You are on page 1of 8

Name of Learner: _______________________________________________________ Grade Level: ______

Section:_______________________________________________________________ Date: ____________

I. NILALAMAN: ANG BAHAGING GINAMPANAN NG NASYONALISMO SA PAGBIBIGAY WAKAS SA


IMPERYALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA

II. PANIMULA:

NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

Hindi man tuwirang nasakop ng mga Kanluranin,


dumanas ng maigting na imperyalismo ang Silangang Asya lalo
na noong ika-18 siglo. Isa sa mga patunay nito ay ang
pagpapatupad ng sphere of influence (ay tumutukoy sa
pagkontrol ng isang estado sa aspetong politikal at ekonomiya
sa bansang inangkin) ng mga Kanluranin sa China at ang
paggigiit ng Open Door Policy (pumapayag ang pamahalaan ng
bawat bansa na makipagkalakalan sa ibang bansa)ng United
States sa Japan. Ang imperyalismong Kanluranin sa Silangang
Asya ay nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan
at kultura ng mga Asyano. Naghangad ang mga Tsino at Ipinakikita sa mapa ang mga kilalalng lider ng
China at Japan na nagpaunlad ng damdaming
Hapones na makawala mula sa imperyalismong Kanluranin dahil
nasyonalismo sa kani-kanilang mga bansa
sa hindi mabuting epekto nito sa kanilang pamumuhay. Ang
paghahangad na ito ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa dalawang bansa.
.

PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA CHINA


Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa
kaniyang bansa nang matalo ito sa Great Britain sa Unang
Digmaang Opyo (1839- 1842) at sa Great Britain at France
noon Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860). Bunga nito,
nilagdaan ang Kasunduang Nanking (1843) at Kasunduang
Tientsin (1858) na naglalaman ng mga probisyon na hindi patas
para sa mga Tsino.
Sanhi nito ay ang ilegal na pag angkat ng
Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa
mga opyo at ang malawakang paggamit nito, na
panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa ng dalawang
nagresulta sa pagtaas ng bilang nga mga taong
nahuhumaling sa opyo.
rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong Taiping (Taiping
Rebellion) noong 1850 at Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion)
noong 1900.

Rebelyong Taiping
Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) ang Rebelyong Taiping
(Disyembre 1850 – Agosto 1864) laban sa Dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga
dayuhang Machu (Timog Tsina). Layunin ng rebelyong ito na mapabagsak ang
Dinastiyang Qing upang mahinto na ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
Bukod dito, hangad din ng Rebelyong Taiping ang pagbabago sa lipunan. Kabilang dito Hsiu Ch’uan
ang pagkakapantay-pantay ng karapatan para sa mga kapakanan ng lahat. Nagapi ng
Dinastiyang Qing (Manchu) ang Rebelyong Taiping.

Rebelyong Boxer

Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899.


Tinawag itong Rebelyong Boxer
dahil ang mga naghimagsik ay
miyembro ng samahang I-ho
chu’an o Righteous and
Si Puyi o Henry Puyi para sa mga Kanluranin ang Harmonious Fists(binubuo ng
huling emeprador ng dinastiyang Qing mga Tsino na maykakayahan sa
(Manchu). gymnastic exercise). Bukod sa
pagtuligsa sa korupsyon sa Nagsagawa ng
pamahalaan, pangunahing layunin ng Rebelyong Boxer ay ang patalsikin ang lahat
maramihang pagpatay
ng mga dayuhan sa bansa, kabilang dito ang mga Kanluranin. Nang mamatay si
ang mga mga boxer.
Empress Dowager Tzu Hsi noong 1908, lalong lumala ang sitwasyon ng kahirapan
Pinaslang nila ang mga
sa Tsina. Siya ay pinalitan ni Puyi na naging emperador sa edad na dalawang taon.
Nahinto ang Rebelyong Boxer nang ito ay magapi ng Dinastiyang Qing sa tulong ng misyongerong Krisityano
mga British at French. Itinuturing na isa sa mga madugong rebelyon sa kasaysayan at mga Tsino na naging
ng Tsina ang Rebelyong Boxer kung saan mahigit sa 20 milyong Tsino ang deboto ng relihiyong
namatay. Kristiyanismo
ANG CHINA SA GITNA NG DALAWANG MAGKATUNGGALING IDEOLOHIYA

Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugan ng pagpasok ng dalawang magkatunggaling


ideolohiya sa Tsina. Lumaganap sa bansa ang ideolohiya ng demokrasya at komunismo. Ito ay nagdulot ng
pagkakahati ng bansa at naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsino na nagsusulong ng demokrasya at
komunismo.

Ideolohiyang Demokrasya sa China

Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng


pagwawakas ng mahigit sa 2,000 taon ng pamumuno ng mga dinastiya
sa China. Hinarap ng mga Tsino ang isang malaking hamon sa kanilang
bansa – ito ay ang pagtukoy sa ipapalit na pamumuno ng mga
emperador. Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng
pagkakaisa nakilala si Sun Yat Sen. Isinulong niya ang pagkakaisa ng
mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo (three principles): ang San
Min Chu-i o nasyonalismo, Min-Tsu-Chu-I o demokrasya at Min-
Sheng-Chu-I o kabuhayang pantao. Naging ganap ang pamumuno ni
Sun sa China nang pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa
Binigyang-diin ni Sun “Ama ng
mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution na naganap noong
Republikang Tsino”. na ang
Oktubre 10, 1911. Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ika-
pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sampung buwan ng taon (Oktubre) at ika-sampung araw ng buwan.
sa tagumpay laban sa mga Sa araw ding ito, itinatag ang bagong Republika ng China. Dahil sa
imperyalistang bansa. kaniyang tagumpay, pansamantalang itinalaga si Sun bilang pangulo
ng bansa noong Oktubre 29, 1911. Itinatag ni Sun Yat-Sen ang
Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912. Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit
ng konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang
kaunlaran ng bansa. Naniniwala din siya na dapat pagtuunan ng pansin ang
regulasyon ng puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na pag-aari
ng lupa (equalization of land ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si
Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle
upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan at kaunlarang
pang-ekonomiya. Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng
Partido Kuomintang nang mamatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925.
Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai Shek ay ipinagpatuloy ng
Kuomintang ang pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa
na may sariling sandatahang lakas. Matapos magapi ang mga warlords,
hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban – ang pagpasok ng
katunggaling ideolohiya sa China – ang komunismo na ipinalaganap ni Mao
Zedong sa China.

Ideolohiyang Komunismo sa China

Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong


1918. Naging tanyag ang komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong. Si
Mao ay mula sa pamilya ng magbubukid sa probinsiya ng Hunan. Sinuportahan at
isinulong ni Mao ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng tunggalian ng uring
manggagawa o proletariat laban sa uri ng kapitalista o bourgeois. Sa tunggalian na
ito, naniniwala ang mga komunista na mananaig ang mga manggagawa at
maitatatag ang isang lipunang soyalista. Sa lipunang ito, ang estado ang siyang
hahawak sa lahat ng pag-aari ng bansa.

Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag ni Mao Zedong kasama ang iba pang
komunistang Tsino ang Partido Kunchantang noong 1921. Lalo pang lumakas ang komunismo sa China sa
pagdating ng Russian advisers sa Canton. Lumaganap ang ideolohiya hindi lamang sa mga pangkaraniwang
mga magsasaka at manggagawa kundi pati na din sa mga opisyal ng pamahalaan at sa grupo ng mga
edukadong Tsino. Madaming Tsino ang yumakap sa komunismo dahil sa mga panahong pumasok ang
ideolohiyang ito ay unti-unti nang nawawala ang tiwala nila sa pamumuno ni Chiang Kai Shek dahil sa laganap
na katiwalian sa pamahalaan at malawakang kahirapan na
dinaranas sa bansa.

