You are on page 1of 3

MALASAKIT NG DIYOS

Rom. 8:28
At nalalaman natin na sa lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa
ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa
kaniyang layunin.

Introduction:
Ang pag-uusapan po natin ay isang verse mula sa book of Romans na kung
saan ito ay napakagandang pang-hawakan sa pagsisimula ng Bagong taon, at
maraming tao ang umaasa na sana sa taong 2021 ay matapos na covid, bumalik sa
normal lahat, at wala ng lockdown ang mangyari pa.
Ngunit hindi natin tiyak, pero ito po ang tiyak sa Salita ng Diyos, na lahat ng bagay
ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na mga tinawag ayon
sa kaniyang layunin. Ang Diyos ang siyang nagtatahi o nagtutugma ng lahat ng bagay
para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kaniya.
Story: One stormy winter night in 1910, a group of travelling Christian musicians arrived at the city
of Riga, on the Baltic Sea, to fulfil a concert engagement.
The weather was so bad, however, and the concert hall so far out of town, that the conductor of the
orchestra tried to persuade the manager of the music hall to cancel the concert. He felt that no one
would venture out on such a terribly stormy and wild night.
The manager refused to cancel, but he agreed that if no one turned up, the orchestra could leave early
in order to catch the night boat for Helsinki, Finland.
When the musicians arrived at the concert hall, they found only ONE person sitting in the audience, a
stout old gentleman who seemed to smile at everyone.
Because of this old music-lover, the musicians were forced to play the entire concert. They were,
therefore, unable to leave early and catch the boat.
After the concert was over, the old man continued to keep his seat. Thinking he was asleep, an usher
nudged his shoulder. Only then was it discovered that the old man was not alive. The musicians had
played an entire concert for a DEAD man!
But in doing this, they also had saved their lives. For the boat they would have taken to Helsinki went
down that stormy night, & all crew members were drowned.

Everything works together for good!


- Now, balikan po natin yung verse na ating binasa kanina

1. Ang KASIGURADUHAN SA MALASAKIT NG DIYOS


(At nalalaman natin..)
Gaano kahalaga yung salitang kaalaman?
- Ano ang nalalaman natin patungkol sa Layunin ng Diyos sa ating buhay?
- Ano ang nalalaman natin bakit binigyan ulit tayo ng Diyos ng panibagong taon sa
buhay?
- Ano ang nalalaman natin patungkol sa pagkilos ng Diyos?
- Darating ang panahon o maaring dumating na, na kung saan magiging
napakahalaga ng nalalaman natin.
- Bawat linggo tayo ay nakaririnig ng Salita ng Diyos at nalalaman natin ang
kaniyang mensahe at natututo tayo at habang tayo ay natututo mas nagiging handa
tayo sa kung anong sakuna ang pwedeng dumating sa buhay ng isang tao o buhay
natin mismo.
- Sabi ng Bible sa mundong ito maraming paghihirap, pagdurusa ang pwede nating
maranasan pero anong solusyon? Wag kang panghinaan ng loop dahil mismo ang
Panginoong Hesu-Kristo ay napagtagumpayan na ang mundo. (Juan 16:33)
- Dahil ang Salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng insight sa kung anong pwede
nating kaharapin sa buhay natin at kung ano ang dapat na maging tugon natin.
- Gusto ng Diyos na malaman natin na siya ang may
# Plano
# Kontrol
- Ngayon umaga mayroon tayong pwedeng malaman na sa lahat ng bagay ang
Diyos ang siyang gumagawa….(Pangalawang Layunin)

2. Ang KAKUMPLETUHAN SA MALASAKIT NG DIYOS


- Pwede nating malaman na Ang Diyos ang siyang kumikilos sa ating buhay.
- Kung sa taong ito nawawalan ka na ng pag-asa, Ito sabi ng Diyos, Ako ang
Katuwang mo, Ako’y kasama mo, Ako’y para sayo.
- (Ps.54:4) Maraming tao dismayado sa kasalukuyan expecting na sana wala ng
Lockdown pero narinig ang balita may panibagong Covid dismayado. Dahil sa
masyadong pagtangan sa sariling kaalaman, sariling talino, sariling lakas at sariling
pang-unawa.
- Ang manlilikha ng lahat ng bagay nangako na tutulungan at kikilos siya sa atina
buhay, at kung may problema man wag kang madismaya maaaring ikaw mahirap
para sayo, pero sa Diyos basic lang yun.
- (Basahin po ulet natin ang verse)
- Pansinin po natin yung salitang ‘’lahat ng mga bagay’
- Pagka binasa po natin ang verse na ito sa salitang Griyego yung kaniyang orihinal
na pagkakasulat ay mababasa natin ang salitang Synergei at sa salitang ito
nanggaling ang salitang synergy
Synergy is an interaction or cooperation giving rise to a whole that is greater than the simple sum of its
parts.
- Sa madaling salita ang synergy ay dalawang magkaibang bagay na magkaiba at
kung iisipin walang kinalaman sa isa’t isa pero pag pinagsama ay magbubunga ng
napakaganda at talagang may benepisyo.
Hal. Asin = Chlorine at Sodium
Gaano man kapangit ang mga nangyayari sa buhay natin gumagawa ang Diyos ng
Paraan, ito’y kaniyang pinagtatagpi-tagpiin para sa ating ikabubuti.

3. Ang KONDISYON SA MALASAKIT NG DIYOS


- Para makamtan natin yang pangako o layunin ng Diyos may kondisyon na
kailangang kamtin.
- Sa huling part ng verse ‘’ mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag
alinsunod sa kaniyang layunin.’’
- Una Pag-ibig, alam ko may Diyos , naniniwala ako may Diyos pero ito po ay
magkaiba, Dahil sabi nga sa Bible
‘Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang,sapagkat sa bibig at
hindi sa puso ito bumubukal. (Matthew 15:8)
- Pangalawa ‘tinawag ayon sa kaniyang layunin
3 J’s in the Bible
1. Joseph experienced that all things work together for good
- He was beaten up by his brother, He was sold, He was in prison because of something that he did
not do, but in all those things here’s what Joseph say
- (Gen.50:20) - God meant it for good
2. Job experienced all things work together for good
- His business was bankrupt known as the most rich in his time, had his sons and daughters died
because of a sudden typhoon but here is the reaction of Job
- (Job 1:20) -  Tumayo si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos,
nagpatirapa siya at sumamba sa Diyos. Ang sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng
aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi.
Purihin si Yahweh!”
- God meant it for good

3. Jesus
- Jesus was a God before he came to earth and live as a man, Jesus did nothing wrong here in this
earth, Jesus lived a holy life but then Jesus was put to death so that we cannot encounter the eternal
death, but before the suffering Jesus prayed.
-  Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo
sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo
ang mangyari.”
- God meant it for our Good…

Conclusion:
Ngayon ay maari nating malaman na Layunin ng Diyos ay ang kumilos sa ating buhay, mapabuti
tayo sa ating buhay, upang mangyari iyon Layunin din ng Diyos na ibigin natin siya ng ating buong
buhay.

You might also like