You are on page 1of 9

Pangalan: ABEGAIL MARIE A.

LIBRES BSCE 2-C

I. PAGTATAYA

Panuto: Talakayin ang mga sumusunod na gabay na katanungan. Isulat


ang iyong/inyong kasagutan sa isang buong papel.

1. Ano ang teorya? Ano ang gamit at kahalagahan nito sa pananaliksik-


panlipunan?

SAGOT: Ayon kay Nuncio at Nuncio, ang teorya ay binubuo ng mga


pagsasapangungusap ng mga ideya at dalumat-salita na nagpapaliwanag sa
relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto tungkol sa kaganapan,
karanasan at phenomenon. Ito ay tumutukoy sa estruktura ng ugnayan sa pagitan
ng realidad at dalumat- salita. Ang teorya ay wika dahil ito ay gumagamit,
lumilinang ng mga salitang ‘di payak at nakikipagtalastasan para maunawaan at
mailapit ito sa iba’t ibang tiyak na panukat, domeyn at kaligiran ng pananaliksik.

Ang Teorya ay nagsisilbing pundasyon ng kabuuan ng pag-aaral kaya’t


malaking bahagi ito ng isang pag-aaral o anumang uri ng pananaliksik. Magagamit
ito ng isang mananaliksik sa pagsusuri ng mga datos na nakalap at sa pagsagot ng
pangkalahatan at espisipikong layunin/tanong ng pag-aaral. Ang isang
mananaliksik ay nabibigyan ng pagkakataong bumuo ng koneksyon sa pagitan ng
abstrakto at ng konteksto.

2. Ano-ano ang mga teorya o pananaw sa pananaliksik na akma sa lipunang


Pilipino? Ano-ano ang batayang premis at esensya ng bawat isa? At paanong ang
bawat isa ay masasabing akma sa lipunang Pilipino?

◦ SAGOT: May iba’t ibang teorya o pananaw sa pananaliksik na aka sa lipunang


Pilipino isa dito ay ang teoryang Marxismo tungo sa kapayapaang nakabatay sa
katarungan. Ang Marxismo ay isang kalipunan ng mga sosyolistang doktrina na
itinatag nina Karl Marx at Friedrich Engels na may matibay na paniniwalang ang
kapitalistang lipunan ang tunay na dahilan ng paghihirap ng mga tao. Ang
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

paniniwala dito ay ang kapitalistang lipunan ang tunay na dahilan ng paghihirap


ng mga tao. Ang batayang premis at esensya nito ay nais ng mga Marxista ang
isang klasles na lipunang may tunay na kalayaan, pagkakapantay-pantay at
katarungan. Sa lipunang yaon ay wala nang mainiil. Akma ito sa lipunang Pilipino
dahil bilang teorya, ito ay magagamit sa mga paksang pananaliksik na may
kaugnayan sa migrasyon at diaspora, karahasan sa mga kababaihan, pang-aabuso
sa mga manggagawa, kahirapan, globalisasyon at iba pa.

Bukod dito ay mayroon ding sikolohiyang Pilipino na nakabatay sa kultura,


kasaysayan at wikang katutubo. Ang sikolohiya ay ang pag-aaral ng isip, diwa at
asal. Ang Sikolohiyang Pilipino ay ang sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan
at oryentasyong Pilipino. Sa pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino, mahalagang
dukalin at unawain ang konsepto ng kapwa o shared identity upang ganap na
maunawaan ang pamamaraan ng pag-iisip at pagkikilos ng isang Pilipino. Ang
pakikipagkapuwa ang pinakamahalagang sikolohiya at pilosopikong konsepto sa
Sikolohiyang Pilipino. Akma ito dahil nagagamit ang pananaw na Sikolohiyang
Pilipino sa mga pananaliksik sa kasaysayan, kultura at wika ng mga Pilipino na
nakatuon sa paraan ng pag-iisip at pagpapakahulugan ng mga partisipant o saklaw
ng pag-aaral.

