ng alibata ay ang sinaunang alpabeto ng mga Pilipino.
Ang alibata ay isang paraan ng pagsulat ng mga katutubo.
Ito ay binubuo ng labimpitong titikna may labing-apat na katinig at tatlong patinig. Ang Alibata ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino bago pa dumating ang mga mananakop na kastila. Ito ay hango sa "Kavi" na paraan ng pagsulat ng mga taga-java. Ito ay bahagi ng sistemang "Brahmic" (na nagsimula sa eskriptong "Sankrit") at paniniwalang ginagamit noong ika-14 siglo. Ang abecedario ay tawag sa alfabetong kastila. Kung tayo ay may abakada sa panahong iyon, nung sinakop tayo ng mga kastila, ang abecedario nila ang itinuro sa ating mga ninuno. ang abecedario ay isang alpabetong romano...na kung saan noong panahon ng kastila ay ginamit ito sa panahon ng kastila binago nila ang paraan ng pagsusulat ng mga pilipino maging ang pagwawaksi nila sa pananampalatayang kinagisnan bagkus pinayak nila ang kristiyanismo, at ito ay sinaunang alpabeto ng romano Ang Abakada ay ang isinakatutubong Alpabetong Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito rin ang orihinal na alpabeto ng Wikang Pambansa Batay sa Tagalog o Wikang Pambansa.[1] Ito ay naglalaman ng 20 titik. Bago dumating ang mga Espanyol, ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat na gamit ang talapantigan ng Baybayin. Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang Latin na Panitik sa Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na gamit ang Palabaybayang Kastila (Ortograpiyang Espanyol). Si Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas.[2] Noong ipinakilala ang Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ang mambabalarilang si Lope K. Santos ay gumawa ng bagong alpabeto na binubuo ng 20 na titik. Ito ay ginamit sa mga pamaaralang libro sa balarilang tinatawag na balarilà. Ang abakada ay naging alpabeto ng wikang Tagalog at ng Wikang Pambansa na Batay sa Tagalog ayon sa mungkahi ng pagsasakatutubo ni Rizal. Sinalaunan, ang abakada ay ginamit na rin sa mga ibang wika ng Pilipinas.. a, b, k, d, e, g, h, i, l, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y - luma a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z, - bago Ang mga bago ay c, f, j, ñ, q, v, x at z Ang alibata ay isa sa mga uri ng lumang abakada. Ito rin ay nag-iiba, nadaragdagan o nababawasan, depende sa konbesyon o itinatakda ng komisyon na nabigyan ng kapangyarihan ng pamahalaan upang magpaunlad at mag-asikaso sa mga balarila at iba pang usapin hinggil sa wika. a, b, k, d, e, g, h, i, l, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y - luma a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z, - bago Ang mga bago ay c, f, j, ñ, q, v, x at z Ang mga patinig ay a, e, i, o at u Ang mga katinig ay b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, ñ, ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, at z Ebolusyon ng Alpabetong Filipino Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano. Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng o p q r rr s t u v w x v z Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong Filipino at mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang seryengmga simposyum at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro, manunulat at iskolar ng wika, nabuo ang sumusunodna Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Itinaguyod ng rebisyong ito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng walong dagdag na letra. Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti nito kasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwang salita. Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa mga guro, estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon sa ispeling. Kaugnay nito, noong Oktubre 9, 2006 ang Kagawaran ng Edukasyon sa kahilingan ng KWF ay nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng "2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino". Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sa wika, superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007 hanggang 2007. ang pinal na bersyon ng patnubay ay ipalalabas ng KWF bago matapos ang 2007. Transcript of Copy of KASAYSAYAN NG ALPABETO AT ORTOGRAPIYANG FILIPINO KASAYSAYAN NG ALPABETO AT ORTOGRAPIYANG FILIPINO Ortograpiya ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa simpleng salita, ito ang paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang wika Mayroon nang gigamit na alpabeto ang ating mga ninuno.Tinawag itong alibata o baybayin. ALIBATA Ito ay binubuo ng labimpitong simbolo na kumakatawan sa mga letra: 14 na katinig at 3 patinig. DANTAON LABING-ANIM Sa pagdating ng mga Kastila, ang Alibata na kauna-unahang Abakadang Filipino ay nahalinhan ng Alpabetong Romano na siya namang pinagbatayan ng Abakadang Tagalog. 