You are on page 1of 2

ANG PAGSUSURI SA TULANG KAY RIZAL AT ANG DAIGDIG GAMIT ANG DULOG

FORMALISTIKO

Rasyunal

Tula ang isa sa mga uri ng akdang pampanitikan na masasabi nating dinamiko/buhay at
patuloy na lumalaganap. Ito ay ang paraan ng pagpapahayag ng nararamdaman
naiisip,likhang-isip o batay sa tunay na karanasan. Hindi madali ang makalimbag ng tula lalo na
kung hindi nagagawa ng isang manunulat na laruin ang kanyang imahinasyon, emosyon pati na
rin ang gamit ng mga salitang lalapatan ng intonasyon. Bilang isang kabataan at mag-aaral na
napabilang sa makabagong panahon na sumasabay sa modernisasyon, mahalagang malaman
kung ano nga ba persepsyon ng mga kapwa ko mag-aaral sa makabagong anyo ng tula at kung
paano ba nila ito niyayakap o tinatanggap. Ayon kay Jullian Cruz (2000), ang tula ay isang
kaisipang naglalarawan ng kagandahan ng kariktan ng kadakilaan.
Sa pananaliksik na iyo ay may layuning suriin ang formalikong pagdulog.Tinitingnan dito
ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Naging tanyag ang
pananaw na ito sa panunuring pampanitikan dahil na rin sa dami ng mga pagsusuring
ginagamitan ng ganitong pananaw.Sa pananaw na ito ay napag-alaman na hindi lamang
mahalga ang pagbabalangkas kundi pati na rin ang pagsusuring ginamitan ng ganitong
pananaw.

Layunin
Ang pangkalahatang layunin sa pagsusuring ito ay ang pagbibigay pansin sa anyo ng
panitikan. Binigbigyang nito ang markadong atensyon ang kaayusan, istilo, o paraang artistiko
ng teksto kung kaya sa pag-aaral na ito ang layunin ng mananaliksik ay makamit ang mga
sumusunod;
1.Matukoy kung paanong paraan naisulat ang akdang Kay Rizal at Ang Daigdig.
2.Mailahad ang tunguhin ng may-akda sa kanyang panitikan na nais niyang ipaabot sa
mambabasa, at
3.Mailantad ang nilalaman o tungkulin ng pananaw at matukoy ang kaanyuan ng tula.

Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito palarawan bago sinimulan ay naghanap ng mga datos sa libro,
dyornal,internet o mga artikulo hinggil sa formalistikong pagdulog.Nakukuha din ang mga
impormasyon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nailatha ng research paper.Pagkatapos
ng pagbabasa ay sinuri ng masinsinan ang dalawang akda na ibinigay ng guro para suriin ang
nilalaman ng mga akda. Ang unang ginawa ng mananaliksik ay sinuri kung ano ang istilo ng
pagkakasulat at maging ang paraan nito sa paglalahad. Matapos suriin ay isinunod ang
pagsusuri sa kung ano ang tunguhin at tungkulin ng may-akda kung ano ang nag-udyok sa
kanya naisulat ang naturang akda.Sumunod ay ang pagsusuri sa nilalaman pananaw,
anyo,kaayusan,istilo at maging ang artistiko ng teksto. Pagkatapos ng masinsinang pag-
aanalisa. Maingat na susuriin at pananatilihing tiyak ang lahat ng mga datos at impormasyong
ilalahad ng pananaliksik na ito. Sisiguraduhin ng mga mananaliksik na ang bawat pag-aanalisa
ay akma at mabibigyan ng kasagutan ang hinihinging bunga ng pananalik na ito.

Inaasahang Resulta

Ang ninanais ng pananaliksik na ito ay masuri ang akdang ibinigay ng guro gamit ang
formalistikong pagdulog na nakatuon sa anyo, porma o kagandahan ng akda. Sa pag-aaral na
ito gamit ang pagdulog na formalistiko ay napag-alaman at nabigyan ng kasagutan ang
inaasahang resulta sa pag-aaral. Kung saan mayroon itong tatlong layunin na malaman ang
paraan kung paano isinulat ng may-akda ang tula. Lumabas sa pagsusuri na ang paraan ng
pagkakasulat ay gumagamit ng bagay ang isang akda sa paglalarawan.Mapapansin din ang
mga salitang kanyang ginamit ay hindi lantaran o direktang isinisiwalat ang totoong kahulugan
ng salita.Nagkakaroon ng malawak na pag-iisip ang mga mambabasa sa kadahilanang
kailangan na pagtagpiin ang mga impormasyon mula sa una at pangalawang saknong para
makuha ang pangkalahatang ideya. Pangalawa, ang tunguhin ng may-akda sa kanyang isinulat
ay patungkol sa pagmamahal sa bayan na kung saan masususing sinuri ang bawat linya
maging ang nilalaman ng saknong at ito ay napag-alaman na bibibigyan diin ang pagmamahal
sa bayan.Pangatlo, ang tungkulin ng akda ay mabigyang ng pagapapahalaga ang bayan ang
bayang sinilangan.

You might also like