You are on page 1of 6

MODYUL 2: KASAYSAYAN NG ALFABETONG FILIPINO

GAWIN ITO
Ang mga larawan ay nagpapakita ng baybayin. Ang baybayin ay ang sistema ng pagsulat ng mga
naunang Pilipino bago pa ang pananakop ng mga Espanyol. Ito ay parte ng ating kultura at sa panahon
noon, ito ang nagsilbing paraan ng ating mga ninuno upang sila ay magkaintindihan.

Leksiyon 1: Mulang Baybayin Hanggang Abakada

Gawain 1

A.

(nakalagay sa papel)

B.

-
BAYBAYIN binibigkas ABAKADA
ang mga
- may labimpitong titik - may dalawampung titik
katinig ng
- may tatlong patinig (A, E-I, O-U) may - may limang patinig (A, E, I, O, U)
- iisa lang ang simbolong gamit sa kasamang - pinaghiwalay ang katinig na RA at
katinig na RA at DA patinig na DA
A

1.
- ABECEDARIO
BAYBAYIN mayroon
- may tatlumpu't-isang titik
- may labimpitong titik pa ring
- hango sa Romanong paraan ng
- kung anong bigkas, siya ang sulat mga
patinig pagbigkas at pagsulat
- gumagamit ng mga simbolo tulad na A, E, I,
- ipinalit sa baybayin pagdating ng
ng tuldok at krus O at U mga Kastila

2.

Gawain 2

SALITANG ESPANYOL BAYBAY TAGALOG


1. cucina 1. kusina
2. voces 2. boses
3. cutis 3. kutis
4. carpentero 4. karpintero
5. telefono 5. telepono
6. celebracion 6. selebrasyon
7. vocabulario 7. bokabularyo
8. cadena 8. kadena
9. educacion 9. edukasyon
10. liquido 10. likido

PAGTATAYA

(nakalagay sa papel)

Takdang-Aralin

1. Mula sa modyul na ito, natuklasan ko na napakaganda pala ng ating paraan ng pagsulat noon. Bilang
mag-aaral ng NORSU, sa palagay ko, maiprepreserba ko ang pagsusulat ng baybayin sa paraan ng
patuloy na paggamit at pagsasanay nito. Pwede ko itong gamitin sa aking mga sulatin o gawing disenyo
sapagkat nakakakuha ito ng atensyon at maganda rin tignan. Pwede rin itong gawing Negosyo dahil
marami pa ring kabataan ang tatangkilik nito dahil sa mga “hidden meaning” o nakatagong kahulugan ng
mga simbolo.
2. Tulad ng nabanggit ko sa itaas, mapapahalagahan ko ito sa patuloy na paggamit at pagsasanay sa
pagsulat ng baybayin. Hindi ko rin ito kakalimutan sapagkat ito ay isa sa mga pinakamagandang parte ng
kulturang Pilipino. Maari ko rin ibahagi ang aking mga natutunan dito sa aking mga kapatid upang
makita rin nila ang kagandahan ng baybayin.

Leksiyon 2: Bagong Alfabetong Filipino

GAWIN ITO

1. May dalawampu’t walong (28) titik ang bagong alfabetong Filipino.

2. Ang abakada ay binubuo ng dalampung (20) titik lamang habang ang bagong alfabetong Filipino ay
mayroong dalawampu’t walong (28) titik sapagkat ito ay nadagdagan ng mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X at
Z.

3. Para sa panahon ngayon, mas mainam gamitin ang bagong alfabetong Filipino dahil ito na ang aking
nakasanayan at nakalakihan. Mas madali na rin itong isulat at basahin sapagkat ito ay binabasa sa
paraang Ingles (maliban sa Ñ). Minsan, ang baybayin ay nagdadala ng kalituhan sa ibang mambabasa
dahil iisa lang ang simbolong ginagamit ng E at I, O at U, at DA at RA.

PAGSASANAY

1. C
a) Creole
Ang creole ay is sa mga varayti ng wika.
b) Chavacano
Ang Chavacano ay isang halimbawa ng creole.
c) Cebu
Ang Lungsod ng Cebu ay nasa Central Visayas.

2. Q
a) Quezon
Si Manuel L. Quezon ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.”
b) quarantine
Kailangan munang i-quarantine ng labing-apat na araw.
c) Quirino
Si Quirino ang ikaanim na pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. Ñ
a) Santo Niño
Ang Sinulog na ipinagdiriwang sa Cebu ay ang pista ng Santo Niño.
b) Malacañang
Ang Malacañang ang opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas.
c) La Niña
Tuwing La Niña, ang temperatura sa silangang bahagi ng Karagatang Pasipiko ay lumalamig at ito
ay nagdadala ng maraming ulan.
4. X
a) xerox
Kailangan kong magpa-xerox ng dalawang kopya ng aking birth certificate.
b) xylem
Ang xylem ay isang makahoy na tisyu ng mga halaman.
c) praxis
Ang praxis ay nagmula sa Griyego at nangangahulugang pagsasanay.
5. F
a) Filipino
Wikang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas.
b) Fort Santiago
Ang Fort Santiago ay itinayo noong 1590.
c) frisbee
Gusto kong laruin ang frisbee.

