You are on page 1of 57

FILIPINO

MODYUL 1 | ARALIN 1 | University of Batangas Mission,


Vision, Philosophy, Goals and Objectives

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Nalaman ang nilalaman ng PVMGO ng
2. Naging pamilyar sa UBPVMGO na makatutulong sa iyo sa pagbuo ng saling bersyon nito sa
Filipino sa ilalim ng ikalawang modyul.

PAUNANG PAGTATAYA
Susing Tanong: Ano ang hangarin at layunin ng unibersidad sa akin bilang isang mag-aaral at
paano ito makatutulong sa akin sas pag abot ng aking mga pangarap?

NILALAMAN

Philosophy
The University of Batangas, a stock non-sectarian, private educational institution, believes in the
pursuit of knowledge, values and skills necessary for the preservation and improvement of the
Philippine society. It has faith in the dignity of the human person, in the democratic process, in
the reward for individual excellence, and in the freedom of a person to worship God according to
his conscience. Thus, the institution believes that the development of the individual as a person
and worker is an effective means in building a better family, community and nation, and a better
world.

Vision
We envision the University of Batangas to be a center of excellence committed to serve the
broader community through quality education.

Mission
The University of Batangas provides quality education by promoting personal and professional
growth and enabling the person to participate in a global, technology and research-driven
environment.

Goals
1. To partner communities where literacy, livelihood, and technology transfer projects can be
implemented with the direct and indirect involvement of the UB family
2. To support medical and dental missions to indigent barangays in coordination and
cooperation with services and welfare organizations.
3. To provide staff assistance, lecturers and training on Social, Cultural and Sports
components such as anti-drug abuse education, peace and order, theater arts, health and safety,
labor laws, cooperative, leadership, culture and sports, etc.
4. To develop and strengthen the human and spiritual aspects of a person or individual
through enhancement programs like group dynamics, recollections, retreats, etc.
5. To support environmental awareness and management programs and other community
development projects.

Objectives
1. Pursue academic excellence through continuing search for the application of truth, and
knowledge and wisdom via traditional and alternative modes of instructional delivery.
2. Promote moral and spiritual development through an integrated educational process that
will enhance human character and dignity;
3. Develop cultural, economic and socio-civic conscience through an educational content
relevant to national development needs, conditions and aspirations;
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and environmental
projects;
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities and systems
development;
6. Ensure financial viability and profitability
7. Adopt internationalization to meet the shifting demands in the national, regional and global
labor environment; and
8. Increase the University's productivity and innovation in research, scholarship and creative
activities that impact economic and societal development

MODYUL 1 | ARALIN 2 | Kasaysayan ng Pagsasaling wika


sa Daigdig, Pilipinas at Bibliya

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.
KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Nalaman ang kahulugan ng pagsasaling wika.


2. Natalunton ang kasaysayan o pinagmulan ng pagsasaling wika sa:
A. Daigdig
B. Pilipinas
C. Pasasaling-wika sa BIbliya

PAUNANG PAGTATAYA
Mga Susing Tanong:
1. Ano para sa akin ang kahulugan ng pagsasaling-wika?
2. Paano nagsimula at lumaganap ang pagsasaling-wika?

NILALAMAN

Ano ang Pagsasaling Wika?


Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag ay isinasalin sa
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilo. Ito ay ang pagpapalagay na ang isang salita o
pahayag ay may katumbas o katulad ding kahulugan sa isa nang dating umiiral na pahayag sa
ibang wika.
Ayon kay E. Nida, ang pagsasaling-wika ay ang muling paglalahad sa pinagsalinang wika batay sa:
una, kahulugan, at pangalawa, estilo.
Ang pagsasaling-wika ay pinaniniwalaang kasintanda na rin ng panitikan.

Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika sa Daigdig


Ayon kay Theodore Horace Savory ang kinilalang unang tagapasaling-wika sa Europa ay isang
aliping Griego na nagngangalang Andronicus.
Isinalin niya nang patula sa Latin noong 249 B.C. ang Odyssey ni Homer na nasusulat sa wikang
Griyego. Isinalin niya nang patula sa Latin noong 249 B.C. ang Odyssey ni Homer na nasusulat sa
wikang Griyego.
Sinasabing maaaring hindi siya ang kauna-unahang tagapagsalin subalit ang kanyang salin ang
kinawiwilihang basahin ng nakararami.
Ang unang pagsasalin na ito ay sinundan pa ng ibang pagsasalin. Sina Naevius at Ennius ay
gumawa ng pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego tulad ng mga sinulat ni Euripides.

Bukod sa mga nabanggit, may mga nakilala pang ibang dakilang manunulat gaya ni Cicero na
naging mahusay na tagapagsaling-wika rin.
Nang mga panahong iyon, dumami ang mga tagapagsaling-wika. Nakatulong ito nang malaki sa
pag-unlad ng mga bansa sa Europa ang pagsasaling-wika sa iba’t ibang sangay ng panitikan.

Ang mabilis na pag-angat ng Arabia, noong ikalawa hanggang ikasiyam na siglo mula sa
kamangmangan ay dulot ng mga pagsasaling-wika na isinagawa mula sa wikang Griyego na noon
ay siyang prinsipal na daluyan ng iba’t ibang karunungan sapagkat ang bansang Gresya noon ang
kinikilalang sentro ng sibilisasyon.
Isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang laging nababanggit kapag napag-uusapan ang
pagsasaling-wika.
Ang mga iskolar na ito ay nakaabot sa Baghdad at doon ay isinalin nila sa wikang Arabiko ang
mga sinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at iba pang pantas at manunulat.
Mula dito ay Nakilala ang Lungsod ng Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika na
naging bukal ng kumalat na karunungan sa Arabia.
Dumating ang panahong nawalan ng sigla ang tagapagsaling mga iskolar sapagkat napabaling
ang kanilang kawilihan sa iba pang mga bagay na pang- intelektwal tulad ng pagsusulat ng
artikulong pampilosopiya.
Pagkaraan ng tatlong siglo, ang Baghdad ay napalitan ng Toledo, bilang sentro ng karunungan sa
pagsasaling-wika.
Nakaabot din sa Toledo ang mga orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa wikang
Griyego. Dahil dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagapagsalingwika na magsalin nang
tuwiran sa Latin mula sa Griyego. Sa gayon ay nabawasan ang mga pagkakamali sa karaniwang
nagaganap kung pagsasalin ay di- tuwiran.
Marami-raming salapi at panahon ang ginugol ng mga iskolar ng Toledo upang isalin naman sa
Latin ang mga nasusulat sa wikang Arabiko. Sa mga tagapagsalin na nahikayat magtungo sa
Toledo, napatanyag sina Adelard at Retines.
Si Adelard ay naging tagapagsalin sa Latin ng Principles ni Euclid na noon ay naisalin na sa
Arabiko. Samantalang si Retines naman ang nagsalin sa Lati n ng Koran noong 1141.
Dahil palawak nang palawak ang ugnayan ng mga bansa, noong 1200 A.D. nakaabot na sa Toledo
ang orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa wikang Griyego.
Nagkaroon ng iba’t ibang salin sa iba’t ibang wika sa Europe ang Barlaan et Josaphat, kaya’t
napilitang kilalanin ng simbahang Latino bilang mga Santo sina Barlaan at Josaphat, dalawang
tauhang uliran sa paguugali at sa pagiging maka-Diyos, kahit ang mga ito ay likhang isip lamang.
Ang mga pangyayaring ito ay itinuturing na siya na marahil pinaka- di- karaniwang natamo ng
alinmang pagsasaling-wika sa daigdig.
Noong ikalabindalawang siglo ay umabot sa pinakataluktok ang pagsasaling-wika. Noon nagsimula
ang pagsasalin sa Bibliya. Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ng salin nina
Tyndale at Coverdale. Samantalang ang kinikilalang pinakamabuting salin ng Bibliya ay ang salin
ni Martin Luther (1483-1646) sa wikang Aleman.
Dito nagsimulang makilala sa larangan ng pandaigdig na panitikan ang bansang Alemanya.
Kalaunan, lumitaw ang mga salin ni Jacques Amyot, obispo sa Auxerre na kinikilala sa Europa
bilang Prinsipe ng Pagsasalingwika.
Ang pinakamahalagang utang ng pandaigdig na panitikan kay Amyot ay ang pagkakapagsalin niya
sa wikang Aleman ng Lives of the Famous Greeks ang Romans ni Plutarch na siyang pinagkunan
ng salin sa Ingles na nagkaroon pa ng mga pagsasalin sa iba’t ibang wika sa daigdig.
Sa Inglatera, nakilala ang tagapagsaling si John Bourchier. Ang kanyang mga salin ay mula sa
wikang Kastila na ngayon ay hindi na kinawawilihang basahin bagaman siya ang nakatala bilang
tagapagsalin ng Chronicles ni Froissart, isang awtor na ang paksa at estilo ay kanyang labis na
kinagigiliwan.
Ang panahon ng unang Elizabeth ang maituturing na gintong panahon ng pagsasaling-wika sa
Inglatera bagaman ang panahon ng pangalawang Elizabeth ang kinikilalang pinakatuktok.
Ang pambansang diwang nangingibabaw sa panahong ito ay pagkikipagsapalaran at pananakop
na siya ring naging layunin ng mga tagapagsalin – ang pagtuklas sa anumang nababago sa
panitikan.
Si Sir Thomas North ang kinikilalang pinakadakila sa mga tagapagsalin sa Inglatera noong
panahong iyon. Ang salin ni George Chapman naman sa mga isinulat ni Homer ay nalathala sa
pagitan ng 1598-1616. Noong 1603, lumabas ang salin ni John Florio sa Essays ni Montaigne,
isang babasahing itinuturing na kasinghusay ng Plutarch ni North. Samantalang taong 1612 nang
isinalin ni Thomas Shelton ang Don Quixote.

Ikalabimpitong Siglo
Noon ang mga salin ni Hobbes sa Thucydides at Homer ay hindi gaanong nagustuhan gayundin
ang mga salin ni John Dryden sa Jevenal at Vigil. Si Dryden ang ibinibilang na isa sa mga
mahuhusay na tagapagsalin noong kanyang panahon sapagkat pinag-uukulan niya nang maingat
na paglilimi ang gawang pagsasalin. Siya ang kauna-unahang kumilala sa pagsasaling-wika bilang
sining.

Ikalabing-walong Siglo
Ang pagsasaling-wika ay kasinsigla noong nakaraang siglo. Isinalin ni Alexander Pope at William
Cowper sa Ingles ang Homer sa paraang patula. Sa panahon ding ito lumabas ang salin ni Pope sa
Illiad; sa pagitan naman ng 1715 at 1720. Nailathala naman ang kanyang Odessey noong 1725.
Bukod sa mga naunang nailathala, lumabas din ang salin ng Odessey ni Cowper, noong 1791.
Makalipas ang isang taon, 1792, nalathala ang aklat ni Alexander Tytler na may pamagat na Essay
on the Principles of Translation. Inilahad niya dito ang tatlong panuntunan sa pagkilatis sa isang
salin.
1. Ang salin ay kailangang katulad na katulad ng sa orihinal.
2. Ang estilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng “luwag at dulas” ng pananalitang tulad ng sa
orihinal upang hangga’t maaari ay magparang orihinal

Ikalabinsiyam na Siglo
Noong 1824, isinalin ni Thomas Carlyle ang Wilheim Meister ni Goethex. Dahil sa kanya,
nagsimulang pagtuunan ng pansin ng mga palaaral ang panitikan ng Alemanya.
Nagkaroon din ng salin ng Rubaiyat of Omar Khayam ng mga Persyano noong 1859. Naging
dakilang salin ito bagaman hindi ang pinakadakila. Dito nagsimulang mauso ang mga tulang may
apat na pentametro na ang ikatlong linya ay hindi nakatugma.
Hindi tinangka ni Fritz Gerald na isalin ng literal ang Omar Khayam sa halip ay sinikap niyang
mapannatili ang likas na kagandahang pang-estetiko na siyang kinagigiliwan nang labis ng mga
mambabasa.
Noong 1861 naman, isang sanaysay ang naisalin. Ito ay ang On Translating Homer ni Matthew
Arnold. Tumatalakay ito sa mga simulain na ang isang salin ay kailangang magtaglay ng bisang
katulad ng sa orihinal.
Ikadalawampung Siglo
Sa panahong ito, itinuturing na isa na lamang karaniwang gawain ang pagsasalin. Noong 1919,
nagpalathala sina Ritchie at Moore ng isang artikulo na nagsasabing ang tunay na panitikan ng
Pransya ay hindi lumusang maaabot sa pamamagitan ng lamang ng mga salin.
Sa kasalukuyan ang lahat halos ng mga bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin ng
kani-kanilang wika ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa layuning ihatid
sa nakararami bahagi ng mambabasa ang makabagong pananaw sa panitikan.

Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika sa Pilipinas


Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay nagkaroon ng anyo noong panahon ng pananakop ng Kastila
kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Kinailangan noong panahong yaon na isalin sa Tagalog at sa iba pang katutubong wika sa
kapuluan ang katesismo, mga akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng
pagpapalaganap ng Iglesia Catolika Romana.
Ang aktwal na pananakop o kolonisasyon ng España ay nagsimula noon lamang 1565 nang
dumaong sa Cebu ang ekspedisyong pinamumunuan ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi,
kasama ang sundalong pare na si Fr. Andres de Urdaneta.
Tatlundaan at tatlumpu’t tatlong (333) taon na napasailalim sa kapangyarihan ng bansang España
ang Pilipinas. Sa panahong iyon ay pinairal ng mga mananakop ang kanyang magkakawing na
layunin- ang Kristyanismo at Hispanisasyon ng bansang Pilipinas.
Hindi naging konsistent ang pamahalaang España sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga “Indios”
na kanilang sakop. Kalimitan ang nagiging hari ng España ay matapat sa kanilang paniniwala na
mabisang mapapalaganap ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng wikang Kastila. Subalit ang
kanilang dekreto ay hindi sinusunod ng karamihan ng mga prayle na hali-haliling namuno sa
Pilipinas.
Ang dahilan: Una, batay sa kanilang karanasan sa Timog at hilagang Amerika, higit na nagiging
matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa paggamit ng mga wika ng mga katutubo.
Sa madaling salita mas madali na sila ang mag-aral ng mga wika ng mga katutubo kaysa ang mga
katutubo ang mag-aral ng wikang Kastila.
Ikalawa, Mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng mga prayle ang
kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng mga salita ng Diyos. Mapapansin ang mahahalagang
salita ng doktrina ang nanatili gaya ng isa, rosaryo, sermon, katoliko, krusipiho, nobena, Doktrina
Kristiyana, Bibliya , Kumbento, altar at iba pa.
Ang ikatlong dahilan naman, sa kabilang banda, ay hindi lantarang inihayag ng mga Kastila: May
lihim silang pangamba na baka kung matuto ang mga “Indios” ng wika Kastila ay maging
kasangkapan pa nila ito tungo sa pagkamulat sa kanilang kalagayang pulitikal at sila ang balikan.
Lumaganap ang Kristiyanismo sa masang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga katutubong
wika. Itinakwil ng mga paganong katutubo ang kinagisnang paniniwala at niyakap ang
Kristiyanismo.
Ang panahong ito ng pananakop ng mga Kastila ang maituturing na unang yugto ng kasiglahan sa
pagsasaling-wika sa Pilipinas. Ilan sa mga naging salin sa Tagalog ng mga akdang panrelihiyon.
1. Ang Pag-ibig ng Mahiwagang Diyos halaw sa mga akda ni Buffalo Bill
2. Catesismo na Pinaglaanan nang mga Pangadyi at Maikling Casaysayan na Dapat Pag-aralan
ng Taong Cristiano (mula sa Catesismo)
Ang naging tuon ng pagsasalin noong panahon ng Kastila ay tungkol sa mga materyales na
panrelihiyon, kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo.

Ikalawang Yugto
Nang pumalit ang Amerika sa España bilang mananakop ng Pilipinas, nabago na rin, mangyari pa,
ang papel na ginagampanan ng pagsasaling-wika. Ang naging isa sa pangunahing kasangkapan
ng pananakop noong panahon ng Kastila ay krus o relihiyon; noong panahon naman ng
Amerikano ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles. Naging popular na libangan
ng mga tao ang teatro.
Marami rin ang naging dami ng salin sa iba’t ibang uri ng genre ng panitikan sapagkat sa panahon
ng Americano, nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang lansakan ang mga iyon mula sa
Kanluran.
Naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa, lalo na ng mga akdang klasika.

Ikatlong Yugto
Sa panahong ito, naging popular ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na
nasusulat sa Ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa.
Kung masusunod ang rekomendasyon ng EDCOM(Educational Commission), Filipino na ang dapat
na wikang panturo sa elementarya at sekundarya pagsapit ng taoong 2000.

Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika sa Biblliya


May mga dahilan kung bakit hindi maiiwasang mabanggit ang pagsasalin sa Bibliya sa
pagsasaling-wika.
Una, ang paksa (lalo na sa Matandang Tipan) ay tumatalakay sa tao – sa kanyang pinagmulan,
layunin at destinasyon.
Sa Bibliya hinahanap ng tao ang panuntunang dapat niyang sundin upang mabigyan ng katuturan
ang kanyang pagkabuhay sa daigdig. Ang doktrinang nakalahad sa Bibliya ay nakahuhubog nang
malaki sa katauhan ng tao dahil dito naiiba ang Bibliya sa ibang aklat. Ang isang nilikha sa
panahon ng pangangailangan ay malimit na sa dahon ng Bibliya humahanap ng kasiyahan,
inspirasyon o tibay ng loob.
Ang kasiyahang nahahango sa Bibliya ay nakasalig sa tibay ng pananampalataya o paniniwala ng
isang nilalang sapagkat ang relihiyo ay pang-emosyon. Tinatanggap ng isang Kristyano ang mga
doktrina ng kanyang relihiyon nang hindi na nagtatanong kung bakit.
Pangalawa, Di mapapasubalian ang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito. Sa daigdig ng mga
Kristyano, itinuturing pa ring totoo at di-mapapasubalian, kung di man sagrado ang nakasulat sa
banal na kasulatan. Nangangailangan ang isang tagapagsaling-wika ng ibayong pag-iingat at
pambihirang kakayahan sa pagsasalin sa Bibliya sapagkat sa bawat salita o lipon ng mga salita,
lalo na ang mga idyoma ay nangangailangan ng masusing pag-aaral at paglilirip ang tunay na
diwang nakapaloob sa teksto.
Naniniwala ang marami na rito buhat ang salin ni Origen sa wikang Griyego (Septuagint) gayundin
ang salin sa Latin ni Jerome noong ikaapat na siglo. Si Jerome ay isa sa iilang kiniklalang
tagapagsalin ng Bibliya noong kanyang panahon at siya ring naging may-akda ng saling tinawag
na Vulgate.
Bukod saling ito ng bibliya, naging pinakadakila ring salin ang mga sumusunod:
1. Salin ni Jerome sa Latin
2. Salin ni Luther sa Aleman
3. Kay Haring James sa Ingles (Inglatera) kilala sa taguring Authorized Version
Liban sa mga nabanggit, may iba’t ibang personalidad din ang kinilala bilang mga tagapagsalin ng
bibliya.
Si John Wycliffe and kauna-unahang nagsalin sa Ingles ng Bibliya noong ika-14 na siglo. Dalawa
ang kanyang naging salin: noong 1382 at 1390 na in-edit ni John Purvey. Siya rin ang unang
nagmungkahi na kailangang magkaroon ng salin sa Ingles ng Bibliya para doon sa mga taong
hindi marunong ng Latin.
Noong 1526, nagsagawa ng isa ring salin sa Ingles ng Bibliya buhat sa wikang Griyego na salin
naman ni Erasmus si William Tyndale.
Itinuturing na kakaiba ang kanyang salin sapagkat mayroon itong masalimuot na notasyon o
talababa. Lumitaw din ang salin buhat sa Ebreo ni Pentateuch noong 1530. Subalit, hindi natapos
ang salin ng matandang tipan.
Nakilala rin ang pangalan ni John Rogers. Siya ang nagpatuloy ng salin na hindi natapos ni
Tyndale na binigyan naman ng pugay ng madla noong 1537. Ginamit niya ang sagisag panulat na
Thomas Matthew. Makaraan ang dalawang taon, ang salin niyang ito ay nirebisa ni Richard
Taverner.
Noong 1538, nagkaroon ng kautusan na ang lahat ng simbahan ay dapat magkaroon ng iisang
Bibiliya upang magamit ng lahat. Muling nirebisa ni Coverdale ang Bibliya ni Matthew. Ang
neribisang Bibliya ay naging popular nang mahabang panahon sapagkat ito ay nagtataglay ng
mga Salmo.
Kabilang din sa mga kinilalang tagasalin ng bibliya sina William Whittingham at John Knox.
Isinagawa ang dakilang Geneva Bible upang makatulong sa pagpapalaganap ng Protestantismo.
Ito ang tinaguriang Breech Bible dahil sa bahaging sumusunod sa Genesis III, 7 …. and they
sowed fig-tree leaves together and made themselves breeches.”
Nagkaroon din ng mga pagtatangka ang mga Katoliko Romano na magkaroon ng sarili nilang
Bibliya. Kinilala bilang Douai Bible ang unang bibliya. Samantala, nalathala sa Rheims noong 1582
ang Bagong Tipan at ang Matandang Tipan naman noong 1609.
Nagdaos noong 1603 ng isang kumperensya na binubuo ng mga arsobispo at pari sa Hampton. 47
obispo at pari ang hinirang niya upang gumawa ng salin ng Bibliya na higit na maayos kaysa
naunang salin. Ginamit nilang pinakasaligan ang Bishop’s Bible at mga sanggunian ang mga
naunang salin at mga teksto sa Griyego at Ebreo. Napagkasunduan ng lupon batay sa kagustuhan
ni Haring James na ang kanilang isasagawang pagsasalin ay kailangang maging matapat sa
orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na Kasulatan. Dito nakilala ang Authorized Version na
naging malaganap at popular at waring hindi malalampasan pa ng ibang susunod na salin habang
ang wikang Ingles ay buhay.
Subalit ang Authorized Version ay tumanggap din ng mga puna sa pagdaan ng panahon. Dahil
ditto, noong 1870, nagmungkahi si Obispo Winchester na rebisahin ang nasabing salin. Tumagal
ang pagsasaling ito ng 15 taon.
Noong 1881, inilimbag ang nirebisang salin nito na nakilala sa tawag na English Revised Version.
Tinawag na The New English Bible na nilimbag sa Oxford University Press ang pinakahuling salin
ng Bibliya sa taong 1970. 20 taong pinagtyagaang ihanda ng simbahang Orthodox na
pinakadalubhasang pangkat ng mga tagapagsaling-wika at mga iskolar. Ang The New English
Bible ay isinalin ng tuwiran mula sa orihinal na mga katitikang Ebreo at Griyego.

Mga Pangkat ng Tagapagsalin ng New English Bible


1. Baptist Union of Great Britain & Ireland Church of England
2. Church of Scotland
3. Irish Council of Churches
4. Congregational Church of England and Wales
5. Presbyterian Church of England
6. British Foreign Bible Society
7. National Bible Society
8. National Bible Society of Scotland
9. Roman Catholic Hierarchies of England and Scotland
Isinama ang Apocrypa sa New English Bible. Pinagkunutan ito ng marami dahil umano sa hindi
mapananaligang siyang nag-uugnay sa Matanda at Bagong Tipan.

Dahilan kung bakit muling Isinalin ang Bibliya


1. Maraming natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming
bahagi ng mga unang salin.
2. Higit na naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika. Di matatawaran ang
naitulong ng karunungan sa linggwistika sa pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng
Bibliya.
3. Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikong English Bible ay hindi na halos maunawaan ng
kasalukuyang mambabasa, bukod sa kung minsan ay iba ang na ang diwang inihahatid.
Halimbawa ng pagbabago sa estilo sa nasabing English Bible ay ang sermon sa bundok ng Sinai.
Old English Bible: You must therefore be all good men, just as your heavenly Father is all good.
New English Bible: There must be no limit to your goodness, as your heavenly Father’s goodness
knows no bounds.
Halimbawa ng pagkakaiba sa diwa:
Old English Bible: “How can this be……. when I have no husband?”
New English Bible: “How can this be…… I am still a virgin?”
MODYUL 1 | ARALIN 3 | Mga Simulain sa Pagsasaling
Wika: Dapat Tandaan Hinggil sa Wika Kapag Nagsasaling
wika

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Naisa-isa ang limang simulain sa pagsasaling-wika.


2. Naisa-isa ang mga dapat tandaan at alituntunin kaugnay ng paggamit ng mga salita sa
pagsasaling-wika.

PAUNANG PAGTATAYA
Susing Tanong: Anu ano ang mga bagay na dapat kong tandaan at isaalang-alang
kung ako ay magsasalin ng isang pahayag mula sa Ingles patungong Filipino?

NILALAMAN
Mga Simulain sa Pagsasaling-Wika
Ayon kay Nida at Savory, may mga katangiang dapat taglayin ang isang tagapagsaling-wika. Ito
ay ang mga sumusunod.
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Upang
magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga kasangkot na wika, mainam na lagging kumonsulta sa
diksyunaryo. Kailangang nauunawaan ang maliliit na himaymay ng kahulugan, ang halagang
pandamdaming taglay ng mga salita at ang ginamit na estilo na siyang bumuo ng “flavor and feel
of the message”. Kailangan ding may sapat na kaalaman sa dalawang wika, lalo na sa Filipino,
sapagkat ito ang wikang pagsasalinan. Hanggat maaari, ang wikang pagsasalinan ay dapat syang
unang wika ng tagapagsalin na hawak niya sa kanyang palad.
Ayon pa kay Nida, dapat taglayin ng tagapagsalin ang “complete control of the receptor language.”
Mahalaga ring maging matiyaga ang tagapagsalin. Tandaan, Ang kakarampot na kaalaman sa
alinmang dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay magiging panganib.
1. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Kailangang maunawaan ng tagapagsalin, ang pagkakaiba ng balangkas ng Ingles at
Filipino. Ang Ingles ay may sariling balangkas ng pangungusap, sistema ng paglalapi at pagbuo ng
mga parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino. Kailangan ito sa pag-arok sa tunay na diwang
nais ipahatid ng awtor; gayundin sa paggamit ng mga salita, wastong pagbubuo, pagsusunud-
sunod.
1. Sapat na kakayahan sa pampanitkan paraan ng pagpapahayag “capacity of
literary expression.” Ang tagapagsaling-wika ay kailangang may kakayahan sa wikang
pampanitikan. Halimbawa, Sa pagsasalin ng tula mas higit na mabuting tagapagsalin ang isa ring
makata o sumusulat ng tula. Ito’y sapagakat iba ng hagod at paghahanay ng mga salita ng isang
makata. Ang pag-aangkin ng kakayahan sa paglikha ng tula ay pinaggugulan ng panahon at pag-
iisip. Kapag tayo ay nagsalin ng tula para na rin tayong lumikha ng tula sapagkat isinaalang-alang
natin ang mga sangkap na wala sa prosa o tuluyan.
1. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Hanggat maaari ay hindi dapat isalin ng
sinuman ang alinmang piyesa ng literatura kung hindi siya interesado rito. Makatutulong din nang
malaki sa pag-unawa sa paksa ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalin sa awtor.
1. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay ng pagsasalin. Ang
alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles ay
wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura. Ang wikang
Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
Ang isang salita ay maaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan depende sa gamit nito sa isang
pangungusap. Halimbawa na lamang ay ang salitang “rice.”
 He plants some rice. (palay)
 He cooks some rice. (bigas)
 He eats some rice. (kanin)

