You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

ACTIVITY SHEETS
PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO
ARALING PANLIPUNAN (Week 7)

SAN JUAN SITIO BALAYAN ELEMENTARY

Name: _______________________ Score:_________

Grade: __________ Date: __________

PANIMULA

Maraming pinuno ng bansa ang nagnais na palitan ang tawag na ito sa atin. Mga dayuhan

naman daw ang nagpangalanng ng Filipino sa atin. Nais ng ilan ang Maharlika, ngunit ito daw ay

Sanskrito at galing sa India. Ang iba naman ay gusto ng Maynilad, ngunit marami din ang

sumalungat. Ito daw ay para sa mga Tagalog lamang. Dahil dito, nananatiling Pilipino ang tawag sa

atin. Mapapansin mo marahil na iba’t iba ang anyo nating mga Pilipino. Ang mga teorya ng

pinagmulan ng lahing Pilipino ang makapagbibigay paliwanag kung bakit.

Alamin mo

Ano-ano ang mga teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino?

Ano-ano ang mga ebidensya na nagpapatunay sa bawat teorya?


Balik tanaw

Piliin ang pinakatama at itiman ang bilog ng titik ng iyong sagot.

_____1. Ang kauna-unahang tao na nakarating sa Pilipinas ay ang mga:

A. Indones B. Malay C. Austronesyano D. Ita

_____2. Ang pinagmulan ng lahing Pilipino ay

A. iisa lamang B. dalawa lamang C. tatlo lamang D. marami

_____3. Ang paggawa ng kagamitang metal ay laganap noong panahon ng

A. paso B. paghahabi C. bagong bato D. lumang

bato

_____4. Ang mga Pilipino sa panahon ng metal ay

A. nagtatanim na B. naghahabi na C. nangangaso D. pumipitas ng prutas

at gulay

_____5. Ang paglaganap ng tao sa Pilipinas ay

A. nagpayabong ng kulturang Pilipino C. nagpalaganap ng paggamit ng metal

B. nag-udyok sa permanenteng paninirahan D. nagpasimula ng paghahabi ng mga damit

I. Alin ang HINDI nagpapatunay sa mga sumusunod na pahayag?

1. Ang mga lupain ng daigdig dati ay magkakarugtong. Naghiwalay lamang ito dahil natunaw ang

mga bundok ng yelo.

a. Magkakaiba ang wika sa bawat bahagi ng Pilipinas.

b. Ang mga halaman at hayop sa mga magkakarugtong na lupain ay pareho.

c. Ang mga taong naninirahan sa mga nasabing magkakarugtong na mga lupain ay may

pagkakahawig.

2. Ang Pilipinas ay nabuo dahil sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng dagat.


a. Maraming bulkan ang naririto sa bansa.

b. Ang Pilipinas ay isang arkepelago o kapuluan.

c. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nasa Pacific Ring of Fire.

3. Pumunta sa Pilipinas ang mga Negrito.

a. Ang pangunahing hanapbuhay sa bansa ay pagsasaka.

b. Ang mga Aeta ay isa sa mga pangkat etniko sa Pilipinas.

c. Ang ibang mga Pilipino ay maiitim, maliliit, ay may makakapal na labi.

4. May dalawang pangkat ng mga Indones ang dumating sa Pilipinas.

a. Ang paraan ng pagsulat ay halos magkapareho.

b. Ang mga Pilipino ay may paniniwalang paganismo.

c. Ang mga Indones at Pilipino ay may pagkakahawig.

5. Ang mga Malay ang pangatlong pangkat na pumunta sa Pilipinas.

a. Nabuo ang konsepto ng pamahalaang barangay.

b. Ang mga Pilipino ay may paniniwalang paganismo.

c. Ang paraan at paggamit ng mga armas tulad ng itak, balaraw at lantaka.

II. Piliin ang sanhi ng mga sumusunod na pangyayari. Isulat ang titik ng iyong sagot.

1. Natuto tayong magtanim ng palay.

a. Dinala ito ng mga Indones sa bansa

b. Ipinamana ito ng mga Negrito sa atin

c. Tinuruan tayo ng mga Malay na magtatanim ng palay


2. Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang katangiang pisikal.

a.Nagkalat ang mayayaman dati sa bansa.

b.Iba’t iba ang mga lahing pumunta at namalagi sa Pilipinas.

c. Marami ang masasarap at masusustansyang pagkain sa bansa.

3. Ginagalang ng mga Pilipino ang kalikasan.

a. Ang ating mga ninuno ay mapagmahal sa likas na kapaligiran.

b. Ang mga unang Pilipino ay sumasamba sa mga bagay sa kanilang paligid.

c. Ang ating mga ninuno ay mahilig magtanim ng iba’t ibang klase ng halaman.

4. Maraming bulkan sa Pilipinas.

a. Mainit ang klima sa Pilipinas.

b. Maraming umaapoy na putik sa ilalim ng Pilipinas.

c. Nabuo ang Pilipinas sa paggalaw ng lupa sa ilalim ng dagat.

5. Ang mga Pilipino ay may pagkakahawig sa ibang tao sa mga karatig bansa.

a.Magkatulad ang ating klima

b.Pareho ang ating mga ninuno.

c. Iisa lamang tayo ng kinakain sa kanila.

You might also like