You are on page 1of 11

Lesson 3 – The Undeserving Criminal (Lucas 23:32-43)

Instructions sa lider lang:


1) Kung dilaw, o berde copy paste sa GC.
2) Kung italics at walang higlight, instructions tangi sa lider lang.

Reminders to your group members

Dalawang oras po bago tayo magsimula sa ating Bible Study.

Isang oras na lang po, bago tayo magsimula sa ating Bible Study.

Instructions to Group Chat members


30 minutes before the Bible Study is scheduled to begin, copy and paste the instructions below
into the Group Chat. You can copy and paste the whole thing. There should be no need to
explain these instructions to your group members.

Instructions para sa ating Bible Study:

INVITE
Kung nasa bahay na kayo, maganda kung AANYAYAHAN ninyo ang mga kasama sa bahay
para makasama sila sa ating Online Bible Study. Sana mag-enjoy sila mula dito at makinabang.

MAGBASA NANG MALAKAS


During our Bible Study, may mga babasahin tayong mga talata, at kuwento at mga tanong
tungkol sa kuwento at talata. Kaya maganda kung magbabasa kayo nang MALAKAS, para
marinig din ng mga kasama natin sa bahay.

MAGPALITAN NG TAGABASA
Mas maganda din kung MAGPALITAN ng pagbabasa kung may iba kayong kasama sa bahay
para lahat ay puwedeng makilahok sa pag-aaral.

GAMITIN ANG “REACT” FUNCTION


Kung minsan, tatanungin kayo kung nakatapos na kayo sa pagbabasa, atbp. Paki gamitin ang
“REACT” function sa gilid ng tanong, imbes na mag-type kayo sa baba. Halimbawa gamitin
natin ang “Thumbs THUMBS UP👍” at ilagay lang don sa tanong para maiwasan ang paghaba ng
THREAD.

KUMUHA MUNA NG SELFIE AT ISEND NGAYON SA ATIN OBS CG


Bahagi ng accountability ang pictures na kayo ay nakajoin sa ating OBS. Kaya puwede po bang
magselfie muna tayo sa inyong mga bahay kasama ang inyong mga kasama sa ating OBS CG
diyan sa inyong mga lugar saan man kayo naroon at isend dito ngayon sa ating Chat Group. Sige
po selfie na🤗 (Manguna ang leader na magselfie/groupie at send ito agad sa Group Chat
ngayon)

1
Praises and Thanksgiving

Blessed day po sa inyong lahat. 30 minutes na lang po bago magsimula ang ating Bible Study.

Habang inaantay natin ang iba, magshare po tayo ng ating mga praises and thanksgiving habang
nagkukuha pa tayo ng picture at nagsesend😊.

The leader should be the first one to share a praise or thanksgiving, providing a good example.

Sige po. Sino pa ang gustong magshare ng praise and thanksgiving kay Lord? Puwede na po.

After sharing praises and thanksgiving, start the Bible Study right on time.

Pampahanda
Handa na po ba kayo para magsimula sa ating Bible Study?
Kung handa na, paki pindot po sa “React” sa gilid, tapos ang “THUMBS UP👍.”

Bati
Magandang _____ po sa lahat. Nagagalak po tayo dahil magkakasama-sama na naman tayo
ngayon sa ating OBS Group Chat.

Purihin ang Panginoon dahil sa ating kaligtasan!


Nagpapasalamat po tayo kay Lord dahil iniligtas Niya tayo! Pinatawad na ang ating mga
kasalanan! Siya ang nagbayad para sa atin! Meron tayong buhay na walang hanggan! Kaya,
karapat-dapat natin Siyang purihin!

Praise through song


Isang napakagandang paraan para purihin Siya ay awitan Siya.
Ito po ang sinabi ng Salita ng Diyos sa Awit 13:6:

Awit 13:6
“O Yahweh, ika'y aking aawitan, dahil sa iyong masaganang kabutihan.”

Sige po. Gagawin natin ito ngayon! Aawitan natin Siya ngayon! Pupurihin natin ang Diyos sa
isang Awit. Awitin natin ang “Napakabuti Mo Panginoon” nang sabay sabay, sa ating
kinaroroonan sabayan natin ang audio.

Copy and paste first the audio then the lyrics of the whole song in now. Sing now as the others
also sing. After singing “Napakabuti Mo aming Diyos, move on to the next part of the Bible
Study.