Ilang Bagay na Dapat Tandaan Hinggil sa Wika Kapag Nagsasalingwika


1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito
2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan
3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin ay kailangang maunawaan at tanggapin
ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito
4. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang uri ng Filipino sa kasalukuyang sinasalita ng bayan
5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing unibersal na ang
gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino.
6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang maaaring ipanumbas sa isang katawagang
isinasalin, na ang lahat naman ay pawang tatanggapin ng gagamit ng salin, gamitin ang alinman
sa tinatanggap na katumbas at pagkatapos ay ilagay sa talababa ang iba bilang mga kahulugan
7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita
8. Kung walang maitumbas na salita sa isang salitang isnasalin o kaya’y walang eksaktong
katumabas na maibigay, maaaring gawin ang alinman sa mga sumusunod:
o Hiramin ang salitang isinasalin at baybayin ito nang ayon sa palabaybayan
o Alamin ang mga sinonimo o kasingkahulugan ng salita at baka sakaling mas
madaling tumbasan ang isa sa mga iyon
o Alamin ang katumbas na salita sa Kastila at baka higit na madali itong hiramin o
Alamin kung may katumbas na salita sa alinman sa mga prinsipal na wikang katutubo at siyang
hiramin
9. Kung magkakaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, humanap ng ibang
maaaring ipalit dito.
10. Hangga’t magagawa ay iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may kaanyo sa
ibang wika sa Pilipinas ngunit hindi kakahulugan (homonimo)
11. Kung may kahirapang isalin ang ang pamagat, isalin ito pagkatapos maisalin nag buong
teksto ng materyales na isinasalin

Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi ng
pangungusapMay mga pagkakataon na ang isang kaisipan na ipinah. ahayag nang tahasan sa
ingles ay kailangang gamitan ng eupimismong salita sa Filipino upang hindi maging pangit sa
pandinig. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang wikang kasalukuyang sinasalita ng bayan kaysa
wikang nakasulat.
Ang kawalan ng lubos na tiwala sa likas na kakayahan ng wikang pinagsasalinan ay nauuwi sa
panggagaya o panghihiram hindi lang ng mga salita kundi pati mga idyoma, katutubong paraan
ng pagpapahayag, balangkas ng pangungusap, sa wikang isinasalin. Sapagkat hindi pa
estandardisado ang wikang Filipino, sikaping ang mga salitang gagamitin sa salin ay yaong mga
salitang mauunawaan at tatanggapin ng higit na nakararami.
1. Sa pagpili ng mga salita, isipang lagi kung alin ang sa palagay ng tagapagsalin ay higit na
gamitin
2. Isaalang-alang ang kaisahan sa porma ng mga salitag hinihram na ibnag wika
3. Bawat wika ay may kani-kaniyang natatanging kakanyahan
4. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay hindi kailangang ilipat sa pinagsasalinan

MODYUL 1 | ARALIN 4 | Mga Simulain sa Pagsasaling


Wika: Kahulugan at Pagpapakahulugan ng Pagsasalin at
Antas ng Pagsasaling wika

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.
KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Nalaman ang kahulugan at pagpapakahulugan ng pagsasalin


2. Nakasulat ng saling bersyon ng mga pahayag alinsunod sa iba’t ibang antas at paraan ng
pagsasalin.

PAUNANG PAGTATAYA
Mga Susing Tanong
1. Ano ang alam ko hinggil sa pagsasaling-wika?
2. Anu ano ang antas ng pagsasaling wika at ang pinagkaiba ng kanilang estruktura?

NILALAMAN

Kahulugan at Pagpapakahulugan ng Pagsasalin


Ang pagsasalin ay paglalahad ng orihinal na ideya sa katumbas wika. Isa itong pagtatangkang
mabigyang pakahulugan ang diwa ng orihinal na akda sa ibang wika. Ito rin ay ang paglilipat wika
ng konsepto at paraan ng pagpapahayag mula sa orihinal na wika.
Maituturing din ang pagsasalin bilang isang sining ng matapat na pagbibigay kahulugan at
pakahulugan ng isinasaad sa ibang wika mula sa orihinal na wika. Gayundin, ito ay paglalapat ng
katumbas na kahulugan ng isang akda o sulatin mula sa orihinal na kultura patungong ibang
kultura. Bukod pa rito, ang pagsasalin ay paglilipat ng diwa, estilo at paraan ng pagpapahayag
mula orihinal na wika patungong ibang wika.

Antas ng Pagsasaling-Wika
1. Karaniwang Salin - Gumagamit ng karaniwang mga pangungusap na madaling maunawaan
ng karaniwang mambabasa.
2. Pampanitikan - Mataas na uri ng pagsasaling-wika na nagpapahalaga sa timbang na bigat
ng impormasyon at istilo ng pagkakasulat.
3. Idyomatiko - Nagpapahalaga sa pragmatiks at simbolong kultural sa pagpili ng mga
itinutumbas na salita.
4. Teknikal at Pang-agham - Nakapokus sa ugnayan ng impormasyong pangagham at epekto
nito sa institusyong panlipunan.
5. Malikhain Pagsasalin - Pagpapahalaga sa bagong kaisipan, estilo o paraan ng paglikha ng
sining.
6. Mapanuring Pagsasalin - Nakatutok sa pagpapakahulugan kaysa pagtutumbas lamang ng
mga salin

Paraan ng Pagsasalin
Sa aklat na A Textbook of Translation inilahad ni Peter Newmark (1988) ang mga sumusunod na
paraan ng pagsasalin:
1. Word -for –word – ang kaayusan ng Simulang Lemguwahe ay pinanatili at ang mga salita
ay isinalin sa kanyang pinakakaraniwang kahulugan. Maaaring gawing prosesong pre-translation
upang ganap na maunawaan ang may kahirapang unawaing pahayag.

1. Literal – Ang kayariang gramatika ng Simulaang Lengguwahe ay isinalin sa kanilang


pinakamalapit na katumbas sa Tunguhang Lengguwahe. Isinasalin din ang mga salita nang labas
sa konteksto. Bilang proseso sa pre-translation, ipinakikita nito ang mga suliraning lulutasin.

1. Matapat – (Faithful) Ang matapat na pagsasalin ay nagtatangkang makagawa ng eksaktong


kahulugang kontekstuwal ng orihinal sa loob ng mga kayariang gramatikal ng Tunguhang
Lengguwahe.
4. Komunikatibo – nagtatangkang maisalin ang eksaktong kontekstuwal na kahulugan ng
orihinal sa wikang katanggap-tanggap at madaling maunawaan ng target na mambabasa.

1. Idyomatik- Mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal ang isinasalin. Di nakatali sa anyo, ayos
o estruktura ng SL (Simulaang Lengguwahe), bagkus iniaangkop ang bagong teksto sa normal na
anyo ng TL.

1. Adaptasyon – itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin. Madalas gamitin ang


adaptasyon sa salin ng dula (komedya) at tula. Kadalasan ay pinananatili ang paksang-diwa, mga
tauhan, banghay. Ang kultura ng SL ay pinapalitan ng kultura ng TL at ang teksto ay muling
isinusulat. Isinasalin ang nilalaman nang wal ang tinatawag na ‘pagsasaling intralingual’.
Kadalasan ay masalita at parng hindi na salin.
MODYUL 2 | ARALIN 1 | Mga Batayang Kaalaman sa
Filipino at Pagsasaling-wika

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Nagugunita ang kahalagahan ng pagsasalin
2. Natutukoy ang pagsasalin bilang isang Agham o Sining
3. Naiisa -isa ang mga katangian ng Tagapagsalin

PAUNANG PAGTATAYA
1. Anu-ano ang mga benipisyo na aking matatamo sa pagkakatuto ng
pagsasaling-wika?
2. Alin ang aking magiging panig sa usaping, agham o sining ba ang pagsasaling-
wika?
3. Paano ako magiging isang epektibong taga pagsalin?
NILALAMAN
Maraming kaalaman ang dapat taglayin ng bawat mag-aaral na tulad mo at isa na rito ang
malawak na kaalaman sa pagsasaling-wika. Nasubukan mo na bang makipag-usap sa isang
banyaga? Naging madali ba para sa iyo na ipahayag ang nais mong sabihin?
Kaakibat ng pag-unlad ng bansa ang pakikipag-ugnayan natin sa mga banyaga at dahil ang Ingles
ay tinatawag na unibersal na lenggwahe, marapat lamang na may taglay tayong kaalaman ukol
dito.
Mapatutunayan mo rin na kayang-kaya mo ang magsalin kung pakatatandaan mo ang
mahahalagang impormasyon at detalyeng inilahad sa modyul na ito. Ika nga ni Panciano Mercado
Rizal (1886);
Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y mauunawaan, at ginagawang malaya naman
kapag iyon ay may kalabuan datapua’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan.
Ayon kay Almario, “lahat ng pagsasalin, sa tingin ko, ay maaaring ipaloob sa tatlong pangalang
sumusunod. Una, ang metaprase, o ang pag-uulit sa isang awtor nang salita sa salita, at linya sa
linya, mula sa isang wika tungo sa isa pa. Ganito, o malapit sa ganitong paraan, ang Art of Poetry
ni Horace na isinalin ni Ben Johnson. Ang ikalawaang paraan ay ang paraprase, o pagsasalin nang
may pagluluwag. Dito ang awtor ay laging nása pananaw ng tagasalin, upang hindi kailanman
mawala, ngunit ang kaniyang mga salita ay hindi estriktong sinusunod na katulad sa kaniyang ibig
sabihin; at ito man ay inaaming ipinaliliwanag, ngunit hindi binabago. Ganoon ang pagsasalin ni
Mr. Waller sa Ikaapat na Aeneid ni Virgil. Ang ikatlong paraan ay ang imitasyon, at dito ang
tagasalin (kung hindi pa niya naiwawala ang gayong pangalan ngayon) ay nanghahawakan sa
kalayaan, hindi lámang para lumihis sa mga salita at ibig sabihin, kundi maging para talikdan
kapuwa ang mga ito kung makita niyang hinihingi”

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSASALIN


 Karaniwang nasusulat sa wikang ingles ang mga akda na siyang pinagkukunan ng mga
impormasyon ng isang mananaliksik.
 Nangangahulugan lamang ito na kailangan na mayroong kakayahan sa pagsasalin ang
isang nagtatangkang mananaliksik
 Daan tungo sa matagumpay na pagsasalin

o maingat na pananaliksik kaugnay ng akdang isasalin.
o kasanayan sa pagtukoy sa teoryang gagamitin sa pagsasalin.
o maingat na pagtuklas sa kahulugan at katumbas.
o pagpapahalaga sa tatanggap ng salin
o pagpapahalaga sa orihinal at sa salin.
 Pagsasalin → Paglilipat

o Wika ni Nida (1964, sa Almario, etal., 1996) - translation consists of producing in the
receptor language the closet, natural equivalent of the message of the source languages first in
meaning and second in style.
 Ang pagsasaling wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
natural na katumbas ng orihinal na mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at
ikalawa’y batay sa istilo.
 Ang pagsasaling wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas
sa DIWA at ESTILO na nasa wikang isinasalin.

o Ayon kay Newmark (1958 sa Almario et.al. 1996) -translation is an exercise which
consists in the attempt to replace a written message in one language by the same message in
another language.
o Catford (1965 sa Santiago, 2003) -translation may be defined as the replacement of
textual material in one language (source language) by equivalent textual material in another
language (target language)
o (Larson, 1984 sa Almario,et.al 1996) -translation is reproducing in the receptor
language a text which communicates the same message as the source language but using the
natural grammatical and lexical choices of the receptor language.

 Bagay na sangkot sa gawaing pagsasalin



o Dalawang Wika
.
1.
1. simulaing wika
2. tunguhing wika

o Teksto na siyang pinag-uugatan ng gawain

o Tagasalin

KAHALAGAHAN NG PAGSASALING-WIKA
Bibinigyang diin ng mga kinatawan ng Pilipinas ang malaking gampanin ng mga tagapagsalin sa
pagpapayabong ng kamalayang pampanitikan sa huling araw ng Asean Literary Symposium, ika-
28 ng Agosto sa Ateneo de Manila.
Iginiit ni Danilo Francisco M. Reyes ng Ateneo na nararapat parangalan ang mga Filipinong iskolar
na nagsasalin ng mga akdang banyaga sa wikang Filipino. Dapat din aniyang suportahan ng
pamahalaan ang kanilang mga adhikain.
“We should reward translators and scholars,” ani Reyes sa harap ng mga kinatawan ng iba’t-ibang
bansa sa Timog-Silangang Asya. “We should also protect them from piracies and unjust
appropriations.”
Ipinahayag din ng mga Filipinong delegado ang kanilang pagkadismaya sa kultura ng pagsasalin
sa bansa kung saan nauuwi lamang sa mga textbook ang mga isinaling akda sa Filpino, imbes na
naililimbag nang maayos at napababantog sa mga Filipinong mambabasa.
Iminungkahi ni Reyes ang pakikipag-ugnayan sa mga malalaking bookstore sa Timog-Silangang
Asya upang mas maging madali ang distribusiyon ng mga akda. “We have materials, but the
problem is accessibility,” wika niya.
Iginiit naman ni Marne Kilates, tanyag na makata at tagapagsalin, na sa kabila ng hindi gaanong
katanyagan ng larangan ng pagsasalin sa bansa, nararapat pa ring sanayin ang mga Filipinong
iskolar lalo na sa pagsasaalang-alang ng wordplay sa pagsasalin ng mga tulang banyaga.
“Ang isang tagapagsalin ay dapat marunong mamangka sa dalawang ilog; [‘yong may sapat na
kaalaman sa paggamit ng dalawang magkaibang wika] at dapat may sanga-sangang dila,” aniya.
Idiniin naman ni Mario Miclat, propesor ng Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas at isang
ring tagapagsalin, na ang ugat ng suliranin sa ating kulturang pampanitikan ay ang hindi
pagpapahalaga sa pambansang wika at ang pagtingin dito bilang isang mas nakabababang wika
kumpara
sa Ingles.
“Filipinos would not admit that they read Filipino literature,” aniya. Dagdag pa niya, hindi lamang
dapat mga akda sa Ingles ang isinasalin sa wikang Filipino, kung hindi pati na rin ang mga akda
ng mga karatig-bayan sa Asya na nasa wikang Indones, Lao o Malay.
Sinabi naman ni Rebecca Añonuevo, pinuno ng Department of English sa Miriam College, na
magsisilbing tulay sa matibay na pagsasamahan ng mga Asyanong bansa ang pagsasalin sa
Filipino ng mga akdang pampanitikan mula sa wikang banyaga. Ito ay daan sa integrasiyon ng
mga nagkakaisang lahi sa rehiyon, aniya.
Isinalaysay niya kung paano naging malaking bahagi ng panitikang Filipino ang paggunita sa mga
sakuna tulad ng Bagyong “Ondoy,” lindol noong 1991 at ang panahon ng Batas Militar.
“Literature makes us remember the power of our natural forces,” ani Añonuevo. “The literature of
catastrophe is our song of trauma.”
Kaugnay ng talumpati ni Añonuevo, maraming delegado ang nagsalaysay ng kani-kanilang
karanasan sa kasagsagan ng mga kalamidad.
“We, Asean countries, have a ‘catastrophe’ connection,” wika ni Melani Budianta ng Indonesia.
“Aside from having the same monsoon, we have experienced similar social and political ‘storms’
and life-changing disasters that all affect our literature.”
Samantala, pinuri naman ni Trisilpa Boonkhachorn, kinatawan ng Thailand, ang kagandahan ng
panitikang Filipino na aniya’y may malaking pagkakaugnay sa panitikang Thai bunsod ng
magkakadugong mga ninuno sa rehiyong Malay.

