You are on page 1of 15

7

Araling
Panlipunan
QUARTER 1 – WEEK 3
ANG UGNAYAN NG TAO
AT
KAPALIGIRAN SA PAGHUBOG NG
KABIHASNANG ASYANO
12
KATANGIANG pisikal ng mga rehiyon sa asya

Alamin

Ang pangunahing layunin sa bahaging ito ay upang matutuhan at maunawaan ang


mahahalagangimpormasyon at kasipan tungkol sa mga
KATANGIANG PISIKAL NG MGA REHIYON NG ASYA . Mahalaga ang pag -aaral sa katangiang
pisikal ng mga rehiyon ng Asya sapagkat nakakatulong ito upang
malaman ang mga yaman, ang uri ng klima, at maging ang kabuuan nito bilang isang bahagi ng
kontinente.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Napapahalagahanang ugnayan ng taoat kapaligiran sapaghubog ng kabihasnang Asyano.

LAYUNIN
Nailalarawan ang mga katangiang pisikal ng mga rehiyonsa Asya katulad ng
kinaroroonan,hugis, klima, at vegetation cover.
Napaghahambing ang katangiang pisikal ng mga rehiyon sa Asya.

Subukin
A. Suriin ang katangiang pisikal na inilalarawan ng bawat bilang.
Tukuyin kung anong rehiyon ang inilalarawan nito. Isulat ang HA
(Hilangang Asya), KA (Kanlurang Asya), TA (Timog Asya), SA
(Silangang Asya), at TSA (Timog -Silangang Asya kung ito ay nagl
alarawan sa rehiyon.
1. Ito ay may hugis tatsulok, na may hangganang Indian Ocean sa Timog at
kabundukan ng Himalayas sa Hilaga.
2. Mabuhangin at mabato ang karaniwang luagr ng rehiyong ito.
3. Sa ilang bahagi ng rehiyong ito ay may malalawak na damuhan na may
iba’t ibang anyo (steppe, prairie, at savanna).
4. Dahil sa kaaya- ayang klima nito, magubat at kabundukan ang nasa hil aga ng
rehiyon at mga lamba -ilog naman sa timog.
5. Sa pangkalahatan, ang rehiyong ito ay may matatabang kapatagan,
malalalim ang mga lambak at matataas ang mga bundok.

B. Suriin ang mga larawan. Magsulat ng dalawang katangian na iyong mailalarawan sa bawat isa.
1
Balikan

Ang tao ay nabubuhay base sa heograpiya na kanayang kinalalagayan. Malaki


ang naiaambag nito sa pag -aaral maging sa kasaysayan ng mga naunang
kabihasnan. Kaya kahit hindi na umiiral ang isangbansa, lungsod o maging ng mga taong
nakatira sa isang lugar, ang magiging batayan upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan
ay ang heograpiya ng bansa.

GAWAIN 1: Sagutin ang mga tanong:


Ano ang ibig sabihin ng heograpiya?
Ano -ano ang limang tema ng heograpiya?
Ano -ano ang mga pangunahing saklaw ng heograpiya?
Ano ang kahalagahan ng pag -aaral ng heograpiya?

Tuklasin

GAWAIN 2: Gaano nga ba kahalaga na pag -aralan ang katangiang pisikal ng isang lugar? Paano
ito nakaaapekto sa pamumuhay ng mamamayan nito? At kung ano -ano ang mga isyu at usaping
kinakaharap ng bawat rehiyon batay sa kanyang pisikal na katangian?

Pamprosesong Tanong:

Ibigay ang pagl alarawan sa mga imahe.


Ano ang nais ipinahihiwatig ng mga larawan?
Maaari bang gamitin ang mga larawan upang matukoy ang itsura ng isang lugar? Sa paanong
paraan?

2
Suriin

Gawain 3: Suriin ang mga larawan. Ibigay ang pagkaka- iba ng bawat isa.

A C
Pagtuunan ng pansin ang mga impormasyon sa sa ibaba at sagutin ang mga gawain pagkatapos nito.

