You are on page 1of 9

Learning Area Grade Level

W6-8
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Quarter Ikatlong Kwarter Date

I. LESSON TITLE Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran


II. MOST ESSENTIAL LEARNING 12. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
COMPETENCIES (MELCs) kapaligiran saanman sa pamamagitan ng:
12.1 segregasyon o pagtapon ng mga basurang nabubulok at di-
nabubulok sa tamang lagayan
12.2 pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay
12.3 pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay
(Recycling)
EsP4PPP- IIIg-i–22
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
sariling disiplina para sa bansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Unang Napakahusay! Binabati kita. Narito ka na sa huling aralin ng
Panimula Araw ng ikatlong markahan. Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang
Week 6 pagsunod sa mga batas at sa pangangalaga sa kapaligiran kahit
walang nakakakita.
Sa araling ito ay inaasahang ikaw ay makakapagpamalas ng
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran sa
pamamagitan ng a.) segregasyon o pagtapon ng mga basurang
nabubulok at di-nabubulok sa tamang lagayan; b.)pag-iwas sa
pagsunog ng anumang bagay at, c.) pagsasagawa ng muling
paggamit ng mga patapong bagay (Recycling) kahit saan ka man
naroon.
Ikaw ba ay batang matulungin? Suriin ang mga larawan.

Nagpapakita ba sila ng pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan


at kaayusan ng kapaligiran? Marunong ka bang magtapon ng kalat
sa wastong basurahan? Iniiwasan mo bang magsunog ng anumang
bagay o mga basura? Nagagamit mo pa rin ba sa ibang paraan ang
mga patapong bagay? Ginagawa mo ba ang mga ito kahit nasaan
ka mang lugar? Bakit mo ginagawa ang mga ito?
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Ang kalinisan ay kasunod ng pagiging maka-Diyos. Ayon sa Genesis


1:1 na “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa”. Sa
makatuwids a Dios nagmula ang lahat ng may buhay dito sa mundo.
Ang may malinis na isip ay nagdududlot ng malinis na gawain. Ang
pagiging malinis ay nagbubunga ng kabutihan at kagandahang asal
sa kapuwa, sa lipunan at maging sa kalikasan.

B. Development Ikalawa- Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Masdan ang larawan ng mga


Pagpapaunlad Ikalimang basurahan. Isa-isang ilagay ang mga basura sa bawat bilang. Isulat
Araw ng
Week 6 ang titik DN kung di-nabubulok at titik N kung nabubulok ang basura.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______ 1. bote

______ 2. tirang pagkain

______ 3. balat ng prutas at gulay

______ 4. plastik

______ 5. Tuyong dahon

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Iguhit ang LIKE () kung ang gawain
ay wasto at UNLIKE () naman kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Pagsusunog ng mga tuyong dahon at papel.

2. Pag iwas sa pagsusunog ng mga basura.

3. Ilagay sa lumiliyab na apoy ang mga sirang laruan.

4. Pagsabihan ang kapitbahay na nagsisiga sa bakuran na itigil ito.

5. Hayaang mag-siga at mag-sunog ng mga lumang gamit para


mabawasan ang kalat.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ng bawat sitwasyon. Iguhit


ang puso () kung ginagawa mo ang isinasaad dito at tatsulok ()
naman kung hindi mo ginagawa. Iguhit ang sagot sa sagutang
papel.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
_____ 1. Ginagawa kong bagong laruan ang mga lumang kahon at
lata.
_____ 2. Itinatapon ko ang lahat ng kalat na nakikita ko sa loob
ng bahay.
_____ 3. Ibinebenta ko ang naiipon kong bote, karton at papel.
_____ 4. Nakabuo ako ng bagong sulatan mulas a mga luma
kong notebook.
______ 5. Nagawa kong taniman ang mga lumang boteng plastik.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang maikling tula.


Pagkatapos ay sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na
impormasyon tungkol sat ula. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kapaligiran, Kalinisan, Kayamanan Ko


Tula ni: Marie Grace E. Casintahan

Kapaligirang biyaya sa atin ng Maykapal,


Pangalagaan ang tugon ng bawat nilalang.
Bilang pasasalamat sa wagas na kayamanan,
Kalinisan sa atin ay lubos na magampanan.