6. J
a) Jazz
Jazz ang aking paboritong genre ng tugtog.
b) jaket
Tuwing tag-ulan, sinusuot ko ang aking paboritong jaket na kulay asul.
c) objektiv
Sana nakamit natin ang objektiv ng meeting na ito.

7. V
a) Nueva Vizcaya
Ang Nueva Vizcaya ay isang probinsyang matatagpuan sa Cagayan Valley sa Luzon.
b) varayti
Sa unang modyul ay natutunan ko ang mga varayti ng wika.
c) Visayas
Sa Visayas, maraming magagandang tanawin at masasarap na pagkain.

8. Z
a) Zamboanga
Ang Zamboanga ay isang lungsod na natatagpuan sa Pilipinas.
b) zombie
Paborito kong panoorin ang mga pelikulang tungkol sa mga zombie.
c) zoo
Gusto kong pumunta sa zoo.

B.
(sa messenger ko po ipapasa ang video)

PAGTATAYA

I. PAGPAPALIWANAG
1. Ang pag-aaral sa Ortograpiyang Filipino ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito, lubos nating
maintindihan kung paano tayo umabot sa bagong alfabetong Filipino na kasalukuyang ginagamit natin
ngayon. Base sa aking pananaliksik, ang ortograpiya ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang
pasalita sa paraang pasulat. Alam natin na bawat wika ay may pagkakaiba at sa natutunan ko sa modyul
na ito, napakalaking pagbabago ang naganap mula sa baybayin patungo sa bagong alfabetong Filipino.
Dapat natin itong maintindihan upang matutunan nating gamitin ng maayos at tama ang mga titik na
mayroon tayo ngayon.

II. Venn Diagram

1976
1987
- binansagang "pinagyamang
- - binansagang "pinasimpleng
alfabeto" nadagdag alfabeto"
- may tatlumpu't isa (31) ang ang mga
letrang C, - may dalawampu't walong (28)
bilang ng mga titik F, J, Ñ, Q, bilang ng mga titik
- may mga digrapo ngunit hindi V, X at Z - tinanggal ang mga digrapong
malinaw kung paano tawagin at ch, ll, at rr
pagsunod-sunurin
III. TIMELINE

Sin aunang P anahon ng 1940 1976 1987 2001


t ao K astila

Baybayin Abecedario Abakada - pinagyaan - muling - pinalawak


ang dating binago ang ang batas
- may 17 - alfabetong - may 20 na abakada alfabeto 1987
na titik Romano titik sab isa ng nang - tinawag
- may 14 - binubuo - hiniwalay Memoran- ipalabas ang na
na ng 31 na ang E at I, O dum Kautusang Revisyon sa
katinig titik at U, at RA Pangkaga- Pangkaga- Alfabeto at
- may 3 at DA waran Blg. waran Blg. Patnubay
na 194 81 sa Ispeling
patinig - idinagdag - bagong ng KWF
ang c, ch, f, alfabetong
j, ll, ñ, q, rr, Filipino
v, x, at z - may 28 na
- naging mga titik
“pinagya- - tinawag na
mang “pinasim-
alfabeto” pleng
alfabeto”

Takdang-Aralin

1. Ang KWF ay nangangahulugang Komisyon sa Wikang Filipino. Ito ang responsable sa pagbabalangkas
ng mga patakaran, plano at mga programa upang higit pang mapaunlad, mapagyaman, mapalaganap at
maipreserba ang Filipino at ang iba pang mga wika ng ating bansa. Malaki ang gampanin nito sapagkat
ito ang nangunguna upang magamit ng maayos at tama ang wikang Filipino sa pambansang pag-unlad at
pagkakaisa.

2. Maipapakita ko ang aking pagmamahal sa wika at sa ating alfabetong Filipino sa pamamagitan ng


patuloy na paggamit nito, lalong-lalo na sa pakikipag-komunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.
Patuloy pa rin itong itinuturo sa mga paaralan kaya’t hindi ko ito makakalimutan ng ganun ganun lang.
Minsan, naisasanay ko rin ang aking sarili sa pagsulat ng mga maiikling tula o mga sulat kapag ako ay
walang magawa sa bahay.

You might also like