3
4
Pagpapalalim

GAWAIN 4: Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa pagsuri mo sa mga nabasabg
impormasyon sa itaas.
Magla had ng paghahambing at pagtutulad sakatangiang pisikal ng Hilagang Asya at
kanlurang Asya, ng Timog at Silanganng Asya, at ng Mainland atr Insular Southeast Asia.
Ano -ano ang bahaging ginampanan sa pamumuhay ng mga Asyano ang mga
kabundukan at ilog sa Asya?
Ikaw, bilang Pilipino at Asyano, a no ang kapakinabangan mo sa pagkakaroon mo ng
ganap na kaalaman sa katangian ng mga
natural na kalamidad na dinadanas ng ating bansa?

KARAGDAGANG KALAMAN

Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Dahil sa


sobrang lawak nito, hinati ang kontinente sa limang rehiyon:
Dulot na rin ng pagkakaroon ng malawak na teritoryo, ang bawat rehiyon ng
Asya ay may kani -kaniyang pisikal na katangiang pangkapaligiran. Ang
kinaroroonan, hugis, sukat, at anyo ng rehiyon ay may kaugnayan sa
klima ng nararanasan at vegetative cover na matatagpuan sa bawat
rehiyon ng Asya.
• Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng mundo.
• Ang kabuuang lawak nito ay may sukat na 44,579,000 kilometro
kuwadrado.
Ang kontinete ng Asya a y walang tiyak na hugis at any o
• Ito ay mayaman sa iba't ibang likas na yaman.
• Ang Asya ay sagana sa iba't iba ng anyong lupa at anyong tubig.
• Malaki ang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa at anyong
tubig sa paghubog ng uri ng pamumuhay at ekonomiya ng mga bansa sa
Asya.
Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyon ng Asya sapagkat
isinasaalang- alang sa paghahating ito ang pisikal, historical, at kultural na
aspeto.

Pagyamanin
GABAY NA GAWAIN

GAWAIN 5 A: Batay sa mga nakalap na impormasyon , bakit mahalagang pag -


aralan ang katangiang pisikal ng siang lugar ?

5
GAWAIN 5 B: Sa bahaging ito ng iyong gawain ay matapat mong punan ng pagl alahad ng
iyong kaisipan ang kasunod na cloud callout. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Natuklasan ko na ang pisikal na


katangiang ng mga rehiyon sa Asya ay
na nakaimpluwensiya sa
pamumuhay at kultura ng mga Asyano sa
pamamagitan ng .

KARAGDAGANG IMPORMASYON

Nahahati ang kontinente sa limang bahagi, ito ay ang sumusunod:


Hilagang Asya - Ang bahaging ito ng kontinente ay matatagpuan sa
kalagitnaan kung kaya't ito ay tinatawag rin na Central o Inner Asia. Ang mga bansang kabilang rito ay
ang mga bansang kabilang noon sa Soviet Central Asia.
Kanlurang Asya - Ito ang dulong bahagi ng Asyaat nagsisilbing hanggangan sa mga kontinenteng Aprika
At Europa. Nakilala ang mga bansang kabilang rito bilang bansa ng mga Arabo. Sa kasalukuyang
panahon, tinatawag rin itong Middle- East.
Timog Asya - Ang mga bansang kabilang rito ay pinaniniwalaang bansa ng mga Muslim.
Timog-Silangang Asya - Kabilang sa bahaging ito ng Asya ang bansang Pilipinas. Nakilala ang bahaging
ito dahil sa mga kulturang ipinamana ng mga dayuhang bansang nag -iwan ng impluwensya rito.
Silangang Asya - Binubuo lamang ito ng a nim na bansa.

MALAYANG GAWAIN

GAWAIN 6: Punuin ng tamang impormasyon ang data retrieval chart sa ibaba basee sa mga
impormasyong nasuri at nakalap.

