You are on page 1of 22

MGA KARANIWANG GINAGAMIT NA ISTRATEHIYA NG MGA GURO SA

PAGTUTURO SA FILIPINO

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kagawaran ng Senior High School ng


Pambansang Mataas na Paaralan ng San Jose Pili

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang


Filipino 2 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungosa Pananaliksik

Nina:

Ralph Raymund S. Rafer

John Carlo C. Bigueras

Justin Ralph C. Balmeo

Mary Zyra P. Burcer

Christy C. Rodriguez

Jose Marie B. Oliver

Rica Mae M. Beason

Krysfila S. Tan

Marso 2020
Pambansang Mataas na Paaralan ng San Jose Pili
San Jose, Pili, Camarines Sur

SERTIPIKASYON

Isa itong pagpapatunay na ang Pamanahong Papel na may pamagat na Mga

Karaniwang Ginagamit na mga Istratehiya ng mga Guro sa Pagtuturo sa Filipino,

ipinasa at matagumpay na naipagtanggol nina Krysfila S. Tan, Rica Mae M. Beason,

Mary Zyra P. Burcer, Christy C. Rodriguez, Jose Marie B. Oliver, John Carlo C.

Bigueras, Justin Ralph C. Balmeo, Ralph Raymund S. Rafer na isinaayos ng

pangalang nakalagda sa ibaba.

SONNY A. TAUGAN, Ed. D.

Tagapayo/Tagasuri
Pambansang Mataas na Paaralan ng San Jose Pili
San Jose, Pili, Camarines Sur

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Inihanda at iniharap ang Pamanahong Papel na may pamagat na Mga

Karaniwang Ginagamit na mga Istratehiya ng mga Guro sa Pagtuturo sa Filipino,

at iniharap nina Krysfila S. Tan, Rica Mae M. Beason, Mary Zyra P. Burcer, Christy

C. Rodriguez, Jose Marie B. Oliver, John Carlo C. Bigueras, Justin Ralph C.

Balmeo, Ralph Raymund S. Rafer, bilang isang bahagi ng gawaing kailangan sa

larangan ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Sinuri at iminungkahing tanggapin at pagtibayin para sa PAGSUSULIT NA

PAGBIGKAS.

SONNY A. TAUGAN, Ed. D.

Tagapayo

Pinagtibay ng Lupon ng Pagsusulit ng Pagbigkas at nakakuha ng markang

_________, pasado, noong -------

Tinanggap at pinagtibay bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan

saPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

MaryRose Angieley M. Penaflor, Ph.D.


Kawaksing Punongguro
PASASALAMAT

Walang hanggang pasasalamat ang ipinaabot ng mananaliksik sa mga taong

tumulong upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito:

Sa masigasig na si Sonny A. Taugan sa kanyang walang kapagurang

paggabay sa proseso ng pananaliksik at butihing tagapayo;

Sa mga guro at punungguro ng mga paaralan ng naging respondyente ng

mananaliksik na nagsilbing daan upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito;

Sa kanilang mga magulang na sina G. at Gng. Tan, G. at Gng. Beason, G. at

Gng. Burcer, G. at Gng. Rodriguez, G. at Gng. Oliver, G. at Gng. Balmeo, G. at

Gng. Bigueras, G. at Gng. Rafer,na nagbigay ng liwanag sa oras ng kahirapan,

nagpalakas ng loob sa panahon ng kahinaan at umalalay sa panahon ng kawalan ng

balanse ng buhay;e

Sa mga taong naging bahagi ng matagumpay na pananaliksik na ito hindi man

mabanggit ang inyong mga pangalan ipinapaabot ng mananaliksik ang kanyang buong

pusong pasasalamat;

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal sa pagbigay ng kaalaman at lakas,

kalinawan sa pag-iisip at tatag ng loob para ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.


PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay maluwalhating natapos at taos-pusong inihahandog sa

mga sumusunod na nagsilbing lakas at inspirasyon upang matapos ang aklat na ito.

