You are on page 1of 1

Rationale: Epekto ng online games sa mga bata

Layunin: Pagbibigay impormasyon sa mga bata ang di magandang epekto ng online games

Metodolohiya: Gagamit ng deskriptibong sarbey na ipapasagot sa mga bata nag lalaro nang online
games

Inaasahang output o resulta: Inaasahang malilimitahan ang paglalaro ng mga bata nang online games

I. Rationale

Ang paglalaro at online games ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa mga kabataang
gumagamit nito, mahirap itanggi higit sa lahat at nasa paligid lamang, ang pagkakaroon ng kasiyahan at
paglimot sa mundo ng ating mga alalahanin ay may masamang epekto bilang isang adiksyon.

Sa Pilipinas, ang online games ang isa sa pinakapinaglalaro ng mga kabataan ngayon, at lalong lumalabas
sa paaralan dahil sa sobrang paglalaro, at ito ang bumabagabag sa mga estudyante magulang at
paaralan.

Ang online gaming ay isang malawakang ginagamit na computer network na kadalasang ginagamit dito
ay ang internet. Noong 1990s, mayroong iba't ibang uri ng LAN protocol (tulad ng IPX), at kahit na ang
Internet ay gumamit ng TCP / IP.

II. Layunin

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman kung paano natin maiiwasan ang mga online games at
malaman ang mga negatibong epekto nito sa mga kabataan, lalo na ang mga kabataan na may libo-
libong posisyon o laging nakatutok lamang sa kanilang mobile dahil naglalaro sila online. tinitingnan ng
pag-aaral na ito ang mga sumusunod na isyu:

- Ano ang epekto ng online games sa mga bata lalong lalo na sa mga estudyante?

- Ano ang dahilan kung bakit naadik ang mga bata sa paglalaro ng online games?

III. Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng isang sarbey.Ang sarbey na ito ay isasagawa sa
CHAMS, dapat sagutin ang 10 mag-aaral. Magsagawa ng survey ng mag-aaral at mga kinakailangan at
pananaw ng mga mag-aaral ng CHAMS sa pamamagitan ng mga questionnaire o checklist ng mga survey
sa mga sanhi at epekto ng madalas na paglalaro ng online games. Matutukoy nito ang persepsyon at
opinyon ng mga nabanggit na respondente.

IV. Inaasahang Output o Resulta

Inaasahang mabigyan impormasyon ang mga estudyante na naglalaro ng mga Online Games ukol sa
hindi magandang bagay na maaari nilang sapitin kung sila ay magpapatuloy sa mga bagay na ito. Dagdag
pa ang nais kong malaman kung maayos ba ang kanilang pananaw pagdating sa Edukasyon.

You might also like