Makikinig muna tayo nang minsan. Tapos, sa pangalawang pagkakataon, patutugtugin uli natin
ang awit, at sasabay tayong aawit, saan man tayo naroroon. (Isama ang mga kasama sa bahay sa
pag-awit)Tingnan po natin ang mga lyrics sa awit dito habang nakikinig.

Napakabuti Mo aming Diyos (4x)

2
Napakatapat Mo aming Diyos (4x)
Napakabanal Mo aming Diyos (4x)

Sambahin ang Ngalan Mo aming Diyos (4x)


Purihin ang Ngalan Mo aming Diyos (4x)
Napakabuti Mo aming Diyos (4x)
Salamat sa Iyo aming Diyos (4x)

Dahil....Napakabuti Mo aming Diyos

Tayo nang umawit! Sabayan na natin muli ang audio at tingnan ang ating lyrics. Play na😀🎶🎵

(Wait after the music stop)

Amen! Napakabuti talaga ng Diyos at Napakagandang purihin at awitan Siya.👏🎶👆


👆 💯. Puwede
ba nating palakpakan Siya👏👏👏👏👏👏👏

Papasukin sa langit?
Ngayon, balikan lang po natin sandali ang ating napakahalagang tanong, tungkol sa ating
pagpasok sa kaharian ng Diyos …

Kung ikaw ay nakatayo sa pintuan ng langit at tatanungin ka ng Diyos na ganito, “Bakit kita
papasukin dito sa Aking kaharian?” Ano ang iyong maisasagot sa Kanya?

Yon! Tama ang sagot mo ______________

Kung hindi pa po natin alam o hindi pa maliwanag ang bagay na ito sa iyo, wala pong problema.
Sapagkat Makikita muli natin ngayon sa ating pag aaralan ang tamang sagot ayon sa Salita
mismo ng Diyos.

Para makapasok sa Paraiso


Ano nga ba ang kailangan nating gawin para makarating at makapasok tayo sa Paraiso ng Diyos?
Malalaman na po natin mula sa kuwentong ating pag aaralan.

Bago tayo mag-aral ng Salita ng Diyos, manalangin po muna tayo …

Panalangin
Panginoon, marami pong salamat sa pagkakataong ito para pag-aralan ang Iyong banal na Salita.
Hinihiling po namin, mangusap Ka po sa bawat isa sa amin. Bigyan Mo po ang bawat isa ng
malalim na pang-unawa. Gamitin Mo pa ang aming pag-aaralan para magbigay ng kapayapaan at
kagalakan sa bawat isa. Pagpalain Mo po ang bawat isa sa amin. Ito po ang aming dalangin, sa
pangalan ni Jesus, Amen.

Isama ang mga kasama sa bahay


Kung nasa bahay na kayo, at meron kayong kasama sa bahay, lalong maganda kung aanyayahan
mo sila sa ating Bible Study.

3
Pampahanda
Handa po ba kayo para magsimula sa ating Bible Study? Kung handa na, paki type: HANDA NA

Ok mabuti po. Handa na po tayo.

Magbasa nang malakas


Magbabasa na tayo ng kuwento sa Biblia. Kung meron po kayong kasama sa bahay, lalong
maganda kung babasahin po ninyo nang malakas, para marinig nila ang kuwento.

Kuwento – Ang Kriminal sa Krus (Lucas 23:32-43)


 “May dalawa pang kriminal na inilabas upang pataying kasama ni Jesus.
Ipiinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa
kanyang kanan at isa sa kaliwa. Ang mga tao nama'y nakatayo roon at
nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi
nila, ‘Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya
nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!’
Nilait din siya ng mga kawal kasabay ng ganitong panunuya, ‘Kung ikaw
nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.’
Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, ‘Hindi ba
ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.’
Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, ‘Wala ka na bang
takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na
tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong
ito'y walang ginawang masama.’ At sinabi pa nito, ‘Jesus, alalahanin mo ako
kapag naghahari ka na.’
Sumagot si Jesus, ‘Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.’”

Kapag nabasa na, pakitype "NABASA NA".

Ano po ang isang bagay na naalaala mo mula sa ating binasang kuwento?

Very good. Sige po, basahin po natin ulit, para lalo pa nating maunawaan:

Kuwento – Ang Kriminal sa Krus (Lucas 23:32-43)


 “May dalawa pang kriminal na inilabas upang pataying kasama ni Jesus.
Ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa
kanyang kanan at isa sa kaliwa. Ang mga tao nama'y nakatayo roon at
nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi
nila, ‘Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya
nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!’
Nilait din siya ng mga kawal kasabay ng ganitong panunuya, ‘Kung ikaw
nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.’
Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, ‘Hindi ba
ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.’