PAGSASALIN AGHAM BA O SINING?


Kahulugan ng Pagsasalin
 Wikang Filipino:Pagsalin
 Wikang Ingles:Translation
 Wikang Latin:Translatione
 Wikang Griyego: Metafora/Metaphrasis

Ang Pagsasalin Bilang Sining/ Agham


 Ang Pagsasalin Bilang Sining/Agham (Chabban)
Ang pagsasalin ay isang subhetibong sining na kaiba sa agham. Mabusisi itong trabaho dahil hindi
pa ito natatakdaan ng istriktong siyentipikong panuntunan.
 Ang Pagsasalin Bilang Sining/Agham (Liban-Iringan)
Ang pagsasalin ay isang agham na dulot ng pinagdadaanan nitong proseso at isang sining dahil sa
mga ginagamit nitong sangkap upang maipaunawa ang isang akda.
Ano ang Pagsasalin?
 Nida 1964
Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas ng
mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa ay sa estilo.
 Savory, 1968
Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod
ng pananalita
 Larson 1984
Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng
kahalintulad na mensahe sa simulang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal
at leksikal ng tumatanggap na wika
 Newmark 1988
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na
mensahe sa isang wika na gayon ding mensahe saibang wika

Katangian ng Isang Mahusay na Salin


 C- Clear (malinaw)
 A - ccurate (wasto)
 N- Natural (natural)

1. Malinaw na Salin
.
A. Kailangang malinaw ang isang akdang salin upang matamo ang layunin nito ang
mailipat sa ibang lengguwahe ang isang akda at maunawaaan ang mensahe ng taong hindi
marunong ng wika ng orihinal.
B. Wasto ang salin kung ang sinasabi ng awtor ay iyon ding katapat na mensahe ang
ipahayag ibang wika.
1. Wastong Salin
Natural ang daloy ng salin kung madulas ang mga pahayag sa tunguhang lengguwahe at hindi
bumibikig sa lalamunan ng mambabasa ang mga pangungusap
1. Natural ang Daloy
Dapat taglayin ng tagasalin ang sumusunod na kasanayan: (Abdellah 2002)
 Kasanayan sa Pagbasa
 Kasanayan sa Pananaliksik
 Kasanayan sa Panunuri
 Kasanayan sa Pagsulat
1. Kasanayan sa Pagbasa
Sa malawak na pagbabasa ng iba't ibang saling akda, masusuri o matataya niya ang mabuti at di-
mabuting salin at mamumulat siya sa iba't ibang konseptong kultural ng wika
1. Kasanayan sa Pananaliksik
Mahalagang kilalanin ng tagasalin ang inaasahan ng mambabasa ng akda sa tunguhing
lenggwahe upang maiangkop ang mga salitang gagamitin at ang dikiyonaryong maaaring
sangguniin
1. Kasanayan sa Panunuri
Upang makilala nang lubuasn ng tagasalin ang orihinal na teksto, kailangan alamin niya ang
artikulasyon ng mga ideya, paniniwala, tauhan, ritmo, at iba pang salik ng teksto
1. Ayon sa " Generative Grammar" ni Chomsky, may tendensiyang magkaroon ng
maraming pakahulugan at salin ang isang partikular na pahayag kaya naman dapat
maging masusi ang pagpili ng tamang salita
1. Kasanayan sa Pagsulat
Pagkatapos ng masalimuot na proseso ng paglikha ng salin, isasagawa pa ang patuloy na rebisyon
nito upang ganap na maging natural ang tunguhing lenggwahe at sa mambabasa nito. Tunay na
isang mapanghamon na gawain ang pagsasalin. Isang malaking tungkulin ang nakaatas sa
sinumang tagasalin kaya naman nararapat ang ganap na kahandaan at kasanayan para rito
MODYUL 2 | ARALIN 2 | Mga Batayang Kaalaman sa
Filipino at Pagsasaling-wika – Ikalawang Bahagi

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Natukoy ang mga paalala sa pagbabaybay ng pagsasalin
2. Naihalayhay ang iba’t ibang teorya ng pagsasalin sa tulong ng ilang halimbawang mayroon
sa aralin
3. Nailapat ang bawat paraan ng pagsasalin sa isang parirala o pangungusap.

PAUNANG PAGTATAYA
Mga Susing Tanong:
1. Anu-ano ang mga dapat isalang-alang kapag nagsasalin?
2. Anu-ano ang mga teorya sa pagsasalin?
3. Sa anong mga kaparaanan ka posibleng makapagsasalin?

NILALAMAN

MGA PAALAALA SA PAGBABAYBAY KAPAG NAGSASALING WIKA


Narito ang ilang mga panimulang patnubay sa pagsasaling-wika ng Drupal sa Filipino. Habang
tayo ay nagsasaling-wika, maaari tayong magpasiya ng mas tiyak na mga patnubay upang
mapahusay ang pagsalin ng Drupal sa Filipino. Ang pahinang ito ay isang wiki, ibig sabihin ay
maaari mong baguhin ang teksto ng pahinang ito.
Ang iyong gawain ay ... ipahatid ang nilalaman, kaya huwag matakot na lokalisahin ang orihinal
na teksto kahit na ito'y ibang-iba (dapat akma, siyempre). Basahin ang orihinal na teksto, unawain
ang nilalaman nito, at isaalang-alang kung paano mo nais na ibalangkas ang teksto sa iyong wika
(kung hindi mo pa naririnig ang orihinal na teksto).
Mas madaling maintindihan ang Drupal kung ang mga tagapagsalin ay may kayang maging pare-
pareho sa paggamit ng mga salita. Kung iyong isasalin ang isang salita sa ibat-ibang
singkahulugan nito, mahihirapan ang mga tao na maintindihan na ang tinutukoy sa Drupal ay
parehong tampok o pag-andar.
Mahalaga rin na alamin ang estilo ng pagsasaling-wika ng proyekto. Tandaang gumamit ng
konserbatibo at pormal na Filipino.
Isalin ang mga salita at teknolohiyang pang-internet at pigilin muna ang sarili sa paggamit ng mga
katumbas na salita sa Ingles.
Alamin muna kung may akmang salita o terminoholiya sa Tagalog. Kung mayroon, gamitin ito.
Kung wala, suriin kung may akmang salita mula sa mga pinaka-malalawak na wika ng Pilipinas
gaya ng Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-Waray, Kapampangan, Northern Bicolano,
Chavacano, Pangasinense, Southern Bicolano, Maranao , Maguindanao, Kinaray-a, at Tausug.
Kung wala pa rin, suriin pa kung may akmang salita mula sa iba pang wika ng Pilipinas. Kung
walang akmang salita o terminolohiya mula sa mga wika ng Pilipinas, maari mong itranslitereyt
ang salita mula sa ingles papuntang Tagalog (halimbawa: account -> akawnt, computer ->
kompyuter). Tandaang ang pagta-translitereyt ay papuntang Tagalog at hindi Filipino, dahil ang
Filipino ay may mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z na hindi ginagamit sa pagtatranslitereyt.
Kung talagang mas magandang hindi isaling-wika ang mga terminolohiya at salita, gamitin ang
Ingles na salita. (halimbawa: internet) Kung ikaw ay hindi sigurado sa mga katumbas na salita,
subukang makipag-ugnay sa departamento ng iyong wika mula sa mga pinagpipitaganang
pamantasan sa iyong bansa o sa isang kawanihan na nangangalaga ng iyong wika. Huwag
matakot na gamitin o ipakilala ang mga bagong salita kung ito ay maging saligan. Tandaan, nang
ipinakilala ang salitang "mouse" (pang-kamay na aparato upang makipag-ugnay sa isang
kompyuter), ang salita ay kinutya at pinagtawanan.

TEORYA SA PAGSASALIN
Teorya ng Pagsasalin Ayon kay Newmark.
Ayon kay Newmark (1988), "ang pagsasaling-wika ay pagbibigay kahulugan ng isang text sa ibang
wika sa paraang ninanais ng may-akda." Madalas na inaakala natin na ang pagsasaling-wika ay
isang payak na pagsasabi ng isang bagay sa ibang wika; ang tutuo ang pagsasaling-wika ay isang
masalimuot at mahirap na gawain. Masalimuot ang gawaing itosapagkat napakaraming bagay o
factors ang mga hadlang sa pagsasalin; tulad ng kultura, kaugalian, kaayusang panlipunan at
marami pang iba. Mahirapang pagsasalin sapagkat nakatali ito sa orihinal; dito ang nagsasalin ay
hindi malayang magpasok ng kanyang sarilingkaisipan.
Ang salin ay kinakailangang nagtataglay ng diwa at kahulugan ng isinalin. Hanggat maaari ito ay
dapat magmukhang natural. Ang mga dayuhan ay may sariling istrukturang pangwika, sariling
kalinangan, may ibang paraan ng pag- iisip at paraan ng pagpapahayag, ang lahat ng ito ay dapat
kilalanin ng nagsasalin na mga balakid o hadlang na dapat niyang bakahin.
Ayon kay Newmark (1988) walang bansa, walang kultura ang lubhang nakababata upang hindi
tumanggap sa makabagong kaisipan. Samakatwid, ang pagsasalin ay laging posible. Gayunpaman,
dahil sa iba't ibang katwiran, ang isinasalin ay maaring magkaroon ng ibang dating kaysa orihinal.
Halimbawa maaaring ang pakay ng isang lathalain ay ipakilala ang isang produkto subalit ang
pakay ng nagsasalin ay makahikayat ng mamimili ng nasabing produkto.

Ang teorya ng pagsasalin ay nauukol sa mga paraan ng pagsasalin na nararapat sa isang text, at
nakasalalay sa mga teoryang pangwika. Ang teorya ng pagsasalin ay may kinalaman sa
pinakamaliit na bantas o tanda (tuldok, kwit, aytaliks atbp.), gayundin sa panlahat na kahulugan
na parehong mahalaga sa isang text.Tunghayan ang halimbawa na magpapakita ng kahalagah ng
bantas. Hindi, puti. (No, it's white.) Hindi puti. (It's not white.)

Bagaman magkatumbas o pareho ang dalawang leksikal na salita (hindi at puti) na nakapaloob sa
dalawang pangungusap, ay nagkaiba naman ng kahulugan ang dalawang pangungusap dahil sa
kwit na nakalagay pagkatapos ng hindi. Ang pagwawalang bahala sa isang bantas, intensyonal o
di intensyonal ay maaring magdulot ng malaking pagkakamali sa pagsasalin. Ang layon ng
pagsasalin ay suriin ang lahat ng paraang posibleng pagpilian at pagkatapos ay gumawa ng
pagpapasya. Ang unang tungkulin ng nagsasalin ay alamin at tukuyin ang kahulugan ng isang
suliranin sa pagsasalin; pangalawa ay ilahad ang lahat ng mga factors na dapat isaalang-alang sa
paglutas sa suliranin; pangatlo ay itala ang lahat ng posibleng pamamaraan; at huli ay
pagpasyahan ang pinakanararapat na paraan. Kaugnay nito, si Newmark (1988) ay naglahad ng
mga elemento ng pagsasalin:
1. Ang pagbibigay- diin sa mga mambabasa at kaayusan (setting). Dapat maging natural ang
dating ng salin upang madaling maunawaan at makapag- iwan ng kakintalan sa mambabasa.
Halimbawa dito ang pagsaalin ng Noli. Kapansin-pansin na ang mga salitang ginamit ni Poblete na
nalathala noong 1907 ay malayo na o malaki ang pagkakaiba sa salin nina Sayo at Marquez
sapagkat malaki ang pagkakaiba ng mambabasa ni Poblete at mambabasa nina Sayo at Marquez.
Iba na rin ang kaayusang panlipunan na umiiral noon kaysa sa umiiral ngayon.
2. Pagpapalawak ng paksa nang higit pa sa panrelihyon, panpanitikan, pang- agham at
teknikal, kasalukuyang kaganapan, publisidad, propagando o anumang paksa ng panitikan.
3. Pagdaragdag sa mga text na sinasalin mula sa mga libro (kasama ang mga dula at tula)
hanggang sa mga artikulo, kasulatan, kontrata, tratado, batas, panuto, patalastas, liham, ulat,
mga form sa kalakalan, atbp.
4. Istandardisasyon mg mga katawagan.
5. Pagbuo ng mga pangkat ng tagasalin at tagarebisa. Ang pagsasalin ay dapat gawin ng
grupo hindi lamng ng isang tao upang makuha ang pananaw ng nakararami at hanggat maari ay
magtalaga ng ibang tao na magrerebisa sa mga sinalin.
6. Magiging malinaw lamang ang dating (impact)lingwistika, sosyolingwistika, at teorya ng
pagsasalin kung ang mga tagapagsalin ay sasanayin sa mga politeknik at unibersidad.
7. Ang pagsasalin ngayon ay ginagamit upang makapagpalaganap ng kaalaman para lumikha
ng unawaan sa pagitan grupo at mga bansa, gayundin ang paglaganap ng kultura. Sa kabuuan,
sinasabi ni Newmark na ang pagsasalin ay isang bagong disiplina, isang bagong profesyon, isang
lumang pakikihamok na nakatalaga sa iba't ibang layunin. Ang Pagsusuri ng Text Pagbasa ng
Text Sinisimulang ang pagsasalin sa pagbasa sa textsa dalawang kadahilanan: una, upang
maunawaan kung saan ito nauukol; pangalawa, upang suriin ito ayon sa pananaw ng tagasalin na
iba kaysa pananaw- dalubwika o kritikong- pampanitikan.
Ang pag- unawa sa text ay nangangailangan ng lahatan at malalimang pagbasa. Lahatan upang
makuha ang buod para matukoy kung ano ang mga bagay na kailangan sa pagsasalin na maaring
gamiting sangunian tulad ng ensayklopidya, texbuk, thesis, atbp.
Ang malalimang pagbasa ay nangangailangan ng masusing pagsusuri sa mga salita na nakapaloob
sa text para matukoy ang tiyak na kahulugan nito, matukoy ang mga talinhaga, kolokyalismo, at
neologism. Dapat malaman ang layunin at paraan kung paano ito nasulat para matukoy ang
karapat-dapat na paraan ng pagsasalin at para matukoy ang tiyak at paulit-ulit na mga suliranin
na kakaharapin sa pagsasalin.
Translation ay isang proseso, batay sa teorya na ito ay posible na abstract ang kahulugan ng
isang text mula sa mga form at kopyahin ang kahulugan na may iba't-ibang form ng isang
pangalawang wika.
MGA PARAAN NG PAGSASALIN
Mga Paraan Sansalita-bawat- sansalita Literal Adaptasyon Malaya Idyomatiko
KomunikatiboMatapat Semantiko Diing Pang-SW Diing Pang-TW
 Sansalita-bawat - sansalita Maaaring gamitin ang naturang paraan sa pagsisimula ng
gawaing pagsasalin, sa prosesong tinutuklas ng tagasalin ang kahulugan ng orihinal ngunit hindi
dito nagtatapos ang pagsasalin.
 Literal - Sa ganitong paraan ng pagsasalin, isinasalin ang mensahe mula sa orihinal na
wika tungo sa target na wika sa pinakamalapit na natural na katumbas na nagbibigay halaga sa
gramatikal na aspekto ng tumatanggap na wika.
 Adaptasyon - Sa paraang ito, tila isinasantabi ng tagasalin ang orihinal. Ginagamit lamang
niya ang orihinal bilang simulain at mula roon ay papalaot upang makabuo ng bagong akda.
 Malaya - Inilalagay ng tagasalin sa kanyang kamay ang pagpapasya kung paano isasalin
ang mga bahagi ng isang teksto na maituturing na may kahirapan.
 Matapat - Sa pamamaraang ito ay ginagamit ng isang tagasalin ang lahat ng kanyang
kakayahan upang manatiling tapat sa mensahe ng orihinal sa paraang tanggap sa bagong wika.
 Idyomatikong salin - Ang kakayahan ng isang tagasalin na unawain ang kalaliman ng
wika ng orihinal at hanapin ang katumabas nito sa target na wika ang nangingibabaw.
 Saling semantiko - Pinangingibabaw ng tagasalin ang pagiging katanggap-tanggap ng
salin sa mga bagong mambabasa sa pamamagitan ng pagtiyak na natural sa pandinig at paningin
nila ang salin at hindi ito lumalabag sa pinaniniwalaang katanggap-tanggap.
 Komunikatibong salin - Hindi lamang nagiging tapat sa pagpapakuhulugan ang tagasalin,
ngunit maging sa konteksto ng mensahe at nailipat niya ito sa paraang madaling tanggapin ng
bagong mambabasa dahil sa ginagamit na wika ay yaong karaniwan at payak.