Sa aming mga magulang na sina G. at Gng. Tan, G. at Gng. Beason, G. at Gng.

Burcer, G. at Gng. Rodriguez, G. at Gng. Oliver, G. at Gng. Balmeo, G. at Gng.

Bigueras, G. at Gng. Rafer.

Sa aming mga naging respondenteng mga guro, at mga mag-aaral sa mga paaralan

ng Pambansang Mataas na Paaralan ng San Jose Pili.


TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT PAHINA

PANGMUKHANG PAHINA............................................................... i

PAGPAPATUNAY ............................................................... ii

PAGPAPATIBAY ............................................................... iii

ABSTRAK ............................................................... iv

PASASALAMAT ............................................................... v

PAGHAHANDOG ............................................................... vi

TALAAN NG NILALAMAN ............................................................... vii

TALAAN NG TALAHANAYAN ............................................................... viii

TALAAN NG PIGURA ............................................................... ix

KABANATA

I ANG SULIRANIN

Panimula ..........................

Paglalahad ng Suliranin ..........................

Saklaw at Delimitasyon ..........................

Kahalagahan ng Pag-aaral ..........................

Sangguniang Tala ..........................

II MGA KAUGNAY SA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura .........................


Kaugnay na Pag-aaral .........................

Sintesis .........................

Batayng Teorya .........................

Balangkas Konseptwal .........................

Katuturan ng mga Talakay .........................

Sangguniang Tala .........................

III PAMAMARAAN

Mga Pamamaraang Ginamit ........................

Mga Respondyente ........................

Mga Kagamitan sa Pagkuha ng Datos ..........

Paraan ng Pagsisiyasat ........................

Istatistikang Kagamitan ........................

IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAKAHULUGAN

V BUOD, KONGKLUSYON, REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPY ...................................................

APENDIKS ...................................................

DATOS PANTALAMBUHAY ...................................................

KABANATA I
ANG SULIRANIN

Panimula

Ang edukasyon ay ang sumasalamin sa isang bansa. Ito ay lubos na nakakaapekto

sa kaunlaran ng isang bansa. Ang mga taong nakatatamasa ng maayos na edukasyon ay

nagtatamo ng mga gantimpalang magkaroon ng magandang trabaho, maayos na

pamumuhay at magiging karagdagan upang mas mapaunlad ang ekonomiya ng isang

bansa.

Isa sa problema ng ating bansa ay ang edukasyon na siyang dapat na pinakaunang

prayoridad lalo na sa mga kabataan ng sa gayon magkaroon ng magandang kinabukasan

ang mga ito. “Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan”, ayon sa pahayag na ito ni Dr. Jose

Rizal, ang mga kabataan ay ang susi upang mas maging maunlad ang ating bansa ngunit

paano ito mapatutunayan kung maraming kabataan ang nahihirapan sa isang asignaturang

dapat nating pagtuunan ng pansin. Isa sa mga asignaturang kabilang sa bawat program sa

pag-aaral na nailatag ng DepEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang asignaturang

tumatalakay sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating bansa. Dapat na pagtuunan

ng pansin ang asignaturang ito sapagkat ito ang sumasalamin sa atin bilang isang tunay

na Pilipino.

Sa ating bansa, makikita ang mababang uri ng edukasyon kung ihahambing ito sa

iba pang mauunlad na bansa. Ang bagong kurikulum na tinatawag na K-12 sa

makabagong edukasyon ay ang iminungkahing solusyon upang mapaunlad ang kalidad

ng edukasyon sa bansa. Nakapaloob ang karagdagang dalawang taon na pag-aaral sa

sekondarya na tinatawag na “Senior High School”. Nakasaad sa R.A .10533 S. 3286, ang
batas na nag lalayong mapaunlad ang sistema ng bagong edukasyon sa Pilipinas, sa

pamamagitan ng pag papatibay ng kurikulum na nabanggit. Makabuluhan sa gawain at

estratihiya sa pagtuturo bawat asignatura lalo na sa Filipino ay mabibigyan tuon sa

bagong kurikulum na ito.

