa
mga taong lulong sa droga upang maisalba sila sa kanilang adiksiyon. Ito ay isa lamang sa mga patunay
na ang naturang lugar ay nagsasagawa ng mabisang probisyon sa pagkamit ng isang bayan na ‘drug-
free’ at kasalukuyang nagpapatupad ng mga proyektong makapag-aalis ng malawakang paggamit ng
iligal na droga. Ang ‘anti-drugs abuse task force’ at ‘joint command operation centers’ ay binuo at
kasalukuyang ipinatutupad pa din sa lugar at itinatalang 2,891 ‘drug users’ ang naisalba sa malagim na
pagkakasangkot sa droga sa tulong ng programang reintegrasyon ng Naga.

Upang mas mapagtibay pa ng mga opisyal ng Naga City ang kanilang mga iwinaksi laban sa
alegasyon, inimbitahan nila ang Pangulo na bumisita sa kanilang siyudad na “safe, peaceful, and drug-
free streets.”

Sa kabila ng mga pahayag ng opisyales, nais din ni Mayor John Bongat na maglahad ng mga patunay o
ebidensya ang pangulo sa pag-aakusa nitong ‘hotbed’ ng shabu ang Naga City subalit agad itong
pinabulaanan ni Presidential Spokespersonn Harry Roque. “Hindi na kailangan ng pruweba o
ebidensiya sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na hotbed o pinagmumulan ng shabu ang Naga
City,” aniya Roque. Ang kilos sa loob ng politika ay magsisilbing salamin ng mga nasasakupan sa
lipunan at isang nakapangangambang kaisipan ang nagbabadya sa bawat utak ng mamamayan
patungkol sa mga salitang winika ni Roque.

Hanggang saan at hanggang kailan natin masasabing kailangang paratangan ang may sala? Ito ay
masusukat sa pamamagitan ng matinding paglalahad ng mga pruweba upang magsilbing patunay laban
sa nasasakdal subalit kung magpapatuloy ang ganitong kilos sa pamahalaan, ano na lamang ang
magiging mukha na ihaharap ng ating bansa sa paglipas ng panahon kung isasantabi ang susi tungo
katwiran at paiiralin ang taas ng ranggo sa posisyon? Ito ay nakatatakot at lubos na nakababahala para
sa magiging lipunan pagdating ng panahon.
or
Kung ang bawat mamamayan ay mas magiginf mapang-usisa at nagbabase ng paniniwala sa bagay na
may patunay at ebidensiya tiyak na magkakaroon ng aaayos at matapat na pamamahala dahil sa
kasalukuyan ay mismong ang mga nakaupo sa gobyerno ang nagiging banta sa seguridad ng bawat
mamamayang Pilipino.

You might also like