You are on page 1of 22

PAHAPYAW NA

KASAYSAYAN NG
ORTOGRAPIYA NG
WIKANG FILIPINO
1. ANG ALIBATA
 Binubuo ng labimpitong (17)
simbolo na kumakatawan sa mga
letra: 14 na katinig at 3 patinig.
Tinawag itong alibata o baybayin.
 Sa pagdating ng mga kastila,
pinaltan nila ito ng alpabetong
romano na siyang pinagbatayan
ng ABAKADANG Tagalog.
2. ANG ABAKADANG
TAGALOG
 Binuo ni Lope K. Santos
 Binubuo ito ng dalawampung (20) letra

Lima (5) ang patinig : a, e, i, o, u


Labinlima (15) ang katinig : b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y

Labing-isang (11) banyagang letra : c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, z


HALIMBAWA:

c = k calesa - kalesa
s cocinera - kusinera
ch = ts cheque - tseke
s chinelas - sinelas
f = p fiesta - piyesta
j = h jota - hota
ll = ly billar - bilyar
y caballo - kabayo
ñ = ny paño - panyo
q = k queso - keso
rr = r barricada - barikada
v = b ventana - bintana
x = ks experimento - eksperimento
s texto - testo/teksto
h raxa - raha
z = s zapatos - sapatos
3. BAGONG ALPABETONG PILIPINO

Nirebisa ng surian ang “abakadang tagalog” ni Lope K. Santos.


Sa bisa ng memorandum pangkagawaran blg. 194, s. 1976 ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura, pinagyaman ang abakada at tinawag itong bagong
alpabetong pilipino.
 Idinagdag ang labing-isang (11) banyagang letra kaya’t nagging tatlumpu’t isa.
4. 1987 ALPABETONG
FILIPINO
 Muling nireporma ang alpabetong pilipino sa tulong ng mga lingguwista,
dalubwika, manunulat, propesor, guro at mga samahang pangwika.
 Napagkaisahan na ang alpabetong filipino ay bubuin na lamang ng dalawampu’t
walong (28) letra.

a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z
5. 2001 REVISION NG ALPABETONG
FILIPINO
Maraming pumuna sa napakahigpit at di makatotohanang mga tuntunin sa
ispeling sa paggamit ng walong (8) dagdag na letra.
Pinaluwag sa 2001 alpabeto ang gamit ng walong letra at nangangahulugan na
maaari na itong gamitin sa lahat ng hiram na salita.
Ang alfabeto ay binubuo parin ng 28 na letra.
GABAY SA ORTOGRAPIYA
NG WIKANG FILIPINO
I. GRAPEMA
Binubuo ito ng:
Letra Hindi Letra

paiwa at pakupya (^)


tuldok (.), pananong (?), padamdam (!), kuwit (,), tuldok-kuwit (;), tutuldok (:),
kudlit (‘) at gitling (-)
II. MGA TUNTUNING PANLAHAT SA
PAGBAYBAY
A. Pasalitang Pagbaybay
Pasulat Pabigkas
SALITA boto/bi-o-ti-o/
plano /pi-el-ey-en-o/
AKRONIM
MERALCO (Manila Electric Company) /em-i-ar-ey-el-si-o/
ARMM (Autonomous Region of Musim Mindanao /ey-ar-em-em/

DAGLAT
Bb. (Binibini)
Gng. (Ginang)
B. PASULAT NA PAGBAYBAY
B1. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa pilipinas
B2. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita, panatilihin ang orihinal nitong anyo.
B3. Sa pagbaybay ng mga salitang mula sa Español, baybayin ito ayon sa abakada.
B4. Sa paguulit ng salitang ugat na nagtatapos sa patinig na “e” hindi ito pinapalitan ng letrang “i”.
Kinakabitan ito ng “ng” at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang ugat.
B5. Sa paguulit ng salitang ugat na nagtatapos sa patinig na “o” hindi ito pinapalitan ng letrang “u”.
B6. Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang ugat na natatapos sa “e” ito ay nagiging “I” at ang “O”
ay “U”.
B7. Makabuluhan ang tunog na “E” at “O” kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa mga katutubo o
hiram na salita.
B8. Hindi pwedeng palitan ng “i” ang “e” at “o” ng “u”.
III. ANG PANTIG AT
PALAPANTIGAN

1. Ang pantig
2. Kayarian ng pantig
3. Pagpapantig
4. Ang pag-uulit ng pantig
IV. ANG PANGHIHIRAM

1. Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram.


2. Gamitin ang natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas at
panatilihin ang orihinal na baybay.
3. Mga salitang hiram sa Español.
4. Mga salitang hiram sa Español at Ingles.
5. Panghihiram ng wikang Ingles.
6. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi, teknikal, pang-
agham at mga simbolong pang-agham at matematika.
V. KARAGDAGANG TUNTUNIN
A. Ginigitlingan ang pangngalang pantangi at salitang hiram kapag inuunlapian.
B. Sa paglalapi at pag-uulit ng mga salitang hiram, idinurugtong ang tunog ng KP sa unlapi.
C. Pangmaramihang anyo ng mga salita sa pagsulat.
C1. Ginagamit ang “mga” sa pagsulat ng pangmaramihang anyo ng salita.
C2. Hindi ginagamitan ng “mga” ang salitang hiram na nasa anyong maramihan.
C3. Hindi ginagamitan ng “pamilang” at “mga” ang mga salitang nasa anyong
maramihan.
C4. Ginagamit ang panlaping makauri sa salitang ugat na hindi orihinal na pang-uri.
D. Mga salitang may digrapo
D1. Ang mga salitang ingles na nagtatapos sa “CT” ay nagiging “K” kapag
binaybay sa Filipino.
D2. Sa mga salitang hiram na may “CH” tatlong paraan ang maaaring gamitin.
D3. Mga salitang may “SH”.
E. Mga salitang hiram na nagsisimula sa letrang “S” ay maaaring baybayin sa
dalawang paraan.
F. Mga salitang may dalawang magkasunod na parehong katinig.
G. Mga salitang may kambal-patinig
1. Nananatili ang a+ (e, I, o, u) at e (a, i, o, u).
2. Kinakaltas ang unang patinig at pinapaltan ito ng “y” o “w”.
3. Sinisingitan ng “y” o “w” sa mga sumusunod na posisyon:
A. Kung ang kambal-patinig ay nasa unang pantig ng salita.
B. Kung ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang
mga katinig.
C. Kung ang kambal-patinig ay sumusunod sa “H”.
DALAWANG
DIMENSYON NG
BARYASYON
DIMENSYONG SOSYAL O SOSYOLEK

 Galing sa terminong “social dialect”

 Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan, antas


o sa pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan.
 Halimbawa nito ay wika ng mga estudyante, wika ng mga matatanda, wika ng
kababaihan, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
IBA’T IBANG SOSYOLEK

1. Gay lingo - ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang
pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
2. Coño - salitang Ingles na hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng code switching.
3. Jejemon - nagmula sa mga tagagamit ng internet na nagta-type ng "hehehe" bilang
"jejeje" marahil dahil ang "jeje" ay nanggaling sa Kastila na ang mga nagsasalita ay
ginagamit ang salita bilang pantawa.
DIMENSYONG HEOGRAPIKO O DIYALEKTO

 Wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man


o maliit.
 Ayon kay Ernesto Constantino, mayroong daan daang dayalek na ginagamit sa
kapuluan ng ating bansa.
 Makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na
bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa estruktura ng pangungusap.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG 

You might also like