You are on page 1of 2

Sa ngalan ng kaunlaran

Kapalit ng paglunsad ng Administrasyong Duterte ng malawig at malaking programang ‘Build build


Build’ ang pag-aray ng mga mamamayan Pilipino sa kasalukuyang kinasasadlakang isyung pang-
ekonomiya ng bansa.

Pangunahing layunin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng proyektong pang-


imprastraktura ang mailagay sa maayos at magandang buhay ang mga Pilipino. Sa kasawiang palad,
ang nararanasan ng sambayanan ay salungat sa nais niyang isilbi sa bansa dahilan ng balakid na dala
nito sa larang ng ekonomiya na sa pagdaan ng mga buwan aymas lalong sumasadsad.

Ang programang ‘Build, Build, Build’ ay naglalayong maglatag ng mga road networks, mahahabang
tulay, flood control at urban water systems, mga psilidad para sa pampublikong transportasyon gaya ng
mga daungan, paliparan, at mga riles ng tren. Bagamat ang layuning ito ng pamahalaan ay may dalang
balakid sa pamumuhay ng bawat tao sa bansa na sa katunayan ay nararanasan sa kasalukuyang
panahon.

Una nang binigyang-diin ni Santo Papa Francisco na maituturing lamang na maunlad ang isang bansa
kung kasabay nitong sumusulong ang buhay ng bawat mamamayan. Sa madaling sabi, nadedetermina
ang kaunlaran ng bansa ayon sa estado ng pamumuhay na mayroon dito.

Puntirya ng mga kritiko ang pag-apruba ng House Representative sa batas na Tax Reform for
Acceleration and Inclusion o TRAIN Law na ayon sa kanila ay agaran itong ipinasa sa senado upang
mapagkunan ng pondo para isinasagawang proyekto ng pamahalaan. Sa katunayan, ang bagong batas
na ito ang nagsisilbing dahilan ng paglitaw ng implasyon o paglobo ng presyo ng mga bilihin na
kasalukuyang nagpapahirap sa buhay ng bawat Pilipino.

“Nababagalan ako sa usad ng ‘Build, Build, Build’ project.” Ito ang mga katagang umalarma sa mga
mamamayan matapos banggitin ng mismong Presidente.

Matagal na panahon para sa matagal na proseso ang gugugulin ng ‘Build, Build, Build’ na ito na
nangangahugan rin bang matagal na pagdurusa ng mga Pilipino?

Ayon kay Fr. Anton Pascual, malaking proyekto ang gaganapin at nangangailangan ng malaking
‘workforce’ na walang ibang kikilos kundi mismong mga mangangawang kadalasang hindi napapansin.
Sigaw rin ng mga mamamayan na taasan ang pasahod sa hanay ng mga manggagawang gulugod ng
industriya ng konstruksiyon na sa katunayan ay dati ng nakararanas sa bagsik na hatid ng implasyon at
patuloy na nagdarahop sa buhay.

“Dahil sa napipintong pagtaas ng ‘inflation rate’ ay kailangan ng mas mataas na sahod ng mga
manggagawa sa konstruksiyon at mas maayos na ‘enforcement’ sa pasahod maksapat at maging
makatarungan para sa kanilang pagkayod.” Ito ang pahayag ng Department of Trade and Industry o
DTI na sinang-ayunan ng 3rd Construction Industry of the Philippines.

Isang magandang pasaring sa politika na “dapat maging batayan ng administrayon ang interes ng
manggagawa upang makinabang naman ang mga ito sa bunga ng lipunang kanilang pinagsisilbihan,”
ayon nga sa nakasaad sa rerum novarum, bahagi ng Panlipunang Turo ng ating Simbahan.
Mahabang bayaran ang mangyayari sa bilyong-bilyong loan ng pilipinas sa pagpapatuloy ng nasabing
programang ‘build, build, build. Gaano kasigurado ang administrasyon sa sinabi ni Presidential
Spokesperson Harry Roque na hindi mababaon sa utang ang bansa dahilan ng mga magagawang
bagong imprastraktura na aahon sa mga pagkakautang. Sa kabilang banda,

Kung iisiping mabuti, ang kasalukuyang kinalalagyan ng mga mamamayan ay nagbabadyang


humantong sa mas nakababahalang lebel ng kahirapan sa paglipas ng mga panahon. Sinasabi ng mga
mambabatas na mas mainam kung pati ang ordinaryong mamamayan ay nararamdaman ang
magandang epekto ng programanf Build, Build, Build.

Kung iisping mabuti, ang kasalukuyang kinasasadlakan ng mga mamamayan ay nababadyang


humantong sa mas nakababahalang lebel ng kahirapan sa patuloy na paglipas ng panahon.

Ibinibida ng pamahalaan ang lago ng programa ngunit isinasawalang-bahala naman ang negatibong
epekto. Napakasakit isiping hindi magawang aminin ng administrasyon ang masaklap na hubad na
katotohanang naghihirap ang mga mamamayan.

Subalit tulad ng dikta ng kasaysayan, hindi mapipigilan ng anumang panunupil ng Estado ang kanilang
paglaban para sa karapatan na magkaroon ng ekonomiyang tunay na tutugon sa pangangailangan ng
bayan at kapakinabangan na lahat. May kalayaan ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang
karapatam.

Kung patuloy na piring at walang kibo ang mga tao sa isang demokratikong bansa, hindi
maisasakatuparan ang mithiin ng pamahalaan sa isang maganda at malayang pamumuhay.

You might also like