You are on page 1of 2

LALAAN CENTRAL

SCHOOL
AP 6 Week 1 May 17-
21, 2021
Grade Six ARALING
Name:_______________________________________ Section and Grade:__________________
PANLIPUNAN
Fourth Quarter
Teacher:__Ancel B. Riego de Dios_________________ Score: ____________________________

Piliin ang titik ng tamang sagot.

_______1. Sa pamunuang gamit ang batas militar, sino ang may higit na kapangyarihan?

A. ang pangulo B. ang mga mamamayan C. ang mga abogado D. ang mga senador

_______2. Alin sa mga sumusunod ang mga pangyayaring naging daan sa pagpatu- pad ng batas
militar?

I. Pag-usbong at pagkilos ng oposisyon

II. Pagbomba sa Plaza Miranda.

III. Lumubha ang kaguluhan dulot ng mga rebelde sa mga lungsod at lalawigan

IV. Suliranin sa kapayapaan o Peace and Order sa paglawak ng demonstrasyon,welga o mga rally.

V. Maraming kinaharap na suliranin ang bansa.Hindi umunlad ang ekonomiya gaya ng inaasahan sa
kabila ng tulong na ibinigay ng World Bank, International Monetary Fund at iba pang foreign banks.

A. I at II B. I, II at III C. I, II, III at IV D. Lahat ng nabanggit

______3. Kung ikaw ay mayroong hindi naintindihan o di nagugustuhang programa o proyekto ng


pamahalaan, ano ang iyong nararapat na gawin?

A. Magwawala at magsisisigaw sa gitna ng kalsada upang ikaw ay marinig

B. Kausapin ang mga kinauukulan sa maayos at mahinahong paraan

C. Magdeklara ng giyera laban sa pamahalaan

D. Ako ay mananahimik na lamang

______4. Sa iyong palagay, bakit napagdesisyunan ng pangulong Marcos na ideklara ang pagpatupad
ng batas militar?

A. Dahil may nakapagsabi sa kanya B. Dahil inutusan siya ng kanyang mga magulang

C. Dahil ito ang naisip niyang mabisang paraan upang hadlangan ang mga nagbabantang panganib
tulad ng himagsikan at karahasan

D. Dahil gusto lang niya itong gawin

______5. Sinong pangulo ng bansa ang nagdeklara ng batas militar noong ika-21 ng Setyembre
1972?

A. Carlos P. Garcia B. Manuel A. Roxas C. Ferdinand E. Marcos D. Elpidio Quirino


WEEK 2

Hanapin sa Hanay B ang naging bunga ng pahayag o pangyayari na


matatagpuan sa Hanay A. Hanay A

________ 1. Sinuspinde ang writ of habeas corpus

________ 2. Ipinasara ang mga istasyon ng radyo at telebisyon

________ 3. Pagkaroon ng curfew hours

________ 4. Pagbawal sa pagdaraos ng welga o rali

________ 5. Pag-iral ng nepotismo sa pamahalaan

Hanay B

A. Limitado ang impormasyong nakukuha ng mga mamamayan

B. Marami ang mga namatay at naparusahan nang hindi dumaan sa tamang proseso ng

paglilitis

C. Nawalan ang mga mamamayan ng karapatang ipahayag ang sari- ling opinyon at pagtutol sa

mga di kanais-nais na patakaran

D. Halos mga kamag-anak at kaibigan lamang ni Marcos ang nagli- lingkod sa pamahalaan at

nawalan ng oportunidad ang mga karapatdapat

E. Ang mga tao ay natutong pumirmi sa bahay sa oras ng curfew at nabawasan ang krimen

You might also like