You are on page 1of 7

Vergara, Mickaella V.

BSA – 1

Mula sa paksang Pananalapi, sagutin ang mga sumusunod: paano mo iuugnay sa


usaping pangwika ang mga sumusunod:

1. Paraan ng Palitan

 Ang wika ay napakahalaga sa atin. Nakasanayan na natin itong gamitin upang


magpahayag ng ating mga opinion, damdamin, at kung ano ang nais nating
ipahiwatig. Hindi mangyayari ang paraan ng palitan kung hindi gagamitin ang
wika dahil ito ang daan upang magkaroon ng maayos na usapan at
pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang tao. Wika rin ang nagiging daan sa
pakikipagtransaksyon sa iba’t ibang mga tao tungkol sa iba’t ibang bagay o di
kaya naman ay tungkol sa mga produkto. Kung wala ang wika hindi
magkakaunawaan ang mga tao ay sila ay magkakagulo. Sa paraan ng palitan,
nagiging maayos ang palitan ng kanilang palitan ng iba’t ibang produkto kung
maayos nilang nagagamit ang wika. Magiging maayos ang transaksyon ng bawat
is kung nagagamit nila ng wasto ang wika. Napakalaking tulong ng wika sap ag-
unlad ng ating ekonomiya dahil ito ang dahilan upang magkaroon tayo ng
maayos at magandang kalakalan.

2. Pamantayan ng Halaga

 Ayon sa ipinakitang presentasyon tungkol sa pananalapi, ang pamantayan ng


halaga o standard of value sa Ingles ay isang paraan ng pagsukat sa halaga sa
pamamagitan ng paglalahad ng presyo ng kasalukuyan o hinaharap na
transaksyon. Noong mga unang panahon, may iba’t ibang tawag ang mga pera
at iba’t iba din ang pinanggalingan ng mga ito. Naiuugnay ang pamantayan ng
salapi sa wika dahil mas madali nating naiintindihan kung magkano ang halaga
ng bawat salapi sapagkat mas naiintindihan na natin ito sa pamamagitan ng wika
at ng ating lenggwahe. Bawat bagay o produkto na ating binibili ay may
pamantayan ng halaga. Kung wala ang wika at hindi nagkakaintindihan ang mga
tao dahil sa iba’t ibang diyalekto, hindi natin malalaman kung magkano ang
halaga ng bawat produkto at maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan at pagkakaroon din ng gulo.

3. Panustos ng Halaga

 Sa ipinakitang presentasyon mula sa pananalapi, sinasabi rito na ang panustos


ng halaga o standard of deferred sy isang batayan ng mga ipinagpapaliban na
bayad na ginagamit sa pagpapahiram at pagbabayad ng mga utang na may
kasamang interes. Naiuugnay ang panustos ng halaga sa usaping wika dahil ito
ang nagiging daan upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga tao
tungkol sa salapi. Sa panahon ngayon ang bawat hiram ng salapi ay may patong
na interes. Bawat tao ay nararapat na gumamit o gamitin ng wasto ang wika
upang magkaunawaan at magkaroon ng magandang komunikasyon.

4. Pamantayan ng Ipinagpapalibang barayin

 Ang pamantayan ng ipinagpapalibang bayarin ay napakalaking tulong para sa


ati. Ayon sa presentasyon mula sa pananalapi, ito ay maaaring maging reserba
ng halaga na nagbibigay ng kakayahan sa isang tao na mag-ipon para sa
hinaharap at gastusin ang halaga na iyon sa kasalukuyan. Nagkakaroon ng
sapat na kaalaman ang bawat isa dahil dito. Naiuugnay naman ito sa wika dahil
ito ay maaari ring pumasok sa usapang pampamilya. Nararapat na magkaroon
ng maayos nap ag-uusap ang bawat miyembro ng pamilya tungkol sa usaping
pananalapi. Kung wala ang wika ay magkakaroon ng malaking problema dahil
hindi niyo na namamalayaan kung magkano na ba ang halaga ng inyong salapi
at maaari ring magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng taong inyong
babayran.
Vergara, Mickaella V.

BSA – 1

Magbigay ng tig limang halimbawa ng mga salita.

