You are on page 1of 11

DEPARTMENT OF TEACHER

EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

Visayas State University


College of Education
Department of Teacher Education
Baybay City, Leyte

Pangalan: Joshua C. Lubay Kurso at Taon: BSEd Social Studies


Ria Madyl S. Polistico
Jinky B. Omboy
Alexandra B. Rodriguez

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8


Unang Digmaang Pandaigdig

Asignatura: Araling Panlipunan Baitang: Grade 8


Markahan: Ika-apat

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at sama-samang pagkilos sa
kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga Gawain programa,


proyekto sa antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

C. Pamantayan sa Pagkatuto

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral inaasahang nagagawa ang


mga sumusunod:
a. Nasusuri ang mga dahilang nagbigay-daan sa Unang Dimaan
Pandaidig.
b. Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa
Unang Digmaang Pandaigdig.
c. Natataya ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandadig.

II. Nilalaman

a. Paksa: Ang Unang Digmaang Pangdaigdig


b. Sanggunian: AP8AKD-IVa- 1
c. Kagamitang Panturo:
 Larawan, Cartolina, Manila Paper, Kulayang Papel, at Pentelpen
DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

III. Pamamaraan

AKTIBIDAD NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL

A. Paunang Gawain
(Ang mga mag-aaral ay iyuko ang kanilang
a. Panalangin mga ulo at makikinig sa iniharap na
Bago natin simulan ang ating talakayan, panalangin)
manalangin muna tayo. Mangyaring
iyuko ang iyong mga ulo at pakiramdam
ang presensya ng Panginoon.

b. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat.
Bago tayo magsimula sa ating Magandang umaga, binibini.
diskusyon, ako muna ay magpapakilala.
Ako nga pala si Ria Madyl Polistico, pero
pwede niyo akong tawaging Binibining
Ria. Ako ay kasalukuyang kumukuha ng
BSED-Social Studies at ako ay nakatira
sa Inopacan, Leyte.
“ Tungkol sa Nasyonalismo sa Latin America”
d. Pagbabalik-Aral
Magbabalik aral tayo tungkol sa huli
nating tinalakay, tungkol saan ang huli
nating tinalakay?
Hindi, lumaganap ang nasyonalismo
Lumaganap ang nasyonalismo sa Africa,
pagkaraa ng Ikalawang Digmaang
ngunit naging madali ba ang pag-usbong
Pandaigdig. Maraming bansa ang naging
ng damdaming nasyonalismo sa Africa?
malaya nang walang karahasan ngunit may
mga bansang dumanak ng dugo bago nila
nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo
(Zaire) at Algeria.

Magaling! May tanong pa ba kayo (Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring


tungkol sa Nasyonalismo sa Latin magkaka-iba)
America?
DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

B. Pag-unlad na Aktibidad

a. Pagganyak

Magpapakita ang guro ng mga larawan


tungkol sa mga dahilan na nagbigay
daan sa Unang Digmaang Pandaigdig at (Ang mga magaaral ay magsisimulang hulaan
tutukuyin nila ang mga konseptong base sa mga larawang ibinigay at
nilalarawan sa pamamagitan ng pag kompletuhin ang mga wastong letra sa loob
pupuno sa wastong letra. ng kahon)

A Y A

Sagot: Alyansa

(Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring


magkaka-iba)

M I T A S O

Sagot: Militarismo
DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

I P Y L O

Sagot: Imperyalismo

N S N L M

Sagot: Nasyonalismo

T L E L I N E

Sagot: Triple Alliance

b. Pagsusuri

Batay sa mga larawang ipinakita at sa


inyong mga nabuong sagot, ano ang
mahihinuha ninyo sa mga salitang ito?
May magkakaugnay bang salita? Kung (Binibining Alexandra, para po sa akin ang
mayroon, paano ito nagkakaugnay- mga salitang ito ay may kaugnayan sa
ugnay? Sinuman mula sa klase ay naganap na Unang Digmaang Pandaig-dig.)
maaring sumagot.

Magaling at salamat. Tama ang iyong


sagot dahil ito ay mga dahilan na
nagbigay daan sa naganap sa Unang
Digmaang Pandaigdig na siyang
tatalakayin natin sa araw na ito.

c. Abstraksyon

Kaugnay sa nagawang aktibidad, kayo


ay inaasahan na mauunawaan at
masusuri ninyo ang mga dahilan at mga
DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

pangyayaring nagbigay daan sa Unang


Digmaang Pandaigdig, gayundin ang
mga usaping ng mga bansang sangkot
sa digmaan. At bibigyang pansin din
natin ang matinding epekto na nag iwan
ng malalim na sugat at aral sa
kasayasayan ng sangkatauhan.

