You are on page 1of 35

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikalawang Markahan

Modyul
GRADE 10 PICTURES USED

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pngfuel.com%2Ffree- png
%2Fnxfhx&psig=AOvVaw3L59CVtRc3gYG22M6R9fo1&ust=1598014487870000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0Qjhx
qFwoTCJjJ_YPqqesCFQAAAAAdAAAAABAK

1
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa Paggawa ng mag-aaral ng malinaw na posisyon tungkol sa isang
isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad; at Pagbuo ng mag-aaral ng mga
hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa katotohanan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang- alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa Paggawa ng mag-aaral ng malinaw na posisyon tungkol sa isang
isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad; at Pagbuo ng mag-aaral ng mga
hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa katotohanan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga
bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
2
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
b ahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natut uhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.

3
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
4. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

4
Aralin
Ang Makataong Kilos
1

Kasanayang Pampagkatuto:

Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na


malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman (EsP10MK-lla-5.2)

Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan. (EsP10MK-lla-5.3)

Alamin

I. Paksa
Ang Makataong Kilos
II. Layunin
Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang
isinasagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman (EsP10MK-lla-5.2)

Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan. (EsP10MK-lla-5.3)

III. Pamamaraan
Panuto: Unawain ang mga sumusunod na larawan.

IV. Mga Gawain


A. Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa mga larawan sa itaas. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na malinis na papel.

Ano ang nais ipahiwatig Larawan 1:


ng bawat larawan?
Ipaliwanag. Larawan 2:

5
Para sa iyo, ano ang
ibig sabihin ng
makataong kilos?

6
Ano ang mga kilos na
maituturing na makatao
at dapat mapanagutan?
Ano naman ang mga
kilos na hindi makatao?
Ipaliwanag.

Paano mo matutukoy
kung ang isang kilos o
gawain ay makatao
o hindi?
Pangatwiranan.

B. Gawain 2:
Panuto: Gumuhit ng mga larawan na hinihingi sa ibaba. Gumamit ng hiwalay na malinis na papel sa
pagsagot.

Sa panahon ngayon ng pandemya, paano mo maipapakita ang iyong makataong kilos? Iguhit ito sa
loob ng puso at lagyan ng paliwanag sa baba.

C. Gawain 3:
Panuto: Magtala ng ilang paraan upang maipakita ang pagiging mapanagutan ng mga nagawang mali
sa iyong sarili at sa kapwa at mabigyan ng kaukulang kalutasan. Ito ay maaaring isakatuparan sa
alinman sa sumusunod na paraan.
A. Paghingi ng tawad sa magulang, guro o kaibigan na nasaktan sa pamamagitan ng sulat.
B. Pagbabalik ng mga bagay o ari-ariang napinsala sa iyong kapwa.
C. Pagsasabi ng katotohanan sa taong pinagsinungalingan sa pamamagitan ng sulat.

D. Gawain 4:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa isang hiwalay
na malinis na papel.

Mga Tama at Makataong Pagkilos Mga Batayan ng Pagkilos

Mga Mali at Di- makataong Pagkilos Mga Batayan ng Pagkilos

7
VI. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa isang hiwalay
na malinis na papel.
1. Ito ay ang kilos kung saan ang tao ay walang kaalaman kung kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos.
Anong uri ng kilos ito ayon sa kapanagutan?
A. likas na kilos C. di kusang-loob
B. kusang-loob D. walang kusang-loob
2. Ito ay ang mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao
at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Anong uri ng kilos ito?
A. likas na kilos C. Kilos ng Tao (Act of Man)
B. totoong kilos D. Makataong Kilos (Human Act)
3. Ito ay ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Anong uri ng kilos ito ayon sa kapanagutan?
A. kusang-loob C. May pagsang-ayon na kilos
B. kilos na ginusto D. Makataong Kilos (Human Act)
4. Ito ay ang kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang- ayon. Anong uri ng kilos
ito ayon sa kapanagutan?
A. kusang-loob C. walang kusang-loob
B. di kusang-loob D. Makataong Kilos (Human Act)
5. Ito ay ang kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa. Anong uri ng kilos ito?
A. kusang-loob C. Kilos ng Tao (Act of Man)
B. walang kusang-loob D. Makataong Kilos (Human Act)

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa loob ng limang pangungusap o higit pa. Isulat
ang iyong sagot sa isang hiwalay na malinis na papel.

VIII. Mga Sanggunian


 Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012
 Pagpapakatao 10, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya ni Twila
G. Punsalan et al., 2017.