1. Pangingisda

 Sibat at Pana
 Ang pangingisda gamit ang sibat at pana ay isang sinaunang
pamamaraan ng pangingisda na siyang karaniwang ginagamit pa rin sa
panahon ngayon. Sa gawing timog at timog-kanlurang mga estado sa
Amerika ay gumagamit sila ng sibat na may tatlong tusok upang humuli
ng mga palaka (bullfrog) at karpo sa mga mababaw na katubigan. Ang
paggamit ng speargun ay isang mas epektibong pamamaraan ng panghuli
ng isda, at karaniwan itong ginagamit sa ngayon ng mga maninisid. Ang
mga maningisdang gumagamit ng pana at sibat ay nakakahuli ng isda
mula sa ibabaw ng katubigan.
 Mga Lambat
 Ang lambat ay isa sa mga pangunahing kagamitan sa panghuhuli ng isda.
Karamihan sa mga lambat ay yari sa pamamagitan ng pagbuhul-buhol o
paghabi ng mga sinulid. Sa ngayon, mga lambat na gawa sa artipisyal na
materyales (katulad ng nylon) ang mas laganap na ginagamit, ngunit
mayroon pa ring mga lambat na yari sa organikong materyales tulad ng
lana (wool) at seda (silk).
 Mga Pamingwit
 Ang pamingwit ay tumutukoy sa paggamit ng kurdon na may kawit para
sa pangingisda. Ang ilan sa mga salik na isinasaalang-alang sa pamimili
ng pamangwit ay ang sumusunod: ang pagkakayari ng kurdon, bigat,
haba at tibay nito.
 Salakab
 Ang salakab ay isang tradisyonal na kasangkapang pangisda sa buong
Filipinas. Ginagamit itong panghuli ng isda sa mababaw na tubigan. Hugis
banga ito na binaligtad, binubuo ng nilalang piraso ng kawayan at
pinagkabit-kabit nang pabilog sa pamamagitan ng pantaling yantok o
nilapat na kawayan. Nakabukas ang magkabilang dulo nito bagaman
nakabuka at malaki ang pang-ilalim na dulo samantalang maliit at may
mahigpit na lalang yantok ang pang-ibabaw na dulo. May mga tulis din
ang mga piraso ng kawayan sa pang-ilalim na dulo. Ang malilit na dulo o
bibig ang hinahawakan ng mananalakab. Kailangang matulis ang pang-
ilalim na dulo o bibig upang bumaon ito sa putikan kapag isinaksak sa
tubigan ang salakab.
 Buslo
 Ang buslo ay maliit na habi na basket. Ginagamit ito ng mga mangingisda
upang dito ilagay ang mga nahuli nilang isda. Gawa ito sa kawayan, ang
dulong bahagi ay medyo nakasara ngunit sa itaas na bahagi naman ay
mas bukas kung kaya't makikita ng mangingisda kung gaano kadami ang
nahuli niyang isda sa pamamagitan ng pagsilip lamang dito. Inilulusot ang
isda dito at hindi na makakalabas dahil sa mga tusok tusok nito. Upang
mapanatiling sariwa ang isda ay binababa nila ito sa tubig hanggang
makauwi.
2. Paghahayupan

 Kwadra
Ang kwadra ay isang lugar kung saan inilalagay ng mga tagapag-alaga ang
kani-kanilang mga alagang hayop kagaya na lamang ng kabayo, manok,
baboy at marami pang iba. Ito ang nagiging tirahan ng mga hayop upang
sila ay hindi lamigin at magkaroon sila ng maayos na pahingahan.
Lubid
Ang lubid (Ingles: rope) ay isang kahabaan ng mga hibla, na ipinupulupot o
itinatali nang magkakasama upang maging mas matibay o matatag para sa
paghila at pag-uugnay (pagkakabit-kabit). Ito ay may makunat na lakas ngunit
nababaluktot na nakapagbibigay ng komprehensibong lakas (halimbawa na:
maaaring gamitin ito para sa paghila ngunit hindi sa pagtulak). Ang lubid ay mas
makapal sa mga kahalintulad nitong iba pang mga panali na kagaya ng gaya ng
kurdon, linya, pisi o tali.

Pangangaso
Ang pangangaso ay ang kasanayan ng pagpatay o pagbitag ng kahit anong
hayop, o pagsunod o pagsubaybay nito na may layunin ng paggawa nito. Ang
pangangaso ng mga hayop at mababangis na hayop ay pinaka-karaniwang
ginagawa ng mga tao para sa pagkain, libangan, pagtanggal ng mga maninila na
mapanganib sa tao o alagang hayop, o para sa kalakalan. Ang sang ayon sa batas
na pangangaso ay naiiba mula sa pangungurakot, kung alin ay ang ilegal na
pagpatay, pagbitag o pagdakip ng mga napangasong espesye.
3. Pagsasaka

