You are on page 1of 2

Paul Vincent R.

Laureta
STEM 11-Phytagoras

Pagmamahal sa wika
Ginawa ko ang tulang ito
Upang ipaalala sa inyo
Ang halaga ng wika
Lalong lalo na sa pandemyang ito

Pandemyang nagtulak satin


Nagtulak sating magkaroon ng social distancing
Ngunit anong kailangan nating gawin
Upang mapanatili ang pagkakaibiganin
Wika na siyang nagbubuklod sa bawat isa
Na madalas gamitan ng social media
Kahit na ilang kilometro pa ang layo sa isa’t isa

Wika ang paraan upang tayo’y magkaintindihan


Magkaintindihan sa panahong walang maintindihan
Wika ang dahilan upang tayo’y maging updated sa mga balitang inaasahan
Nasan mang sulok ng mundo
Alam natin ang nangyayari rito
Para narin maipahayag ang tamang impormasyon
Dahil narin sa sariling wikang ating nauunawaan at naiintindihan

Kung wala tayong sariling wika, wala rin tayong malalaman


Kung wala tayong malalaman hindi natin malalaman ang mga patakaran
Patakarang dapat sundin ng bwat mamamayan
Lalo na ngayong panahon ng pandemya
Iba’t iba man ang wikang ating nakasanayan
May wikang Filipino naman upang tayo’y magdamayan
Kaya gamitin natin ang ating wika
Upang maghatid ng tamang balita
Para maiwasan ang libo libong nawawala

Mahalin natin ang ating wika


Ito ang solusyon sa pandemyang ito
Wikang Filipino
Tayo’y Pilipino

You might also like