Inihanda ni:
Dyna Marie A. Bedeo
CAA National High School

8
Aralin
Ang Makataong Kilos
2

Kasanayang Pampagkatuto:

Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong
kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan at kamalian nito. (EsP10MK-llb-5.4)

Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang


maging mapanagutan sa pagkilos. (EsP10MK-llc-6.1)

Alamin

I. Paksa
Ang Makataong Kilos
II. Layunin
Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong kilos; kaya
pananagutan niya ang kawastuhan at kamalian nito. (EsP10MK-llb-5.4)
Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging
mapanagutan sa pagkilos. (EsP10MK-llc-6.1)

III. Pamamaraan
Panuto: Basahin at unawain ang maikling balita at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Nurse, tumulong sa pagpapaanak sa kapwa Pinoy sa loob ng eroplano


Pinuri ng netizens ang isang nurse mula Bacolod City matapos niyang ibahagi ang
kuwento ng kaniyang pagtulong sa isang Pilipinang nanganak sa loob ng eroplano. Kuwento
ng nurse na si Francis Dominic Mendoza, sakay sila ng eroplano Martes ng madaling araw
nang nangyari ang insidente.mula Doha, Qatar ang eroplano at pauwi sila ng Pilipinas. Sa
bandang Thailand nag-labor ang Pilipinang kaniyang tinulungan. Dagdag pa ni Mendoza,
tinulungan niya ang mga Pilipinong cabin crew para ligtas na maisilang ang sanggol. Ginamit
nila ang first aid kit sa eroplano at iba pang improvised na gamit. Nag-emergency landing ang
eroplano sa Bangkok para mabigyan ng medical attention ang ina at ang sanggol. Ani
Mendoza, bahagi ng kaniyang responsibilidad ang pagtulong sa mga nangangailangan kahit
sa labas ng ospital. Nagtatrabaho bilang nurse si Mendoza sa Ireland.

1. Sino ang Nurse na tumulong ayon sa balita?


2. Paano tumulong ang nurse sa kanyang kapwa Pinoy sa loob ng eroplano?
3. Ito ba ay maituturing na makataong kilos? Bakit?

IV. Mga Gawain


A. Gawain 1:
Panuto: Kung mahaharap ka sa mga sitwasyon na nasa ibaba, ano ang dapat mong gawin? Sagutin at
ipaliwanag sa isang hiwalay na malinis na papel.
1. Sa loob ng silid-aralan habang nagtuturo ang guro ay biglang tumunog ang bell na hudyat ng
9
recess ngunit patuloy pa rin ang guro sa pagtuturo.

10
2. Sobra ang sukli na isinauli sa iyo ng tindera sa palengke ngunit malayo na ito sa inyong
tahanan
3. Nalaman mo na may kasintahan na ang nakababata mong kapatid.
4. Habang naglalakad, may nakasalubong kang lalaki na nakalaglag ng pitaka.
5. Hindi ka nakapag-aral para sa inyong pagsusulit ngayong araw at nakita mong may mga sagot
na ang papel ng iyong katabi

B: Gawain 2:
Panuto: Alalahanin ang iyong mga karanasan sa pamamagitan ng mga sumusunod na sitwasyon.
Lagyan ng tsek ( √ ) ang hanay ng karanasan kung nagawa mo na ito. Isulat sa hanay ng kahihinatnan
ang naging bunga ng iyong pagkilos. Isulat at sagutin ito sa hiwalay na malinis na papel.

Mga Sitwasyon Karanasan Kahihinatnan


Naranasan ko na ang . . . .
Sumagot ng pabalang sa aking magulang.

Mapagkatuwaan ng aking mga kaibigan.


Matukso na gumawa ng masama sa
impluwensya ng aking mga barkada.
Mangupit ng pera sa aking magulang.
Manira ng kagamitan sa paaralan.
Maghiganti sa aking kaaway.
Manloko ng aking kapwa.
Umayon sa maling paghusga.
Gumawa ng maling kwento tungkol sa aking
kapwa.
Manguha ng bagay ng walang paalam.

C. Gawain 3:
Panuto: Gunitain ang mga pangyayari sa iyong buhay kung saan may mga tao kang nasaktan. Sundin
ang pormat sa ibaba. Isulat at sagutin ito sa hiwalay na malinis na papel.

Sitwasyon kung saan Kapwang nasaktan (hal. Mga hakbang upang aking
may nasaktan akong magulang at iba pa) ayusin ang mga ugnayan
kapwa

D. Gawain 4:
Panuto: Bumuo ng isang maikling tula na nagpapahayag ng mga tuntunin para sa isang kabataang
mapanagutan sa pagkilos. Isulat ito sa isang hiwalay na malinis na papel.

11
VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng hiwalay na papel.
1. Kung ibabase ang kilos ayon sa kapanagutan, aling kilos ang ipinapakita ng isang taong may
sakit sa pag-iisip na inutusang hablutin ang pitaka ng isang matandang babae?
A. kusang-loob C. walang kusang-loob
B. di kusang-loob D. Makataong Kilos (Human Act)

2. Ang tao ay inaasahan na dapat palaging gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti
ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihang panlahat.
B. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
C. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung hindi
pagsasakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.

3. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?


