You are on page 1of 20

 BIAG NI LAM-ANG

 SAYAW SA KASAL

 MGA ANAK MULA SA


KALANGITAN
MA
CRISTINE JOY C. CALINGACION
BSED 1FILIPINO
1. PAMAGAT
BIAG NI LAM-ANG ni Pedro Bukaneg

2. MGA TAUHAN
LAM-ANG - bayani sa epiko,
matapang na mandirigmang may
kakaibang lakas.

DON JUAN PANGANUBAN - ama


ni Lam-ang na pinatay ng Igorot
Tatuan, siya ay isang hasyendero.
NAMONGAN PANGANIBAN - Ina ni
Lam-ang.

IGUROT TATUAN - tribong nakalaban


ni Lam-ang sa paghahanap niya sa
kanyang ama.

INES KANNOYAN - ang babaeng


inibig at pinakasalan ni Lam-ang.

RARANG - isdang tradisyunal na


hinuhuli ng mga bagong kasal na
lalaki.

BERKAKAN/BERKAHAN - ang pating


na lumunok at kumain ng buhay kay
Lam-ang.
ASO AT TANDANG - ang dalawang
kasakasamang hayop ni Lam-ang, na
may taglay na kapangyarihan, sila
ang tumulong sa kaniya sa panliligaw
kay Ines Kannoyan at bumuhay kay
Lam-ang matapos itong makain ng
berkakan).

SUMARANG - karibal ni Lam-ang sa


panliligaw kay Ines Kannoyan.

LAKAY MARCOS - ang matandang


inutusan upang sisidin ang buto ni
Lam-ang.
3. TEORYA
Ang teoryang pamapanitikan na ginamit sa
epikong "Biag ni Lam-ang" na isinulat ni Pedro
Bukaneg ay ang Teoryang Humanismo, sapagkat
sa epikong ito ay ipinakita no Don Juan at Lam-
ang ang kanilang katapangan. Parehas nilang
ibinuwis ang kanilang buhay ngunit si Don Juan
ay namatay dahil pinugutan ng ulo ng mga igorot
samantalang si Lam-ang naman ay matapang na
pinagpapatay ang mga igorot maipaghiganti lang
ang kanyang ama. Ngunit mali na inuna ni Lam-
ang ang kaniyang galit dahil kailanma'y hindi
solusyon ang galit sa paghihiganti. Sa kabila ng
lahat, parehas pa rin silang naging matapang at
ipinakita nila ang kanilang kalakasan.
4. BANGHAY
Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog
Naguilian sa La Union ay isinilang si Lam-ang sa mag-
asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan
Panganiban. Isinilang si Lam-ang na hindi nakikita ang
kaniyang ama sapagkat ang kaniyang ama ay nabihag
at napatay ng mga Igorot. Si Lam-ang ay isinilang na
mayroon nang ngipin at sa edad na siyam na buwan ay
siya na ang pumili kung ano ang ipapanglan sa kaniya.
Sa edad ding iyon ay nagawa niyang lakbayin ang
kabundukan at ipaghiganti ang pagkamatay ng
kaniyang ama sa kamay ng mga Igorot.

Si Lam-ang ay umibig kay Ines Kannoyan na


kaniya naming napaibig sa tulong ng kakaibang husay
na ipinakita ng kaniyang aso at tandang. Napatumba
ng aso ang bahay ng sa pamamagitan ng pagtahol
nito, samantalang napatayo naman ito ng tandang sa
pamamagitan ng pagtilaok. Hinandogan siya ni Ines
Kannoyan ng isang sakong ginto.
Nagpakasal si Ines Kannoyan at Lam-ang at
bilang pagtupad ng tradisyon, sumisid si Lam-ang sa
dagat upang manghuli ng nang isdang rarang. Sa
pagsisid ni Lam-ang ay nakain siya ng isdang
berkakan. Pinasisid ni Ines Kannoyan ang kaniyang
buto at muling binuhay si Lam-ang sa tulong ng taglay
na galling ng kaniyang alagang aso at tandang.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines Kannoyan at


kanila ring niyakap ang aso at tandang. At mula noon
ang mag-asawang Lam-ang at Ines Kannoyan ay
namuhay nang maligaya, masagana at mapayapa sa
mahabang panahon.
5. REAKSYON

