You are on page 1of 4

FIL115 – PAGSASALING TEKNIKAL

Pangalan:______________________________________________ Kurso: ________________________

Yunit 2: Iba’t Ibang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino Mula sa Ingles

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.


salita: as white as snow
ilang salin:
kasimputi ng niyebe, kasimputi ng yelo, kasimputi ng bulak
ang nais ipahiwatig:
immaculate, pure
sa likas na kultura:
busilak na kaputian

- Ang lahat ng wika ay may sariling kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling
kulturang kinabubuhulan nito. Mabisa ang Ingles sa pagpapahayag ng kulturang Amerikano; mabisa
rin naman ang Filipino sa pagpapahayag ng kulturang Filipino.
- Napakahalagang maunawaan ng isang tagapagsalin na hindi siya dapat maging literal sa pagsasalin;
na hindi dapat maging salita-sa-salita ang pagsasalin, lalo na kung kargado ng kultura ang kanyang
isinasalin. Sa halip, ang dapat niyang pilitin ay maisalin ang intensyon o ang ibig ipahatid na
mensahe ng awtor.

2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan.


- Malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng mga wikang hindi magkakaangkan at malaki naman ang
pagkakatulad sa kakanyahan ng mga wikang magkakaangkan. At dahil hindi magkaangkan ang
Filipino at Ingles, natural lamang na maging malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng dalawang
wikang ito.

Sa anong mga pagkakataon?


a. Sa paglalapi - Ang Filipino ay may gitlapi ngunit wala ng Ingles.
Ayon kay Santiago, hindi basta-basta nagigitlapian ang mga hindi konsistent ang baybay.
Lagyan ng gitlapi ang mga sumusunod na salita:
 ganda - gumanda
 sayaw- sumayaw
 tsinelas - nagtsinelas, titsinelasin
 text - tinext
 takbo- tumakbo

b. Estruktura ng pangungusap
c. Pokus ng Pandiwa
Bumili si Art ng bag. – Art bought a bag.
Binili ni Art ang bag. – Art bought the bag.

1|Page
Ibinili siya ni Art ng bag. – Art bought him a bag.

- Anupa’t sa pagsasaling-wika, dapat malaman ng tagapagsalin ang mga kakanyahan, ang kalakasan
at kahinaan ng mga wikang kasangkot sa kanyang isasagawang pagsasalin. Ang isang katangiang
nasa isang wika ay hindi dapat ilipat sa pinagsalinang wika.

3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang tanggapin ng pinag-
uukulang pangkat na gagamit nito.
- Ano ba dapat ang unang itatanong natin kapag magsasalin na tayo?
 Mauunawaan kaya ng target o pinag-uukulan o ng mambabasa ang aking salin?
 Angkop kaya ito sa kanilang antas?

4. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng bayan.


- Tunay bang maraming uri ng Filipino sa kasalukuyan? Bakit kaya? Ano-ano ang mga salik ng
pagkakaroon ng maraming uri ng Filipino? Ano ang tawag natin dito?
VARAYTI NG WIKA
Iprinopos, Pagdebelop, Inaprubahan
National Science Development Board (1958)
- bumuo ng talasalitaang Filipino sa Agham na tinawag na Maugnaying Talasalitaan.
 PANANDAAN (algebra) = sangay ng sipnayan kung saan karaniwan ang mga titik ay
ginagamit bilang "pananda" upang kumatawan sa mga bilang o halaga. Kaya kung hihimayin:
pananda + -an
 SINING (art/s) = taal na salitang Tagalog
 BILNURAN (arithmetic) = sangay ng sipnayan na pumapakitungo sa mga bilang maging ng
kanilang pagdadagdag, pagbabawas, paghahati at pagpaparami. Kaya kung hihimayin:
bil(ang) + panu(nuran). Ang panunuran ay ang Tagalog sa salitang "order" na siyang
mahalaga sa paggamit ng mga sakilos (operations) upang magbigay ng iisang sagot.
 HAYKAPNAYAN (biochemistry) = [bu]hay + kapnayan ("chemistry")
 HAYNAYAN (biology) = Ang salitang biology ay mula sa dalawang salitang Griyego na,
bios, "buhay" at, -logia, "pag-aaral (tungkol) sa." Kaya kung hihimayin ang haynayan:
[bu]hay + [ha]nayan.
 TAYAHAN (calculus) = Ang calculus ay mula sa salitang Latin na, calx, "small pebble" na
noo'y pangkaraniwang ginagamit sa pagbibilang katulad ng nasa abacus. Kaya ang tayahan
ay mula sa taya ("calculation; estimate") + -han.
 KAPNAYAN (chemistry) = sangay ng agham na pumapakitungo sa pagtukoy ng mga
substances na bumubuo sa matter. Paghihimay: [sang]kap + [ha]nayan
 ISIGAN (dynamics) = isig ("force") + -an
 DAGIKAPNAYAN (electrochemistry) = dagi- (unlaping nagpapahayag ng kaugnayan sa
dagitab o electricity) + kapnayan
 DAGISIKAN (electronics) = dagisik ("electron") + -an
 SUKGISAN (geometry) = suk[at] + [hu]gis + -an
 BALARILA (grammar) = "bala ng dila"
 DANUMSIGWASAN (hydraulics) = danum- (unlaping kinuha sa salitang Kapampangan
na, danum, "tubig") + sigwasan ("mechanics")
 DALUBWIKAAN (linguistics) = dalub[hasa] + wika + -an

