You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6, Unang Markahan

Kasanayan sa Pampagkatuto:
Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makakatulong sa pagbuo ng
isang desisyon na makakabuti sa pamilya.
I-Layunin:
1. Naipamamalas ang wastong pagsususri sa mga bagay na may
kinalaman sa sarili at pangyayari
2. Naisasagawa ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung
nakabubuti ito
3. Natutukoy ang tamang pag-gamit ng impormasyon

CSE-
K6A3-Describe how gender-e.g. girls greater needs for privacy and
gender inequality-contribute to girls being the more frequent victims of
sexual harassment and rape, than boys.
(EsP6PKP-la-i-37)

II-Paksa/Nilalaman:
Mapanuring Pag-iiisip

III- Sangunian/ Kagamitan


EsP Curriculum Guide
CSE Manual/ Curriculum

IV-Pamaaran:
A. Pagganyak
a. Magpapabasa ang guro ng maikling kwento at himokin ang mga
mag-aaral na intindihan at isapuso ang nasabing kwento:

“Ang Batang si Lita”


(Rosemarie E. Lozada, may akda)
Isang araw,natuklasan ng ina ni Lita (labin-dalawang
taong gulang at nasa ika- anim na baiting) na mayroon siyang
manliligaw at ka chat niya sa kaniyang cellphone,Pinagsabihan
siya ng ina na mag-ingat sa mga nakikilala niya sa internet.
Sumagot si Lita sa ina at sinabi niyang” Bakit mo pinakikialaman
ang pribadong gamit ko inay?” ngunit mayamayay napag isip -isip
niya na mali ang kaniyang ginagawa at nangakong hindi na
makikipag chat sa nasabing manliligaw.
Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang
palihim pa rin nakikipagkumunikasyon si Lita sa kaniyang
manliligaw.
Isang gabi natuklasan ng mga magulang ni Lita na
hindi siya natulog sa kaniyang kwarto buong magdamag,labis ang
pag-alala ng mga ito at pumunta sa mga pulis upang humingi ng
tulong.
Di naglaon natagpuan nila si Lita kasama ang naging
ka chat nito na si Braydon (dalawamput limang-taong gulang).Si
Braydon ay nagtagumpay na akitin si Lita na sumama sa kanya.
Inuwi kaagad ng mga magulang si Lita sa kanilang
bahay.Ayon sa Mediko-legal napag-alamang pinagsamantalahan ni
Braydon si Lita at hindi ito seryoso sa kaniya.Si Braydon ay
kinasuhan at nakulong sa salang Child Abuse.
Pinag-sisihan ni Lita ang nagyari sa kaniya at mula
noon siya ay nangngakong making na sa kaniyang mga magulang.

b.Ipasagot ang mga katanungan sa mag-aaral at ipasulat ang


kanilang sagot sa kani-kanilang sagutang papel:
1. Ano-ano ang mga aral na mapupulot natin sa kwento ni Lita?
2. Kung ikaw si Lita at pinagsabihan ka na huwag magtitiwala
agad sa mga taong nakikilala sa internet.Ano ang iyong gagawin?
3. Sa iyong palagay bakit pinagsisihan ni Lita ang nagyari sa
kaniya?
4. Bakit mahalaga ang pakikinig sa mga payo ng ating mga
magulang?
B. Pagtatalakay sa Aralin:
1. Aktibiti/Gawain
a. Kukuha ang guro ng mga sitwasyon ayon sa kwentong binasa
at sa kahong inihanda isulat ang sariling ideya ayon sa iyong pagka- intindi.
Maari mong pagpilian ang mga pamamaraan ng pagbibigay mo ng ideya:
1, pwede mo itong isulat
2. pwede mo itong itula
3. pwede mo itong iguhit
1. Isang araw,natuklasan ng ina ni Lita (labin-dalawang taong gulang
at nasa ika- anim na baiting) na mayroon siyang manliligaw at ka chat niya
sa kaniyang cellphone. Pinagsabihan siya ng ina na mag-ingat sa mga
nakikilala niya sa internet.

2. Bakit mo pinakikialaman ang pribadong gamit ko inay?

3. ngunit mayamayay napag isip -isip niya na mali ang kaniyang ginagawa
at nangakong hindi na makikipag chat sa nasabing manliligaw.
Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang palihim pa ring
nakikipagkumunikasyon si Lita sa kaniyang manliligaw.

