You are on page 1of 3

PAG-AARI NG GOBYERNO - HINDI IPINAGBIBILI

ASIGNATURA: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


Pangalan ng Mag-aaral: Petsang Sinimulan:
Baitang at Pangkat: Petsang Natapos:
Pangalan ng guro: Marka:

LEARNING ACTIVITY SHEET


IKA-ANIM NA LINGGO [IKATLONG MARKAHAN] 2020-2021
KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID,
AT WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK

I. PANIMULA (Susing Konsepto):


Sa Kasalukuyan, nagdaan man ang karamihan sa iba’t-ibang pagsubok tulad ng pagkawala ng
hanapbuhay, pagkaubos ng mga naimpok na salapi, pagkakaroon ng madaliang pagbabago sa sistema ng
ilan mga institusyon tulad edukasyon at mabilis na pagbagsak ng ekonomiya ng bansang ngunit ang
pagsasabuhay ng mga positibong pananaw at katangian tulad ng kasipagan, disipina, pagpupungyagi,
pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok na salapi ang nagiging susi natin para mapagtagumpayan
ang pagdaloy ng bawat araw. Lalo natin napahalagahan ang wastong pamamahala sa kalikasan ng ating
pagkatao, mga wastong pagkilos at pamamahala ng ating mga sarili at pagtugon sa pangangailangan ng
ating kapwa.
Sa iba’t-ibang yugto ng ating buhay, sa matalinong pagpapasiya, paggawa at pagkilos na ating
napagtatagumpayan ngayong panahon ng pandemya, nakabubuo tayo muli ng mga panibagong pangarap
at mithiin sa buhay. Ang makabuluhang pagkilos na ito ay pagtataguyod ng ating pagpapakatao, patuloy na
pagpapaunlad ng ating mga sarili, patuloy na pakikipag-ugnayan na may paggalang sa kapwa, at patuloy
na pakikibahagi bilang isang mahalagang solusyon sa mga hamon sa kasalukuyan ng ating lipunang
kinabibilanganan.

II. KASANAYANG PAGKATUTO


EsP9KP-IIIf-12.3 Napatutunayan na: a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain
na naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at
bansa, b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng
itinakdang mithiin
EsP9KP-IIIf-12.3Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain
nang may kasipagan at pagpupunyagi

III. PAMAMARAAN

Pangkalahatang Panuto:
1. Basahin ng may pang-unawa ang bawat bahagi ng Activity Sheet na ito
2. Sagutin ang bawat gawain ng buong husay, maglaan ng sapat na oras para dito.
3. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. Kuhaan ng larawan pagkatapos masagutan lahat
ng gawain.
4. Makipag-ugnayan sa guro sa iba pang karagdagang mga alituntunin ng pagsagot at
pagpasa.
Gawain 1: Paunang Pagsubok!

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay tungo patungkol sa iyong pangarap at mithiin sa buhay. Ilahad
ang mga magagandang katangian na iyong dapat maipamalas na magiging susi sa iyong
pinaghahandaang tagumpay. Gamitin ang format sa ibaba.

a. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong sanaysay


b. Maaring lumabis ngunit hindi kukulangin sa 300 na mga salita
c. Magkaroon ng panimula, gitna o katawan, at pangwakas na talata.

Gawain 2: Pagpapalalim

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon na nailahad sa bawat bilang. Magbigay ng mga
mungkahi at pagpapaliwanag kung paano mapapabuti ang sitwasyon na kinahaharap ng
bawat tauhan.

1. Si Lola Auring ay kasalukuyang nagpapaaral sa pamamagitan ng pagpupulot ng mga karton at


iba pang mga bagay na maari pang pakinabangan para sa kanyang apo na si Jonathan, na simula
ng pagkasilang ay ulila na sa mga magulang.Naging mas mahirap ang sitwasyon dahil sa
panahon ng pandemya ngunit ang kanyang pagnanais nakapagtapos ang kanyang apo ang
siyang nagiging lakas upang siya ay magpatuloy.
a. Anong katangi-tanging ugali o pagpapahalaga ang iyong nakita sa katauhan ni Lola
Auring?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
b. Kung ikaw si Jonathan, paano mo sisikaping makapagtapos at maibigay ang
pasasalamat sa kanyang lola?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Si Jessica ay nasa naka- siyam na ng paguulit sa Licensure Exam sa Accountancy ngunit bigo
pa rin upang masungkit ang kanyang pinapangarap na titulong CPA. Ang lahat ng kanyang
gastos sa paulit-ulit na pag-aapply sa nabanggit na exam ay galing sa kanyang ipon at
pagtitipid Ngunit, dahil na din sa pagkabigo, samu’t-saring pangbabatikos at pangungutya ang
kanyang natamo mula sa mga tao.

a. Anong payo ang maari mong maibigay kay Jessica sa kasalukuyang sitwasyon sa
buhay niya?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
b. Naranasan mo na ba ang ganitong sitwasyon, paano mo hinarap ang mga pagsubok o
balakid upang magtagumpay sa iyong gawain o pinapangarap?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Napilitan si Narciso na isara ang kanyang kompanya dahil na rin sa epekto ng pandemya sa
kanyang negosyo. Naubos din ang kanyang naimpok sa pagbibigay ng mga kinakailangan
benepisyo ng kanyang mga tauhan sa pagsasara ng kanyang kompanya. Naibenta niya ma rin
ang ipa pang-ari-arian upang magsimula uli sa kanyang online business. Sa loob ng limang
buwan ay tuloy tuloy kumikita ang kanyang bagong negosyo.

a. Paano masisigurado ni Nelson na mapanatili ang paglago ng kanyang bagong


negosyo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
b. Anong payo ang iyong maibibigay sa mga kapwa mo kabataan na pinasok ang
pagnenegosyo upang makatulong sa pangangailangan ng kanilang pamilya?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Sanggunian:
● Edukasyon sa Pagpapakatao 9 (Learners Manual) pahina 162-177

9
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF CITY SCHOOLS QUEZON CITY
DONA ROSARIO HIGH SCHOOL
SUBJECT EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
DEVELOPMENT TEAM
Author: Mercy A. Espinas

Content Evaluator: Milanne M. Manaog


Language Evaluator: Imelda Banaag
Subject LR Coordinator: Milanne M. Manaog
School LDRMS Coordinator: Ana Marita E. Aler

You might also like