MODYUL 2 | ARALIN 3 | Pagsasalin ng Pilosopiya, Bisyon, Misyon, Goal at Layunin ng University of


Batangas
MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Nakapagsasalin nang may kalinawan at katapatan mula sa wikang Ingles patungo sa wikang Filipino

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Panuorin ang bidyo sa link na nasa ibaba at pagkatapos ay magkaroon ng munting
repleksyon batay sa mga isinalaysay at nais ihatid ng unibersidad mula sa PVMGO nito.

https://www.facebook.com/ubatangas/videos/1846309822199987

NILALAMAN
Pagsasalin ng Pilosopiya, Bisyon, Misyon, Goal at Layunin ng University of
Batangas
 Pilosopiya
Orihinal Salin

The University of Batangas, a stock Ang Unibersidad ng Batangas, isang pribadong pang
non-sectarian private educational edukasyong institusyon, ay naniniwala sa pagkakamit
institution, believes in the pursuit of ng katalinuhan, pag-uugali at kakayahan na
knowledge, values and skills kinakailangan sa pagprepreserba at pagpapalago ng
necessary for the preservation and makabansang komunidad. May paniniwala ito sa
improvement of the Philippine society. dignidad ng isang tao sa makademokratikong paraan,
It has faith in the dignity of a human sa kagalingang pang-indibidwal at sa Kalayaan ng
person in the democratic process, in taong sumampalataya sa Diyos batay sa kanyang
the reward for individual excellence, konsiyensya. Kung kaya, naniniwala ang institusyon na
and in the freedom of a person to ang paghubog sa isang indibidwal bilang isang tao at
worship God according to his manggagawa ay isang epektibong pamamaraan sa
conscience. Thus, the institution pagbuo ng mas maayos na pamilya, komunidad at
believes that the development of the bansa, at buong mundo.
individual as a person and worker is
an effective means in building a better
family, community and nation, and a
better world.

Bisyon

Orihinal Salin

We envision the University of Aming nakikita ang Unibersidad ng Batangas


Batangas to be a center of bilang isang sentro ng kalinangan; tapat sa
excellence committed to serve pagbibigay serbisyo sa mas malawak na
the broader community komunidad sa pamamagitan ng mataas na
through quality education. kalidad ng edukasyon.

 Misyon
Salin
Orihinal

Ang Unibersidad ng Batangas ay nagbibigay


The University of Batangas provides quality ng mataas na kalidad ng edukasyon sa
education by promoting personal and pamamagitan ng paglinang sa personal at
professional growth and enabling the person propesyunal na pag-angat ng tao;
to participate in a global technology and hinahayaang maging bahagi ng isang pang-
research-driven environment. global, teknolohiya at makapansaliksik na
kapalig
MODYUL 2 | ARALIN 4 | Hakbang-hakbang na Yugto sa
Pagsasalin

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Nagugunita ang mga paraan sa oagsasalin ng mga tekstong pampanitikan
2. Naiisa-isa ang mga teknik sa pagsasalin ng tula
3. Nailalapat ang mga kaisipang mayroon hinggil sa konsepto ng tugmaang pambata.

PAUNANG PAGTATAYA
Mag-isip ng mga hakbang-hakbang na halimbawa ng mga gawain, maaring ito ay pagluluto
ng paborito mong adobo,o di kaya naman ay mga hakbang sa paglalaba ng damit, atbp. Matapos
makapili ng iyong iisa-isahing hakbanging gawain ay isulat ito sa hagdang pigura sa ibaba.
Magkaroon ng munting repleksyon batay kung paano natatapos ng mabisa at kapaki-pakinabang
ang isang gawain,
NILALAMAN
Hakbang-hakbang na Yugto sa Pagsasalin
Layunin: matulungan ang isang baguhan sa pagsasalin

A. Preliminaryong Gawain
1. Paghahanda
Ang tagasalin ay dapat na:

o may sapat na pag-aaral sa linggwistika
o handa at pamilyar sa tekstong isasalin.
Ang tekstong isasalin ay maaring:
• mga materyal teknikal o siyentipiko (agham, teknolohiya, karunungan)
• di teknikal o malikhaing panitikan (tula, maikling kwento, nobela)
Bilang paghahanda habang binabasa ang teksto ay dapat na:

o markahan ang mga bahaging may kalabuan
o magsagawa ng pag-aaral sa background material na makukuha:
-may-akda;
-kalagayan habang isinusulat ang teksto;
-layunin sa pagkakasulat, kultura ng tekstong isasalin;
-kung para kanino ang teksto.

2. Pagsusuri (Analysis)
Habang binabasa ang teksto ay dapat:

o maingat sa pag-aaral sa mga key words.
o pag-ukulan ng pansin ang pagkilala sa simula at wakas ng teksto sapagkat dito
mahuhulaan ang paksang-diwa.
o tuklasin kung ano ang ipinapahiwatig ng mga ginamit na cohesive devices na pang-
ugnay.
o kilalanin ang pinakamahalagang bahagi.
o bigyan ng angkop na katumbas sa wikang pagsasalinan na may diin sa bahaging
binibigyang- halaga ng may akda.

o inaalam ang lahat ng pangyayari at kalahok.
o pansinin ang iba pang kahulugan, mga matalinhagang kahulugan at mga tungkuling
pangretorika ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap.

B. Aktwal na Pagsasalin

3. Paglilipat (Initial Draft)



o nagaganap sa isip ng tagapagsalin.
o paglilipat ng kahulugan sa ikalawang wika.
o mga pamamaraang pantalinhaga o panretorika ng simulaang wika.
o mga anyong panggramatika ang gagamitin upang higit na masabi ang tamang
kahulugan.
4. Pagsulat ng Unang Burador

o basahin muli ang ilan sa mga bahagi o tingnan muli sa diksyunaryo. Mapapansin dito
ang anyo ng tekstong isinasalin.
o ang burador na kaniyang isusulat ay dapat lilitaw na natural o malinaw nang hindi
tinitingnan ang simulaang lenggwahe.
o iwasto ang mga nawalang impormasyon
5. Pagsasaayos ng Unang Burador
1. Higit na mabuti kung hindi galawin ang burador ng isa o dalawang linggo sapagkat sa
ganitong paraan nagkakaroon ng bagong pagtingin.
2. Pagbabasa ng manuskrito ng malakas

o Mga bahagi na masyadong may maraming salita
o Mga maling anyong panggramatika o malabong kayarian
o Maling kaayusan
o Mali ang koneksyon
o Collocational clashes
o Malabo/Di maintindihan
o Istilo
1. Tingnan ang kawastuhan ng kahulugan

o May nawala
o May nadagdag
o Iba ang kahulugan
o Walang kahulugan
1. Malinaw na lumulutang ang paksang-diwa o pangunahing kaisipan
C. Evalwasyon ng Pagsasalin
1. Paghahambing ng salin sa orihinal- Ang layunin nito ay upang tingnan kung pareho ang
nilalamang impormasyon ng dalawa at matiyak na ang lahat ng impormasyon ay nailipat sa salin.
Hindi dapat pareho ang salin sa forms (paimbabaw na istruktura o ang mga salita parirala, sugnay,
pangungusap na sinasalita o sinusulat) ng Simulaang Wika.
1. Balik-salin (Back-translation) Isang taong bilinggwal sa mga wikang kasangkot sa
pagsasalin. Kailangan hindi nabasa ang source text o tekstong isasalin. Bago ang back-translation
mayroon munang Literal rendering ng salin. Isa-isang tumbasan upang maipakita ang kayarian o
structure ng salin. What is your name? salin: Ano ang iyong pangalan? Literal rendering: What the
your name? Balik-salin: What is your name?
1. Pagsubok sa pag-unawa Ang layunin nito ay upang malaman kung ang salin ay
naiintindihan nang wasto o hindi ng mga katutubong nagsasalita ng wikang pinagsalinan. Tester |
Respondent

o Higit na mabuti kung ang tester ay hindi ang taong nagsalin.
o Alam ng respondent na hindi siya ang sinusubok kundi ang salin.
o Itinatala ng tester ang lahat ng mga sagot ng respondent.
o Magsasagawa ng ebalwasyon ang tester at ang tagasalin.
o Ipinapasalaysay sa respondent ang materyal na binasa. -upang matiyak ang
pangunahing pangyayari/paksang-diwa ay maliwanag.
o Pagtatanong tungkol sa salin. Dapat ito’y nakahanda, napag-isipan nang maayos
upang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa istilo, tema, o detalye ng akda.
1. Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin (Naturalness Test) Ang layunin
nito ay upang matiyak na ang anyo ng salin ay natural at nababagay ang estilo, madaling basahin
at malinaw ang mensahe.

o Ginagawan ito ng review (manunulat/skilled writers, bilinggwal)
o Handang mag-ukol ng panahon para basahin sa mabuting paraan:
.
1.
1. Babasahin ng reviewer ang buong salin upang tingnan ang daloy at
pangkalahatang kahulugan.
2. Mamarkahan ng reviewer ang mga bahaging mahirap basahin/hindi malinaw.

o Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin (Naturalness Test)
o Babalikan niya ang mga bahaging minarkahan niya.
o Magbibigay siya ng mga mungkahi sa nagsalin gaya ng pagpili ng tamang salita,
wastong gramatika.
1. Pagsubok sa Gaan ng Pagbasa (Readability Test) Ito’y isinasagawa ng mga nagsalin o
tester sa pamamagitan ng pagbasa ng isang tagabasa sa isang bahagi. Ang readability test ay
maari rin maapektuhan ng formatting matters. (tipo, bantas, baybay, laki ng marjin, at puwang sa
pagitan ng linya)
1. Pagsubok sa Konsistent (Consistency Test)

o May kinalaman sa nilalaman ng salin
o May kinalaman sa teknikal na detalye ng presentasyon o paggamit ng pananalita.
Maaaring hindi na naging konsistent ang tagasalin sa paggamit ng mga leksikal na katumbas para
sa ilang key terms.

PAGSASALIN NG MGA TEKSTONG PAMPANITIKAN


PANITIKAN-Ito nagmula sa salitang "pang-titik- an" na ang ibig sabihin ay literatura o mga
akdang nasusulat.
-Ito ay naglalaman ng mga akdang may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay, mga kathang-
isip, pag- ibig, kasaysayan at iba pa.

