You are on page 1of 2

Banta sa Lupang Hiniring

Kamakailan pumutok ang balitang nais baguhin ni Sdenate President Vicente Sotto III ang liriko ng
Lupang Hinirang. Nagulantang ang publiko at sari-saring reaksiyon ang bumaha sa social media.

Matatandaang ibinahagi ni Senate President Vicente Sotto III ang panukala na baguhin ang linyang
“ang aming ligaya na pag may nang – aapi, ang mamatay ng dahil sayo” at gawing “ang ipaglaban
kalayaan mo” noong mga nakaraang Linggo na sa katunayan ay isa nanamang bagong sulpot na isyu sa
bansa.

Ayon sa mga kritiko, napakaraming problema ang kinakaharap ng bansa at ngayon ay mas inuuna pa ng
pamahalaan na gawin itong isyu? Kung ganito kadalasan ang sistema sa politika ay mananatili ang
bansa sa masalimoot na mukha nito dahil sa naakasayang panahon na sana’y ginugol sa pagsugpo ng
mga suliraning nagpapahirap sa mga Pilipino.

Napagtibay ang naunang pahayag nang sumunod na iminungkahi ni Herdy Yumol, isang Sociologist at
Propesor sa Mariano Marcos State University sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte na mas marami pa
umanong kinaharap na problema ang Pilipinas na dapat tutukan kaysa unahin ang pagbago sa huling
linya ng Lupang Hinirang.

Una nang sinabi ng Malakanyang na iginagalang nila ang ‘prerogative’ ng Kongreso sa paghahain ng
mga panukalang batas ngunit sinasabing hindi kinakailangang baguhin ang pambansang awit dahil sa
mga seryosong problemang kinakaharap ang bansa.

Samakatuwid, itinuturing na espesyal na awit ang lupang hinirang kung saan kinakailangan pang
palitan ang batas bago mabago ang liriko nito. Nakasaad sa Batas Pambansa o Republic Act 8491 na
may pamagat na Flag Heraldic Code of the Philippines of 1998 na ang Lupang hinirang “ay dapat na
naaayon sa musikal na balangkas at komposisyon ni Julian Felipe,” giit rin ng isang historyan sa
panayam sa ‘Bandila on DZMM’.

Kaya ganoon na lamang kakwestionable ang kagustuhan ni Sotto na palitan ang nakagawian ng mga
Pilipino sa pag-awit ng Lupang Hinirang. Paano pa maisisilbi ng mga umiiral na batas ang mga layunin
nito kung ganoon kadaling isasantabi ng mga makakapangyarihang tao sa lipunan?

“Pagpapakita ito ng mababang tingin ng senador sa taong naghirap sa paggawa ng “lupang hinirang”
lalo na’t sinasalamin ng naturang liriko ang sakripisyo ng mga kababayan at pagpukaw sa isip sa
paglaban sa mga mananakop.” Ito ang paliwanang ni KWF Komisyuner at kinatawan ng Bicol na si
Abdon Balde Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na naging patunay na ang hakbang ni Sotto ay
mistulang insulto sa orihinal na lumikha ng mga liriko at “creative work” ni Palma.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Sen. Risa Hontiveros, sinabi nito na maraming
proseso pa ang dadaanan bago makamit ang hangarin ni Senate President Vicente Sotto III na palitan
ang liriko ng pambansang awit ng bansa. Sapagkat nakasaad sa Artikulo 16 section 2 ng konsitusyon na
kinakailangang pagbotohan muna ng buong mamamayan kung sakaling may nais baguhin sa
pagkakabuo ng pambansang awit.

Sa madaling sabi, mahirap at masalimoot ang dadaanang proseso sa pagpapalit ng huling taludtud ng
Lupang Hinirang na sa kabila nito ay hahaba rin ang panahong gugugulin ng pamahalaan at tuluyan na
ngang maisawalang bahala ang iba pang suliranin sa bansa na kailangan ng agarang solusyon. Ayon
nga sa pahayag ni Yumol, huwag nang mag-aksaya ng panahon at unahin ang mga mahahalagang
bagay.

“Kung papalitan ang liriko ng pambansang awit ay parang binubura na rin ang kasaysayan ng bansa.”
Ito ang mga salitang namutawi sa bibig ni Ryan Dernadit na isa rin sa mga di sang-ayon sa
pagbabagong magaganap sa kasaysayang tumatak sa bawat Pilipino.

Sa naganap na anniversary concert press conference, ang Pinay Broadway Diva na si Lea Salonga ay
nagbahagi rin ng kanyang opinyon ukol sa nasabing isyu. Ayon sa kanya ay hindi na kailangan na
tingnan ang literal na kahulugan ng Lupang Hinirang dahil kung paano ito binuo noong panahon ay
sapat na upang alalahanin ang kasaysayan ng bansa.

Hindi nangangahulugan na dahil nagbago ang sitwasyon o panahon ay nanganghulugang maaari na


ring galawin ang simbolo ng bansa. Hindi pa ba sapat na mayroon tayong kasaysayan na patuloy na
bumubuklod sa mga tao sa bansa? Sa katunayan, ang nasabing pagpalit sa ilang bahagi ng pambansang
awit ay maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mamamayan at makapapayag ka ba na harapin ang
pagbabago na kapalit ay pagsawalang-bahala sa historya ng bansa?

Kung ipagpapatuloy ng senado ang layunin nito maaaring sa pagdating ng mga panahon ay magdulot
ito ng kalituhan sa mga susunod na henerasyon ng bansa.

You might also like