Ang aking naging reaksyon sa epikong "Biag ni Lam-ang"


ay ako'y nagulat at namangha noong nalaman ko na si Lam-
ang ay mayroon nang mga ngipin pagkasilang pa lamang at
nakakapaglakbay na agad sa loob ng siyam ng buwan. Ako ay
medyo nalungkot sa ginawa ni Lam-ang na paghihiganti sa
pumaslang sa kaniyang ama, dahil para sa akin kailanma'y ang
paghihiganti ay solusyon sa anumang galit ngunit
naiintindihan ko rin si Lam-ang kung bakit niya ito nagawa,
nagawa ni Lam-ang ang maghiganti upang makuha ang
hustisya na dapat niyang makuha sa pagkamatay ng kaniyang
mahal na ama. Dahil sa katapangan ni Lam-ang siya'y
nagtagumpay sa paghihiganti at nagkaroon na nang hustisya
ang pagkamatay ng kaniyang ama. Hindi man niya ito nakita
noong siyang isinilang bagkus alam kong ito'y mahal na mahal
niya dahil walang anak ang hindi mahal ang kaniyang mga
magulang at ganoon din ang mga magulang, lahat ng magulang
ay mahal ang kanilang anak. Lubos din akong nasiyahan sa
wakas ng kwento sapagkat ang akala ko ay hindi na
makakaligtas si Lam-ang ngunit sa tulong ng kaniyang alagang
aso at tandang siya ay nakaligta at mula noon ay ang mag-
asawa ay masayang nasama. Ang epikong ito nagbigay din ng
aral sa akin na habang buhay pa ang ating mga magulang
mahalin natin sila at ibigay ang kanilang kasiyahan hindi man
ito materyal na bagay. At ano mang pagsubok ang ating
kinakaharap sa buhay ay kaya natin itong lagpasan o malutas.
6. SIMBOLO
ULO – Para sa akin, naging simbolo
sa epikong ito ang ulo ng kaniyang
ama na si Don Juan. Dahil noong
nalaman ni Lam-ang na pinugutan
ng ulo ang kaniyang ama ay sobrang
nasaktan siya at siya'y naghiganti at
kaniyang pinagpapatay ang mga
igorot na pumaslang sa kaniyang
ama at hindi siya umuwi hangga't
hindi niya nakikita ang ulo ng kaniyang ama.
Simbolo ito na kayang ibuwis ng anak ang
kaniyang buhay para lamang sa kaniyang
minamahal na magulang at para sa akin ang ulo
na ito ay sumisimbolo ng pagmamahal sa
magulang.

ASO AT TANDANG - Para sa akin,


isa pa itong naging simbolo sapagkat
dahil sakanila ay nailigtas ang buhay
ni Lam-ang. Sumisimbolo ito ng
katapatan at pagmamahal sa amo o
taga pag alaga sa mga hayop.
1. PAMAGAT
SAYAW SA KASAL ni Amador T. Daguio
Salin-Filipino ni Honorato I. Cabrera Jr

2. MGA TAUHAN
Awiyao – siya ang lalaking nang
iwan kay Lumnay dahil gusto
niyang magkaanak ngunit hindi si
Lumbay ay hindi nabubuntis.

Lumnay – siya ang dating asawa ni


Awiyao na hanggang ngayon ay
umiibig pa rin sa kanya sa kabila
ng katotohanang nagpakasal na
siya sa iba.
Madilumnay – siya ang bagong
asawa ni Awiyao na mas bata kay
Lumnay at si Awiyao ay umaasang
magkaroon ng anak dito.