Disiplina ay ganapin, sa atin ay panatilihin,


Tungo sa kaligtasan at sakit maiwasan din,
Wastong pagtatapon ng basura ay ugaliin,
Upang paligid ay hindi langawin.

Iwasang magsunog ng anuman sa paligid,


Nang sariwang hangin ay ating langhapin.
Kaisipan ay palawakin at pagyamanin,
I-recycle mga lumang bagay at muling gamitin.

______1. Ang tula ay tungkol sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.


______ 2. Marapat na magkaroon ng sariling disiplina ang tao para
mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
______ 3. Itapon na lahat ng kalat o basura kahit saan man.
_______4.Madaling kumalat ang sakit kung ang tao ay magiging
marumi sa kapaligiran.
______ 5. Malinis na paligid ay kayaman ng mamamayan.

C. Engagement Mula Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pagmasdan ang larawan ng


Pakikipagpalihan Unang basurahan. Basahin ang nakasulat dito. Bisitahin ang inyong kusina.
Araw ng
Week 7 May nakita ka bang mga basura? Pag-isipan kung saang basurahan
hanggang sa ibaba mo ito itatapon. Isulat ang basurang napulot at sa tapat nito
ikalawang isulat kung ito ay Nabubulok o Di Nabubulok. Gawin ito sa iyong
araw ng
sagutang papel.
Week 8
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Hal. Basag na Pinggan – Di nabubulok

1. __________________________

2. __________________________

3. __________________________

4. __________________________

5. __________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Humanap ng mga patapong bagay


sa iyong tahanan. Umisip ng paraan kung paano mo ito muling
magagamit at mapapakinabangan. Isagawa ang naisip mong
paraa o plano. Maari kang humingi ng gabay mula sa kasapi sa
tahanan. Iguhit ang nabuo mong proyekto. Isulat kung ano ito. Gawin
ito sa sagutang papel.

_____________________________________________

Pangalan ng ginawang recycle materials

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahin ang tula. Sagutin ang


sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Disiplina Para sa Kapaligiran

Damhin ang amihang may samyo ng mga bulaklak;


Iwaglit ang lumbay, mangarap at ngumiti sa tuwi-tuwina;
Sa kapaligiran ialay ang lugod na abot hanggang alapaap;
Iwasan ang magyurak, pagsira at pag-abuso sa Kalikasang Ina.
Panuntunan ay sundin at ang mga batas na sa ati’ypinaiiral;
Lingapin para sa kalupaan, kalawakan, karagatan at kalipi;
Isipin muna ang gagawin, kalikasa’y laging isaalang-alang;
Nasa disiplina ng tao upang mundo’y laging may ngiti.
Araw-araw ang kalinisan at kaayusan kahit saan mang lugar;
Dapat isaisip, isapuso at isagawa ng matamda man o bata;
O, kay saya ng lahat, may disiplina para sakapaligiran!

Mga tanong:
1. Ano ang mensahe ng tula?
2. Anong ang kailangang gawin ng mga tao para mapanatiling
malinis at maayos ang kapaligiran?
3. Sino-sino ang dapat magkaroon ng disiplina?
4. Ano ang mga mangyayari kapag nagkaisa ang lahat para sa
pinapangarap na mundo?
5. Ano ang naidudulot ng kalinisan at kaayusan sa buhay ng mga
mamamayan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Suriin ang tsart. Iguhit ang araw ()
kung masaya ka sa sinasabi ng pangungusap at buwan () kung
hindi ka masaya. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pangungusap  

1. Nagsusunog ng
mga tuyong dahon
ang iyong
kapitbahay.
2. Inutusan ka ng
iyong nanay na
paghiwalayin ang
mga basurang
nabubulok sa hindi
nabubulok.
3. Ang kapatid ng
kalaro mo ay
gumagawa ng
laruan mula sa mga
patapong bagay.
4. May mga tambak
na basura sa
kalsadang
daraanan mo.
5. May ginawang
hukay sa inyong
paaralanupang
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
maging compost pit
na tapunan ng mga
basurang
nabubulok.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng


masayang mukha (☺) kung sumasang-ayon ka sa ipinahayag ng
pangungusap at malungkot na mukha () kung hindi.