A. Pagkain ng almusal
B. Pagpasok nang maaga
C. Maalimpungatan sa gabi
D. Panghihikayat ng pagsusugal sa mga kaklase
4. Ikaw ay naupong opisyal sa bilangan ng boto sa eleksyon. Pinagbantaan ka ng isang
tumatakbong mayor na malalagay sa peligro ang iyong pamilya kung hindi mo dadayain ang
bilang at siya ang ipapanalo. Dahil sa takot mo kaya sinunod mo ito. Anong uri ng kilos ayon sa
kapanagutan ang naging aksyon?
A. kusang-loob C. Kilos ng Tao (Act of Man)
B. walang kusang-loob D. Makataong Kilos (Human Act)

5. Nagpaalala ang inyong guro na may pagsusulit kayo kinabukasan. Kaarawan ng isa mong
kaibigan kaya’t niyayaya kang magkipag-inuman. Tinanggihan mo ito at mas piniling mag-aral na
lamang para sa inyong pagsusulit bukas. Anong uri ng kilos ito ayon sa kapanagutan?
A. kusang-loob C. May pagsang-ayon na kilos
B. kilos na ginusto D. Makataong Kilos (Human Act)

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa loob ng limang pangungusap o higit pa. Isulat
ang iyong sagot sa isang hiwalay na malinis na papel.

VIII. Sanggunian
 Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012
 Pagpapakatao 10, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya ni Twila
G. Punsalan et al., 2017
 https://news.abs-cbn.com/life/07/10/19/nurse-tumulong-sa-pagpapaanak-sa-kapwa-pinoy-sa-loob-ng-
eroplano

Inihanda ni:
Dyna Marie A. Bedeo
CAA National High School

12
Aralin Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong
3 Kilos

Kasanayang Pampagkatuto
Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kaniyang kilos at pasya. (EsP10MK-llc-6.2)
Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa
kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, gawi. (EsP10MK-llc-6.3)

Alamin
I. Paksa
Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos
II. Layunin
Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang
kilos at pasya. (EsP10MK-llc-6.2)
Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa kamangmangan,
masidhing damdamin, takot, karahasan, gawi. (EsP10MK-llc-6.3)
III. Pamamaraan
Basahin at suriing mabuti ang sitwasyon
Si Gerald ay labinlimang taong gulang at nasa ika-10 baitang. Siya ay mula sa isang
naghihikahos na pamilya. Kadalasan ay pumapasok siya na walang baon o hindi pa kumakain ng
almusal. Mayroong pagkakataon na kinuha niya ang pera ng kanyang matalik na kaibigan na si Enrique
sa kadahilanang siya ay gutom na gutom na. Ang perang ito ay dapat na pambayad ni Enrique sa
kanilang proyekto.
Ngayon, susuriin natin ang sitwasyon na ito upang malaman ang pagkamabuti o pagkamasama
ng isinagawang kilos ni Gerald.
Una, dapat mong tandaan na hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang
makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. May mga
salik na nakakaapekto sa kilos ng tao at mga batayan ng paghuhusga kung ang isinagawang kilos ay
moral o hindi. Ito ay ang mga sumusunod
1. Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay
tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer). Sa sitwasyon ni Gerald, ano sa iyong palagay ang
kanyang layunin? Ito ba ay mabuti o masama?

_
2. Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
Sa sitwasyong ito, paano isinagawa ni Gerald ang kanyang layunin? Ito ba ay mabuti o masama?

13
3. Sirkumstansiya. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas
o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Narito ang iba’t ibang sirkumstansiya:
a. Sino. Ito ay tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng
kilos. Sa sitwasyong ito, sino o sino-sino ang maaapektuhan sa ginawa ni Gerald? Ito ba ay
dumagdag o bumawas sa kabutihan o kasamaan ng kanyang kilos?

b. Ano. Ito ay tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat. Aling bahagi ng sitwasyon ang
nagsasabi kung gaano kalaki o kabigat ang ikinilos ni Gerald?

c. Saan. Ito ay tumutukoy kung saan ginawa ang kilos. Sa iyong palagay saan isinagawa ni
Gerald ang kanyang kilos? Ito ba ay nagpadagdag o nagpabawas sa bigat ng
kanyang ginawa?

d. Paano. Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos. Ipahayag kung paano
isinagawa ni Gerald ang kanyang kilos.

e. Kailan. Ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos. Sa itong palagay, kailan isinagawa ni
Gerald ang kanyang kilos? Itong pagkakataon na ito ay nakatulong ba kay Enrique o hindi?

IV. Mga Gawain

A. Gawain 1
Panuto: Mula sa ibinigay na sitwasyon sa pamamaraan, bumuo ng konklusiyon kung isinagawang
kilos ba ni Gerald ay makatao o hindi. Isulat sa hiwalay na papel.