4
Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, ‘Wala ka na bang
takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na
tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong
ito'y walang ginawang masama.’ At sinabi pa nito, ‘Jesus, alalahanin mo ako
kapag naghahari ka na.’
Sumagot si Jesus, ‘Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.’”

Kapag nabasa na ulit, paki thumbs up lang 👍.

Ngayon, ano naman po ang dalawang bagay na naalaala mo mula sa kuwento?

Magaling! Sige po, basahin po natin uli sa pangatlong pagkakataon, para lalo pa nating
maunawaan.

Kapag inuulit ang pagbabasa, paganda nang paganda ang Salita ng Diyos sa atin at mas nagiging
maliwanag di ba? Iyan ang dahilan na magandang ulit ulitin ang pagbasa ng Salita ng Diyos!

Kuwento – Ang Kriminal sa Krus (Lucas 23:32-43)


 “May dalawa pang kriminal na inilabas upang pataying kasama ni Jesus.
Ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa
kanyang kanan at isa sa kaliwa. Ang mga tao nama'y nakatayo roon at
nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi
nila, ‘Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya
nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!’
Nilait din siya ng mga kawal kasabay ng ganitong panunuya, ‘Kung ikaw
nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.’
Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, ‘Hindi ba
ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.’
Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, ‘Wala ka na bang
takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na
tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong
ito'y walang ginawang masama.’ At sinabi pa nito, ‘Jesus, alalahanin mo ako
kapag naghahari ka na.’
Sumagot si Jesus, ‘Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.’”

OK, kapag nabasa ba ulit paki type, "AYOS NA."

Ngayon, meron po tayong mga tanong tungkol sa kuwento na sasagutin natin …

Magbasa nang malakas


Kung meron kayong kasama sa bahay, lalong maganda kung babasahin ang mga tanong nang
malakas, para makilahok din sila sa sagot.

Magtanong

5
1) Sinu-sino ang mga TAUHAN sa kwento?

Tama po

2) Anu-ano ang mga posibleng NADARAMA ng mga tao sa kwento?

Oo nga po, iyan nga

3) Anu-ano ang mga PINILING DESISYON ng mga tauhan sa kwento?”

Yan nga talaga ang pinili nila

4) Sinabi ni Jesus sa isang kriminal: “Isasama kita ngayon sa Paraiso.” Ano’ng IBIG SABIHIN
ni Jesus dito?

mahusay, tama po kayo

5) Ano kaya ang naging BATAYAN ni Jesus para tanggapin Niya at isama ang isang kriminal
na ito sa Kaniyang Paraiso?

(To answer questions 5-8 it is necessary to already understand salvation. If it is hard for
your group members to answer these questions just move on quickly. Don’t make it hard for
them. Just go on to the next question. If someone does know the correct answer, sumakay
kayo ryan. Otherwise, we will teach about salvation in a few minutes when we get to
“Kaloob ng Diyos, Efeso 2:8-9)
6) Nakapasok ba ang kriminal sa Paraiso dahil sa MABUBUTI NIYANG GINAWA?

Opo, tama. Wala na siyang pagkakataong gumawa pa ng mabuti. Pansinin natin na diretso
siya sa krus at pagkatapos ay sa Paraiso na agad wala nang in between pa.

7) Bakit kaya don sa isang ISANG KRIMINAL LANG ipinangako ni Jesus na isasama Niya
sa Paraiso at hindi sa parehong kriminal?

Opo, magandang observation! Dahil ang isang kriminal lang ang nagpahayag ng tunay na
pananampalataya na makapagliligtas.

 Kaloob ng Diyos (Efeso 2:8-9)


Babasahin naman po natin ngayon ang isa pang talata, iba sa kuwento nating binasa kanina.

“Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa


pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos
at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga
gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman” (Efeso 2:8-9).

Magtanong
Magtatanong na po tayo tungkol sa talatang ito:

6
1) Ayon sa Biblia sa Efeso 2:8-9, puwede bang maligtas ang tao at makapunta sa Paraiso dahil
marami siyang MABUBUTING GAWA?

Opo, tama. Hindi puwede.

2) Ano ang BASEHAN ng Diyos para makapagdesisyon Siya kung saan tayo dadalhin sa
kabilang buhay, ayon sa Efeso 2:8-9?