4. Isang gabi natuklasan ng mga magulang ni Lita na hindi siya natulog


sa kaniyang kwarto buong magdamag,labis ang pag-alala ng mga ito
5. Ayon sa Mediko-legal napag-alamang pinagsamantalahan ni Braydon
si Lita at hindi ito seryoso sa kaniya.Si Braydon ay kinasuhan at
nakulong sa salang Child Abuse.

Paalala sa Guro:
Pagkatapos ng gawain, siguraduhing nababasa ang gawa ng bawat mag-
aaral.

2. Analisis
Itatanong ng guro ang mga sumusunod:
1. Bakit kailangan nating isaalang-alang ang bawat miyembro ng ating
pamilya sa ating mga ginagawa?
2. Anong Katangian ang dapat mong taglayin upang ang lahat ng iyong
gawin ay tama at ayon sa ikatutuwa ng iyong magulang.
3. Bilang mag-aaaral,paano mo mapapabuti ang iyong desisyon sa mga
Gawain?

Paalala sa Guro:
Para sa pag-uugnay sa aralin, hayaang ibigay ng mga mag-aaral ang
pag-uugnay ng mapanuring pag-iisip sa ideya papunta sa mapanuring
pag-iisip sa sekswalidad.

3.Abstraksyon

Ipapakita at ipaliliwanag ng guro ang mga sumusunod:


Mapanuring Pag-iisip
https://brainly.ph/question/552192

Ang mapanuring pag-iisip ay tinatawag na pagsusuring kritikal na


malinaw at makatuwirang pag-iisip ng isang tao.  Maaring maignay ito sa
pagpapasya o pagdedesisyon sa mga bagay kung tama o mali ang
gagawing aksyon.
Ang mapanuring pag-iisip ay tinutukoy ng iba’t ibang kahulugan bilang:  

 ang proseso ng aktibo at mahusay pagpapalagay, pagsasabuhay,


pagsusuri, pagbubuo, at pagtimbang ng impormasyon kung tama at mali
upang magkaroon ng isang konklusyon.  
 disiplinadong pag-iisip na malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, at may
kaukulang ebidensya nakuha base sa nabasa o napakinggan.
 makatwiran, mapanimding pagiisip na nakatuon sa pagpili kung ano ang
paniniwalaan o gagawing kilos.  
 Ang kritikal na reaksyon at pag-iisip ay umiikot sa tatlong hakbang:
 1. Masususing pagtukoy sa kapaligiran ng isang suliranin.Pag-aralang
mabuti ang paksa o suliranin na bibigyan ng kritikal na reaksyon, isaalang-
alang ang mga dahilan at salik. Pag-aralan ang mga masama at mabuting
epekto nito, mga sanhi at magiging bunga.2. Pagsusuri, pag-uuri at
pagpuna sa isang paksa o suliranin.Pagtimbang sa mga isyu sa paksa o
suliraning pinag-uusapan. Suriing mabuti ang iyong panig, kung matibay
ang batayang argumento. Pagaralan fin kung ano ang maaring kontra-
argumento ng kabilang panig.3. Paglalatag ng alternatibo at
konklusyon.Hindi nagtatapos sa kritisismo ang lahat, kinakailangang
maglatag ng solusyon o alternatibo tungkol sa pinag-uusapang paksa o
suliranin.Mga Katangian ng Taong may Mapanuring Pag-iisipmay
kritikal na pag-iisip,malikhain,mapagmasid.mausisa,makatuwiran,bukas
ang isip,disiplinado,magaling magsuri,magaling pumuna
 Halimbawa ng Mapanuring Pag-iisip-Kapag nahaharap sa isang
sitwasyon kung ano ang tamang desisyong pipiliin sa buhay halimbawa;
ang pagpili ng tamang kurso sa kolehiyo, ang pagtatrabaho sa ibang bansa
o pangingibang bansa kapalit ang pagkawalay sa pamilya, pagpili ng
angkop na negosyong bubuksan at marami pang iba.-Nasa sitwasyon sa
pagpili ng pagsasabi ng katotohanan kahit na may masasaktang
tao-.Matalinong pagpapasya sa na nakakabubuti sa lahat
Sekswalidad ng Tao:
https://brainly.ph/question/2592596

Kailangang pag - usapan nang may bukas at mapanuring isip ang mga isyu
ng sekswalidad upang maiwasan ang pagkalito, pagkabahala at maihanda
ang sarili sa pagmamahal habang nagbibinata at nagdadalaga.