B. Gawain 2: Ibahagi Mo
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon at isulat ang mga hinihinging batayan.
.
1. May markahang pagsusulit si Tristan. Siya ay pumasok ng maaga sa paaralan at nag-aral.
Layunin:
Paraan:
Sirkumstansiya:
2. Inaya ni Sevy ang kanyang mga barkada sa kanilang bahay para mag-inom sa kadahilanang
siya ay mag-isa at nalulungkot.
Layunin:
Paraan:
Sirkumstansiya:

3. Kahit na alam ni Laila na mapapagalitan siya ng kanyang mga magulang, sumama pa din siya
na tumambay sa kanyang barkada.
Layunin: _
Paraan:
Sirkumstansiya:

14
C. Gawain 3: Suriin Mo
Panuto: Sa hiwalay na papel, magbigay ng isang sitwasyon na iyong naranasan at isulat ang mga
batayan upang husgahan ang iyong sariling kilos kung ito ay mabuti o masama

D.Gawain 4:
Panuto: Pumili ng paksa sa ibaba at sumulat ng isang sanaysay tungkol dito na nagpapaliwanag kung
gaano kabuti o kasama ang isang kilos gamit ang mga batayan ng paghuhusga
□ Pangongopya o pandadaya sa pagsusulit
□ Pagnanakaw
□ Pang-aasar o pang-bubully ng kapwa
□ Pagsisinungaling
□ Pagiging tamad

VI. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
1. Ito ay ang panlabas na kilosna kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
A. Layunin B. Sirkumstansiya C. Paraan D. Kahihinatnan
2. Ilan ang batayan ng paghuhusga upang malaman kung ang kilos ay moral o hindi?
A. 1 B. 3 C. 5 D. 8
3. Ito ang sirkumstansiya na sumasagot sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
A. Sino B. Paano C. Gaano D. Ano
4. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao.
A. Layunin B. Makataong kilos C. Kilos-loob D. Damdamin
5. Si Zofia ay mahilig magbabad sa Facebook kaya’t lagi niyang nakakalimutan ang kanyang
mga takdang aralin. Alin sa mga sumusunod na sirkumstansya ang nakakasakop sa sitwasyon na ito?
A. Sino at Kailan B. Ano at Paano C. Paano at Kailan D. Sino at Saan

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

VII. Mga Sanggunian


 Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013

Inihanda ni:
Marinela Kathryn A. Leonorio
Golden Acres National High School

15
Aralin Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong
4 Kilos

Kasanayang Pampagkatuto:

Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot,


karahasan at ugali sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos
dahil maaaring mawala ang pagkukusa sa kilos (EsP10MK-lld-6.4)

Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa


kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang
kanyang kakayahan sa pagpapasiya. (EsP10MK-lle-7.1)

Alamin
I. Paksa
Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos
II. Layunin
Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at ugali
sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang
pagkukusa sa kilos (EsP10MK-lld-6.4)
Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kanyang kakayahan sa
pagpapasiya. (EsP10MK-lle-7.1)
III. Pamamaraan
Basahin at unawain.

“Makataong Kilos, madalas nating


hanapin, madalang nating gawin.”
Sumasangayon ka ba sa pahayag na ito?
Natutuhan mo sa nakaraang modyul ang iba’t
ibang salik na maaring makaapekto sa
pananagutan mo sa iyong mga pasiya at
kilos, ngunit paano kung hindi mo ito
napagaralan? Paano kung nagpatuloy kang
kumilos ng naayon sa iyong pansariling
kasiyahan at kagustuhan? Gaya na lamang
ng nagtweet nito:

16
Sa unang tingin, iisipin mong walang masama sa tweet na ito, dahil wala namang mura,
panlalait o naapektuhan sa kaniyang ginawa, ngunit subukan mong balikan ang iyong natutuhan sa
mga naunang modyul. Sa iyong palagay, ano ang kaniyang layunin? Nais niya bang mabasa ito ng
kaniyang kaaway? Nais niya bang ipagkalat ang tungkol sa kaniyang buhay? O nais niya lang
maglabas ng masidhing damdamin? Madalas ay tinutulak tayo ng ating nararamdaman o ating
nakasanayan na gawin ang isang bagay, nangyayari ito kapag kulang sa hubog ang ating isip at kilos-
loob. Noong ikaw ay nasa ika- 7 baitang, natutuhan mo na ang ating isip at kilos- loob ay ang
nagtutulak upang tayo ay makapagpasiya ng malinaw at nakatuon sa tama, kaya naman, ang hindi
paghubog nito ay isang malaking hadlang sa ating pagkilos, ito din ay makapagdududulot ng
pagkawala ang obhetong layunin ng bawat kilos at pasiya. Maaring napapaisip ka ngayon, “Tao lang
naman ako, nagkakamali din” o maaring narining mo din ang pahayag na “Nobody is perfect,” ngunit
alalahanin na likas sa tao ang gumawa ng tama, kaya hindi ito imposible, kailangan lamang nating
dugtungan ang naunang pahayag na “Nobody is perfect, but practice makes perfect.”