3. TEORYA
Ang teoryang pamapanitikan na ginagamit sa
kwentong "Sayaw Sa Kasal" ni Amador T. Daguio
na isinalin sa Filipino ni Honorato I. Cabrera Jr.
ay ang Teoryang Feminismo sapagkat sa
kwentong ito ay naipakilala ang kakayahan at
kalakasang pambabae. Sa kwentong ito ang
babaeng nagpakita ng kalakasan at kakayahan ay
si Lumnay. Ipinakita ni Lumnay ang mabuti at
maganda niyang katangian sa kwentong ito na
kahit na sobra siyang nasaktan sa nangyari ay
hindi pa rin siya sumuko sa pagmamahal niya
kay Awiyao. Gusto niyang pagprotesta tungkol sa
tradisyon na ito maipaglaban lang ang kanilang
relasyon, ngunit dahil ito'y tradisyon na talaga sa
kanila ay hinayaan niya nalang dahil alam din
naman niya na mahal siya ni Awiyao, parehas
nilang mahal ang isa't isa ngunit kailangan nilang
magparaya dahil sa tradisyon na ito. Dahil sa
pagmamahal ni Lumnay kay Awiyao, siya'y
naghintay kay Awiyao sa kanilang taniman ng
matagal hanggang siya’y pumanaw.
4. BANGHAY
Sina Awiyao at Lumnay nagmula sa isang tribo at sila’y
matagal nang mag asawa. Sa tagal ng kanilang pagsasama
ay hindi pa rin sila nagkaka-anak ni Lumnay kaya naman
si Awiyao ay nag asawa ulit at ang bago niyang asawa ay
nag ngangalang Madulimay. Sa gabi ng kanilang kasal ay
umuwi si Awiyao sa kanilang tinitirahan ni Lumnay
sapagkat hindi niya ito nakita sa sayawan. Gusto ni Awiyao
na sumayaw si Lumnay sa kaniyang kasal ngunit hindi
kaya ni Lumnay.

Sa kanilang pag-uusap, maraming mga naalala si


Lumnay kung paano siya nag-alay ng at nagdasal kay
Kabunyan para sila ay magkaroon ng anak. Naalala rin ni
Lumnay kung gaano siya kamahal ni Awiyao ngunit ng
dahil sa tradisyon na dapat magkaroon ng anak ang mag-
asawa ay kailangan niya itong iwan. Si Awiyao ay nangako
kay Lumnay na kung siya man ay mabigo na magkaroon
ng anak ay siya’y babalik sa piling ni Lumnay at sila’y
magsasama hanggang umabot sa kanilang huling hininga.

Si Lumnay ay gustong magprotesta at magreklamo


tungkol sa kanilang sinusunod na tradisyon na kailangang
mag-asawa ulit ang isang lalaki kapag hindi naka-
panganak ang babae. Napagdesisyunan ni Lumnay na
magtungo sa sayawan at kausapin ang mga ulo ng mga
nakakatanda. Ngunit sa mga nasaksihan ni Lumnay ay
hindi niya ito kinaya at agad siyang tumakbo sa
kabukdukan kung saan ang kanilang mga pananim ay
naroon. Umupo si Lumnay sa isang bato at doon niya
hinintay si Awiyao ng mahabang panahon hanggang siya’y
mamatay kasama ang kanilang mga pananim na beans. \
5. REAKSYON

