You are on page 1of 2

UPUAN

Ni Gloc 9 ft. Jeazell Grutas

Bakit may mga taong sakim sa kapangyarihan? Hindi ba nila kayang mabuhay ng patas?
Ang kantang ginawa ni Gloc 9 ay tungkol sa katiwalian ng gobyerno sa Pilipinas. Ang pamagat
na “Upuan” ay tumutukoy sa isang literal na upuan na kung saan inuupuan ng mga tao. Ngunit sa
kantang ito, tinutukoy rito ang mga taong nakaupo sa mataas na posisyon na may kakayahang
gawin ang lahat ng kagustuhan.

Isinasabi ng chorus “Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo. At baka
matanaw, at baka matanaw ninyo. Ang tunay na kalagayan ko. Dapat malaman ng gobyerno ang
hirap ng Pilipinas, dahil sila ang nagpabaya ng bayan nila. Halatang-Halata ang kondisyon na ito
sa ating bayan nung panahon ni Aroyo, at Aquino. Dahil maraming ebidensya na nagnanakaw
ang constitusyon nila ng pera para sa kanilang pagastos. Kaya napabayaan ang Pilipinas, at
dumami ang mahihirap na tao. At di alam ng gobyerno ang problema na ito dahil sa masiyahan
gastos nila sa pera ng bayan.

Ang awiting upuan ay tungkol sa mga politiko na nangungurakot at namumuhay nang


masagana habang ang mga mamamayan ay lubog sa kahirapan. Ito ang awitin at linyang aking
napili, dahil simula pa lamang noon hanggang sa kasalukuyan ay nangyayari na ang sitwasyong
tinutukoy sa awiting upuan. Ang mga pulitiko at gobyerno ay patuloy na nagbubulag-bulagan sa
kondisyon at nangyayari sa bansa at sa mamamayang Pilipino. Hindi nila binibigyan ng solusyon
ang mga problemang nangyayari sa bansa dahil sila ay nasisilaw sa kayamanan at nagiging
makasarili. Sila ay mayroong mga magagarang sasakyan, kasuotan at nakatira sa mga malalaki at
magagandang bahay ngunit hindi nila nakikita at naririnig ang kalagayan at hinaing ng bawat
Pilipino.

Base sa liriko ng kantang ito, nagbibigay ng sitwasyon si Gloc-9 kung saan lubos na
naipapakita ang kahirapan sa ating bayan. Inilarawan niya ang sitwasyon ng isang mayaman na
mayroong napakaraming bagay na wala ang mahihirap. Inilarawan niya ang bahay na malaki,
“may malawak na bakuran, matataas na pader at pinapaligiran ng mga mamahaling sasakyan”.
Sa loob naman ay palagi may mga taong naka-barong, palaging merong pagkain na “hindi
tutong” at palaging may hamon kahit walang okasyon. Ilan lamang iyan sa mga ginamit na
paglalarawan ukol sa buhay ng mayayaman. Mimumungkahi nito ang pagpapabulag bulagan ng
mga taong nakakataas sa mga isyu ng ating bayan. Pinapakita rito ang pagiging sakim at
madamot ng mga taong umaabuso sa kanilang kapangyarihan, wala silang balak para sa bayan.
wala silang pakialam, kahit na ito naman ang dahilan kung bakit nakaupo sila sa upuan.

Iba ito sa mga kantang nakagawian natin, mga kantang hiphop at lovesong. Mga kantang
tinatangkilik ng marami dahil sa napukaw nito ang kanilang emosyon. Ngunit iba ito, iba ito sa
kanila. Ang kantang ito ay patungkol sa gobyerno at sa ating mga Pilipino. Ito ang nagustuhan ko
sa kantang ito, may lakas ng loob ang sumulat na sabihin ang kanyang obserbasyon sa ating
lipunan. Siya ay di sumama sa mga grupo ng tao na nagpapadala na lamang sa desisyon ng
nakatataas, natuto siyang mamulat sa tunay na buhay. Ang kantang ito ay napakamakahulugan,
hindi ito yung kantang papakiligin tayo o papaiyakin, ito ang kantang hahamunin at mumulatin
tayo sa tunay na mundo. Mumulatin tayo sa takbo ng ating lipunang ginagalawan at hahamunin
tayong aksyunan ang mga panlipunang suliranin. Hind ito binuo para lamang sumikat, may
mensahe ito para sa bawat mamamayan at para narin sa mga lider na ating pinagkatiwalaan
ngunit walang ginawa kundi ang payabungin ang kanilang mga buhay imbis na ang buhay ng
bawat mamamayan at ng buong bansa.

You might also like