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Mga Sanhi ng Unang Digmaang


Paindigdig

1. Nasyonalismo - Ang damdaming


nasyonalismo ay nagbubunsod ng
pagnanasa ng mga tao upang maging
malaya ang kanilang bansa. At kung
minsan ito ay lumalabis at nagiging
panatikong pagmamahal sa bansa.

2. Imperyalismo - isa itong paraan ng


pag-aangkin ng mga kolonyal at
pagpapalawak ng pambansang
kapangyarihan at pag-unlad ng mga
bansang Europe.

3. Militarismo - Upang mapangalagaan


ang kani-kanilang teritoryo,
kinakailangan ng mga bansa sa Europe
ang mahuhusay at malalaking hukbong
sandatahan sa lupa at karagatan,
gayundin ang pagpaparami ng armas.

4. Pagbuo ng mga Alyansa - dahil sa


inggitan, paghihinalaan, at lihim na
pangamba ng mga bansang
makapangyarihan, dalawang
magkasalungat na akyansa ang nabuo -
ang Triple Entente at ang Triple Alliance.
DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

Ang Pagsisimula at Pangyayari sa


Unang Digmaang Paindigdig

Hunyo 28, 1914 - pinatay si Archduke

Franz Ferdinand at ang asawa nitong si


Sophie ni Gavrilo Princip habang sila ay
naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng
Imperyong Austria-Hungary.

1. Ang Digmaan sa Kanluran - Dito


naganap ang pinakamainit na labanan
noong Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang bahaging nasakop ng digmaan ay
mula sa hilagang Belhika hanggang sa
hangganan ng Switzerland.

2. Ang Digmaan sa Silangan -


Lumusob ang Russia sa Prussia
(Germany) sa pangunguna ni Grand
Duke Nicholas, pamangkin ni Czar
Nicholas II. Ngunit nang dumating ang
saklolo ng Germany, natalo ang hukbong
Russia sa Digmaan sa Tannenberg.
Nagtagumpay ang hukbong Russia sa
Galicia.

Upang makaiwas ang Russia sa


digmaan, nakipagsundo si Lenin sa ilalim
ng pamahalaang Bolshevik sa Germany
sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty
of Brest-Litovsk.
DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

3. Ang Digmaan sa Balkan - Sumapi


ang Bulgaria sa Central Powers noon
Oktubre, 1915. Noong taong 1916,
karamihan sa mga estado ng Balkan ay
napasailalim na ng Central Powers. Ang
Italy naman ang tumiwalag sa Triple
Alliance at nanatiling neutral. Noong
1915, sumali ito sa magkaanib na bansa.

4. Ang Digmaan sa Karagatan - Sa


unang bahagi ng digmaan ay
nagkasubukan ang mga hukbong
pandagat ng Germany at Great Britain.
Naitaboy ng mga barkong pandigma ng
Germany mula sa Pitong Dagat (Seven
Seas) ang lakas pandagat ng Great
Britain. Dumaong ang bapor ng Germany
sa Kanal Kiel at naging mainit ang
labanan.

Ang mga Naging Bunga ng Unang


Digmaang Pandaigdig

Umabot sa 8,500,000 katao ang


DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

namatay sa labanan. Nasa 22,000,000


naman ang tinatayang nasugatan.
Samantalang 18,000,000 ang sibilyang
namatay sa gutom, sakit,at paghihirap.
Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang
umabot sa 200 bilyong dolyar.

Nabago ang mapa ng Europe dahil sa


digmaan. Nag-iba rin ang kalagayang
pampolitika sa buong daigdig. Ang
Austria at Hungary ay nagkahiwalay. Ang
bansang Latvia, Estonia, Lithuania,
Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, at
Albania ay naging malalayang bansa.
Apat na imperyo sa Europe ang
nagwakas: ang Hohenzollern ng
Germany, Hapsburg ng Austri-Hungary,
Romanov ng Russia, at Ottoman ng
Turkey. Ang mga itinalaga ng kasunduan
sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit
sa Germany at ang pagkapahiya ng
Germany ang dahilan ng muli nilang
paghahanda upang maging
makipaglaban sa mga bansang alyado.

Mga Kasunduang Pangkapayapaan

Bumalangkas ang mga nanalong bansa


ng kasunduang pangkapayapaan sa
Paris noong 1919-1920.

Ang mga pagpupulong na ito ay


pinangunahan ng mga ninuno na
tinatawag na Big Four: Pangulong
Woodrow Wilson ng US; Punong
Ministro Davi Lyod George ng Great
DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

Britain; Vittorio Emmanuel Orlando ng


Italy; at ang Punong Ministro
Clemenceau ng France.