Patuloy na paghubog, pagtuon sa tama at di magtatagal magkukusa na ang iyong isip at kilos-
loob na magpasiya at kumilos ng may paggalang sa dignidad ng iyong kapuwa sa lahat ng oras.
Mula sa tweet na iyong nabasa, ating makikita na marami pa ring tao ang kumikilos at nagpapasiya
batay sa kanilang pansariling kasiyahan, mula dito, mahihinuha natin na hindi lahat ng kilos ng tao ay
maituturing na makatao, lalo na ang mga kilos na bunsod ng masidhing damdamin o emosyon.
Samakatuwid, tayo pa din ang may pananagutan sa ating mga kilos at pasiya, dahil tayo lamang ang
may kakayahan upang hubugin ang ating isip at kilos- loob.
Hango mula sa aklat ng Edukasyon sa Pagkakatao 10 (Modyul para sa Mag-aaral)
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto Basahin ang ilang bahagi ng kantang “Magdalena” ni Gloc 9 ft. Rico Blanco at sagutin ang mga
gabay na tanong sa dulo. Isulat ang mga kasagutan sa hiwalay na papel.
(Maaring pakinggan ang buong kanta sa link na ito, https://www.youtube.com/watch?v=WULKeuXDypY

Maraming taon ako'y nalipasan


Pinilit ko mang takasan
Bagkus ay aking nalaman
Ang tunay kong kailangan
'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba Minamahal ko s'ya
Hahanapin ko si Magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang sabi'y kanyang
pinagtatrabahuhan Nakita ko'ng larawan niya na
nakadikit sa pintuan Iba man ang kulay ng buhok
'di ko malilimutan Ang kanyang mata at tamis ng
kanyang ngiti
At dahil ubod ng saya hindi na nag-atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot
Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi Ituloy natin ang istorya…

17
Gabay na tanong:
1. Kung ikaw ay nasa kalagayan ni Magda, gagawin mo rin ba ang naging pasiya niya? Bakit?
2. Sa paanong paraan maaring itama ni Magda ang kaniyang naging pasiya?

B. Gawain 2:
Panuto: sitwasyon mo ang iyong sarili sa “Trolly bahagi. Isulat ang mga kasagutan sa hiwalay na papel.
Maari ding pakinggan at panuorin ang “Trolly problem” sa link na ito (https://www.youtube.com/watch?
v=yg16u_bzjPE&list=RDbOp f6KcWYyw&index=2).

“Trolly Problem”
Isipin mong nakakita ka ng limang taong nakatali sa riles habang may paparating na tren, sa
kasamaang palad, walang paraan upang mapahinto ang tren at masyadong mabilis ang tren para
mapakawalan mo ang mga tao, ngunit malapit ka sa pihitan na maglilihis sa daan ng tren papunta sa
kabilang riles, kung saan isang tao lamang ang nakatali. Pipihitin mo ba upang mailigtas ang lima o
hahayaan mo lamang na masagasaan sila?

1. Ano ang iyong pipiliin at bakit? Isipin mo ulit na nakakita ka ng limang taong nakatali sa riles habang
may paparating na tren, sa kasamaang palad, walang pa ring paraan upang mapahinto ang tren at
masyadong itong mabilis para mapakawalan mo ang mga tao ngunit malapit ka sa isang malaking
lalaki kapag itinulak mo sa tulay ay mapipigilan ang tren, Itutulak mo ba ang malaking lalaki o hahayaan
ang limang nakatali?

2. Ano ang iyong pipiliin at bakit?


Gabay na tanong:
1. Sa iyong dalawang kasagutan, nagkaroon ba ng pagbabago? Bakit?
2. Sa paanong paraan nakabubuo ang tao ng tamang pasiya o pagkilos?

C. Gawain 3: “Ano ang gagawin mo?”


Panuto: Lumikha ng isang personal na mantra upang maipaalala sa sarili ang pananagutan sa bawat
pasiya at kilos na gagawin. Maging malikhain at ilagay sa isang buong papel.
(Mantra-isa o grupo ng salita na paulit-ulit na sinasabi upang mapanatili ang tuon sa isang bagay. Hal.
“All is well”)
D. Gawain 4
Panuto Bumuo ng isang “Mabuting Gawain Recipe,” Gamit ang iyong natutuhan sa mga nakalipas na
modyul, bumuod ng isang recipe na naglalaman ng mga hakbang paano ka makabubuo ng isang
mabuting pasiya o pagkilos. Maging malikhain at isulat ang kasagutan sa hiwalay na papel.

18
V. Pagtataya
Panuto Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem. Isulat ang kasagutan sa hiwalay na papel.
1. Ipaliwanag ang nais iparating ng pahayag na “Makataong Kilos, madalas nating hanapin,
madalang nating gawin”
2. Ipaliwanag sa paanong paraan nakaaapekto ang ating nararamdaman sa ating pagpapasiya?
3. Ayon sa natalakay, ipaliwanag paano makabubuo ang tao ng isang mabuting pasiya o kilos?
4. Ipaliwanag ang pahayag na “Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao.”
5. Ipaliwanag paano mo huhubugin ang iyong isip at kilos-loob

VI. Pagninilay
Bilang isang malayang kabataan, paano mo maiiwasang pumili ng maling pasiya at kilos?
Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng hiwalay na papel.

VII. Mga Sanggunian


Aklat
 Brizuela, M., et al. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para
sa Mag-aaral. Unang Edisyon. FEP Printing Corporation, DepEd-IMCS, Pasig City.
 Punsalan, T., et al. (2016). RBS Serye sa Edukasyon sa Pagpapahalaga
PAGPAPAKATAO 10(K to 12). REX Bookstore,Maynila.
Internet
 The Trolly Problem.Allyssa’sHas233Site.2016.
https://sites.google.com/site/has233aw/thetrolley
 -problem Magdalena.https://www.azlyrics.com/lyrics/gloc9/m
 agda.html https://www.twitter.com/ https://www.youtube.com/.