Nabahala si Chiang Kai Shek sa lumalakas na


impluwensiya ng komunismo sa China. Iniutos niya ang
paglulunsad ng kampanyang militar laban sa mga
komunista. Maraming komunista ang hinuli, pinahirapan at
Long March (may layong 6,000 milya): ang mga
napatay. Ang Long March ay umabot ito ng isang taon
komunistang nakaligtas at pinamunuan ni Mao Zedong
kung saan marami ang namatay dahil sa hirap, gutom at ang mga nakaligtas na Red Army, tawag sa mga
patuloy na pagtugis ng mga sundalo ni Chiang Kai-shek. komunistang sundalong Tsino at sila ay tumakas
patungo sa Jiangxi
Pansamantalang natigil ang pagtutunggali ng puwersa nina Chiang Kai-shek at Mao Zedong dahil sa banta ng
pananakop ng mga Hapones

Tunghayan ang timeline upang maunawaan ang iba pang kaganapan sa pag-unlad ng nasyonalismong Tsino

PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA JAPAN

Kung iyong matatandaan, magkatulad at magkaiba ang naging


pakikitungo ng mga Tsino at Hapones sa mga Kanluranin. Magkatulad
dahil noong una parehas nilang isinara ang kanilang bansa at daungan
mula sa mga Kanluranin. Subalit magkaiba ang naging pagtugon ng
dalawang bansa sa banta ng imperyalismo. Patuloy na naging sarado ang Emperador Mutsuhito ay din
China na nagresulta sa sapilitang pagpasok ng mga Kanluranin sa kilala bilang Emperedor Meiji o
pamamagitan ng digmaan. Sa kabilang banda, tinanggap ng Japan ang Meiji the Great. Siya ang ika 122
mga Kanluranin nang hilingin nito na ipatupad ang Open Door Policy emperador ng bansang Japan mula
noong 1853. Sa panahon na ito umusbong ang damdaming nasyonalismo Pebrero 3, 1867 hanggang sa
ng mga Hapones. Ipinakita ito ng mga Hapones sa kabila ng pananatili ng kaniyang kamatayan noong Hulyo
30, 1912.
mga Kanluranin sa kanilang teritoryo. Ito ay pinasimulan ni Emperador
Mutsuhito na siyang namuno sa panahon na kilala bilang Meiji
Restoration. Ang Meiji Restoration ay ito yung pagbalik ng kapangayrihan kay Emperador Meiji  kung saan
sa mga panahon na yon ay walang gaanong kapangyarihan sa pamamahala at pulitkia.

Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng Meiji Restoration

Nakita ni Emperador Mutsuhito ang maaaring maging epekto sa


Japan kung patuloy silang magpupumilit na isara ang bansa mula sa
mga Kanluranin. Natuto siya mula sa karanasan ng China sa
pakikidigma nito sa mga kanluranin. Bagama’t handang lumaban para
sa kanilang bansa, napagtanto ng mga Hapones na magiging
magastos ang digmaan at maraming mga inosenteng mamamayan
Ang Kasunduan ng Kanagawa ang madadamay. Bukod pa dito, batid nilang mahihirapan silang
ay isang 1854 kasunduan sa pagitan ng manalo sa digmaan dahil sa lakas ng puwersang pandigma ng mga
Estados Unidos ng Amerika at ng Kanluranin.
pamahalaan ng Japan. Sa kung ano ang
kilala bilang "pagbubukas ng Japan," ang
Nang tanggapin ng mga Hapones ang mga Kanluranin sa bisa
dalawang bansa ay sumang-ayon na
kumilos sa limitadong kalakalan at ng Kasanduang Kanagawa ay naging pinuno ng Japan si Emperador
Mutsuhito. Tumagal ang kaniyang pamumuno mula 1867 hanggang
sumang-ayon sa ligtas na pagbabalik ng
1912. Siya ang naglipat ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo sa
mga Amerikanong tripulante na nalunod
sa tubig ng Hapon. kasalukuyan). Bukod sa paglilipat ng kabisera, nakilala si Mutsuhito
dahil sa kaniyang pagyakap sa impluwensiya ng mga Kanluranin na
kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
MODERNISASYON NG JAPAN