Ayon kay Villafuerte, ang istratehiya ay panlahat na nagpaplano para sa isang

sistematikong paglalahad ng wika at batay sa isang dulog.

Ayon kay Mintzberg at Quinn, ang istratehiya ay isang pattern para sa mga

mabisa at madaling proseso ng pag tuturo. Kinakailangan ng mga guro na gamitin ang

mga ito ng sa gayon ay mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paksang

tinatalakay.

Ayon kay Onovughe (2012), ang ilan sa mga madalas na instraksiyunal na

istratehiya sa pag tuturo ay ang Play way, Demonstration, Field trip, Chalk and talk at

ang Assignment. Ito ang mga istratehiyang pinaka nagagamit sa mga nagdaang taon

batay sa ginawang sarbey sa iba’t ibang paaralan.

Ang paaralan ay dapat sumuporta sa napakalawak na pagkakaiba-iba ng

intelektuwal at praktikal na pag-unlad para sa lahat ng mag-aaral upang maihanda ang

kanilang sarili para sa napakaraming mga mangyayaring aktibidad ng buhay (Danforth,

2008).

Ang mga makabagong istratehiyang matutuklasan ng mananaliksik ay maaring

pakinabangan ng mga guro upang maging mas mabisa at mapanatili ang kawilihang ng

mga mag-aaral na matuto sa asignaturang Filipino.


PALALAHAD NG SULIRANIN

Nilalayon ng pag-aaral na ito na masuri ang iba’t ibang malimit na ginagamit ng

mga guro na istratehiya sa pagtuturo sa Filipino sa Kagawaran ng Junior High School sa

Pambansang Mataas na Paaralan ng San Jose Pili.

Inaasahang masasagot ng pag-aaral na ito ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano-ano ang malimit na ginagamit ng mga guro na istratihiya sa pagtuturo sa

Filipino sa SJPNHS?

2. Ano-ano ang pinaka mabisang Istratehiya ang ginagamit sa pagtuturo?

3. Ano-ano ang epekto ng paggamit ng mga Istratehiya sa pagtuturo sa Filipino?

SAKLAW AT DELIMITASYON

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga kaguruan na nagtuturo ng Filipino sa Junior

High School mula sa Ika-7 hanggang Ika-10 Baitang sa Pambansang Mataas na Paaralan

ng San Jose Pili. Bibigyan- tuon ang Malimit na karaniwang Istratehiya sa Pagtuturo ng

Filipino. Aalamin kung gaano kabisa ang mga Istratehiyang ito.

Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa limang guro na nagtuturo sa Filipino sa

Junior High School.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Mahalaga ang pag- aaral na ito upang mabatid kung alin sa mga malimit na

ginagamit na Istratehiya sa pagtutro sa Asignaturang Filipino ang pinakaepektibong

gamitin. Ito rin ay mag sisilbing gabay upang makapagbigay kaalaman sa mga Guro at

mag-aaral sa iba’t ibang Istratehiyang ginagamit upang makatulong sa mabilis at

produktibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang mga Istratehiyang ito ay

binuo upang matulungan ang mga guro sa pagpapadali ng talakayan sa mga mag-aaral sa

iba’t ibang alternatibong gamit ang mga istratehiyang ito.

Ang mga guro ang siyang pangalawang magulang ng mag-aaral sa mundo. Sila

ay nagbibigay ng mga kaalamang magagamit ng mga mag-aaral upang harapin ang bawat

pagsubok na ating pagdaraanan. Sila ay gumagamit ng iba’t ibang paraan upang mas

madaling maunawaan ang talakayan. Dahil sa pag-aaral na ito, malalaman ng mga

mambabasa ang mga istratehiyang siyang magiging susi upang mas malinang ang

kaalaman at mas makapagbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral na mag-aral nang mabuti

sa asignaturang Filipino.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang mga kaugnay na literaturang ito ay maghahatid ng mga impormasyon na

kaugnay sa pag-aaral upang matugunan ang mga suliranin at mas lalong mapaunlad ang