Inihanda ni:
Angelica F. Genoza
Golden Acres National High School

19
Aralin Mga Yugto Ng Makataong Kilos at Mga Hakbang Sa Moral Na
5 Pagpapasiya

Kasanayang Pampagkatuto

Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos (EsP10MK-IIe-7.1)

Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong
kilos (EsP10MK-IIf-7.2)

Alamin

I. Paksa
Mga Yugto Ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

II. Layunin
Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos (EsP10MK-IIe-7.1)
Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos
(EsP10MK-IIf-7.2)

III. Nilalaman
Basahin at unawain.
Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino. Ang isip at kilos-loob.

ISIP KILOS-LOOB
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng Layunin
3. Paghuhusga sa nais makamtam 4. Intensiyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili
9. Utos 10.Paggamit
11. Pangkaisipang 12. Bunga

20
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Isulat sa kahon ang iyong kahulugan sa salitang “Makataong Kilos”

19
B. Gawain 2:
Panuto: Unawain ang dalawang sitwasyon lagyan ng tsek ang loob ng panaklong kung ang
tauhan ay nagpapakita ng makataong kilos at ekis ( x ) kung hindi. Isulat ang paliwanag sa hiwalay na
sagutang papel.
..

C. Gawain 3:
Panuto: Gumawa ng isang talaan sa hiwalay na sagutang papel kaparehas ng nasa ibaba. Punan ang
mga hanay gabay ang halimbawa.

Sitwasyon sa buhay Kilos na Epekto ng Mga reyalisasyon


na nagsagawa ng isinagawa isinagawang pasiya
pasiya
Hal. Hindi sumama at Naunawaan ang Ang reyalisasyon ko ay mas
Niyaya ng kaibigan na pinili na tinatalakay ng guro at makakabuti na piliin ang
magcutting classes. pumasok sa nakakuha ng pasang pagpasok sa klase dahil may
klase marka sapagsusulit sa mabuti itong maidudulot sap
araw na iyon ag-abot ko ng aking pangarap
at tunguhin sa buhay.

1.

2.

3.

4.

20
D. Gawain 4:
Panuto: Balikan ang mga sitwasyon sa iyong buhay na iyong isinulat sa Gawain 3. Pumili ng dalawa
(2) at suriin kung ang bawat isa ay kung naging mapanagutan ba sa iyong piniling pasiya at ito ba ay
nagpakita ng makataong kilos. Isulat sa hiwalay na sagutang papel.

V. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas
de Aquino?
a. Isip at Kilos-loob B. Intensiyon at Layunin c. Paghuhusga at Pagpili d. Sanhi at Bunga
2. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang- araw-araw na buhay.
b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
3. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
a. Upang magsilbing gabay sa buhay.
b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
4. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Tingnan ang kalooban C. Isaisip ang posibilidad
B. Magkalap ng patunay D. Maghanap ng ibang kaalaman
5. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung
ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral
na Pagpapasiya?
A. Magkalap ng patunay C. Tingnan ang kalooban
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos
VI. Pagninilay
Panuto: Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

VI. Sanggunian
 Amedo etal. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 10: Modyul sa Mag-aaral. Pasig City: FEP
Printing Corp.
 Caberio, etal. (2015). Pagpapakatao 10. Manila: Rex Book Store, Inc.

Inihanda ni:
Alquin A. Celestial
Las Piñas National High School - Almanza

21
Aralin Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na Nakaaapekto
6 sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng
deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos. (EsP10MK-IIf-7.4)

Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at


nakagagawa ng plano. (EsP10MK-IIg-8.1)

Alamin

I. Paksa
Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao
sa Kahihinatnan ng Kilos at PasiyaII.
II. Layunin
Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon
ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos. (EsP10MK-IIf-7.4)

Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng
plano. (EsP10MK-IIg-8.1)

III. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Sa kwento ng buhay ni Luis, saan humantong ang positibong pagpapasya sa paggamit ng


kusang-loob na pagkilos? Ano ang makukuhang aral sa positibong paggamit ng kusang-loob na
pagkilos?

22
23
Sa kwento ng buhay ng pasyente, saan humantong ang negatibong pagpapasya sa paggamit
ng kusang-loob na pagkilos? Ano ang makukuhang aral sa negatibong paggamit ng kusang-loob na
pagkilos?
Sa kwento ng buhay ni Luis at ng kanyang pasyente, makikita ang apat (4) na yugto ng
makataong kilos na pinagdadaanan sa buhay ng tao. Tingnan at unawain ang nilalaman ng graphic
organizer na nasa ibaba.