Katangiang Pisikal
Mga Rehiyon
Kinaroroonan Anyo Klima Vegetation

Hilagang Asya

Kanlurang Asya
Timog Asya
Silangang Asya

6
Timog -Silangang
Asya
Paghahambing:
Epekto:
Kapakinabangan:

MALAYANG GAWAIN

GAWAIN 7: Gamit ang diagram sa ibaba, bumuo ng sariling konsepto sa pagl alarawan sa katangiang
pisikal ng mga rehiyon sa Asya base sa mga impormasyong nasuri.

MALAYANG TAYAHIN

GAWAIN 8: Magbigay ng pakahulugan sa mga pangunahing saklaw ng katangiang pisikal bilang pagl
alarawan sa isang lugar.

KAHULUGAN
MAHAHALAGANG SALITA
1. Kinaroroonan

2. Anyong lupa

3. Anyong tubig

4. Klima

5. Vegetation cover

7
GAWAIN 9: Bil ang isang mag -aaral at base sa iyong mga nasuring impormasyon sagutin ang mga
tanong ayon sa iyong sariling opinion.

Isaisip

GAWAIN 10: Sa matagumpay na pagtuklas sa kaisipantungkol sa mga


katngiang pisikal ng mga rehiyon sa Asya . Sa bahaging ito, sagutan angmga tanong sa ibaba.

8
Isagawa

GAWAIN 11: Sa talahanayan, isulat mo sa unang hanay ang mga gawainna iyong isinagawa
at sinagutan. Ang iyong mga natutunannaman ang iyong ilalagay sa ikalawang hanay .Sa
pinakahulinghanay isulat mo kung paano mo magagamit sa pang - araw – araw na buhay ang
mga ito.

MGA GAWAIN MGA NATUTUHAN PAANO ITO MAGAGAMIT

Pagtataya

A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Itinuturing na rehiyong ito ang may pinakamahabang panahon ng tagl amig at


napakikling tag -init.
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang ASya D. Timog ASya
2. Ang Kanlurang Asya ay nahahati sa tatlong rehiyong pisikal, ang isa rito ay
tumutukoy sa lupain ng kabundukan at talampas .
A. Arabian Peninsula C. Northern Tier
B. Southern Peninsula D. Fertile Crescent
3. Ito din ay isa sa tatlong rehiyong pisikal ng Kanlurang Asya na nagtataglay
naman ng matatabang lupa at saganang suplay ng tubig .
A. Arabian Peninsula C. Northern Tier
B. Southern Peninsula D. Fertile Crescent
4. Ito ay isang malawak na tangway na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig
ang loob na bahagi ay salat sa tubig dahil disyerto ang malaking bahagi nito
.
A. Arabian Peninsula C. Northern Tier
B. Southern Peninsula D. Fertile Crescent
5. Ang topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok .
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
6. Malaking bahagi ng kapuluan ng Asya ay sakop ng rehiyong ito na kung saan
ang isa sa mga bansa nito ay sumasakop ng 20% sukat ng kontinente.
A. Kanlurang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog -Silangang Asya
7. Sinasakop ng bansang ito ang 20% sukat ng kontinente na matatagpuan sa
rehiyon ng Silangang Asya.
9
A. China C. Korea
B. Japan D. Taiwan
8. Ito ay ang sub -region ng Timog -Silangang Asya na isang tangway na nasa
pagitan ng South China Sea at Indian Ocean.
A. Insular Southeast Asia C. Mainland Southeast Asia
B. Lowland Southeast Asia D. Northern Southeast Asia
9. Ito n aman ay ang sub -region ng Timog-Silangang Asya na binubuo ng mga
kapuluang nakalatag sa karagatan.
A. Insular Southeast Asia C. Mainland Southeast Asia
B. Lowland Southeast Asia D. Northern Southeast Asia
10. Ito ay tumutukoy sap ag -aaral sa katangian g pisikal ng isang lugar.
A. Heograpiya C. Topograpiya
B. Arkeolohiya D. Monograpiya

B. Para sa bilang 11 -15, magbigay ng mga pangunahing saklaw ng pag-aaral sa katangiang pisikal ng
isang lugar.

10

You might also like