gagawing pamanahong papel ng mga mananaliksik.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Barberos et.al., (2018), ang mga guro ay itinuturing na liwanag sa silid-

aralan at sa napakaraming responsibilidad na mula sa pinakasimple patungo sa pinaka-

komplikado. Sila ay nangangailangan ng iba’t ibang mga estilo ng pagtuturo o

pamamaraan upang makuha ang mga interest ng mga mag-aaral. Higit sa lahat, ang guro

ay dapat magkaroon ng sapat na kaalaman sa mg Layunin at pamantayan ng kurikulum,

kasanayan sa pagtuturo, interest, pagpapahalaga at mga mithiin.

Ayon sa mga guro ng Unibersidad ng Corcodia Portland (2017), bilang isang

tagapagturo isinasaalang-alang dapat kung paano mo gusting lapatan ang iyong paraan ng

pagtuturo. Bilang isang guro ikaw ay dapat nagnanais na gimamit ng isang paraan na

kapakipakinabang para sa lahat ng iyong mga mag-aaral upang tamasahin nila ang

proseso ng pag-aaral at para naman sa iyong silid-aralan upnag maging maaayos at

kontolado. Bukod dito walang dalawang guro ang magtuturo sa parehong paraan, tulad

ng dalawang walang mag-aaral na matuto ng isang bagay sa parehong paraan.

Ayon kay Villafuerte, (2016), sa kanyang ginawang pag-aaral na Estratihiya sa

Pagtuturo ng Filipino sa Iba’t ibang Antas, ilan sa mga karaniwang ginagamit na

istratehiya ay ang mga sumusunod: 1.) Active Learning o hinahayaan ang mga mag-aaral
na gawin ang limang makrong kasanayan, 2.) Clicker use in class o binubuod ang mga

sagot ng mga tanong na may pagpipiliang sagot, 3.) Critical thinking o koleksyon ng mga

gawaing pangkaisipan na may kakayahang makakuha ng tamang sagot, 4.) Experiential

learning o matuto ang mga mag-aaral kung ipagagawa ang mga gawaing itinakda sa

kanila, 4.) Games\Experiment\Simulation o napapayaman ang Gawain sa tulong ng mga

laro, 5.) Collaborative\ Cooperative Learning o hinihikayat ang maliit na grupo na

magpangkatan para maisagawa ang Gawain.

Gayunpaman, ayon kay De Juan (2013), hindi sapat ang kaalaman sa pag-unawa

lamang ng iba’t ibang pag dulog sa pag tuturo kaya nga ay gumagamit ang mga guro ng

iba’t ibang kagamitang pampagtuturo ng mga akda (vcd, dvd etc.) o maging ang

kompyuter katulad ng paggamit ng slide presentation ng pagtatalakay ng akda.

Ayon sa kanila Fernandez et al. (2010), ang lahat ng gawain, malaki man o maliit

ay ginagamitan ng mga pamamaraan iupang matapos ang naturang gawain sa kabilang

banda habang ang pangangailangan sa mga gawain ay dumarami lalo sa pagtuturo ang

nakikitang problema dito na kinakailangan pagtuonan ng pansin ay tungkol sa

pamamaraan, metodo, istratehiya na siyang dapat rebisahin at paunlarin pa upang ang

mga resultang minimithi ay siyang matugunan.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL


Ayon kinaLopez, Alquizola, Yap, (2018) sa kanilang pag-aaral na pinamagatang

“Estilo ng Pagtuturo ng mga Guro at ang Aktibong Motibasyon ng mga Mag-aaral”, may

makabuluhang ugnayan ang estilo ng pagtuturo ng mga guro at ang aktibong motibasyon

ng mga mag-aaral. Ang mga guro ay dapat may kaalaman sa mga kakayahan at

kagustuhan ng mga mag-aaral sa pag-aaral upang ito ay maging basihan ng mga guro sa

kanyang mga pamamaraan o estilo at gawain na gagamitin niya sa pagtuturo.

