You are on page 1of 3

LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 3

FILIPINO 10
(Oktubre 18 – November 2, 2021)
Pangalan: _____________________________________________ Iskor: _________________________
Baitang at Pangkat: ___________________________________
Unang Bahagi
A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng
wastong paliwanag sa bawat bilang.
________1. Mas bumaba ang ‘case fatality rate (CFR) ng bansa sa COVID-19 ngayong 2021 kumpara
sa naitala noong 2020 sa kabila ng malaking pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso.
Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?
A. Marami ang nahihirapan at nagugutom dahil sa pandemya.
B. Naging epektibo ang patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa pagsugpo ng COVID 19
sa bansa.
C. Bumaba ang bilang ng mga namatay kaya tuluyan nang mawala ang sakit na ito.
D. Mahusay ang pagtugon ng pamahalaan kaya wala nang mamamatay sa sakit na
COVID 19.
________2. Sa kasalukuyan, tanging Moderna at Pfizer pa lamang ang nabibigyan ng ‘emergency
use authorization (EUA)’ ng pamahalaan para magamit sa mga minors. Ang pahayag
na ito ay nagpapahiwatig na _____________.
A. Ang Moderna at Pfizer ay aprubado at epektibo para sa mga kabataan.
B. Ang Moderna at Pfizer ay tinuturok sa kabataan upang sila ay magkaroon ng COVID
19.
C. Ang Moderna at Pfizer ay maaaring gamitin sa oras ng kagipitan.
D. Ang mga bakuna ay mahala sa buhay ng bawat kabataan.
________3. Totoong lumago ang ekonomiya ng Pilipinas nang 7% at 6.6% sa hulihang bahagi ng
2016. Ngunit ang bilang ng mga patay sa war on drugs ay lumaki rin nang mas
mabilis. Ano ang nais ipabatid ng pahayag na ito?
A. Naging matiwasay ang kampanya kontra-droga ng pamahalaan sapagkat lumago ang
ekonomiya ng bansa.
B. Ang kampanya kontra-droga ay nararapat na ipatupad ng pamahalaan.
C. Bagaman lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ngunit marami naman ang nagbuwis
ng buhay sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan.
D. Makatarungan ang paglago ng ekonomiya habang nagbubuwis ng buhay ang mga
Pilipino.
________4. Tumataas na ang bilang ng insidente ng maagang pagbubuntis, o teenage pregnancy
na isinisisi sa samu't saring dahilan gaya ng social media at pagbibisyo. Ito ay
nangangahulugang ______________.
A. Ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay nag-ugat sa mga impluwensya ng
social media at bisyo ng kabataan.
B. Ang maagang pagbubuntis ay mahigpit na ipinagbabawal ng ating pamahalaan.
C. Nagiging hadlang ang maagang pagbubuntis upang makamit ang pangarap ng isang
bata
D. Hindi makatarungan ang maagang pagbubuntis.
________5. Sabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang numero unong dahilan nang
pagbaha sa Metro Manila ay basura na itinapon ng mga walang disiplinang
mamamayan. Ang pahayag na ito ay nagpapahiwatig na ____________.
A. Ang basura sa Metro Manila ay ang dahilan ng pagkalason ng mga isada at iba pang
lamang-dagat.
B. Ang MMDA ay nararapat na magpatupad nang mahigpit na batas.
C. Ang dahilan ng mga pagbaha sa kalakhang Maynila ay ang walang habas na
pagtatapon ng mga basura ng mga mamamayan.
D. Punong-puno na ng basura ang Maynila.
B. Panuto: Suriin ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba. Isulat sa patlang ang K kung ang
bahaging ito ay nagsasaad ng katotohanan at DM naman kung ito ay nagsasaad ng pahayag na di-
makatotohanan.

_________6. “O kaya’y, maaari mong isiping ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na
dapat niya lamang matutuhan.”
_________7. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.”
_________8. “Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw.”
_________9. “Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinion sa mundo ng karunungan ay ito, ang
ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may
pagpupunyagi.”
_________10. “Sinoman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga
paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas
ng liwanag o patungo sa liwanag.”

Ikalawang Bahagi
Panuto: Gamit ang mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw, ipahayag ang iyong pananaw
tungkol sa napapanahong isyung pandaigdig na nakasulat sa kahon. Isulat sa espasyo ang iyong
sagot.

PAMUMUHAY EDUKASYON
Pananaw: ___________________________ Pananaw: _____________________________
______________________________________ _______________________________________
______________________________________ _______________________________________
______________________________________ _______________________________________

Buhay sa
gitna ng
COVID-19
Pandemic

POLITIKA KARAPATANG-PANTAO
Pananaw: ___________________________ Pananaw: ___________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________

RUBRIKS
Malinaw na
nilalaman…………………….
……………….…
………………………. 35
puntos
Estruktura ng

Lagda ng Magulang: __________________________________________________


Petsa: ______________________________________________________________

Inihanda nina:

CATHERINE O. RAMILO JANICE B. RAMIREZ DARWIN C. BAJAR


Guro III Guro I Guro I

Nabatid:

VIVIAN A. RIVERA
SSHT-III/Fil.Dept.

You might also like