Tinularan ng mga Hapones ang paraan ng pamumuhay ng mga Kanluranin na makatutulong sa


kaniyang pag-unlad. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Ipinadala ng pamahalaan ng Japan ang


kaniyang mga iskolar sa Europe at United States
upang matuto ng makabagong kaalaman at kaisipan sa
pamamahala, kalakalan at pakikipagdigma. Tinularan
din ng Japan ang pagpapaunlad ng industriya na
ginawa ng United States at mga Kanluraning ban+sa.
Hindi nagtagal, naging isang maunlad at
makapangyarihang bansa ang Japan. Nagsimula na
din siyang manakop ng ibang lupain upang matugunan
ang kaniyang mga pangangailangan. Ilan sa kaniyang
mga nasakop ay ang Korea, bahagi ng Russia at
China, at Pilipinas.

NASYONALISMO SA INDONESIA

Ang mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch tulad ng culture system at
pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay nagkaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga Indones.
Lahat ng kapakinabangan sa mga nabanggit na patakaran ay napunta sa mga mananakop na Kanluranin.
Bagama’t hindi gaanong pinanghimasukan ng mga Dutch ang kultura ng
Indonesia, naapektuhan naman ng kapabayaan ng mga Dutch sa sistema ng
edukasyon sa bansa ang kultura at antas ng karunungan ng mga Indones.

Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na matigil


ang mga hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop na Dutch.
Nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones noong 1825. Sa taong ito ay
pinamunuan ni Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-aalsa. Noong  
1930 nalupig ng mas malakas na puwersa ng mga Dtuch ang puwersa ni Diponegoro ay isang
prinsipe ng   Java na
Diponegoro. Ang mga nabanggit na samahan ang nanguna sa pagpapamalas
lumaban sa pananakop ng
ng nasyonalismong Indonesian. Kinailangan nilang makipaglaban sa mga Holandes/Dutch
pamamagitan ng paghihimagsik upang makamit ang kalayaan. Maraming
Indones ang namatay dahil na rin sa malakas na puwersa ng mga Dutch. Ganap na nakamit ng mga
Indonesian ang kalayaan dahil sa isang matagumpay na rebolusyon na kanilang inilunsad matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagpalabas si Sukarno ng dekreto noong Agosto 17, 1945 na nagdedeklara
ng kasarinlan ng Indonesia.

NASYONALISMO SA BURMA

Tulad ng China, nagsimulang mawala ang kalayaan ng Burma bunga ng pagkatalo nito sa digmaan sa
mga British. Nilagdaan ang Kasunduang Yandabo na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain
sa teritoryo ng Burma. Isa sa mga hindi matanggap ng mga Burmese ay nang
gawing lalawigan lamang ng Indian ang Burma. Hinangad ng maraming
Burmese na maihiwalay ang kanilang bansa mula sa India. Magaganap
lamang ito kung sila ay lalaya mula sa pananakop ng mga British. Ang
paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga Burmese na ipahayag ang
kanilang damdamaing nasyonalismo.

Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay


nagsimula noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na
nakapag-aral sa loob at labas ng bansa. Bagama’t binigyan ng pagkakataon Isang monghe at physician
ng mga British na maging bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito na naghangad ng mas
naging sapat upang maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang maayos na pamumuhay para
pakikibaka ng mga Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng sa kaniyang mga kababayan.
mga makabayang samahan.

Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga British mula noong 1930 hanggang
1932. Nagapi ng malakas na puwersa ng mga British ang Rebelyong Saya San.Tulad ng Rebelyong Saya San
hangad din ng All-Burma Students’ Union na makamit ang kalayaan ng Burma. Tinatawag na Thankin ang
mga miyembro ng samahang ito na ang ibig sabihin ay master. Isinulong nila ang kanilang mga hangarin sa
pamamagitan ng demonstrasyon at rally

NASYONALISMO SA INDOCHINA

Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at


kultura, hindi nakamit ng mga taga Indochina
ang pagkakaisa upang labanan ang mga
mananakop na Kanluranin. Ang mga
Vietnamese ay nagpakita ng damdaming
nasyonalismo sa pamamagitan ng
pakikidigma sa mga Kanluranin. Nagkaroon
ng malaking epekto sa kalayaan ng Indochina
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa
pagkakasangkot ng France na siyang
nakasakop sa bansa. Suriin ang mga epekto
sa kalagayan ng kalayaan ng Indochina
habang at pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

NASYONALISMO SA PILIPINAS

Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Nagpatupad ang mga Espanyol ng mga
patakarang pangkabuhayan, pampolitika at pangkultura na nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpapataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at
mga produktong Pilipino. Nabago din ang kultura ng mga Pilipino dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo. Naging laganap din ang racial discrimination sa pagitan ng mga Espanyol at mga Pilipino na
tinatawag na Indio ng mga mananakop. Higit sa lahat, nawala ang karapatan at kalayaan ang mga Pilipino na
pamunuan ang kanilang sariling bansa. Naging sunud-sunuran sila sa ilalim ng mapagmalupit na mga
Espanyol.

Bagama’t may mga pag-aalsa na naganap sa Pilipinas sa pagitang ng ika-16 hanggang sa unang
bahagi ng ika-19 na siglo, lahat ng ito ay nabigo. Ilan sa mga dahilan ay ang mas malakas na armas ng mga
Espanyol, kawalang ng damdaming pambansa na mag-uugnay at mag-iisa laban sa mga mananakop at ang
pagtataksil ng ilang Pilipino.

Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya at lipunang Pilipino.


Nabuksan ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Pumasok sa Pilipinas ang mga produkto mula sa mga
Kanluranin. Naging tanyag at mabili sa Kanluran ang mga produkto ng mga Pilpino tulad ng asukal, kopra,
tabako at iba pa. Ito ang nagbigay-daan sa pag-unlad ng kalakalan sa bansa. Umusbong ang gitnang uri o
middle class. Sila ay mayayamang Pilipino, mestisong Tsino at Espanyol. Ang mga anak ng gitnang uri ay
nakapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas at maging sa Espanya. Ang grupo ng ito ay tinatawag
na ilustrado mula sa salitang Latin na ilustre na ang ibig sabihin ay “naliwanagan”.

Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga ilustrado na nagtatag ng


Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga Katipunero na nagpasimula ng Katipunan.
Jose Rizal
 Nakipaglaban sa mga Kastila Andres Bonifacio
gamit ang kaniyang mga  Nag-organisa ng Katipunan
nobela laban sa mga Kastila
 Tinuligsa ang mga maling  Sa kaniyang payak na pananaw
gawain noon at pinagmulan ay nakaya niyang
 Nagbigay inspirasyon sa mga panindigan ang kaniyang laban
Pilipino
III. KASANANYANNG PAMPAGKATUTU AT KODA:

MELC: Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa


imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Pagkatapos ang pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. Naisasalaysay ang bahaging ginampanan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa mga bansa ng
Silangan at Timog-Silangang Asya sa kanilang pagsisikap lumaya sa imperyalismo.
2. Natutukoy ang mga paraan na pinagdaaan ng mga bansa sa Silangan at timo-Silanagang Asya sa
pagkamit nila ng kalayaan mula sa imperyalismong pamamahala
3. Napapahalagahan ang mga pagsisikap at pagpupunyagi ng mga mamamayan ng bansang Asyano
na magising at mabuo ang pagkanasyonalismo.

IV. PANUTO
Ang mga sumusunod ay mga mahalagang bagay na dapat tandan:
a. Gamitiin ng maayos ang Learning Activity Sheet/Gawaing Pagkatuto;
b. Huwag lagyan ng kahit anung marka ang kagamitan ito;
c. Bsahing mabuti at sundin ang mga panuto sa bawat gawain;
d. Isulat ang iyongsagot sa isang malinis na sagutang papel.