Ayon kay Valle (2011), batay sa pagkakapahayag sa kaniyang papel disertasyon

ang mabuting guro ay umiikot sa paghahanda ng mabuti at angkop na kurikulum,

epektibong paggamit ng pamamaraan at kaangkupan ng pagtataya o ebalwasyon, hindi

lamang nakatuon sa kakayahan ng guro nang mga mag-aaral kundi sa paraan at

Istratehiyang ginamit na naaayon sa asignatura, antas ng kakayahan at kawilihan ng mag-

aaral. Sa layuning maitaas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral, nararapat na

tugunan ang mental, sosyal, emosyonal, at pisikal na pangangailangan ng mga mag-aaral.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Matutunghayan sa Pigura 1 ang nabuong Balangkas Konseptwal ng mga

mananaliksik. Tinuklas ng mananaliksik ang mga malimit na ginagamit na Istratehiya sa

pagtuturo sa Filipino at alin sa mga ito ang pinakaepektibo at bakit. Gayundin ang antas

ng pakikilahok ng mga magulang o bolontir, at mag-aaral sa ipinapatupad na programa

hinngil sa Brigada Eskwela kung suportado ng mga magulang at


stake holders ng paaralan ang ginagawang programa.
Mga Malimit na
Ginagamit na Istratehiya
sa Pagtuturo sa Filipino Ang iba pang
sa Baitang 10 Istratehiya
Ang na ginagamit
ng mga Guro
a.Pinakaepektibong sa Filipino
Istratehiya
b.

FIGURA 1
BALANGKAS KONSEPTWAL

KATUTURAN NG MGA TALAKAY


Binibigyang-kahulugan ang mga sumusunod na salita ayon sa pagkakagamit ng

mga ito sa pag-aaral.

Malimit. Ang bilang ng ulit ng pagbalik-balik o pagkakaulit-ulit.

Istratehiya. Isang pangmatagalang plano o balak sa kung ano ang dapat gawin upang

makamit ang isang tiyak na layunin.

Edukasyon.Kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan,at ang

pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.

Literatura.

Senior High School.Ito ay mataas na paaralan.

Guro.Ang mga guro ang isa sa mga tao na may malaking papel sa edukasyon

Filipino.Ito’y sa mga asignaturasa kurikulum ng sekondarya mula unang taon hanggang

Sarbey Kwestyoner.

KABANATA III
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa kabanatang ito, ilalahad ang disenyo at pamamaraan, ang pinagkunang datos,

paraan ng pangangalap ng datos, instrumentasyon na ginamit ng mananaliksik at

istratistikong pamamaraan.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng Sarbey Kwestyoner. Ang Sarbey

Kwestyoner ang disenyo ng pananaliksik dahil nais malaman at suriin ng mga

mananaliksik ang mga Malimit na ginagamit na Istratehiya sa pagtuturo sa

Filipino sa Junior High School.

B. RESPONDYENTE

Sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 5 respondyente na nakapaloob samga

kaguruan ng Junior High School. Ang mga respondyente ay bibigyan ng

talatanungan tungkol samga Istratehiyang ginagamit sa pagtutro sa Filipino. Sa

pamamagitan ng pagsagot sa talatanungan ng mga respondyente, ito ay

makatutulong sa pangangalap ng datos na kakailanganin sa pananaliksik. Sila rin

ay makatutulong sa mga mananaliksik na mas magkaroon ng malinaw at

impormatibong pananaliksik.

C. INSTRUMENTO NG PANGANGALAP NG DATOS


Nakapaloob sa bahaging ito ang binuong talatanungan ng mga

mananaliksik na gagamitin sa pangangalap ng datos. Makikita sa ibaba ang

ginamit na Sarbey Kwestyoner.

D. PROSESO NG PANGANGALAP NG DATOS

1. Pagbuo ng Liham

Ang liham ay naglalaman ng pakiusap sa mga respondyente na

sagutan ng tapat at totoo ang mga katanungan na nakapaloob sa Sarbey

Kwestyoner na ibibigay ng mananaliksik. Nakasaad din dito ang mga

karagdagang impormasyon tungkol sa mananaliksik at sa kanilang

pananaliksik.