Pangatlo ay ang Pantayong Pananaw, ay isang maka-pilipinong lenteng


pangkasaysayan na binuo ni Dr. Zeus Salazar na kinilala bilang “ama ng bagong
kasaysayan”. Ang teoryang ito ay nagsisilbi bilang lente sa maka-pilipinong pag-
aaral ng kasaysayan. Ayon kay Chua (1989), ang Pantayong Pananaw ay ang pag-
aaral ng kasaysayan natin sa ating sariling perspektiba gamit ang mga
konsepto/dalumat at isang wikang naiintindihan ng lahat. Ito ay mula sa salitang
tayo. Ito ay mga kwento at kasaysayan ng Pilipinong isinilaysay ng mga Pilipino
para sa mga Pilipino. Binabasag nito ang kinagisnan nang makadayuhang
pamamaraan ng pagsusuri at pag- aral ng kasaysayang tuon sa perspektiba ng mga
dayuhan. At dahil dito nagkakaroon ng sariling paraan ang mga Pilipino sa
pagsusuri at pag-aaral.
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

Sunod ay ang Intersectionality Theory o teoryang Feminismo. Batay sa tala, ang


Intersectionality Theory ay isang feminismong sosyolohikal na teoryang nabuo
noong 1989 ni Crenshaw, isang critical legal scholar na Amerikano. Para kay
Crenshaw, ang teoryang Intersectionality ay naglalarawan kung paano ang iba’t
ibang paraan ng diskriminasyon ay nararanasan o kung paanong ang
diskriminasyon ay bunsod ng magkakaiba subalit magkakaugnay na elementong
bumubuo sa tao o lipunan. Ayon sa mga eksperto, ang teoryang ito ay tumutukoy
sa kung paano ang iba’t ibang sangay ng identidad gaya ng lahi, kasarian, abilidad,
sekswal na oryentasyon, relihiyon at grupong kinabibilanganat mga kaugnay nito
ay nagiging ugat ng opresyon o pagmamalupit at pagmamaliit sa lipunan o
pribelehiyo. Ang batayang premis at esensya nito ay ang layunin nitong tugunan
ang rasismo, patriyarkang lipunan, opresyon ng lahi, at iba pang uri ng
diskriminasyong lumilikha ng ‘di pantay na pagtingin sa kababaihan. Akma ito
dahil magagamit ang teoryang ito sa mga pananaliksik na umiikot sa kalagayang
babae sa iba’t ibang setting.

Mayroon ding Pantawang pananaw, produkto ito ng kritikal na isipan at


malikhaing imahinasyon nina Dr. Rhoderick Nuncio at Elizabeth Morales Nuncio.
Tumutukoy (ang pananaw) sa pag-iisip ng tao. Pinagninilayan o pinag-iisipan ng
tao ang pagkakaroon ng pananaw. Sa pagbuo ng pananaw, inaabot ng tao ang
kahalagahan o kabalintunaan ng isang pangyayari. Kung isang interpretasyon ang
pananaw, maituturing ito bilang Kritika na tumutukoy sa pagbasa ng karanasan,
teksto, at kultura na inuunawa sa perspektiba ng kamalayan. Samakatuwid, ang
pananaw ay kritikal na pagbasa na nakaugat sa kontekstong panlipunan. Akma ito
dahil magagamit ang teoryang ito bilang lente sa pag-aaral o pagsusuri ng mga
dulang panteatro (komedya at sarswela) dulang panradyo (kwentong kutsero),
kwentong-bayan (kwento ni Matsing), awit, sayaw, pelikula, programa sa
telebisyon, stand-up comedy, at iba pang may elmento ng pagpapatawa tungo sa
pagbasang kritikal.

At ang panghuling teorya o pananaw sa pananaliksik na akma sa lipunang


Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

Pilipino ay ang Teoryang dependensya. Ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang


pagkabigo ng mga ‘di industrialisadong bansa na magpaunlad ng ekonomiya sa
kabila ng mga puhunan mula sa mga industrialisadong mga bansa. Ang sentral na
argumento sa teoryang ito ay: Labis ang ‘di pagkakapantay-pantay ng
ekonomiyang pandaigdig sa distribusyon ng kapangyarihan at yaman bunga ng
kolonyalismo at neokolonyalismo. Ito ang naglalagay sa maraming bansa sa
posisyon ng dependent o umasa.