Kapag ang isang tao ay nagbibinata o nagdadalaga na maraming


katanungan ang sumasagi sa kanyang isipan ukol sa kanyang pagiging
babae o lalaki. Kapag ang mga katanungang ito ay hindi natugunan ng
maayos, maaari magkaroon ng kakulangan sa kanyang pagiging ganap na
babae o ganap na lalaki. Ang kakulangan na tinutukoy ay maaaring
magbunga ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili, karamdamang sikolohikal o
sakit sa pag - iisip, at mga suliraning sekswal. Sa mga panahong ito ay
sumasagi na rin sa isip ang pagmamahal at pag - aasawa.

Ang kamalayan at kalayaan sa sekwalidad ay bunga ng pagpili, may tuon,


at nag - uugat sa pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay binubuo ng
mahahalagang elementong kinabibilangan ng: sekswal na pagnanasa, kilos
- loob, mga pandama at emosyon, pakikipagkaibigan, at kalinisang
puri. Ang pagka - unawa sa sekswalidad ang magbibigay sa tao ng sapat na
lakas ng loob upang tugunan ang mga hamon ng pag - iisa o pagbubuo ng
sekswalidad at pagkatao upang maging ganap ang kanyang pagkababae o
pagkalalaki. Kapag hindi napag - isa ang sekswalidad at pagkatao habang
nagdadalaga o nagbibinata, maaaring magkaroon ng kakulangan sa
kanyang pagkatao pagsapit niya ng sapat na gulang.

Mga tanong ng guro:


1. Bakit kailangang pag - usapan nang may bukas at mapanuring isip
ang mga isyu ng sekswalidad?
2. Bakit mahalagang matugunan ang mga katanungan hinggil sa
pagiging ganap na babae o ganap na lalaki.
3. Paano maipapakita ng isang tao na siya ay lubos na may pag-unawa
sa sekswalidad?

Paalala sa Guro:
Para sa pag-uugnay sa aralin, bigyang diin ang sagot ng mga mag-aaral
tungkol sa mapanuring pag-iisip sa sekswalidad ng tao
Siguraduhing maipaghahambing ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot sa
mga nakasulat na impormasyon.
4. Aplikasyon
1. Pumili ng numero na makikita mo loob ng tasa at pagkatapos
mong pumili kunin ang papel na nakatakip dito at isagawa ang
nakalagay na mga panuto. Mula sa mga mapanuring pag-iisip sa
suhestyon ng iba at mapanuring pag-iisip sa seksuwalidad ng tao
ay gagawin mo kung ano ang nakasaad sa napili mong tasa.

1 2 3 4

Gabay ng Guro sa gawaing ito:


1 Slogan
Sitwasyon: Dahil sa pandemya ang mga batang katulad mo ay nakahiligan
na ang paggamit ng cellphones, internet at iba pang uri ng kumunikasyon
online.Gumawa ng Slogan na nagpapakita ng responsableng paggamit nito
at hindi sa kalaswaan.
2 Patalastas
Sitwasyon: Pagpapakita o pagsasagawa ng isang patalastas tungkol sa
pagsunod sa mga alituntunin sa tahanan/paaralan.
Rap
Sitwasyon: Pagbuo ng isang rap tungkol sa pinakaimportanteng pangyayari
na pinagpulutan mo ng aral sa kwentong ating nabasa na pinamagatang “Si
Lita”
Tula
Sitwasyon: Pagbuo ng dalawang taludtod na tula tungkol sa mapanuring
pag-iisip nan aka-ambag sa tamang desisyon mo sa buhay.
2. Gagawa ang guro ng Rubriks sa bawat bilang na inihanda sa
gawaing ito.
3. Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral:
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagiging
msapanuring pag-iisip sa seksuwalidad sa iyong sarili at sa iyong
kapwa?

V. Pagwawakas:
“Maging mapanuri sa mga gagawing desisyon at Isapuso
at isaisip ang mga pangaral ng mga magulang upang ang
buhay ay matagumpay”

VI.Repleksyon

VII.Tala 

Inihanda ni:

ROSEMARIE EBALLA LOZADA

You might also like