Ang aking naging reaksyon sa kwentong "Sayaw Sa


Kasal" na isinulat ni Amador T. Daguio at isinalin sa Filipino ni
Honorato I. Cabrera Jr. ay ako'y naantig sa kwento ng mag-
asawang Lumnay at Awiyao. Ang paglalahad ay nagsimula sa
kuwento na maging trahedya. Iniharap nito ang sitwasyon ng
magkasintahan na kung saan dapat nilang bitawan ang
matinding emosyon para bigyang-daan ang lalaki na
magpakasal sa ibang babae. Hindi na maitago ni Awiyao ang
lungkot na nakikita sa mukha ni Lumnay. Kinailangan nilang
balewalain ang tawag ng kanilang mga puso at palayain ang
isa't isa para lamang sa mababaw na pagtingin sa isang hindi
nakasulat na batas. Nakakalungkot na makarinig ng mga
ganitong kwento. Gayunpaman ang kanilang pagmamahal sa
isa't isa ay mananatili magpakailanman kahit na sila ay
hinaharangan ng malalaking hadlang. Hindi man naging
maganda ang naging wakas napatunayan naman ni Lumnay na
talagang mahal niya si Awiyao at ganoon din naman si Awiyao
kay Lumnay. Pinatunayan nila na ang kanilang pagmamahal
sa isa't isa ay tunay at wagas kahit na nag asawa ng bago si
Awiyao ang kaniyang puso ay talagang kayw Lumnay pa rin.
6. SIMBOLO

BEADS - Ang mga butil sa kwento


ay sumisimbolo sa pangakong
binitawan ni Awiyao kay Lumnay.
Napakahalaga ng mga ito at ang
katotohanan na ibinigay ni Amiyao
ang mga ito kay Lumnay ay nagpapakita na
pinahahalagahan niya ito, at naniniwala pa rin na
may halaga siya.

SAYAW - Sa kultura, ang


pagsasayaw ay isang pagdiriwang
ng kaligayahan. Ito rin ay isang
pagpapakita ng sekswalidad ng
mga kababaihan. Dahil wala pang
anak si Lumnay, nahihiya siyang sumayaw at
magpakita sa ibang lalaki, dahil naniniwala
siyang walang titingin sa kanya.

APOY - Ang apoy ay


nagpapahiwatig ng nag-aalab ng
tindi ng parehong pagmamahal at
poot na nararamdaman ni
Lumnay.
1. PAMAGAT
MGA ANAK MULA SA KALANGITAN Salin ng
Children from the Skyworld ni Franklin
Barton (1955) salin ni Romualdo M. Protacio

2. MGA TAUHAN
KABIGAT – siya ang diyos ng
kalangitan at ang asawa ni Bugan.

BUGAN – siya ang asawa ni Kabigat at


siya ang pinalad na magkaroon ng
maraming anak.

BUGAN AT WIGAN – sila ang mga anak


nina Kabigat at Bugan. Nagkaroon din
sila ng siyam na anak apat na babae at
limang lalaki.
3. TEORYA
Ang teoryang pamapanitikan na ginagamit sa
kwentong "Mga Anak Mula Sa Kalangitan" na
salin ng Children from the Skyworld ni
Franklin Barton (1955) at salin ni Romualdo
M. Protacio ay ang Teoryang Dekonstruksyon
dahil ang kwentong ito ay nagpapakita kung
paano ginawa ang mga tao at kung paano rin
ginawa ang mundo na siyang nagpapakita ng
iba't ibang aspekto na bumubuo sa mga tao.
Sa teoryang ito ay pinaniniwalaan ng mga
manunulat na walang iisang pananaw ang ang
nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang
pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng tao at mundo.
4. BANGHAY
Ang diyos ng kalangitan ay nagngangalang
Kabigat. Mayroong siyang asawa na si Bugan at ang
marami silang anak at ang dalawa rito ay
nagngangalang Bugan at Wigan. Inutusan ni Kabigat
ang magkapatid na si Bugan at Wigan upang
magtungo sa kabundukan, sa kahabaan ng kanilang
nilalakbay ay sila’y napagod at namahinga muna at
ngumuya ng hitso o nganga. Pagkatapos nilang
magpahinga ay agad na silang nagpatuloy. Pagsapit
ng gabi, naghanda si Kabigat ng mga basi, banga,
aso, manok, baboy, pusa at isang kamalig na itinali
niya sa isang bahay sa kalangitan. Kinausap niya ang
bahay, “O, bahay! Bumaba sa Kalupaan at sundan
mga anak kong mahal.” Bumaba ang bahay sa
Kalupaan kung saan naroroon ang magkapatid na
natutulog sa isang kubong kanilang ginawa. Nagising
ang dalwa sa tilaok ng manok at bumaba sila sa
kanilang kubo upang mag-usisa. “Paano nagkaroon
ng bahay dito samantalang kahapon ay wala ito?”
buong pagtataka ni Wigan. Pinagmasdan mabuti ng
magkapatid ang bahay at nakita nila ang ibat ibang
laman nito. “Ang bahay na ito at ang lahat nang
laman nito ay galing sa Kalangitan, wika ni Bugan.
Nangaso si Wigan at madali siyang nakahuli ng baboy-
ramo bago magtanghali at ang baboy-ramo na kaniyang
nahuli ay agad niyang binuhat papunta sa kanilang bahay
upang iulam sa kanilang hapunan. Nilinisan niya ang
kanyang pinagkainan at nagtungo sa silong ng bahay upang
matulog. Pagsapit ng hatinggabi, umakyat siya sa itaas ng
bahay at sumiping sa kanyang kapatid at muling bumalik
sa kanyang tulugan sa ibaba ng bahay. Kinabukasan, muli
siyang nangaso. Gabi na nang makabalik siya. Kumain sila
ng hapunan at pagkatapos ay nagtungo na si Wigan sa ibaba
ng bahay upang matulog. Bago matulog ay nilagyan ni
Bugan ng apog ang kanyang dibdib at pusod. Umakyat muli
si Wigan, Tinabihan ang kapatid at muling bumaba.