IV. Mga Gawain


A. Gawain 1:
Panuto:Punan ng akmang salita ang patlang batay sa ipinapakitang larawa.

KILOS

s l o m r n
p y
24
B. Gawain 2
Panuto: Kung ikaw ay nahaharap sa sumusunod na mga sitwasyon sa buhay, paano ka magpapasya at
kikilos? Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
1. Pagkalulong sa droga ng iyong ama.
2. Pagiging biktima ng incest sa pamilya.
3. Maagang pag-aasawa ng isang kapatid.
4. Paghihiwalay ng mga magulang.
5. Kawalan ng pera na pantustos sa pag-aaral.

C. Gawain 3
Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
1. Ano ang dapat kong gawin upang makamit ko ang ninanais kong uri ng pamumuhay?
2. Paano ko matututunanang kasanayan sa tamang pagpapasya sa bawat yugto ng
aking gagawin?

D. Gawain 4:
Panuto: Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang nasaktan (maaaring
dahil sa kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutihan lang ang inisip mo). Isulat ang mga
sitwasyong ito at ang kapuwang nasaktan at magtala ng mga hakbang upang ayusin ang mga ugnayan
sa iyong kapwa. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Sitwasyon kung saan may nasaktan Kapuwang Mga Hakbang upang aking ayusin
akong kapuwa nasaktan ang mga ugnayan

Halimbawa: Nasagot Aking ina Hihingi ako ng tawad at


ko nang pabalang ang aking ina. babawi sa paggawa ng gawaing-
bahay

V. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
1. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at
nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang kumikiling sa mabuti sa kanya
na nakikita niya bilang tama.
A. Isip B. Kilos-loob C. Kalayaan D. Dignidad
2. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya
nagpapahuli. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri
sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at
mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
3. Nahuli ni Riguel ang kanyang mga kaklase na nangongodigo sa exam. Kahit natatakot
siyang awayin ng mga ito ay napagdesisyunan nyang sabihin ang nakita nya sa kanilang guro.
Anong yugto ng makataong kilos ang ipinakita ni Riguel?
A.kamalayan B. pagkakaroon ng interes C. pagpapasya D. pagkilos
4. Si Zairene ay lumaki sa pambubugbog ng kanyang ama. Hindi niya magawang
magsumbong sa mga pulis dahil natatakot siyang mamuhay nang mag-isa kaya araw-araw nalang
syang nagtitiis. Anong yugto ng makataong kilos ang ipinakita ni Zairene?
A. kamalayan B. pagkakaroon ng interes C. pagpapasya D. pagkilos
25
5. Saksi si Elijah sa kahirapang dinaranas ng kanyang pamilya. Alam nyang hindi sapat ang
kinikita ng kanyang mga magulang. Kaya siya ay nagsa- sideline sa pagtitinda tuwing wala syang
pasok para makadagdag sa pambili nila ng makakain. Anong yugto ng makataong kilos ang
ipinakita ni Elijah?
A. kamalayan B. pagkakaroon ng interes C. pagpapasya D. pagkilos

VI. Pagninilay
Panuto: Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

VII. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013
• Punsalan, T., Caberio, S., Nicolas, M., Reyes, W. (2019). Paano Magpakatao: Batayan at
Sanayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Manila

Inihanda ni:
Maria Joan C. Grafil
Talon Village National High School

26
Aralin Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos
7
Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng makataong kilos
(EsP10MK-IIg-8.2)

Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon


batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito. (EsP10MK-IIg-8.3)

Alamin

I. Paksa
Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos
II. Layunin
Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao (EsP10MP-If-4.1)
III. Pamamaraan
Sinasabi na ang bawat kilos na ginagawa ng tao ay mayroon siyang pananagutan anuman ang
maging resulta o kinalabasan ng kanyang nagging pagkilos, kaya nararapat lamang na siriin mabuti
kung ang kilos na gagawin ng bawat isa ay makabubuti o makasasama. Layunin na aralin na ito na
masuri ang kabutihan o kasamaan ng gagawing pagkilos at pagpapasya.

IV. Mga Gawain


A. Gawain 1:
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot na hinihingi ng bawat bilang
1. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi n gating katangian.
2. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
3. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
4. Ito ay nagmumula sa isip at kilos-loob.
5. Gampanin nito na isakatuparan ang pamamaraan ng panloob na kilos
Kilos Paraan Layunin
Panloob na KilosPanlabas na Kilos
.
B. Gawain 2:
Panuto: Paano ka magpapasya at ano ang kahihinatnan ng iyong pagkilos? Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.
.
Alam mo na Niyaya ka ng kaklase mo na mag
nagsusugal sa cutting classes
silid-aralan ang
iyong kaibigan

27
C. Gawain 3:
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod sa pagkilos ng tao tukuyin kung bakit nakakagawa ng
ganitong pagkillos ang isang tao.Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
Kilos Dahilan
Hal: Pangongopya Magkaroon ng mataas
na marka
1.Pagsusugal
2.Pag-inom ng alak
3.Pangungupit
4.Pambubulas
5.Pagkahumaling sa computer

D. Gawain 4:
Panuto: Suriin ang suliranin nakalahad at Tukuyin ang layunin, paraan,at sirkumstansiya. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot.

