Panuto: Punan nang wastong kasagutan ang bawat bilang.
1. Buong pangalan ng ating bayani. _____________________
2. Si Jose P. Rizal ay pang ilan sa mga magkakapatid? ___________________. 3. Petsa ng kapanganakan ng ating bayani. _________________________ 4. Tiyak na lugar na kapanganakan ng ating bayani ________________________ 5. Ipinasok si Rizal ng kanyang kapatid na si Paciano sa iskwelahang Maynila na kilala sa tawag na __________________. 6. Ilang taon ang ating bayani noong siya’y mamatay? _________________________ 7. Petsa ng kamatayan ng ating bayani. ___________________________ 8. Saang bersikulo at kabanata sa bibliya nakakuha ng ideya ang ating bayani sa pamagat ng unang nobelang kanyang isusulat? ______________________________ 9. Ang ibig sabihin ng Noli Me Tangere sa malalim na Wikang Filipino ay _______________. 10. Sinasabing ang nobelang Noli me Tangere ay Aklat ng _____________ 11. Samantalang ang El Filibusterismo ay __________________________ 12. Ang kaibigang tumulong kay Dr. Jose P. Rizal upang mailimbag ang nobelang Noli Me Tangere ay si ____________________________________ 13. Taon ng Pagkakalimbag ng nobelang Noli Me Tangere _____________________ 14. Bansang pinaglimbagan ng Nobelang Noli Me Tangere ______________________ 15. Kaibigang tumulong kay Jose P. Rizal upang mailimbag ang ikalawang nobelang El Filibusterismo. _______________________ 16. Inihandog ng ating bayani ang nobelang El Filibusterismo sa ____________________. 17. Dahil sa talino ng ating bayani ay nagtatag siya ng isang makabayang kapisanan na kinilala sa tawag na ____________________________. 18. Pamagat sa Wikang Kastila ng huling gabing tula na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. ___________ 19. Binaril ang ating bayani sa liwasan ng Bagumbayan na kilala sa tawag na ________________ 20. Ang huling babae sa buhay ni Rizal na kanyang nakasama pauwi ng Pilipinas. ___________________
II. Kilalanin ang mga sumusunod na Tauhan sa Nobela.
1. Maalam na matandang tagapayo ng mga marurunong na mamamayan ng San Diego. _____________________________ 2. Babaing nagpapanggap na mestisang kastila kung kaya abut-abot nag kolorete sa mukha at maling pangangastila. _______________________. 3. Mangangalakal na taga- Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. __________________ 4. Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. _____________________________ 5. Binatang nag-aral sa Europa, nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego. ____________________ 6. Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. ________________ 7. Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Pari Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. ______________________ 8. Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod nang matagal na panahon sa San Diego. __________________ 9. Mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra, mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang inang si Donya Pia kay Pari Damaso. _________________ 10. Nuno ni Crisostomo Ibarra na nagging dahilan ng mga kasawian ng nuno ni Elias. 11. Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Pari Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. ___________________ 12. Kurang pumalit kay Pari Damaso na nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara _____________________________ 13. Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. _______________________ 14. Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego __________________ 15. Isang masintahing inang ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. ____________________________