Opo, tama po. Ang basehan ay pananampalataya ng tao.

3) Ang IBIG SABIHIN ng panampalataya ay higit pa sa paniniwala na may Diyos. Ang


pananampalataya ay buong pagtitiwala na ang kabayaran ni Jesus sa krus para sa atin mga
kasalaman ay sapat at ganap na para sa iyo.

Ano po ang ibig sabihin ng “pananampalataya?”

Tama

Nakuha mo na. Magaling!

Ngayon, ang pinakamahalagang tanong sa lahat …

4) Nananampalataya ka na ba kay Jesus?


Sagutin po ng bawat isa sa atin.

Mabuti, salamat! Purihin ang Panginoon!

Ulitin ang tanong na itinanong kanina


Ngayon, ulitin po natin ang itinanong kanina sa ating pagsisimula…

Kung tatanungin ka ni Cristo kung bakit papapasukin ka Niya sa Paraiso, ano ang iyong
maisasagot sa Kanya, BATAY SA ATING PINAG-ARALAN?

Nakakatiyak?
Nakakatiyak ka na ba na ikaw ay papapasukin ng Diyos sa Kaniyang Paraiso?

Amen po! Mabuti’t nakakatiyak na tayo!

Kung hindi pa kayo nakakatiyak, OK lang po. Pag-aaralan pa po natin ito sa mga susunod na
linggo.

Magbahagi!
Marami tayong kilalang ’di pa natin makakasama sa Paraiso kasi hindi pa nila alam ang ating
natuklasan. Kawawa naman sila! Alam na natin ang tamang daan sa Paraiso pero sila hindi pa.
Kaya ibahagi natin ito sa kanila.

7
Papaano magbabahagi
Para magbahagi sa kanila, pwede silang tawagan, kung may malakas na data o wifi. Ibahagi natin
ang kuwento sa kanila.

Kung libreng data lang ang nasa iyo, pwedeng mag copy paste ng kuwento natin para i-forward
sa kanila tulad ng ginawa ko sa inyo sa pag aaral na ito.

Puwede din natin silang i add dito sa ating group chat.

Taong babahaginan
Ano ang PANGALAN NG DALAWANG TAONG puwede mong bahaginan ng kuwentong
ito?

(Leader should write names down to follow-up)

Ipanalangin natin ang mga babahaginan


Sige, ipapanalangin na natin ang ating mga babahaginan:

Panginoon, hinihiling po naming ihanda Mo po ang bawat taong babahaginan namin. Buksan Mo
po ang kanilang puso’t kaisipan. Bigyan Mo po sila ng pang-unawa. Liwanagan Mo po ang
kanilang puso't isipan. Nawa’y gayahin nila ang ginawa ng isang kriminal sa krus na
sumampalataya kay Jesus tulad din ng ginawa namin. Nawa’y makapasok din silang lahat sa
Paraiso, kagaya namin. Ito po ang aming dalangin sa dakilang pangalan ng aming Panginoon na
si Jesus, amen.

Anytime this week, magsharing tayo kung papaano tayo ginamit ni Lord bilang Kanyang
mensahero sa iba.

Buksan ang bagong grupo


Napakaganda kung magbubuo kayo ng isa pang Group Chat, para sa mga kaibigan ninyo o
kamag-anak. Puwedeng ibahagi sa kanila ang Lesson 1, tungkol sa Babaeng Pinatawad, na
dinistribute sa inyo noon sa unang Bible Study natin.

Practice para manguna


Para maging handa kayong manguna sa grupo, magkakaroon tayo ng practice kung paano
manguna tulad ng ginagawa ko. Bawat mtg natin ay hihilingin ko ang isa sa inyo para magsanay
ng maliliit na bahagi ng ating pag-aarak. Okay ba? Siguro magsimula tayo sa isang linggo.
Madali lang naman at saka papraktisin ko muna siya bago ang ating OBS at send ko din ang
lesson at part na kaniyang gagawin. Copy-Paste lang naman.

(Include the name of the chosen leader. Be sure you have prepared this person in advance.)

Instructions sa lider
Instructions sa lider
1) Copy paste ang talata, Efeso 2:8-9, sa baba.

8
2) Copy paste ang question #1.
3) Hintayin ang mga sagot.
4) Magbigay ng kaunting feedback at encouragement.
5) Copy paste ang question #2.
6) Hintayin ang mga sagot.
7) Magbigay ng kaunting feedback at encouragement.
8) Copy paste ang question #3.
9) Hintayin ang mga sagot.
10) Magbigay ng kaunting feedback at encouragement.
11) Copy paste ang question #4
12) Hintayin ang mga sagot.
13) Magbigay ng kaunting feedback at encouragement.