TALAMBUHAY -akdang pampanitikan kung saan nilalarawan ang buhay ng pangunahing tauhan
at ang mga nagawa, nangyari, at mga katangian ng mga tauhan sa akda.
TULA - Uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng makahulugang mga paksa.
Naglalaman ang tula ng mga tugma, metro at taludtod sa isang akda.
DULA - Akdang pampanitikan kung saan ito ay itinatanghal sa entablado sa harapan ng
maraming manunood.
- Kadalasang may paksang pag-iibigan, panlipunan at pangpamahalaan.
- isang masining at mabulaklak na pagtatanghal na bibibigyang buhay ang galaw o
karanasan ng isang tao sa pamamagitan ng pagtatanghal sa entablado. Mayaman ito
sa mga paksang pangkasaysayan.
TALUMPATI - Akda kung saan ito ay itinatanghal sa harapan ng maraming tao gamit ang
pagsasalita. Karaniwang may temang panghihikayat.
ALAMAT - Akda na ang laman ang mga kwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
mundong ibabawa. Ito ay pagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa
paligid.
MAIKLING KWENTO - Akdang pampanitikan na may bilang na tauhan lamang at
pangyayari. May mga paksang pang pamilya at panlipunan. Dito, ang mga pangyayari ay
nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga tauhan.
EPIKO - Akdang pampanitikan kung saan naglalaman ng mga kwento tungkol sa paglalakbay,
pakikidigma at kabayanihan ng pangunahin tauhan. - Mga tulang-salaysay tungkol sa
mga bayani at sa kanilang mga kabayanihan.
PABULA - Mga kwento na kung saan ang pangunahing tauhan ay mga hayop. Ito ay karaniwang
ginagalawan ng mga hayop bilang tauhan ng kwento. Kadalasang ito ay nagbibigay ng aral sa
hulihan ng kwento. Kadalasang pambata ang mga tema upang mahikayat sa mga mambabasa.
NOBELA - Panitikan kung saan ito ay naglalaman ng mga paksang panlipunan. Ito ay may mga
mahahabang serye at kabanata sa isang akda. ito rin ay isang salayaysay na binubuo ng mga
kawil- kawil na mga pangyayari, hinati-hati sa kabanata, punung-puno ng masasalimuot na mga
pangyayari, may malalim na mga tunggalian, kasukdulan at kakalasan.
SALAWIKAIN - Maikling mga pangungusap na naglalaman ng makahulugang mga paksa,
kadalasang naihahalintulad sa pang-araw- araw na pamumuhay.
PARABULA - karaniwang ang kwento ay nagmula sa Bibliya na karaniwang nagiiwan ng
magandang aral sa mga mambabasa
MITO – ito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa.
KWENTONG -BAYAN – karaniwang ang kwento ay tungkol sa mga kaugalian,kultura, paniniwala
sa isang partikular na pook.
ANEKDOTA - isang pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayaring naganap sa buhay ng isang
tao, maaaring nakatutuwa at nakawiwiling pakinggan.

PAGSASALIN NG TULA
Bakit mas Mahirap Magsalin ng Tula?
 Sa mga tekstong teknikal, kapag nauunawaan ng tagasalin ang nilalaman ng kanyang
isinasalin, ang problema lamang ay ang mga katawagan o terminolohiyang gagawin.
 Kahit na diwa rin o mensahe ang isinasalin sa mga tekstong di-teknikal na tulad ng tula,
lahat ng teorista at praktisyuner sa pagsasaling-wika ay nagsasabing mahirap nang hindi hamak
ang magsalin ng ganitong uri ng materyales.
 Ayon kay Finlay: The translating of poetry must surely be a case par excellence in which
the old Italian saying traduttori, traditori applies. Few things are more difficult than the effective
and true meaning of poetry into poetry (if indeed, it is at all possible…)
 Mapatutunayang higit na mahirap limiin ang diwang ibig ipahatid ng makata sa kanyang
tula kaysa diwang ibig ipahatid ng isang espesyalistang sumulat ng isang tekstong teknikal
tungkol sa kanyang espesalisasyon. Sapagkat may nadaragdag na dimensyon ng mga problema
sa pagsasalin ng isang tula na wala sa isang tekstong teknikal.
 Paggamit ng mga tayutay (figures of speech)
 Ang pangangalaga sa estilo ng awtor o paraan ng kanyang pagpapahayag
 Ang pagbagtas sa pamamagitan ng salin sa dalawang magkaibang kultura. Halimbawa:
Kultura ng sumulat sa Ingles na Amerikano at kultura ng babasa ng salin salin sa Filipino na isang
Pilipino.
 Maraming dalubhasa sa pagsasaling-wika ang naniniwalang imposibleng matamo ng
sinuman ang ganap (perfect) na pagsasalin sa larangan ng poesya o tula.

Ano Ba ang Poesya o Tula?


 Ayon kay Savory: Ang poesya ay isang sining ng paggamit ng mga salita upang lumikha ng
ilusyon sa ating mga pandama.
 Ang isang tula ay may ritmo, sukat at tugma; may emosyon o damdaming masidhi at
malalim sa karaniwang pahayag; may higit sa karaniwang dami ng mga tayutay at hindi gaanong
mahigpit sa pagsunod sa gramatikong pagsusunod-sunod ng mga salita
 Ayon kay Almario: Ang tula ay hindi isang koleksyon lamang ng magsisintunog na titik at
makahulugang salita. Dapat itong maging isang buong pangungusap; ang mga titik at salitang
dapat isaayos tungo sa isang makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa, damdamin,
pangyayari, larawan o kakintalan.
 Magkakatulad kaya ang nagiging pagtingin ng lahat ng makata sa isang bagay maging
anuman ang kanyang lahi? Magkakatulad kaya ang kanilang paraan ng pagpapahayag ng
damdamin sa isang inspirasyon? Sagot: HINDI
 Ang isang akdang patula ay may katangiang naiiba sa akdang tuluyan. Sa tula’y pinipili ang
isang salita hindi lamang dahil sa kahulugan nito kundi dahil pa rin sa tunog nito. Sa bahaging ito
ng pagsasalin, nakasusumpong ng hindi biro-birong suliranin ang maraming tagapagsalin. Ito rin
ang dahilan kung bakit nababago ang diwa ng ilang bahagi.
 Masasabing madaling isalin nang tuluyan ang kahulugang napapaloob sa isang tula subalit
imposibleng ilipat sa ibang wika ang buong ritmo, sesura, emosyon, at iba pang katangian ng
orihinal na teksto.
 Sa anong paraan ngayon dapat isalin ang isang tula? Sa paraang patula rin ba? O sa
paraang tuluyan?

Mga Nagsasalungatang Paniniwala sa Pagsasalin


 Ayon kay Savory, si Postgate ang nagsabi sa kanyang aklat na Translations and Translators
na ang isang prosa o tuluyan at dapat masalin sa paraang tuluyan din at ang tula ay sa paraang
patula rin.
 Si Matthew Arnold man ay naniniwala na kung isasalin sa paraang tuluyan ang isang tula,
ang salin ay kailangang magtaglay ng mga katangian ng tula.
 Ang pagsasalin ng isang tulang may sukat ay napakahina kung mawawala ang sukat; na
ang tuluyang salin ng isang tula ay pinakamahina sa lahat ng paraan.
 Naniniwala sila na upang maging makatarungan sa makatang awtor, ang kanyang tula ay
kailangang isalin ng isa ring makata at sa paraang patula rin.
 Sinabi ni Hilaire Belloc na ang pagsasalin sa isang tula ay higit na mabuti kung gagawin sa
paraang tuluyan. Sinusugan pa ito ni Sir John Denham nang isalin nito ang Aeneid.
 Sa Introduksyon ng salin ay sinabi ni Denham na ang layunin niya sa pagsasalin ay hindi
upang lumikha ng bagong tula kundi upang isalin lamang ang diwang taglay ng isang tula hindi sa
paraang patula rin kundi sa paraang tuluyan.
 Ang pagsasalin ng tula ay isang napakadelikadong gawain; na sa pagsasaling tula-sa-tula,
ang bisa ng awtor ay tulad ng gamot na nawawalan ng “ispiritu”.
 Ang orihinal na tula at ang patula ring salin nito, karaniwan na, ay dapat magkatulad sa
anyo. Ang patulang salin ng isang tula ay humahamon sa kakayahan ng tagapagsaling gumamit
ng mga tayutay at iba’t ibang paraan ng pagsasaayos ng mga salitang tulad ng orihinal na
kailangang mapanatili ang hangga’t maaari.
 Kung ang isang tula ay isasalin sa paraang tuluyan, mayroon na kaagad na isang
“kapilayan” ang tagapagsalin bago pa siya magsimula.
 Sa dalawang salin, ayon kay Savory, ay malinaw na mapatutunayang higit na mabuti ang
paraang tula-sa-tula sapagkat bukod sa napananatili sa salin ang “musika” ng orihinal ay
nahahantad pa rin ang mambabasa sa aktwal na anyo nito.
 Lyric poem translated as prose is not an adequate equivalent of the original. Though it may
reproduce the conceptual content, it falls far short of reproducing the emotional intensity and
flavor. However, the translating of some types of poetry by prose may be dictated by important
considerations. -Nida

TUGMANG PAMBATA
Ang tugmaang pambata, ritmong pambata, o tulang pambata ay mga tula, berso, kanta, o awiting
kinawiwilihan ng mga bata dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng nakasisiyang mga tugmaan ng
tunog, tinig, at mga salita. Isang halimbawa nito ang Pen-pen de Sarapen. Sa Kanluraning
Mundong nagsasalita ng Ingles, nalalaman ng mga bata ang tinatawag nilang mga rima ni Inang
Gansa o Mother Goose.
Karamihan sa mga tugmaang pambata ang hindi naman talaga layuning maging para sa mga bata,
sapagkat mayroon sa mga ito ang may pinagmulang mga balada o awiting kinakanta ng mga
matatanda. Mayroon din namang may impluho ng mga bugtong. Mayroon din namang ukol sa
mga kaganapang pampolitika sa ilang pook ngunit naging bahagi ng panitikang pambata. Nang
awitin ang mga ito ng mga ina at narinig ng mga batang inaalagaan nila, natandaan ng mga bata
ang mga nakaaakit sa pandinig na mga koro o parirala.
Kabilang sa mga tangi o talagang pambatang mga tugmaan o rima ang mga inaawit ng mga ina
para sa mga bata tuwing oras na ng pagtulog, ang mga panghele o oyayi. Pati na ang mga tulang
nagtuturo sa mga bata ng pagbilang at pagbigkas ng abakada o alpabeto. Kasama rin ang mga
tugmaang ginagamit ng mga ina at mga anak sa tuwinang naglalaro sila habang magkakapiling.
May mga tugmaang pambata ang bawat bansa. Naglalaman ang mga ito ng kasaysayan at ng
kaugalian ng mga mamamayan ng bansa.

Mga Katangian
May mga dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga bata ang makinig at magsambit ng mga
kataga ng mga tugmaang pambata. Naging bantog ang mga ito sa mga bata dahil sa mga
katangian nito. Sari sari ang mga paksa ng mga panulaang pambata, katulad ng mahaharot na
mga bata, mga taong may masasamang mga ugali o gawi, matatandang mga kababaihan, mga
hari, mga reyna, at mga hayop. Naglalahad ang iba ng mga kuwentong pambata na kalimitang
may sigla at nakasisiyang pakinggan. Mayroon namang labis ang pagiging nakakatawa, bagaman
mayroon ding malulungkot. Siyempre, mayroon itong tiyak na tugmaan ng mga tunog at salita,
kahit na walang saysay ang mga nilalaman o mensahe. May mga himig ang mga ito na naaangkop
sa bawat damdaming nakakaantig sa mga isipan, pandinig, at puso ng mga bata.

Mga Piling Halimbawa:


Pen-Pen de Sarapen
Tungkol ang seksiyon ito sa awiting pambata, para sa bandang Pilipino pumunta sa Pen Pen.
Sa kasalukuyan, isa nang tugmaang pambata ang Pen-Pen di Sarapen, ngunit dati itong isang tila
"walang saysay" na tugmaan na may nakapailalim na kahulugan. Sapagkat tinutuligsa nito ang
mga Kastilang mananakop ng Pilipinas na gumagamit ng espada upang igiit ang Kristiyanismo sa
mga sinaunang Pilipino.
Narito ang taludturan nito:

Pen Pen di Sarapen, de kutsilyo de almasen.


Hau hau de kalabaw, de batuten!
Sayang pula, tatlong pera,
Sayang puti, tatlong salapi.
Sipit namimilipit, gintong pilak
Namumulaklak sa tabi ng dagat!

Pongpong
Binibigkas ang tugmaang pambatang Pongpong para sa mga sanggol na may limang taong gulang
at pataas na edad. Sinasambit ito habang may pag-iingat na hinahawakang magkakadikit ang
mga kamay at mga paa ng sanggol, parang isang ehersisyo ng pag-uunat para sa mga bata:
Pong...
pong...
pong....
Galapong!
Haba, haba
Binabanggit ang Haba, haba sa mga sanggol na may apat na taong gulang at pataas. Nilalahad ito
habang mahinahong hinihipo ang katawan ng sanggol magmula sa balikat papunta sa mga hita,
na nagsisilbing masahe sa mga bata:
Haba, haba,
Parang bangka!
Bilog, bilog,
Parang niyog!
MODYUL 3 | ARALIN 1 | Ang Mga Tayutay at Aplikasyon
nito sa Pagsasalin

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Nasusuri ang mga tayutay na ginamit sa mga mga tiyak na gawain
2. Naikikintal sa isipan ang paraan ng wastong pagsasalin sa mga tayutay.
3. Nakapagsasalin ng mga tayutay sa isang parirala/pangungusap

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Noong ikaw ay nasa antas sekundarya ay nabigyan na ng kahulugan o pansin ang mga
uri ng tayutay. Ngayon ay alamin pa ang kaalaman mo at nais pang malaman tungkol sa tayutay
lalo pa at ito ay gagamitin na sa pagsasalin. Ang bahagi ng natutunan ay iyong sasagutan
pagkatapos ng pagtalakay sa aralin.
NILALAMAN
Pagsasalin ng Tayutay

Ano ba ang tayutay?


“Ang Tayutay ay isang paglayo sa karaniwang kayarian ng wika upang makapagbigay
ng sariwa, naiiba at kasiya-siyang pagpapahayag at pagbibigay katuturan sa tulong ng
paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba ngunit napagtutulad sa isa’t isa” -Ongoco
(Plorante at Laura1988:46)
Ang tayutay ay hindi mabulaklak na paggamit ng wika kundi masining na
pagpapahayag . -Ongoco
Kung ang panulaan ay hitik sa mga tayutay, kakailanganin ng isang baguhang
tagapagsalin o ng isang nagbabalak magsalin na magkaroon ng mga batayang kaalaman sa
partikular na aspetong ito ng wika. Sa Simpleng pagpapakahulugan ang tayutay ay isang anyo ng
paglalarawan na kaiba sa karaniwang paraan ng pananalita; maaaring patalinhaga na hindi literal
ang kahulugan ng mga salita.