 Karit
 Ang karit ay isang kagamitan agrikultural na hinawakan. Ito ay may
kurbang talim at kalimitang ginagamit sa pag-gapas ng mga butil o
pagputol ng mga damo para sa dayami. Ang talim nito ay nasa loob para
magamit sa pagputol ng puno ng halaman. Sabay nitong hinihila at
pinuputol ang puno ng halaman. Ang puputuling bagay ay maaaring
hawakan ng malayang kamay, ng isang patpat o kaya hindi na lang
hahawakan (tulad sa pangagagapas). Kung hahawakan ang bagay ay
papunta sa tagagamit. Kung hindi hahawakan, ang pagputol ay papalayo
sa tagagamit.
 Traktora
 Ang isang traktor ay isang sasakyan ng engineering na partikular na
dinisenyo upang maghatid sa isang mataas na tractive na pagsisikap (o
metalikang kuwintas) sa mabagal na bilis, para sa mga layunin ng
paghahatid ng isang trailer o makinarya na ginagamit sa agrikultura o
konstruksyon. Kadalasan, ginamit ang terminong ito upang ilarawan ang
isang sakahan ng sasakyan na nagbibigay ng kapangyarihan at traksyon
upang mag-mechanize ng mga gawaing pang-agrikultura, lalo na (at
orihinal na) pagsasaka, ngunit sa kasalukuyan maraming iba't ibang mga
gawain. Ang mga pang-agrikultura na mga kagamitan ay maaaring mahuli
sa likod o nakabitin sa traktor, at ang traktor ay maaari ring magbigay ng
isang mapagkukunan ng kapangyarihan kung ang pagpapatupad ay
mekanisado.
 Panggiik na kareta
 Ang panggiik na kareta ay dinisenyo upang ihiwalay ang mga butil mula
sa mga uhay nito. Malamang na ang panggiik na karetang ginamit noon
ay kahawig ng dalawang uri ng kareta na ginagamit pa rin ngayon sa ilang
bahagi ng mga lupain. Ang isa ay binubuo ng mga tablang pinagdugtung-
dugtong na ang unahan ay nakatikwas. Ang ilalim nito ay may matatalas
na bato o mga talim. Tumatayo sa kareta ang tagapagpatakbo bilang
pabigat. Ang isang uri naman ay may upuan para sa tagapagpatakbo at
binubuo ng isang mababang kaha ng kariton na may apat na kanto.
Ikinakabit sa kahang ito ang dalawa o tatlong magkakahilerang
panggulong na may makikitid na piraso ng bakal.
 Araro
 Ang simpleng kahoy na araro na ginagamit pa rin sa ilang bahagi ng mga lupain
ay walang gaanong ipinagbago sa paglipas ng mga siglo, gaya ng malinaw na
makikita kung ihahambing ito sa mga larawan ng mga araro sa mga sinaunang
bantayog at maging sa mga tapyas na luwad. Ang araro ay hindi kinakabitan ng
mga gulong ni dinisenyo man ito para sa pagbubungkal ng mga tudling;
binubuhaghag lamang nito ang lupa sa lalim na mga 8 o 10 sentimetro (3 o
4 na pulgada). Maliban sa metal na sudsod nito, ang araro ay gawa sa kahoy.
 Palang pantahip
 Ang palang pantahip, malamang na yari sa kahoy, ay ginagamit noon sa
pagsasaboy ng giniik na mga butil nang pasalungat sa hangin upang
matangay ang dayami at ipa.
4. Paggugubat
Palakol
Ang palakol (axe o ax sa wikang Ingles) ay isang kasangkapan na
ginagamit sa paghugis, pagbiyak at pagputol ng kahoy, pangani ng troso, bilang
sandata at simbolong heraldiko at pangseremonya. Ang palakol ay may iba't
ibang anyo para as iba't ibang paggamit ngunit kalimitang binubuo ng ulo ng
palakol at ng hawakan o helve.

Bolo o itak
Ang itak, tinatawag ding bolo at balisong ay isang malaking kagamitan para sa
pagputol na nagmula sa Pilipinas at katulad ng machete. Ginagamit din ito sa
mga gubat ng Indonesia at sa mga taniman ng asukal sa Cuba. Ito ay isang
karaniwang itak sa luzon. Pangunahing ginagamit ang itak sa pag-imis ng mga
halaman, para sa agrikultura o para sa paggawa ng bagong daan sa bundok o
gubat. Ginagamit din ang itak sa sining pandigmang Pilipino o arnis bilang
bahagi ng pagsasanay.

Lagari
Ang lagari ay isang kasangkapan o kagamitan ng isang anluwage. Ginagamit ito
bilang pamutol ng mga bagay katulad ng kahoy at bakal. Tinatawag na lagarian o
palagarian ang pook o gusaling naglalaman ng mga makinang panlagari. Sa
palagarian ginagawa ang mga produktong tabla mula sa mga pinutol na
punungkahoy. Isang halimbawa nito ang lagaring panistis.
Abono
Ang abono ay isang uri ng pataba na ginagamit sa mga lupa upang maging
malusog ang mga halaman. Nakatutulong ito upang mas mapabilis ang paglaki
ng mga halaman at upang ito ay maging maganda.

Asarol
Ito ay kagamitang may maliliit na talim sa dulo ng mahabang hawakan at
ginagamit sa pagbubungkal ng lupa. Ang asaról, o hoe sa Ingles, ay isang
pangunahing ka-sangkapan sa agrikultura na ginagamit sa pagbungkal ng lupa.
Ito ay pan gkaraniwang gi-nagamit sa pagha-halaman: una, sa pagbungkal ng
lupang gagawing taniman; ikalawa, sa paghukay sa lupang huhulu-gan ng binhi o
tatamnan ng su-pling; ikatlo, sa pagbungkal ng lupa sa paligid ng halaman at
pag-aalis ng damo. Ginagamit din ito sa paghukay o pag-ani ng mga halamang-
ugat na tulad ng kamote, ube, at patatas.

You might also like