Ang Labing-apat na Puntos ni


Pangulong Woodrow Wilson

Binalangkas ni Pangulong Wilson noong


Enero 1918 ang labing-apat na puntos
na naglalaman ng mga layunin ng United
States sa pakikidigma. Narito ang anim
sa mga puntos na nakapagsunduan ang
sumusunod:

1. Katapusan ng lihim na pakikipag-


ugnayan;

2. Kalayaan sa karagatan;

3. Pagbabago ng mga hangganan ng


mga bansa at paglutas sa suliranin ng
mga kolonya ayon sa sariling
kagustuhan ng mga mamamayan;

4. Pagbabawas ng mga armas;

5. Pagbabawas ng taripa; at

6. Pagbuo ng Liga ng mga Bansa.

D. Paglalapat

Ngayong natapos na nating talakayin


ang mga sanhi at epekto ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Kumuha ng isang
buong papel. Sagutin ang mga
katanungan na ito:
1. Ang mga pinuno na nanguna sa Unang
1. Sino-sinong pinuno ang nangunguna Digmaang Pandaigdig ay sina; Czar Nicholas
sa Unang Digmaang Pandaigdig? II ng Russia, Gorges Clemenceau ng France,
2. Saang bahagi ng daigdig naganap David Lloyd George ng Great Britain, Kaiser
ang pinakamainit na labanan? Wilhelm II ng Germany, at Woodrow Wilson
ng United States of America.
3. Paano nakaapekto ang digmaang ito
sa mundo? 1. Sa Kanlurang Europe naganap ang
DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

(Pagkatapos sagutan ang mga tanong pinakamainit na labanan noong Unang


Digmaang Pandaigdig.
kolektahin ang mga papel ng mga mag-
2. Ang unang digmaang pandaigdig o World
aaral) War I ay isa sa mga pinakamalagim at
malaking digmaan sa kasaysayan. Maraming
tao ang nasawi, maraming mga bahay at
gusali ang nawasak at nasira, at maraming
mga bansa ang nadamay. Nakaapekto ito sa
buong daigdig sa pamamagitan ng ilang mga
sumusunod:
• Maraming mga bagong armas at teknolohiya
ang naimbento at ginamit na naging sanhi ng
mas maraming pagkasira na hindi pa nakikita
o nararanasan sa ibang mga giyerang
nangyari.
• Nagkaroon din ng pagkalaya and ibang mga
bansa (national independence). Sa digmaan
ng iba’t ibang mga bansa, marami ditto ang
nakakamit o nakakamtan ng Kalayaan
matapos ang malagim na pangyayaring ito.
• Nagkaroon ng palitan o pagbabago sa
kapangyarihan o kalakasan ng bansa. Ang
dating malalaki at makapangyahirang mga
bansa tulad ng Austria at Hungary ay tila
sumailalim sa Amerika. Ang Amerika na
ngayon ang nagging sentro ng pulitika,
pinansyal, at mga militar. 

E. Pagtataya

Upang mas maunawaan ang buong


pangyayari, punan ng impormasyon ang
Story Map upang masuri ang dahilan,
pangyayari, at epekto ng Unang (Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring
Digmaang Pandaigdig. Isulat ito sa magkaka-iba)
kalahating papel.

TAUHAN TAGPUAN DALOY NG PANGYAYARI EPEKTO

SIMULA KASUKDULAN WAKAS

IV. Takdang Aralin


DEPARTMENT OF TEACHER
EDUCATION
Visca, Baybay City, Leyte, PHILIPPINES
Telefax: 563-7527
Email: dte@vsu.edu.ph
Website: www.vsu.edu.ph

Lubhang mapaminsala ang naganap na digmaan sa daigdig. Nagdulot ito ng


panganip sa ekonomiya, kalusugan, at maging sa larangan ng pulitika. Lahat ay
naapektuhan; bata, matanda, mayaman at mahirap. Bilang mga mag-aaral;
papangkatin ang buong klase sa tatlo at isagawa ang nakaantas sa kanilang grupo.

Unang Pangkat: Panel Interview - Tungkol sa mga dahilan ng Unang


Digmaang Pandaigdig.

Pangalawang Pangkat: Human Frame - Tungkol sa mahahalagang


pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig.

Ikatlong Pangkat: Role Play - Tungkol sa epekto ng Unang Digmaang


Pandaigdig.

PAMANTAYAN PUNTOS

Nilalaman o Mensahe 10

Pagkamalikhain 5

Kaayusan 5

KABUUAN 20

You might also like