Paraan sa Pagsasalin ng mga Tayutay


1. Dapat isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan. Ang wikang isinasalin (W1)
na matayutay ay magiging payak sa wikang pinagsasalinan (W2).
Halimbawa:
 The Philippines elected national officials in 1998.
Salin: Ang mga mamamayang Pilipino ay naghalal ng pambansang pamunuan noong 1998.
1. Kailangang panatilihin ang orihinal na salita at dagdagan ng kahulugan upang
pasidhiin ang damdamin. Nangyayari ito kadalasan sa panulaan.
Halimbawa:
 He drank 3 bottles.
Salin: Uminom siya ng tatlong boteng serbesa.
1. Dapat tumbasan ng kapwa matayutay o idyomatikong pananalita ang isinasalin.
Ang matayutay na wikang isinasalin (W1) ay tinutumbasan din ng matayutay na wikang
pinagsasalinan (W2).
Halimbawa:
 Don’t hurt his good name.
Salin: Huwag mong sirain ang maganda niyang pangalan.

Mga Uri ng Tayutay


 Simile / Pagtutulad
Isa itong payak na paghahambing, pagtutulad at paglilipat sa ilang bagay, tao, hayop
o ideya. Sa pagtutulad ng dalawang bagay, tao, hayop o ideya, ginagamit ang mga salita at
pariralang gaya ng “parang, paran, gaya ng, tulad ng, wangis ng o kawangis, gaya ng animo’y,
tila.”
Halimbawa:

o “Cheeks like roses”
Salin: Mga pisnging tulad ng rosas

o “Women are changeable as the weather”
Salin: Ang mga babae ay pabago-bago tulad ng panahon

 Metapora / Pagwawangis
Naghahambing din tulad ng pagtutulad subalit ang hambingan ay tiyak o tuwiran at
hindi gumagamit ng mga salitang nabanggit sa pagtutulad o simile.
Halimbawa:

o “Mantle of darkness”
Salin: lambong ng kadiliman

o “Your life is an open book to me”
Salin: Ang buhay mo ay isang bukas na aklat sa akin
 Metonimya / Pagpapalit-tawag
Ito ay isang uri ng tayutay kung saan ang tawag sa isang bagay ay ipinapalit o
inihahalili bilang talinhagang pantawag sa isang bagay na ipinahihiwatig.
Meto – salitang griyego “change”
Onym – “name”
Halimbawa:

o “The DECS suspended the teachers who went on strike”
Salin: “Sinuspindi ng DECS ang mga nagwewelgang mga guro”
Ang talagang sumuspindi sa mga gurong nagwelga ay si Dr. Carino, kalihim ng DECS.
Ang DECS ay sagisag na ipinalit sa kalihim na si Dr. Carino

 Sinekdoke
Ito ay isang uri ng Tayutay na tumutukoy sa relasyon ng bahagi at kabuuan (part
whole) na kung saan ang bahagi ay kumakatawan sa kabuuan o kabaligtaran nito.
Halimbawa:

o “The Government reintroduced the electric chair.”
Salin: Ibinalik ng pamahalaan ang silya elektrika

 Hyperbole / Pagmamalabis
Madali lang ang pagpapaliwanag ni Webster tungkol sa tayutay na ito: “ Exaggeration
for effect, not to be taken literally.” Sa ibang salita, ang hyperbole ay isang eksaheradong
pahayag na sinasadyang gamitin ng nagsasalita o sumusulat upang mapag-ibayo ang katindihan o
epekto ng diwa o mensaheng kanyang ibig ipahatid.
Sa pagsasalin ng Hyperbole, dapat mapanatili sa salin ang eksaheradong bisa ng
mensaheng ibig ikintal ng awtor sa isip ng mambabasa.
Halimbawa:

o He's running faster than the wind.
Salin: Tumakbo siya nang mas mabilis kaysa sa hangin.

o This bag weighs a ton.
Salin: Ang bag na ito ay may bigat na isang tonelada

 Eupemismo / Paglumanay
Ito’y paggamit ng matalinghagang salita o pahayag bilang pamalit sa isang salita o
pahayag na nakakasakit ng damdamin o malaswang pakinggan.
Halimbawa:

o He has passed away
Salin: Siya ay sumakabilang buhay

o She is between jobs
Salin: Siya ay walang trabaho sa kasalukuyan

 Personipikasyon
Ito’y matatawag ding padiwangtao, ayon sa ibang awtor. Nagbibigay-buhay o
nagbibigay-katauhan ito sa mga bagay na walang buhay; sa ibang salita, inililipat ang katangian
ng tao sa mga karaniwang bagay.
Halimbawa:

o Answer the phone
Salin: Sagutin ang telepono

o My alarm clock yells at me to get out of bed every morning.
Salin: Ang aking despertador ay humihiyaw sa akin tuwing umaga upang bumangon na ako sa
aking higaan.

 Panawagan / Pagtawag / Apostrope


Kahawig din ito ng personipikasyon dito, ang mga bagay na walang buhay ay waring
may buhay at kinakausap
Halimbawa:

o Oh, rose, how sweet you smell and how bright you look!
Salin: Oh, Rose, kay bango ng iyong amoy at ang ningning mong pagmasdan!

o Car, please get me to work today!
Salin: Pakiusap, aking awto ihatid mo ako sa trabaho ko ngayon.

 Ironiya / Pag-uyam
Ito ay nagpapahayag ng kabalintunaan, ng pangungutya, panunuya o pang-uuyam sa
pamamagitan ng mga salita o pahayag na kapag kinuha ang paimbabaw na kahulugan ay waring
pamumuri sa tinutukoy. Sa ibang salita, kabaliktaran ang kahulugan ng sinasabi.
Halimbawa:

o A police station being burglarized
Salin: Ang istasyon ng pulis ay ninakawan.

o A t-shirt with a “Buy American” logo that is made in China
Salin: Ang damit na may logong “Buy American” ay gawa sa bansang China.

 Paradoks
Isang paraan ng pagpapahayag na sa biglang-isip ay waring taliwas sa katotohanan o
sa sentido komun, ngunit kapag sinuring mabuti ay malilirip na mayroon palang matatag na
batayan.
Halimbawa:

o This is the beginning of the end.
Salin: Ito ang simula ng katapusan

o Here are the rules: Ignore all rules.
Salin: Ito ang patakaran: huwag pansinin ang lahat ng patakaran.

 Oksimoron
Paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging katanggap-tanggap sa
nakaririnig o nakababasa.
Halimbawa:

o “Same difference”
Salin: Parehong magkaiba

o “Living dead”
Salin: Buhat na patay

 Onomatopeya
Paggamit ng salitang kahawig o katunog ng nginangalanan. Kung ano ang tunog ay
siyang kahulugan.
Halimbawa:

o The buzzing bee flew away.
Salin: ANg umuugong na bubuyog ay lumilipad palayo

o The books fell on the table with a loud thump.
Salin: Ang librong nahulog sa lamesa ay may malakas na kalabog.

MODYUL 3 | ARALIN 2 | Ang Idyoma sa Pagsasaling-


wika

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.

KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
1. Natatalakay ang kahulugan ng idyoma at mga gabay sa pagsasalin nito.
2. Naisasalin ang mga idyoma mula sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino.
3. Nasusunod nang wasto ang mga hakbangin at mga kaparaanan sa pagsasalin ng idyoma.

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Ibigay ang hinihingi sa
bawat katanungan hinggil sa paksang aralin.
1. Bilang isang mag-aaral, gumagamit ka pa ba ng idyoma sa isang sulatin o sa isang
talakayan?
2. Malaki ba ang naitutulong ng idyoma sa pagpapaliwanag o pagpapahayag ng iyong
saloobin sa isang sulatin / talakayan? Bakit?
NILALAMAN
Idyomatikong Pagsasalin
Isinasaisip sa pagsasaling-wika ang mga limitasyon na kabilang ang diwa (konteksto), ang
patakarang pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at gawi ng pagsulat sa
dalawang wika, at ang kanilang mga wikain (kawikaan o idyoma). Isang karaniwang kamalian sa
pagkakaintindi na may payak na paraan ng pakikipag-ugnayan ang bawat dalawa (ang literal na
salin o pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita); at ang pagsasalin ay isang tuwiran at mekanikal
na proseso. Sa pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita, hindi pinahahalagahan at hindi nabibigyan
ng pansin at diin ang diwa, balarila, mga gawi, at kawikaan.
Sa idyomatkong pagsasalin, mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin. Hindi
nakatali sa anyo, ayos o estruktura ng isinasalin bagkus iniaangkop ang bagong teksto sa normal
at natural na anyo ng pinagsasalinan.
Halimbawa:
Orihinal: Still wet behind the ears
Salin: May gatas ka pa sa labi

Ano ang IDYOMA?


Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal—
sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo;
ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng idyoma at mga kahulugan ng bawat isa:
 ilaw ng tahanan– ina
 haligi ng tahanan– ama
 bukas ang palad– matulungin
 taingang kawali – nagbibingi-bingihan
 buwayang lubog– taksil sa kapwa
 malaki ang ulo– mayabang
 pantay na ang mga paa– patay na
 maitim ang budhi– tuso
 kapilas ng buhay – asawa
 bahag ang buntot – duwag
 balat-sibuyas– mabilis masaktan
 kusang-palo– sariling sipag
 usad pagong– mabagal kumilos
 itaga sa bato– ilagay sa isip
 May bulsa sa balat– kuripot
 ibaon sa hukay– kalimutan
 pagsunog sa kilay– pag-aaral ng mabuti
 nakalutang sa ulap– sobrang saya
Narito naman ang ilang halimbawa na mayroong salin sa Ingles:
Halimbawa: butas ang bulsa- penniless; without money
Hindi mahulugang karayom- very crowded

IDYOMATIKONG PAHAYAG
Ang Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinhaga ay parirala o pangungusap na ang kahulugan
ay kompletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang salita. Ito
ay naging pangmalawakang gamit dahil ito’y Makahulugang Mensahe.
Halimbawa: Buto’t balat- payat na payat (A skinny lad after the accident.)
Pipitsuging tao- mahirap (small fry)
(Stay away from the small fry but instead go after the fat-cats)
(Iwasan mo ang mga pipitsuging tao at doon ka sa may sinasabi)

GABAY SA PAGSALIN NG IDYOMATIKONG PAHAYAG


1. Tandaan na ang mga ekspresyong idyomatiko ay maaaring may kahulugang literal.
Samakatwid, maaaring literal ang itumbas depende sa konteksto . Kung minsan, nagkakataon din
na ang ekspresyong idyomatiko sa isang wika ay may katapat na katapat na ekspresyon sa ibang
wika.
2. Maaaring ihanap ng kapwa ekspresyong idyomatiko.
3. Tumbasan ang kahulugan ng ekpresyong idyomatiko sa paraang idyomatiko.

GABAY SA PAGSASALIN NG IDYOMA


Isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan, ang wikang isinalin na matayutay ay dapat
maging payak sa wikang pinagsasalinan. Bigyang –pansin ang mga sumusunod na gabay:
1. May Literal na Katapat

o Old maid (matandang dalaga)
o Sand castle (kastilyong buhangin)
1. May Panapat na Idyoma

o Piece of cake (sisiw)
o No word of honor (walang isang salita; walang paninindigan sa salita)
1. Walang Panapat na Kayang Ibigay ng Kahulugan

o Barking up the wrong tree (pagtuturo sa maling tao)
o Once in a blue moon (bihira mangyari)
1. Pariralang Pandiwa at Pang-ukol

o Run away (tumakas)
o Run after (habulin)
o Run over (masagasaan)
o Run into (magkasalubong)

MODYUL 3 | ARALIN 3 | Pagsasalin ng Prosa o Tuluyan

MAHALAGANG PAALALA
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring muling mailimbag o magamit nang
walang pahintulot mula sa mga tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa
pangedukasyon at pagkatutong layunin.
KINALABASAN AT
PAGKATUTO
Pagkatapos na mabasa ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Nasusuri ang iba’t ibang panitikang Pilipino sa anyong prosa o tuluyan


2. Naipaliliwanag ang paraang segmentasyon sa mga baguhan sa larangan ng
pagsasalin ng prosa o tuluyan
3. Nakapagsasalin ng isa sa mga uri ng akdang tuluyan o prosa mula sa wikang
Filipino tungo sa wikang Ingles.

PAUNANG PAGTATAYA
Sasanayin ka sa pagbabasa at pagbubuod ng mga akda tungo sa maayos na pagsasalin sa Ingles.
Unang Gawain: Pagbubuod at Pagsasalin sa Inggles ng Binasang akda

Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na


dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ng
kasangkapan at pagkain.
Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito, at Pastor na nakasakay sa kalabaw
dala ang kanya-kanyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si
Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.
Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba
naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa
pagkukwentuhan.
Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon
din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulahan
ng pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapuhin ang
kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang
patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling
nakatingin say Pilang.
Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada.
Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa.
Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na
nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Nagpakitaan sila ng bilis sa pagbungkal ng lupa
at gilas ngkalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan
Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit
patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli, samantalang magaling ang kalabaw
ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang
kalabaw niya sa sobrang pagod.
Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at
sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-
himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga.
Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa
mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na
malinis na naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang
kalabaw ni Pastor.
Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni
Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore.

1. Ano ang dalawang maaaring ipakahulugan sa pamagat ng maikling kwento na “ Suyuan sa


Tubigan “ ni Macario Pineda? ( 5 puntos)
2. Ano ang naging kawakasan ng kwento? (10 puntos)
3. Isalin sa wikang Ingles ang iyong naging kasagutan sa bilang 1. ( 5 puntos)

NILALAMAN
Ang layunin ay maipakita ang kahalagahan ng isang prosa o tuluyan, sa pamamagitan nito ay
malalaman natin ang iba’t ibang uri ng mga akdang pampanitikan at mahubog pa ang ating
kaalaman sa pagsulat ng isang panitikan gamit ang prosa o tuluyan. At kung paano maging isang
magaling na tagapagsalin.
Naniniwala ang mga awtoridad sa pagsasalin na sa pangkahalatan, may dalawang uri ng
pagsasalin: a) pagsasaling pampanitikan, b) pagsasaling di-pampanitikan o teknikal. Nasa ilalim
ng pagsasaling pampanitikan ang mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kwento , dula,
tula,nobela at sanaysay. Samantala, nasa ilalim naman ng pagsasaling teknikal ang tekstong hindi
kabilang sa mga nabangggit, tulad ng mga tekstong may kinalaman sa siyensya at teknolohiya,
mga disiplinang akademiko, pati na ang mga dokumentong pambatas, mga balita sa diyaryo,
editoryal, isports, komersyo, at iba pa.