Ngayong panahon ng COVID 19, pinaiiral ng pamahalaan ang


pananatili sa loob ng tahanan ng mga mamamayan, ngunit ang iyong
matalik na kaibigan ay matigas ang ulo at hindi sumusunod higit sa
lahat palagi pang nasa lansangan dahil ayaw mautusan ng gawaing
bahay at di naglaon sya ay isa sa biktima ng pandemya.

Layunin Sirkumstansiya
Paraan Kahihinatnan

V. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. pasiya B. kilos C. kakayahan D. damdamin
2. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng
kilos-loob?
A. Umunawa at magsuri ng Impormasyon C. Tumulong sa kilos ng tao.
B. Tumungo sa layunin o intension ng Isip. D. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
3. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
A. layunin B.paraan C. sirkumstansiya D. paano
4. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
A. layunin B. kilos C. sirkumstansiya D. kahihinatnan
5. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng layunin
A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos
B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob

VI. Pagninilay
Dahil sa lumalalang kaso ng COVId 19 sa ating bansa, bilang kabataan ano ang maaari ninyong
maiambag upang ang mapaminsalang pandemya ay di na lumala at tuluyan ng mawala. Bumuo ng
poster na nagpapakita ng tamang kilos sa panahon ng COVID 19. Isulat ang sagot sa hiwalay na
papel.

28
VII. Mga Sanggunian
 Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012

 Paano Magpakatao 10. Batayaan at Sanayang Aklat sa Edukasyon sa


Pagpapakatao Punzalan T., Caberio S., Nicolas, M at Reyes W., Rex Book Store,
Inc. 2019

Inihanda ni:
Mary Jane F. Bataller
Talon Village National High School

29
Aralin Mga Yugto Ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na
8 Pagpapasya

Kasanayang Pampagkatuto:

Napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansya ay nagtatakda ng pagkamabuti ng


pagkamabuti at pagkamasama ng kilos ng tao. (EsP10MK-llh-8.4)

Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyong


may dilemma batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya. (EsP10MK-lla-5.2)

Alamin
I. Paksa
Mga Yugto Ng Makataong Kilos at mga Hakbang Sa Moral Na Pagpapasya
II. Layunin
Napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansya ay nagtatakda ng pagkamabuti ng
pagkamabuti at pagkamasama ng kilos ng tao. (EsP10MK-llh-8.4)

Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyong may dilemma
batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya. (EsP10MK-lla-5.2)
III. Pamamaraan
Basahin at unawain.
May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama.
Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi.Una, layunin. Ito ay
tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ikalawa, Paraan. Ito ay ang
panlabas na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ikatlo, Sirkumstansiya. Ito ay
tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o
kasamaan ng isang kilos. Ikaapat, kahihinatnan. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan,
batayan,ay may kaakibay na pananagutan.
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Piliin at guhitan sa loob ng panaklong ang salitang angkop para mabuo ang pangungusap.
1. “Kilos ay suriin, (Tama, Mabuti) lagi ang piliin.
2. Ang makataong kilos ay bunga ng ating (Isip, damdamin) at kagustuhan na nagsasabi ng
ating katangian.
3.Ang bawat kilos ay may (katangian, layunin)
4. (Ano, Sino) Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos.
5. (Paano, Saan) Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.

B. Gawain 2:
Panuto Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat
ipinakitang kilos.

Matagal nang nais ni Nathan na magkaroon ng cellphone. Isang araw, habang mag-isa lamang
siya sa kanilang silid-aralan ay nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral ang cellphone nito.
Layunin_________________________________
Kinuha ito ni Nathan at itinago.
30
Layunin: Paraan
Sirkumstansiya Kahihinatnan

C. Gawain 3:
Panuto: Isulat ang iyong saloobin sa sitwasyon.

Naranasan mo na rin ba hindi magpaalam sa iyong magulang upang pumunta sa


kaarawan ng iyong kamag- aral? Paano mo hinusgahan ang iyong kilos?

D. Gawain 4:
Panuto: Magbigay ng mga paraan upang mapaunlad o maipakita ang mga sumusunod:

V. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot..
1. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. pasiya B. kilos C. kakayahan D. damdamin
2. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o
nakagaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
A. layunin B. paraan c. sirkumstansiya D. paano
3. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
A. layunin B. paraan c. sirkumstansiya D. paano
4. Si Dennis ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal
siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang
itinutulong niya sa mga ito ay galling sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga
nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Dennis?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailanagn.
B. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
C. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
5. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng layunin?
A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos
B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loos

VI. Pagninilay
Balikan mo ang iyong mga isinagawang kilos noong nakaraang lingo. Batay sa iyong mga
natutunan , Paano mo naipakita ang iyong makataong kilos.
VII. Sanggunian
 Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012

Inihanda ni:
Ma. Lourdes L. Rebadomia
Las Piñas East National High Schoo
31
SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin 1 Aralin 2

Aralin 3

Aralin 4

32
Aralin 5 Aralin 6

Aralin 7

Aralin 8

33

You might also like