You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG KABITE


Kampus Barangay Bagtas
Tanza, Cavite 4108
🕾 (046) 414-3979
www.cvsu.edu.ph

ESCOBIDO, JENNY B. SEPTEMBER 29, 2022


BEE 2-3 SIR FAHAD GOTE

REAKSYONG PAPEL SA PELIKULANG


Austronesians (Taiwan Nusantara Melanesia Polynesia Micronesia Madagascar
Champa)

Base sa aking napanood ang mga isyu na nakapalood dito ay may mga iilang
bansa ang mga hirap sa pagkuha ng mga pangangailangan at walang sapat na
kagamitan. Ang mga austronesian ay naglalayag at nagpupunta sa iba't ibang bansa at
sila ay nagpapakilala ng mga bagong kagamitan na malaking tulong sa mga bansa na
kanilang pinupuntahan. Malaking tulong ang kanilang mga dala na kagamitan dahil
kadalasang kanilang dala sa paglalakbay ay mga kagamitan na nakakatulong sa
agricultural. Ang iilan sa mga ito ay nagtatayo ng mga estraktura at pagkatapos ay
maglalayag na naman papunta sa ibang bansa, parang pinapakita dito sila ay
nananakop ngunit sa magandang paraan dahil hindi sila gumagamit ng pisikal na
pamamaraan. Bandang kalagitnaan ng aking napanood doon na nagsimula ang mga
pisikal na pananakop. May iilan pakong nakita na gustong sakupin ng isang lugar ang
partikular na bansa dahil mayroong magandang yaman o likas na yaman kung kaya
doon umusbong ang pananakop.
Ano nga ba ang kaugnayan nito sa kasaysayan ng pilipinas, pinapakita dito kung
paano pinaglaban ng ating bansa at teritoryo ng ating bansa sa ibang mananakop.
Doon palang makikita na natin na grabe ang pakikipagdigmaan natin upang hindi
masakop ng iba. Bukod pa dito pinapakita satin na ganoon ang paghihirap na hinarap
nila. Napakalaking tulong nito upang maging mulat ang iilan saatin kung ano ang naging
kasaysayan ng bansang pilipinas. Ang aking natutunan sa aking napanood ay
mahalaga na maging may alam ako sa kasaysayan, hindi lang sa kasaysayan ng
bansang pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Paano nagsimula ang digmaan dahil sa
pagiging sakim ng iilang bansa. Ito ay isang paraan upang maiparating saamin at sa
ibang tao na hindi biro ang mga pangyayari noon at kung sakali man na mayroong
magtanong ako may masasabi at masasagot. Ako ay lubos na naging masaya sa aking
napanood dahil ako ay may natutunan at nalaman na namang bagong kaalaman.

You might also like