FIL209 - Introduksyon sa Pagsasalin - Ikalimang Linggo
PANGHIHIRAM SA INGLES: MGA SULIRANIN AT
MUNGKAHING PARAAN SA PAGSASALIN • Ang Pilipinas ay may dalawang opisyal na wika: Una, ang Filipino na may potensyal na yaman ngunit hindi pa gaanong maunlad at kailangang pagyamanin at paunlarin nang husto upang makaganap sa tungkulin ng isang tunay na wikang pambansa. • Ikalawa, ang Ingles na wikang dating mananakop, isang wika na maunlad at malaganap sa daigdig na nagsisilbing tulay sa ating pakikipag-ugnayang panlabas at sa pagdukal ng karunungan sa iba’t ibang larangan. • Dahil sa labis-labis na pagkakahantad natin sa wikang Ingles, lumitaw ang isang malubhang problema sa panghihiram. Ang palabaybayin o sistema ng pagbaybay ng wikang pambansa ang nagpakita ng kakayahan sa pag-asimila ng mga salitang-hiram sa Kastila ay kinakitaan naman ng kahinaan sa pag-asimila ng mga salitang hinihiram sa wikang Ingles. • Pansinin na sa “plaskard” na mula sa “flashcard” ay nawala ang tunog na /f/ at /sh/, at ang letrang “c” naman ay napalitan na ng “k”. Ang totoo kapag sistema ng pagbaybay ng mga wikag gumgamit ng mga letrang Romano ang pinag-usapan, ang Ingles na marahil ang siyang may pinakamagulong sistema. • KAHULUGAN NG PANGHIHIRAM: - Ang panghihiram ng salita ay may malaking pagkakaiba sa panghihiram ng isang bagay na tulad ng Barong Tagalog. Halimbawa, kapag nanghihiram tayo ng Barong, (1) tungkulin natin itong isauli sa ating pinaghiraman; (2) hindi natin ito maaaring kiputan o iklian; (3) kung ito’y nasira o nawala, dapat natin palitan o bayaran; at (4) habang nasa atin ang Barong, hindi muna ito magagamit ng may-ari sapagkat ginagamit natin. - Samantala, kung “salita” ang ating hiniram, hindi natin tungkulin pangito’y isauli sapagkat ang nasabing salita ay nagagamit din ng ating pinaghiraman. - Halimbawa, ang salitang “electricity” ay hindi atin tungkuling pagpanatilihin ang gayong bigkas at ispelling. Maaraing “elektrisidad” o “elektresiti” nang wala tayong dapat alalahanin sa ating pinaghiramang wika. • MGA URI NG PANGHIHIRAM: - (1) PANGHIHIRAM NA DYALEKTAL - nagaganap lamang sa iba’t ibang dyalektong isang wika. Ang Tagalog, halimbawa ay maraming klase may Tagalog-Bulacan, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite, atbp. Bukod dito mayroong pang Tagalog-Ilocano, Tagalog-Cebuano, atbp. Sa iba’t ibang uri ng Tagalog ay may isang higit na tinatanggap ng nakararami. At ito ay uring ginagamit sa pinakasentro ng sibilisasyon (NCR). - (2) PANGHIHIRAM NG KULTURA - laganap sa iba’t ibang wika ng isang bansa o sa mga wika ng mga bansang nagkakaroon ng ugnayan. Panghihiram ng Filipino ng mga salita sa iba’t ibang wika sa kapuluan na kargado ng kultura tulad ng: (1) pinakbet, (2) saluyot, (3) dinengdeng - sa Ilocano. Panghihiram ng Filipino sa iba’t ibang wika ng daigdig tulad ng: (1) mami, (2) syopaw, (3) karate, (4) dyip, atbp. - (3) PANGHIHIRAM NA PULITIKAL - nagaganap ang ganito sa mga bansang nasasakop o nasakop ng higit na makapangyarihang bansa. Ang agos ng panghihiram na pulitikal ay isang direksyon lamang mula sa wika ng sumasakop o sumakop patungo sa wika ng nasasakop o nasakop. • Ang Pilipinas ay isa nang bansang malaya. Ngunit dalawa ang uri ng paglaya: (1) PAGLAYANG PISIKAL at (2) PAGLAYANG MENTAL O SIKOLOHIKAL. Isa pa ring katotohanan na kapag minaster ng isang lahi ang wika ng kanyang dating mananakop, hindi niya namamalayan na siya naman ang nagmamaster nito.
• MGA ANTAS NG PANGHIHIRAM:
- Kung hahatiin natin sa dalawa ang mga salitang ginagamit sa Filipino (1) MGA BATAYANG SALITA (content words) at (2) MGA SALITANG PANTULONG (function words) - madali nating mapatutunayan na karaniwang hinihiramang mga batayang salita at bihira ang mga pantulong. Halimbawa, hindi natin hinihiram ang mga pantulong na mga salitang tulad ng “the, a, an, some, by, with, to, atbp”. - Kapag hinihiram na ng Filipino ang mga salitang pantulong, masasabing labis-labis na pagkakahantad ng ating bansa sa wika at kultura ng bansang Amerikano. Ang mga panlapi ang itinuturing na MOOG ng isang wika. Sa ibang salita, habang buo ang mga panlapi ng isang wika, ito’y matatag pa rin at hindi pa nanganganib. • ILANG OBSERBASYON SA PANGHIHIRAM: - Ang bansang pinanghihiraman ng mga salita ay karaniwang higit na maunlad at makapangyarihan sa bansang nanghihiram. Halimbawa, kailanman ay hindi mangyayaring manghiram ang mga Amerikano sa wikang Filipino nang tulad ng ating panghihiram. - Natural na natural sa mga Pilipino ang manghiram sa wikang Ingles; (1) SAPAGKAT KAILANGAN at (2) SAPAGKAT ITINUTURING NG KARAMIHAN NA ISANG KARANGALAN NA MANGHIRAM NG WIKA SA MGA BANSANG MAUUNLAD. - Labis na nahantad ang taong ito sa wikang Ingles; sa ibang salita, Ingles ang kanyang oryentasyon sapagkat Ingles ang midyum na ginagamit sa kanyang pagdukal ng karunungan. - Paggamit paminsan-minsan ng mga salita o pariralang Ingles upang iparamdam sa nakaririnig na siya’y nag-aaral. - Kapag ang isang bansa ay matagal na panahong nahantad sa kultura at buhay-intelektwal ng ilang bansa, ito’y nahahaluan nang labis-labis ng mga salitang hiram sa bansang nakaiimpluwensya. - Kapag ang isang lahi ay nahirati o namihasa sa panghihiram ng mga salita buhat sa wika ng bansang nakaiimpluwensya rito, nanghihiram ito kahit may mga salita sa sariling wika na kakahulugan ng mga hinihiram. - Ang isang karanungan ay higit na mabisang naipapahayag ng isang tao sa pamamagitan ng wikang ginamit niya sa pagdukal ng nasabing karunungan. - Ang mga tunog na /e/ at /o/ na dati’y isinasama lamang sa ponemang /i/ at /u/ bilang mga baryant. Pagpasok ng PARES MINIMAL tulad ng mesa-misa, belo-bilo, oso-usp, atbp. - Maraming panlaping Kastila ang nakapasok sa ating wikang pambansa, tulad ng -ero (a), -ilyo (a), -ito (a). Halimbawa, basagulero, binatilyo, dalagita, atbp. - Mababangit na kahit ang isang salita ay sa Ingles natin hinihiram ang kinagawian nating panghihiram sa Kastila ay siya pa ring umiiral. Halimbawa, atom-atomo, liquid-likido, atbp.