2|Page
 BALNIAN (magnetism) = balni- ("magneto-," halaw sa salitang balani) + -an
 SIPNAYAN (mathematics) = Ang salitang mathematics ay nag-ugat pa sa salitang Griyego
na, mathema, "agham, kaalaman, pagkatuto." Pagsalin: [i]sip + [ha]nayan
 SIGWASAN (mechanics) = sangay ng applied mathematics pumapakitungo sa
kilos/paggalaw at sa mga puwersang nagdudulot nito. Pinagmulan: [i]sig ("force") + [la]was
("body," buhat sa ETD**) + -an
 MIKHAYNAYAN (microbiology) = mik[mik] + haynayan ("biology")
 LIKNAYAN (physics) = lik[as] + [ha]nayan
 PUNLAY (sperm) = punla + buhay
 AGHAM (science) = taal na salitang Tagalog

Halos lahat ng mga salita ay kinuha sa Maugnaying Talasalitaang Pang-Agham: Ingles-Pilipino ni


Gonsalo del Rosario na inilimbag noong taon 1969. Ang balarila ay mula naman kay Lope K. Santos.
Ano ang uri ng Filipino na pipiliin?
• Sa pagpili ng mga salitang gagamitin, katutubo man o hiram, laging tandaan ang naiintindihan ng
gagamit ng tekstong isinasalin, ang target audience.

5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing establisado o
unibersal na ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng
katumbas sa Filipino.

Mga halimbawa:
PTA - hindi SGM (Samahan ng mga Guro at Magulang)
DepEd - hindi KawEd (Kagawaran ng Edukasyon)
cm - hindi sm (sintemetro)
H2O - hindi Tu ( Tubig)

6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbas sa isang salita ng
isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa
(footnotes) ang iba bilang mga kahulugan.

Halimbawa ng mga salitang:


berde, luntian o lunti
bughaw o asul
magnanakaw o kawatan

7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita.


Ingles: the war between Iran and Iraq
di matipid: ang digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq
matipid: ang digmaan ng Iran at Iraq

Ingles: carry on the shoulder


di matipid: dala sa balikat
matipid: pasan

Isalin nang matipid:

3|Page
The guest arrived when the program was already over.
Dumating ang mga bisita pagkatapos ng programa.
Ang mga bisita ay dumating nang ang programa ay tapos na.
Tapos na ang programa nang dumating ang mga bisita.
Ang bisita ay dumating na tapos na ang programa.

8. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi ng
pangungusap.

Tunghayan natin ang mga ss. na pangungusap:


 Umiyak ang batà. - Child
 Batà pa siya. - Young
 Batà ng senador ang kuya ko. - Protege
 Batà ng senador ang babaeng iyan. - Mistress
 Nakita ko ang magbatà sa Luneta. – Sweethearts

9. May mga pagkakataon na ang mga tahasang pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng
eupemismo sa Filipino upang hindi maging pangit sa pandinig.

- Isa sa kakanyahan ng Filipino ay paggamit ng mga matatalinghagang salita sa pagpahayag dahil


ayaw nating makasakit o ayaw natin ng mga malalaswa at bulgar na salita na taboo.

Halimbawa ng mga salitang ito sa Ingles:


sex, penis, vagina, feces, dead

- Ganoon din ang isa sa paraan natin ng paggalang na paggamit ng panghalip na “sila” at “kayo”
kahit na ang kausap ay isang tao lamang.

10. Mahalaga ang diksiyonaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag kang paaalipin dito.
- Malaki ang maitutulong nito sa pagsasalin bagaman at hindi dapat maging katuwiran ng sinumang
tagapagsalin.
- Ang diksiyonaryo ay katulong lamang at hindi panginoon.
- Ang kontekstong kahulugan ay hindi matatagpuan dito.

4|Page

You might also like