Kinabukasan ay nakita ni Bugan ang apog sa katawan


ni Wigan at ito rin ay nakita ni Kabigat mula sa langit ngunit
hinayaan lang nila ang kanilang anak. At sila’y dumami
nang dumami. Nagkaroon sila ng siyam na anak. Apat na
babae at limang lalaki. Ang kwentong ito ay tungkol sa mga
unang tao na pinadala ng Diyos mula sa Kalangitan.
5. REAKSYON
Ang aking naging reaksyon sa kwentong "Mga
Anak Mula Sa Kalangitan" na salin ng Children
from the Skyworld ni Franklin Barton (1955) at
salin ni Romualdo M. Protacio ay una kong
naging reaksyon sa kwentong ito ay ako'y
nasiyahan sapagkat mayroong silang malaking
pamilya, masarap magkaroon ng buo at
kompletong pamilya dahil ito ang dahilan kung
bakit sumasaya ang tao. Pamilya ang
pinagkukunan ng bawat isa ng lakas at saya at
ang pamilya rin ang dahilan kaya tayo
nagsusumikap at nagpapatuloy sa buhay.
Masaya ako sa pamilya na mayroon si Kabigat
at Bugan. Noong nalaman ko na nagkaroon din
ng anak si Bugan at Wigan ako'y nagulat
sapagkat sila'y magkapatid at ito ay hindi
maaring mangyari ngunit hinayaan lamang ito
ng kanilang ama at ina sapagkat gusto nilang
mas dumami at lumaki pa ang kanilang pamilya
kaya naman nagkaroon ng siyam na anak ang
magkapatid na si Bugan at Wigan
6. SIMBOLO
ANAK – Para sa akin, naging
simbolo sa kwento ang
pagkakaroon ng maraming
anak dahil gusto ng kanilang
ama na si Kabigat na Diyos ng
Kalangitan na dumami ang
mga tao sa kalupaan.

HITSO O NGANGA – Para sa


akin, ang isa pang naging
simbolo sa kwentong ito ay
ang kinain na Hitso o Nganga
ng dalawang magkapatid na
si Bugan at Wigan noong
sila’y nagpahinga dahil ito’y
naging parte sa kanilang
paglalakbay at nakatulong din ito sa kanilang
pagpapahinga sa pamamagitan ng nagkaroon
ng laman ang kanilang tiyan.

You might also like