1940 Sa taong ito isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa at binuo ang Abakadang Tagalog. Ang Abakadang Tagalog ay binubuo ng dalawampung letra: ABAKADANG TAGALOG Lima ang patinig : A, E, I, O, U Labinlima ang katinig : B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W, Y Hindi isinama sa dalawampung letra ang labing-isang banyagang letra na kinabibilangan ng C, CH, F, LL, ñ, Q, RR, V, X, Z sapagkat ang mga ito ay ginagamit lamang sa mga pangngalang panangi. Sa halip ay tinumbasan ng mga letra ng Abakada: 1971 Sa taong ito masusing pinag-ukulan ng pansin ng noo'y Surian ng Wikang Pambansa (SWP), na ngayon ay Komisyon sa Wikang Pilipino (Filipino). Komisyon sa Wikang Filipino -itinatag noong Nobyembre 13, 1936 sa pamamagitan ng Commonwealth Act No 184 bilang Surian ng Wikang Pambansa (SWP). 1976 Makalipas ang hunigit-kumulang na limang taong pag-aaral at pagsangguni sa iba't ibang sektor sa larangan ng wika, nirebisa ng Surian ang "Abakadang Tagalog" ni Lope K. Santos. Paano? Sa bisa ng Memorandum pangkagawaran Blg. 194, 1976 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa mabilis na pag-unlad at pagbabago ng wikang Pilipino. Tinawag itong ang bagong alpabetong Pilipino. Bagong Alpabetong Pilipino Ang dalawampung letra ay dinagdagan ng labing-isang letra kaya't naging tatlumpu't isa. Kabilang sa idinagdag ang mga letra at digrapo: C, F, J, ñ, Q, V, Y, Z, CH, LL, RR. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa ilang kahinaan at kalituhan sa paggamit. Hindi binanggit sa tuntunin ang pagtawag sa mga letra at ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga letra. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay (papantig o patitik) ng mga letra. 1987 Sa taong ito, muling nireporma ang Alpabetong Pilipino gayundin ang mga tuntunin sa Ortograpiyang Filipino. Sino-sino ang nagreporma? Ang pagreporma ay isinagawa ng noo'y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) (dating SWP na naging KWF) sa tulong ng mga lingguwista, dalubwika, manunulat, propesor, guro at mga samahang pangwika. Paano? Nagsagawa ng simposyum ang Linangan. Ang una ay idinaos sa Asian Institute of Tourism. Ang pangalawa ay sa National Teacher's Collage. Bumuo rin ng mga Lupon ang Linangan upang magsagawa ng mga pag-aaral tungkol sa balak na rebisyon sa iba't-ibang aspekto o lawak ng bubuuing bagon ortograpiya. Ang Kinalabasan ng Simposyum Napagkaisahan sa nabanggit na simposyum na ang Alpabetong Filipino ay bubuuin na lamang ng dalawampu't walong letra. Ang bagong dagdag na letra ay : C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Upang matiyak ang kawastuhan, iniharap ito sa iba't ibang kapulungan at kongresong pangwika gaya ng : Pebrero 26, 1987 Abril 6, 1987 Mayo 18, 1987 Agosto 19, 1987 Taunang kumbensiyon ng LEDCO na binubuo ng pambansang samahang pangwika. Taunang kumprehensiya ng PASATAF. Taunang kumbensiyon ng PSLF. Pormal na inilunsad ang "1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino". Ang paglulunsad ay isinabay sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa na idinaos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. 1999 - 2001 1999 Sa taong ito sinimulan ang pagbuo ng 2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino. Sa ikaapat na pagkakataon, muling nirebisa ng KWF ang Alpabetong Filipino pati na ang mga tuntunin sa pagbaybay nito. Sanhi ng Pagrebisa - Di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987 - Mahigpit at di-makatotohanang mga tuntunin sa ispeling ng walong dagdag na letra - Nalimitahan ang gamit sa mga hiram na salita -Kakulangan ng mga tuntunin sa paggamit ng mga karaniwang salita 2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino Pinaluwag sa 2001 Alpabeto ang gamit ng walong dagdag na letra. Hinati sa dalawang grupo ang walong letra: F, J, V, at Z ay gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram na binago ang ispeling sa Filipino. Samantalang ang C, ñ, Q, X na itinuturing na redundant ay hindi ipiagagamit sa pagbaybay ng mga hiram na salitang karaniwan. 2001 Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, 2001, inilunsad ang "2001 Revisyong ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino" noong Agosto 17,2001. 1521