You are on page 1of 5

Learning Activity Sheet

FILIPINO 9
Noli Me Tangere

IKAAPAT NA MARKAHAN
Aralin 4.2
Pangalan:___________________________________ Lebel:____________
Seksyon:____________________________________ Petsa:____________

I Simulan Natin

Sino-sino sa mga tauhan sa Ibong Adarna at Florante at Laura ang iyong naibigan?Kinainisan?
Bakit?

Sa araling ito,inaasahan na inyong maipamamalas ang pag-unawa sa mahahalagang tauhan

sa Noli Me Tangere at maisusulat ang isang testimonya ukol sa taong hinahangaan dahil sa
pagtulong niya sa kanyang kapwa.

II Ating Alamin

A. Ating kilalanin ang mga tauhan ng Noli Me Tangere

Crisostomo Ibarra

Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa

Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Maria Clara

Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni
Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay
Padre Damaso.

Padre Damaso

Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang

parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria
Clara.

Kapitan Tiago

Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-Binondo;

ama-amahan ni Maria Clara.

Elias

Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio

Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.

Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.

Pilosopo Tasio

Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na

mamamayan ng San Diego.

Donya Victorina

Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing

nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang “de” ang pangalan niya dahil nagdudulot ito
ng “kalidad” sa pangalan niya.

Ibang Tauhan

Padre Salvi o Bernardo Salvi– kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na
pagtatangi kay Maria Clara.

Alperes – matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari
ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)

Donya Consolacion – napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at

pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña – isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa

paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares – malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na

napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo – tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin

Señor Nyor Juan – namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas – kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay

kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno – magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel – hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba – masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya’y
maisilang.

Inday, Sinang, Victoria, at Andeng – mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral – pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-

ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa
yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino – lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Balat – nuno ni Elias na naging isang tulisan

Don Pedro Eibarramendia – ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo

Mang Pablo – pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio – ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin; ama ni Sinang

Tenyente Guevarra – isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay
Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria – tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa

alaala ng ama.

Padre Sibyla – paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino – dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

A. Matapos mong makilala ang mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere sagutin mo kung sino
ang nagwika ng mga sumusunod na pahayag at isulat ang iyong sagot sa patlang.

a. “Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking
kaligayahan.”___________________________
b. “Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda akong
magtiis at mamatay rito.Hangad ko na ang lahat ng kasawian ng Inang Bayan ay magiging
kasawian ko rin.”________________________________
c. “Ang karunungan ay para sa lahat,ngunit huwag mong lilimuting iya’y matatamo ng may puso
lamang.”_______________________________
d. “May mga lalong dkilang bagay na dapat mong isipin,ang hinaharap ay mabubuksan pa lamang
para sa iyo,sa akin ay ipininid na.”_______________
e. “Dapat bigyang –dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa hindi kung patay
na.”_________

III Paglinang ng Talasalitaan :

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag:

1.“Dapat ko bang unahin dahil sa aking pag-ibig ang dangal ng aking amang turing o ang banal na
pangalan ng aking amang tunay.”

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. “Ang kasawian ang nag-alis sa akin ng piring”

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______

3. “Ang bayan ay hindi pa dumadaing sapagka’t siya’y piping tagasunod, hindi kumikilos, sapagkat
nahihimlay”.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. “Di mo ba batid anak ko hiwagang nangyayari sa likod ng mga pader sa kumbento”.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. “Mamamatay akong di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking bayan”.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

IV Pagpapalawak ng Aralin:

1.Ipakilala ang mga mahahalagang tauhan sa nobela at ibigay ang kanilang katangian.
2.Magbigay ng iba pang tauhan sa nobela at ibigay ang papel na kanilang ginagampanan.

3.Sa iyong palagay,sino-sino ang mga tauhang malakas?mahina?Patunayan ang iyong sagot.

4.May kaugnayan ba ang mga nilikhang tauhan ni Rizal sa Noli Me Tangere sa kanyang buhay?

5.Pumili ng dalawang tauhan na iyong naibigan na may pagkakatulad sa iyong katangian at

ipaliwanag kung bakit sila ang iyong napili.

V. Karagdagang Gawain:

Sumulat ng isang makabuluhan at masining na monologo tungkol sa isang piling tauhan sa

noli Me Tangere.

Rubrik o Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman 5 puntos

Pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya 5 puntos

Kaangkupan sa katangian ng tauhan 5 puntos

Pagkamalikhain 5 puntos

Kabuuan ___

20 puntos

TANDAAN: Ang Diyos ay mabuti sa lahat ng panahon

INIHANDA NINA: Jocelyn M. Manahan

Arturo N. Laconsay Jr.

You might also like