ANO ANG PROSA?


Prosa o tuluyan ang uri ng malikhaing pagsulat na gumagamit ng pangungusap na tuloy
tuloy o patalatang paraan. Kabilang sa prosa ang malikhaing kuwento, nobela, sanaysay,
talambuhay, anekdota at iba pa.

Mga Uri ng Anyong Tuluyan


 Mga Kwentong-Bayan
Tayong mga Pilipino ay madalas na nagtitipun-tipon at karaniwang nauuwi sa biruan, awitan,
kwentuhan, at paglalaro. Ang kuwentuhan ang pinaka karaniwang nangyayari.
Tungkol ito sa mga buhay-buhay o mga namanang salaysay. Ito ngayon ang tinatawag na
kwentong-bayan.
Ang kwentong-bayan o folktales sa Ingles ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong
patuluyan. Kinukuwento ito sa pamamagitan ng natural na pag-uusap na pasalita na karaniwang
nangyayari sa pang-araw-araw na pag-uusap. Naiiba ito sa anyong patula kung saan ang
pagbigkas ay artipisyal dahil ito’y taludturang may sukat at tugma.
Ang salitang bayan sa kwentong-bayan ay nagsasaad na hindi alam kung sino ang taong tiyak o
pinakaunang naglahad ng kwento. Ito ay hindi nasusulat o nakasulat sapagkat ito ay nagpasalin-
salin lamang sa bibig ng marami. Walang tanging nag mamay-ari nito kundi ang bayan.
 Alamat
Ang alamat o legend sa Ingles ay tumutukoy sa isang uri ng kwentong-bayan na nagsasalaysay
tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ito ay mga kwento tungkol sa pinagmulan ng simula.
 Mito
Ito’y karaniwang kwento tungkol sa diyos o diyosa, bathala, o mga anito. Kasama na rin dito ang
tungkol sa kanilang mga nilalang tulad ng kalikasan, langit, mundo, at mga unang tao. Kaugnay
na rin dito ang tungkol sa pagsamba ng tao sa maylalang o maykapal (Diyos). May mga
pagkakataon ding may mga nilikha na tanging dinadakila o binabayani. Ito’y dahil sa kanilang
katapangan, kagitingan, o kapangyarihan.
Ilan sa mga mito sa ating bansa ay patungkol sa pagsamba, tulad ng pagkaroon ng tinatawag na
Gugurang ng mga Bikolano, Kabunian ng mga Ilokano, Adwata ng mga Bilaan, at Bathala ng mga
Tagalog. Kung tungkol naman sa mga bayani, ang mga Bikolano ay may Handing, isang magiting
na bayaning pumatay sa isang higanteng ahas.
 Ang Pabula
Ang pabula ay unang naging tanyag sa Greece dahil sa Aesop’s Fable, mga kwento ni Aesop na
isang Greek. Ang pabula ay mga kwentong-bayan na karaniwang isinasalaysay ng mga magulang
sa kanilang mga anak upang sila’y aliwin o pangaralan. Dahil mahilig ang mga bata sa mga hayop,
ang mga tauhan sa kwento ay pawang mga hayop at ginagamit upang kumatawan sa mga
katangian o pag-uugali ng tao. Halimbawa, ang ahas ay inihahalintulad sa isang taong taksil, ang
unggoy o matsing sa isang taong tuso, at ang pagong sa taong makupad. Sa kalikasan naman,
ang rosas ay kumakatawan sa babae o sa pag-ibig, ang bubuyog sa isang mapaglarong
manliligaw, at kung anu-ano pa. Sa ganitong paglalahad, naiiwasan ang makasakit sa damdamin
ng tao, sakali mang may nakikinig na maaaring siya ang tinutukoy ng tema. Sabi nga sa isang
salawikain, “Bato, bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.” Sa mga panahong supil ang
pamamahayag, ang pabula ang mabisang sandata upang maipahayag ang katiwalian at mailantad
ito sa mga kinauukulan.
 Ang Parabula
Ang parabula ay karaniwang hango sa Bibliya o Banal na Kasulatan. Sa mga Kristiyano, ang
parabula ay mga pagtuturo at pangangaral ni Hesus noong magsimula Siya sa Kanyang misyon sa
daigdig. Isang halimbawa ng parabula sa wika Niya ay: “Ang tao ay may mga mata ngunit hindi
nakakikita, may mga tainga subalit hindi nakaririnig.” Sa pamamagitan ng kaisipang ito,
mamumuni-muni, mauunawaan, at makikilala ng isang tao ang kanyang sarili. Ang parabula, tulad
ng pabula, ay masimbolo kaya malalim ang kahulugan at dapat pag-isipan. Katulad din ng alamat
at pabula, ang parabula ay nagtataglay ng aral na nagsisilbing gabay sa ating buhay. Ang anyo
nito ay tila kwentong pambata sa unang tingin dahil payak ang takbo ng banghay at mga
karaniwang tao, hayop, o bagay lamang ang mga tauhan. Kadalasang nababagay ang mga
parabula sa mga taong may kakayahang magpasya gaya ng mga magulang at iba pang mga
nakatatanda upang lalong lumawak ang kanilang pakikitungo sa kanilang sarili, kapwa, lipunan, at
sa larangang kanilang kinabibilangan.
 Ang Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isang makabagong sangay ng panitikan na sadyang kinakathang masining
upang madaling pumasok sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari sa buhay na
inilalarawan sa kwento.
May mga bahagi at sangkap o elemento ang maikling kwento. Ito ay may simula, gitna, at
katapusan. Sa simula matatagpuan ang tatlong mahahalagang sangkap o elemento: ang tauhan
na ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan,halimbawa, ang bida at kontrabida;
ang tagpuan na pangyayarihan ng aksyon o insidente na naghahayag ng panahon, halimbawa,
kung tag-init, tag-ulan, oras at lugar; at ang sulyap sa suliranin, na magpapahiwatig sa magiging
problemang kakaharapin ng pangunahing tauhan o ng tanging tauhan.
Sa gitna, tatlo rin ang sangkap. Ito ay ang sumusunod: ang saglit na kasiglahan na nagpapakita
sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema; ang tunggalian na
tahasan nang nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad na maaaring
ang kanyang pakikipagtungali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan; at ang kasukdulan, ang
pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito
ay kasawian o tagumpay.
Sa wakas naman matatagpuan ang kakalasan at ang kinatapusang sangkap. Sa kakalasan
mababatid ang kamalian o kawastuan ng mga di-inaasahang naganap na pagbubuhol na dapat
kalagin. Mababatid naman sa katapusan ang magiging resolusyon ng kwento at ito’y maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo ng pangunahing tauhan. May ibang mga
kwentong hindi na winawakasan at wala ang dalawang huling sangkap nito. Iniiwan na lamang
itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na lamang ang mambabasang humatol o magpasya sa
dapat na kahinatnan nito. Mapanghamon ang ganitong wakas sa isip ng mga mambabasa. Parang
kabilang na rin sila sa mga saksi sa kwento. Sa ganitong sitwasyon, inaasahan na bibigyang-
pansin ng mambabasa ang tinatakbo ng kwento upang kapag hinilingan siya ng kawakasan at
kinakailangan na isalin sa wikang Inggles ay pagsasalin sa diwang nakapaloob na lamang sa akda
ang kanyang pagsasalin at hindi salita-sa-salita.
 Sanaysay
Tinatawag itong essay sa Ingles at essaier sa Pranses na nangangahulugang “pagtatangka.” May
mga sanaysay na naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan at nangangatwiran. Maikling
komposisyon na naglalaman ng sariling kuro-kuro ng may akda.
 Talambuhay
Ito ay tala ng buhay ng isang tao. Ito ay tungkol sa mga pangyayari sa buhay ng isang tao.
Karaniwang simula pagsilang hanggang sa isang punto ng buhay. Ano man ang anyo ng prosa,
kailangang nakikilala ng isang tagasalin ang anyong pampanitikan na kinabibilangan nito.
Makatutulong ang kaalamang ito sa pagharap sa mga suliranin sa pagsasalin.
 Anekdota
Kinapapalooban ng kakatwang pangyayari sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral.
 Nobela o Kathambuhay
Isang mahabang kwento na nahahati sa kabanata na bunga ng malikhaing pag-iisip.
 Balita
Paglalahad ng totoong pangyayari sa loob at labas ng bansa.
 Talumpati
Isang buod ng kaisipan na sinasalaysay sa entablado o sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay
nauuri batay sa iba’t ibang layunin, ang talumpati ay maaaring may layuning humikayat,
magbigay-impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinion o paniniwala o
lumibang.
 Dula
Mga kwento na isinasabuhay at nahahati ang pangyayari sa yugto. Ito ay isang uri ng panitikan na
isinulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
 Liham
Tumutukoy sa saloobin ng manunulat.

SINO ANG MAY KARAPATANG MAGSALIN SA NG PANITIKAN?


Hindi iilang tagasalin at kritikong pampanitikan ang naniniwalang ang tagasalin ng maikling
kuwento ay kailangang kuwentista rin, ang tagasalin ng sanaysay ay kailangang mananalaysay rin,
ang tagasalin ng nobela ay kailangang nobelista rin, at iba pa.
May karapatang magsalin ang isang taong “nakababad sa panitikan,” o mayroon nang mahabang
taon ng likas na pagkahilig o pagkahumaling sa pagbabasa ng panitikan. Hindi man siya tagalikha
ng panitikan, ang pagkahilig na ito sa panitikan ay makatutulong nang malaki sa isang tagasalin
sa pagpapakahulugan o interpretasyon.

MGA SULIRANIN SA PAGSASALIN NG PROSA


Sa pagsasalin ng prosa kailangang isaalang-alang ng tagasalin ang natural na daloy ng
pangungusap. Nangangahulugan ito ng hindi pagiging “tunog - salin” ng teksto. Ang ibig sabihin
nito ay para itong orihinal na isinulat sa TL. Upang maisagawa ito, kailangang ang tagasalin ay:
may malalim na kaalaman sa idyoma ng TL at kahusayan sa estruktura ng TL (Tunguhang
Lenggwahe).

Pangungahing Suliranin sa Pagsasalin ng Tuluyan


Problema sa Idyoma
Imposibleng makapagsalin nang maayos ang isang taong ni hindi maunawaan ang karamihan ng
mga ekspresyong idyomatiko sa wikang kanyang isinasalin.
Problema sa Panghihiram
Sa bawat pangungusap na ating isinasalin ay mabibihira ang pagkakataong hindi
tayo napapaharap sa problema panghihiram, lalo na kung tekstong isasalin ay kargado
ng kulturang dayuhan.
Problema sa Balangkas/ Kayarian ng pangungusap
Isa pang problema sa pagsasalin ay pagkakaiba sa gramatika, sa istruktura o kayarian ng mga
pangungusap sa Ingles at Filipino.

Ang Pamaraang segmentasyon


Ang pamamaraang segmentasyon ay ang paghahati-hati sa mga pangungusap o parirala upang
mas madaling maunawaan at maisalin ng maayos ang teksto. Layunin nito ang pagbaha-bahagiin
sa maliit na segment ang pangungusap upang mas maiintindihan
ang diwang nakapaloob dito. Sa pamamagitan ng segmentasyon ay nakukuha at
napapanitili ng tagasalin ang diwa ng orihinal na akda. Kinakailangan dito sa paraan ng
segmentasyon na may sapat na kaalaman ang tagasalin sa dalawang wika o higit pa
upang maging angkop ang mga gagamiting salita sa pagpapanatili ng diwa. Ito ang
paraan upang mabuo ng tagasalin ang pangunahing mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa
pamamagitan ng pagbuo sa diwa mula sa hinati-hating bahagi ng pangungusap o parirala
patungo sa kabuo-ang salin.
Isang paraang magagamit ng tagasalin, ang paghati-hati sa mga teksto sa mga segment o bahagi.
Nakatutulong ito sa pagsusuri ng mga teksto upang mahugot ang kahulugan.

Halimbawa:
I believe that while we have utilized the Presidential powers to dismantle the violent
revolution and its communist apparatus, we must not fail our people; we must replace the
violent revolution with the authentic revolution– liberal, constitutional and peaceful.

Orihinal S

1.1 Ako’y naninindigan


1.1 I believe
1.2 na bagama’t ating ginagamit
1.2 that while we have utilize
1.3 ang mga kapangyarihan ng pa
1.3 the Presidential powers
1.4 upang lansagin ang marahas n
1.4 to dismantle the violent revolution
1.5 at ang makinarya nitong komu
1.5 and its communist apparatus
1.6 ang ating taumbayan ay hindi
1.6 we must not fail our people
1.7 dapat nating palitan
1.7 we must replace
1.8 ang marahas na rebolusyon
1.8 the violent revolution
1.9 ng rebolusyong tunay
1.9 with the authentic revolution
1.10 liberal, konstitusyonal at map
1.10 liberal, constitutional and peaceful

“Tula-sa-Tula” laban sa “Tula-sa-Prosa”


Isang manunulat ang nagsabi na ang isang prosa o tuluyan ay dapat na maisalin sa
paraang tuluyan din, at ang tula ay kailangang sa paraang patula rin. Si Matthew Arnold man
diumano ay naniniwala na kung isasalin sa paraang tuluyan ang isang tula, ang salin ay
kailangang magtaglay pa rin ng mga katangian ng isang tula. Anupa’t waring nagkakaiba sa
paniniwala ang karamihan ng mga tagapagsaling-wika. May mga nagsasabi na ang pagsasalin ng
isang tulang may sukat ay napakahina kung mawawala ang sukat; na ang tuluyang salin ng isang
tula ay pinakamahina sa lahat ng paraan. Sila’y naniniwala na upang maging makatarungan sa
makatang awtor, ang kanyang tula ay kailangang isalin ng isang makata rin, at sa paraang patula
rin.

You might also like