_____ 1. Itapon ang basura sa tamang lagayan o basurahan.

_____ 2. Sunugin ang mga tuyong dahon at basura.

_____ 3. Paghalu-haluin ang mga basura sa isang lagayan.

_____ 4. I-recycle ang mgapatapongbagay.

_____ 5. Pabayaang nabubulok ang mga basura kung hindi pa


nakokolekta ng trak ng basura.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Kulayan ng pula ang puso kung ang
sitwasyon ay nagawa na at kulay asul naman kung hindi pa nagawa.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Sitwasyon Nagawa na Hindi pa Nagawa

1. Pinaghihiwalay
ang basurang
nabubulok at hindi
nabubulok.

2. Nagtatapon sa
tamang basurahan
kahit saan ako
pumunta.

3. Tinatakipan ang
basurahan upang
hindi langawin.

4. Hindi sinusunog
ang basurang
papel, plastik,
dahon at iba pa.

5. Ginagawang
bagong kagamitan
ang mga lumang
gamit na patapon
na.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Gawain/Pagsasanay Bilang 11:


Sipiin ang talahanayan sa iyong kuwaderno at sagutin kung
gaano mo kadalas gawin ang mga sumusunod:
Lagyan ng  kung palagi, ◆ kung paminsan- minsan at 
kung hindi pa nagagawa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Gawain Palagi Paminsan- Hindi


minsan
1. Nakikiisa ako sa paglilinis sa
loob at labas ng aming
tahanan sa araw-araw.
2. Hindi ko itinatapon sa
bintana ng sasakyan ang
mga balat ng pagkain
matapos kumain kapag ako
ay nagbibiyahe.
3. Inilalagay ko muna sa bulsa
ang aking basura kapag
nakita kong walang
basurahan sa paligid.
4. Nakikiisa ako at
tumutulong sa mga
programang pangkalinisan
at pangkapaligiran sa aming
paaralan.
5. Pinupulot ko ang mga kalat
sa mga pasilyo at iba pang
lugar sa paaralan kahit
walang nag-uutos sa akin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 12: Iguhit ang iyong kanang kamay sa


isang malinis na papel. Isulat sa bawat daliri ang iyong pangako o
panata na tutulong ka sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
kapaligiran. Pumili ng pangako sa loob ng kahon. Sundan ang
halimbawang larawan sa ibaba.

• Magtatapon ng kalat sa wastong basurahan.


• Hindi magsusunog ng mgabagay.
• Hayang mabulok ang mga basura habang hindi pa
kinukuha ng basurero.
• Gamitin muli ang bagay na puwede pang gamitin.
• Itapon ang lahat ng kalat sa bahay.
• Magtanim ng halaman.
• Itapon sa compost pit ang mga nabubulok na basura.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Ako si ________________________
bilang mag-aaral ay
nangangakong:

D. Assimilation Ikatlong Sa iyong sagutang papel ay buuin ang mahalagang kaisipang ito.
Paglalapat Araw ng
Week 8
kaayusan pagsunog segregasyon

kalinisan pagsasagawa

Bilang bata ay marapat na makatulong ka sa pagpapanatili ng (1.)


______________ at (2.) _____________ ng kapaligiran kahit saan man sa
pamamagitan ng (3.) ______________ o pagtapon ng mga basurang
nabubulok at di-nabubulok sa tamang lagayan; pag-iwas sa (4.)
______________ng anumang bagay at
(5.) __________________ ng muling paggamit ng mga patapong
bagay.

V. REFLECTION (Ika-apat at ikalimang araw ng Week 8)

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa
pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong
pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan
ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan
ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3 Bilang 4
Bilang 5 Bilang 6 Bilang 7 Bilang 8
Bilang 9 Bilang 10 Bilang 11 Bilang 12
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Prepared by: Marie Grace E. Casintahan Checked by: Noel S. Ortega


Teacher III EPS-LRMDS
Mabuhay Elementary School
SDO Cavite Province
Edita Olan
EPS-EsP Lipa City
Janet L. Morcilla
SDO Lipa City
Edited& Regional Team: LeaPEsPG4-Wk6-8 For Release
Reviewed Carolyn I. Chavez 20210417-IV02
by: MT II – SDO Batngas Province

Ma. Leticia Jose C. Basilan


EPS-EsP Batangas Province
Nida C. Tagalag
EPS-EsP Sta. Rosa City

Philips T. Monterola
EsP Reginal Coordinator
Sanggunian EdukasyonsaPagpapakatao 4, p. 230-231

You might also like