VI. PAMARAAN/GAWAIN

Gawain 1: Concept Mapping


Panuto: Pagkatapos basahin at mapag-aralan ng mabuti ang detalye tungkol sa pagsilang ng
nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangan Asya. Isulat ang mga mahahalagang detalye sa mga bawat
bansa na siyang sanhi sa paglaya nito sa imluwensya ng imperyalismo sa iyong sagutang papel. Sundan
lamang ang halimbawa na ginawa sa bansang China. Para sa pagbibigay ng puntos sa iyong sagot ito ang
magiging basihan.Pagbibigay ng sagot para sa “Mahalagang Tauhan” isang puntos (1point). Para naman sa
sagot para sa “Naipamalas na Nasyonalismo” ay tatlong puntos kung ito ay nagpapahayag ng magandang
at klarong idea.

Gawain 2: Piliin Mo!


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. At isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Sino ang namuno ng Rebelyong Taiping sa China?


a. Huang Hsiu c. Xi Jin Ping 13
b. Chuan d. Henry Puyi

2. Bakit tinawag na Rebelyong Boxer ang isang paghihimagsik sa China?


a. dahil binubuo ng mga boksingero ang mga naghimaksig dito.
b. dahil ang mga lider nila ay mga boxer
c. dahil ang mga meyembro nito ay may kaalaman sa gymnastic exercise.
d. dahil boxer lang ang gusto nilang kasapi.

3. Bukod sa dalawang ideolohiyang nag pupunyagi sa China, may taong nag tagumpay sa pagtatag ng
bagong Republika ng China. Sino ang taong tinaguriang “Ama ng Republikang Tsino”?
a. Hen Chiang Kai-Shek c. Mao Zedong
b. Dr. Sen Yat-Sen d. Tza His

4. Sino ang namuno ng Kumunismo sa China?


a. Hen Chiang Kai-Shek c. Mao
Zedong
b. Dr. Sen Yat-Sen d. Tza
His

5. Bakit binuksan ng bansang Japan ang kanilang


bansa sa mga Kanluranin?
a. sila ay palakaibigang bansa.
b. gusto nilang matuto ng mga wikang dayuhan.
c. natuto ang emperador ng Japan sa karanasan ng digmaang China laban ang mga kanluranin.
d. gusto nilang manluko ng mga kanluranin

6. Ano ang mabuting epekto ng pagyakap ng Japan sa imperyalismong kanluranin?


a. nagkaroon ng hidwaan ang magkaratig bansa.
b. umunlad ang aspiktong pang ekonomiya at teknolohiya ng bansa.
c. naging bukas ang mga pag iisip ng mga mamamayan sa pagbabago ng kultura nito.
d. lumakas ang alyansa ng bansang Japan sa mga karatig bansa nito.

7. Paano nakamit ng bansang Indonesia ang kanilang kalayaan?


a. matagumpay na rebulosyon na kanilang inilunsad matapos ang ikalawang digmaang pan daigdig.
b. nagpalabas si Sukarno ng derikto upang ma palaya.
c. kusang ibinigay ng mga kanluranin ang kanilang bansa.
d. pilit nilang ipinaglaban ang kanilang kalayaan hangang itop ay makamit.

8. lto ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila’y magbuklod at labanan ang mga
dayuhang mananakop.
a. Kolonyalismo c. Imperyalismo
b. Nasyonalismo d. Komunismo

9. Ang lahat sa ibaba ay mga dahilan ng pagkamulat ng bansang Burma sa konsepto ng Nasyonalismo,
maliban sa;
a. ang Burma ay ginawang lalawigan lamang ng bansang India.
b. paghawak ng Great Britain sa bansang Burma ayun sa Kasunduang Yolando.
c. pagkatalo sa British sa digmaan.
d. pagbinta ng bansang India ng Burma sa Great Britain.