Salamat sa Diyos. Handa na po ba tayo?


Para maging lider, nandito na ulit ang talatang pinag-aralan natin kanina, at ang mga tanong:

 Kaloob ng Diyos (Efeso 2:8-9)


Babasahin na po natin ang ibang talata, hindi kasama sa kuwento natin kanina.

“Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng


pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong
sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman” (Efeso
2:8-9).

Magtanong
Magtatanong na po tayo tungkol sa talatang ito:

1) Ayon sa Biblia sa Efeso 2:8-9, puwede bang maligtas ang tao at makapunta sa Paraiso
dahil marami siyang GINAWANG MABUTI?

Opo, tama. Hindi pwede.

2) Ano ang BASEHAN o BATAYAN ng Diyos para makapagdesisyon Siya kung saan tayo
pupunta sa kabilang buhay, ayon sa Efeso 2:8-9?

Opo, tama po. Ang basehan ay pananampalataya ng tao.

3) Ang IBIG SABIHIN ng panampalataya ay higit pa sa paniniwala na may Diyos. Ang


pananampalataya ay buong pagtitiwala na ang kabayaran ni Jesus sa krus para sa ating mga
kasalaman ay sapat, ganap at kumpleto na para sa iyo at sa akin.

Ano po ang ibig sabihin ng “pananampalataya?”

Tama. Nakuha mo na. Magaling!

4) Nananampalataya ka na ba kay Jesus?

9
Mabuti! Purihin ang Panginoon!

END OF PRACTICE

Encouragement
Magaling ma'am Fe
Kayang kaya mong maging lider!

Kung magaling si Ma'am Fe bilang lider sa tingin mo, sabihin mo MAGALING!

Distribute lesson
Salamat.
Napakaganda ng ating lesson. I-aatach ko na ang lesson natin sa ating Group Chat, para maituro
ninyo ito sa inyo sa iba at sa inyong sariling grupo na nabuksan na o bubuksan pa.

(Attach the whole lesson now, Group Chat version.)

Kapag na-download mo na, paki type "NAKUHA KO NA."

Ipanalangin ang ating needs


Ngayon, ipanalangin po natin ang ating mga pangangailangan. Puwedeng banggitin ng bawat isa
kung ano ang kanyang pangangailangan para ipanalangin po natin. Sige na, paki type na po rito
ng inyong mga prayer request.

Prayer time
Sige po, diyan sa iyong mga kinaroroonan, ipanalangin natin ang bawat isa sa ating mga kasama
sa group at kanilang mga kahilingan. Bigkasin ang iyong panalangin dyan. Kung hindi
makakapagbigkas, ipanalangin sa isip lang.
Kapag tapos na kayong manalangin, type ba lang dito AMEN.

(Wait 2-3 minutes for everyone to pray.)

Patuloy ipanalangain
Amen & amen.
Sige po, sa susunod na mga araw, patuloy nating ipanalangin ang isa’t isa, bawat araw, kung
saan man tayo naroon.

Bible Study ulit


Lalong maganda ang ating pangatlong pinag-aralan ano! Ulitin po natin next week, same time
same day!

Pagtatalaga
Bago natin iwanan ang ating GC, manalangin tayo.

10
Panginoon, marami pong salamat dahil itinuro Mo po sa amin kung paano kami makakrating at
makakapasok sa iyong Paraiso. Salamat po sa ginawa ni Jesus para sa amin doon sa krus.
Sinasampalatayanan namin ang Kanyang kamatayan sa krus bilang sapat na, ganap na at
kumpletong kabayaran sa kapatawaran ng aming mga kasalanan at ng kaligtasan. Gamitin Mo po
kami, para maibahagi ang Iyong kaligtasang aming nakamit ng libre sa marami pang tao na hindi
nalalaman ang mga katotohanang ito. Sa pangalan ni Jesus, ito ang aming dalangin, Amen!

Salamat muli sa bawat isa sa inyo na nakajoin, mag anyaya pa tayo i-add natin sila dito sa ating
CG. Pakisend na din ng inyong mga pictures para sa ating accountability.

Sige mga kasama. God bless you all! Hanggang sa susunod nating OBS Chat! Mag-ingat
kayong lagi😷

11

You might also like