2. Pagbuo ng Sarbey Kwestyoner

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng Sarbey Kwestyoner na

naaangkop sa kanilang paksa, nakapaloob dito ang iba’t ibang Istratehiya

sa pagtuturo sa Filipino.

3. Paglimbag ng Sarbey

Pag-encode ng mga katanungan na kakailanganing sagutan ng mga

respondyente. Pag-print ng 10 piraso ng talatanungan para sa 10

respondyente.
4. Paghahanap ng mga Respondyente

Naglalayon na makanap ang mga mananaliksik ng mga

respondyente na mga guro sa Junior High School sa Mataas na Paarlan ng

San Jose Pili. Ito ay upang makakalap ng datos para sa pananaliksik.

5. Pagpapaalam o paghingi ng Permiso

Upang makahanap ng datos ang mga mananaliksik ay inaasahang

humingi ng permiso sa guro upang magsagawa ng surbey.

6. Pamamahagi ng Talatanungan

Pamamahagi ng talatanugan sa mga respondyente na mga guro sa

Junior High School.

7. Pangongolekta ng mga Datos

Pangongolekta ng mga datos na nakalap galing sa talatanungan.

Pagsusuri ng mga talatanunganna ibinigay ng mga respondyente ay

makakabalik.

8. Pagsusuri sa mga nakalap na datos

Pagsusuri at pagtatally ng mga nakuhang datos mula sa

talatanungan. Pagsasaayos ng mga nakalap na impormasyon.

Pambansang Mataas na Paaralan ng San Jose Pili


San Jose, Pili, Camarines Sur

SARBEY KWESTYONER

Mahal na Respondyente,

Maalab na pagbati!

Kami ay mga mag-aaral ng 11-GAS 1 na kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik

tungkol sa “Malimit na Ginagamit na Istratehiya sa Pagtuturo sa Filipino sa Junior High

School” para sa panahong papel na aming ginagawa para sa Pagabasa at Pagsusuri ng

Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na aming asignatura. Kaugnay nito, inihanda

naming ang talatanungan na ito upang makapangalap ng mga datos na kailangan sa

aming pananaliksik. Kung gayon, maaaring sagutan ng may katapatan ang mga

sumusunod na aytem. Tinitiyak naming ang impormasyong inyong ibabahagi ay

mananatiling konpidensyal.

Maraming salamat.

-Mananaliksik

SARBEY KWESTYONER
Pangalan:_________________________ Baitang na tinuturuan sa JHS:___________

Kasarian:________ Asignaturang Tinuturuan____________

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga katanungan, kung may

pagpipilian, lagyan na lamang ng tsek (/) ang kahon na tumutugon sa iyong sagot.

Mga Malimit na Ginagamit ng mga Guro na Istratehiya sa Pagtuturo sa Filipino

1. Alin sa mga Istratehiya sa ibaba ang inyong mga pinakaginagamit kapag

nagtuturo sa Filipino?

Mga Istratehiya Ginagamit Hindi Ginagamit

1. Story Frame

2. Graphic Organizer

3. Concept Cluster

4. Venn Diagram

5. Pick a Word

6. Roleplaying/Pagsasadula

7. Demonstration

8. Gaming & Simulation

9. Pag-uulat/Reporting

10. Character Mapping

11. K-W-L Technique

12. Fan Web/Spider-word/web

13. Pangkatang pagkatuto


14. Malayang talakayan

15. Paglinang ng talasalitaan

Iba pang Istratehiyang Ginagamit:________________________________________

2. Alin sa mga Istratehiyang ito ang pinakamabisang gamitin sa pagtuturo sa

Filipino? Bakit?

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

3. Bakit ito ang mas malimit na ginagamit mo sa pagtuturo sa Filipino?

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay maganda ba ang naidudulot nga paggamit ng mga Istratehiyang

ito sa pagtuturo ng Filipino?

Oo Hindi

Bakit?

_____________________________________________________________________

___________________________________________________________

You might also like