You are on page 1of 1

PANALANGIN NG BAYAN

Ikatatlumpung Linggo sa Karaniwang Panahon


Oktubre 29, 2023

P: Dahil iniibig natin ang Diyos, natitipon tayo ngayon upang sumamba sa kanya. Bunsod ng
pag-ibig sa kapwa, ipanalangin naman natin ngayon ang ating kapwa lalo na ang mga may
higit na pangangailangan. Sa bawat kahilingan, idalangin natin: Panginoon, dinggin mo kami.
B: Panginoon, dinggin mo kami.

R: Upang iukol ng mga namumuno at kaanib ng Simbahan ang nararapat sa pagsamba sa


Diyos, at isabuhay ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon. Manalangin
tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin mo kami.

R: Upang mahinto na ang digmaan at ang paglaganap ng karahasan sa Israel at sa iba


pang panig ng daigdig, at maakay ang lahat kay Kristo na siyang pinagmumulan ng
tunay na kapayapaan. Manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin mo kami.

R: Upang isaalang-alang natin ang mga aral ni Kristo at ang kapakanan ng ating kapwa sa
ating pagpili ng mga iboboto sa halalang pang-Barangay at pang-Sangguniang
Kabataan. Manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin mo kami.

R: Upang mapahalagahan ang dangal-pantao ng mga bilanggo, maging mapagmalasakit


ang mga naglilingkod sa mga piitan, at maging pantay para sa mayaman o mahirap ang
pagpapataw ng katarungan sa mga hukuman. Manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin mo kami.

R: Upang ang lumaganap, lumalim at mamunga ang ating pamimintuho sa Nuestra


Señora del Santísimo Rosario, at manatili ang bayan ng Amadeo ilalim ng kanyang
makainang pagkalinga. Manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin mo kami.

(Tahimik na panalangin sa pamumuno ng pari)

P: Diyos na aming Ama, itinuro at ipinamalas ng aming Panginoong Hesukristo ang ganap na
pagmamahal sa iyo at sa aming kapwa. Sa tulong ng pagdalangin ng Mahal na Birhen ng
Santo Rosaryo, makita nawa namin ang iyong mukha sa aming kapwa at mahalin namin sila
alang-alang sa pag-ibig sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan na rin ni Kristong aming
Panginoon.
B: Amen.

You might also like