3. Ano-ano ang iba pang teorya o pananaw sa pananaliksik na akma sa lipunang


Pilipino? Ano-ano ang batayang premis at esensya ng bawat isa? Bakit at paanong
ang bawat isa sa mga iyon ay masasabing akma sa lipunang Pilipino?
SAGOT: Bukod sa nabanggit ay mayroon ring Bakod, Bukod, Buklod.
Maituturing naman na sangandaan ng ilang konseptong Marxista at ng mga konseptong
sariling atin ang pagdadalumat ni Morales-Nuncio (2012) sa konseptong
Bakod/Bukod/Buklod sa aklat na Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod, at Buklod
bilang Espasyo at Biswal mula Tabuan Hanggang SM City North EDSA. Batay sa aklat na
ito, ang mga mall ay pisikal na nakahiwalay (may bakod) sa iba pang lugar, at may
figurative din na bakod – ang paghihiwalay sa may kakayahang mag-mall at sa walang
pambili ng mga produkto rito, kaya nagbubukod din ang mall: nagbubukod-bukod sa iba’t
ibang uring panlipunan depende sa mall at sa tindahan sa loob ng mall mismo. Pangalawa
ay kritikal na diskurso sa globalisasyon. Ito ay ang pagiimpluwensya at interaksyon ng
iba’t ibang organisasyon,companya, at mga negosyo sa buong mundo. Ito ay naglalayon
ng pag-unlad at pagpapalago ng ekonomiya. Akma ito sa lipunang Pilipino dahil patuloy
pa ang pagdaan ng Pilipinas tungo sap ag-unlad lalo na ang aspektong pang ekonomiya
nito.

4. Aling suliranin o aspektong panlipunan sa kasalukuyan ang naiisip mong/


ninyong saliksikin? Aling toerya o pananaw sa pananaliksik ang sa palagaw
mong/ninyong akmang gamiting teoritikal na batayan? Ipaliwanag ang iyong/inyong
sagot.
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

SAGOT: Ang suliranin o aspektong panlipunan sa kasalukuyan ang naiisip


kong saliksikin ay ang diskriminasyon at pang aabusong pisikal sa mga kasapi ng
LGBTQ Community. Ang toerya o pananaw sa pananaliksik ang sa palagaw kong
akmang gamiting teoritikal na batayan ay Intersectionality Theory o teoryang
Feminismo. Sa kadahilanang ang teoryang ito ay may layunin na tugunan ang
rasismo, patriyarkang lipunan, opresyon ng lahi, at iba pang uri ng
diskriminasyong lumilikha ng ‘di pantay na pagtingin sa kababaihan. Hindi na bago
sa atin ang mga sitwasyong inaapi ang karamihan sa mga nasa kumunidad na ito
kaya’t nais kong saliksikin ang mga detalye at para na rin mapukaw ang ibang tao
lalong lalong na ang mga nang aabuso sa kanilang kamaliang ginagawa. Dahil
malapit sa akin at marami akong kaibigang nabibilang sa kumunidad na ito kaya’t
nais ko silang protektahan at bigyan ng pagkakataong mamuhay ng normal na
hindi nakikita ang kanilang sekswalidad kundi ang kanilang potensyal at
kakayahan.

II. KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Pumili ng dalawa mula sa mga sumusunod na paksa at


pagkatapos magsaliksik hinggil sa mga teorya, pananaw, akma sa paksang itatakda
sa inyo. Isulat sa isang buong papel.

a. Pagbabaklas/Pagbabagtas

b. Bakod, Bukod, Buklod

c. Mga Kritikal na Diskurso sa Nasyonalismo

d. Mga Diskurso sa Nasyonalismo

SAGOT:
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

Mga Diskurso sa Nasyonalismo

Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa isang sistemang pampolitika, panlipunan, at


pang-ekonomiya na inilalarawan ng pagsusulong sa interes ng partikular na nasyon upang
higit na makamtan ang layunin na makuha at mapanatili ang kanyang sariling soberanya o
sariling pamahalaan. Pinanghahawakan ng ieolohiyang ito na ang isang pamayanan ay
kailangang manatili na hindi pinanghihimasuka ng ibang nasyon. Nakaugnay dito ang
konsepto ng sariling determinasyon (self-determination). Ito ay kailangan upang higit na
mapaunlad at mapanatili ang pambansang pagkakakilanlan batay sa ibinabahaging katangian
ng lipunan katulad ng kultura at wika, relihiyon at politika, at paniniwala sa iisang
pinanggalingan (Smith, 1998) at (Triandafyllidou, 1998).
Samakatwid, ang nasyonalismo ay naglalayong panatilihin ang kultura ng isang
nasyon sa pamamagitan ng pagmamalaki sa lahat ng natamo ng isang bansa, at may
kaugnayan sa na kinasasangkutan ng paniniwala na ang nasyon ay kailangang kontrolin ang
gobyerno ng isang bansa at ang mga pamamaraan ng produksyon (Nairn at James, 2005) at
(James, 2006).
Kaugnay ng mga diskurso sa nasyonalismo, marami sa mga sinulat ng mga bayani
ng bansa ay maaaring gamitin sa pagbuo ng mga batayang teoretikal. Halimbawa, maaaring
balikan ang ideya ng nasyonalismo sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” at sanaysay na
“Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni Andres Bonifacio, gayundin ang “Kartilya ng
Katipunan” at ang sanaysay na “Ningnging at Liwanag” ni Emilio Jacinto. Ang mga pagsusuri
sa mga akda ng mga bayaning Pilipino ay mainam ding sanggunian para sa mga diskurso
hinggil sa nasyonalismo, gaya ng sanaysay na “Ang Apat na Himagsikan ni Francisco Balagtas”
ni Lope K. Santos at ang artikulong “Perspetibo, Realismo, at Nasyonalismo” ni Rolando
Tolentino.
Batas
House Bill 6643 "An act enhancing the Philippine Basic Education system by strengthening its
curriculum and increasing the number of years for basic education, appropriating funds
therefore and for other purposes. "
Senate Bill 3286 - magkakaroon na ng 12 years in basic education kung saan na kailangang
dumaan ang estudyante sa Senior High.
Nasyonalismo - ay isang katangian na dapat taglayin ng isang tao. Ito ay tumutukoy sa
pagmamahal at pagmamalaki sa sarili mong bayan o pagiging makabayan.
Mga Nasyolistang Pilipino:

 Jose Protacio Rizal


 Andres Bonifacio
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

 Emilio Hacinto
 Renato constantino

Kung hindi nasyonalista ang K - 12 dapat ito isantabi at palitan ng isang programmang pang-
edukasyong progresibo at nasyonalista.

SAGOT:
Bakod, Bukod, Buklod
Maituturing naman na sangandaan ng ilang konseptong Marxista at ng mga
konseptong sariling atin ang pagdadalumat ni Morales-Nuncio (2012) sa konseptong
Bakod/Bukod/Buklod sa aklat na Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod, at Buklod bilang
Espasyo at Biswal mula Tabuan Hanggang SM City North EDSA. Batay sa aklat na ito, ang mga
mall ay pisikal na nakahiwalay (may bakod) sa iba pang lugar, at may figurative din na bakod
– ang paghihiwalay sa may kakayahang mag-mall at sa walang pambili ng mga produkto rito,
kaya nagbubukod din ang mall: nagbubukod-bukod sa iba’t ibang uring panlipunan depende
sa mall at sa tindahan sa loob ng mall mismo.
Makikita sa Talahanayan 1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis na
“Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia ni Valerie Lopez (2015):
Talahanayan 1
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C
Pangalan: ABEGAIL MARIE A. LIBRES BSCE 2-C

You might also like