10. Alin sa ibaba ang isa sa mga dahilan kung bakit lumago ang kaisipang Nasyonalismo sa bansang
Indonesia?
a. Kapabayaan sa sistema ng Edukasyon.
b. kalupitan ng mga namumuno.
c. sapilitang pagpapalit ng paniniwala.
d. ang pagkatalo ng pankat ni Diponegro sa Java.

VII. GUIDED QUESTION/PAPMPROSESONG TANONG:


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel. Nasa ibaba makikita ang
rubriks sa pagbibigay ng puntos.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA
KRITERYA 2 1
Ideya Nailahad ng mabuti at nagpapakita ng Ang nailahad na mga ideya ay hindi
kaalaman sa paksa. sapat o walang nilalaman.
Kaayusan ng mga Nagpapakita ng kaayusan ng mga salita Hindi nagpapakita ng kaayusan sa
salita sa pagbuo ng mga pangungusap sa loob pangungusap at sumobra ng tatlong
lamang ng tatlong (3) pangungusap. (3) pangungusap.

1. Paano nagsimula ang bansang China na mabuo ang damdaming nasyonalismo?


2. Paano ang pagkamit ng bansang Indonesia sa kanilang kalayaan at paano naisilang ang pagiging
nasyonalismo ng Indones?
3. Paano rin ang ginawang paraan ng mga taga Burma (Myanmar) upang makamit ang kalayyan at paano
nagsimula ang nasyonalismo sa bansang ito?
4. Isalaysay ang paraan ng pagkakalaya ng Pilipinas laban sa mga Espanol? Paano nabuo ang damdaming
nasyonalismo ng mga Pilipino?
5. Ipaliwanag ang pakikibaka ng bansang Vietnam (Indotsina) uapng maging Malaya sa mga mananakop na
mga dayuhan. Ikuwento paano nagising ang nasyonalismo ng mga mamamayan dito?

VIII. REFLECTION/PANGWAKAS:
Sa bawat pagsubok na mararanasan ng ating bansa ang pagkakaisa ng mga mamayan at ang pag-ibig
sa tinuboang lupa ang makapagbibigay ng solusyon upang makatawid tayo sa mga hinanarap na pighati. Ito
ay ang nais ipahayag nang pagiging nasyonalismo. Ang pagiging nasyonalismo ay hindi lamang makaalis sa
mga bansang panankop kundi matulungan ang sariling bayan na maiahaon ang mga mamamayan nito sa
kahirapan. Tulad na lamang sa mga nararanasan natin ngayong pandemya. Kinakailangan ang pagkakaisa
nating mga mamamayan at ng gobyerno, halimbawa na lamang ng pagkakaisa ay ang pagsunod sa tamang
social distancing at magsusuot ng mask, umalis lamang ng bahay kung ito’y nararapat. Sa pagkakaisa natin sa
mga gawaing ito mas naipapakita natin ang pagiging nasyonalismo dahil mas natutulungan natin ang bansang
Pilipinas na makabangon sa sigalot na nararanasan ng ating bansa ngayon.
IX. MGA SANGUNIAN:
1. sphere of influence kahulugan - Google SeaSrch
2. ano ang kahulugan ng open door policy sa tagalog? - Brainly.ph
3. Opyo - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
4. Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) - Google Search
5. Puyi o Henry Puyi - Google Search
6. https://tinyurl.com/9c2m2m8c
7. https://tinyurl.com/33mpmmbr
8. Long March - Google Search
9. Sino si emperador Mutsuhito - Brainly.ph
10. Ang Kasunduan ng Kanagawa ay nagbukas ng Japan sa Trade (eferrit.com)
11. Imaginary Maps - Your source for fictional maps. (reddit.com)
12. Sino ang mga bayani para sa mga Pilipino? | ABS-CBN News
13. Araling Panlipunan 7-Ikaapat na Markahan-Modyul 6, Week 5: Ang Bahaging Ginagampanan ng
Nasyonalismo sa Pagbibigay Wakas sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangan Asya,Regional IX,
Zamboanga del Sur

Inihanda ni:

FLORENCE S.
FERNANDEZ
Dumingag NHS-ArPan Teacher

You might also like