You are on page 1of 4

W1

Learning Area FILPINO Grade Level 4


Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Pagbibigay ng hakbang sa isang Gawain.


Pagsulat ng simpleng resipi at patalastas
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakapagbibigay ng hakbang sa isang Gawain F4PS-IIIa-8.6
COMPETENCIES (MELCs) Nakasusulat ng simpleng resipi at patalastas F4PU-IIIa-2.4
III. CONTENT/CORE CONTENT A.Naipapamalas ang kakayahan at pagtatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya,kaisipan,karanasan at damdamin.
B.Napapauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba`t ibang uri ng sulaltin.

Ikaw ay inaasahan magtataglay ng mga susmusunod


Makapagbigay ng wastong hakbang sa isang gawain
Makapagsulat ng simpleng resipe at patalastas.
Mabigyang halaga ang pagsunod sa hakbang ng isang gawain.

Sang: Yaman ng Lahi LM.ph.107-110/TG Ph.179-180/ https://youtu.be/nMPkfD


Sanggunian: Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino 4 p.101-109
https://pdfslide.tips/documents/2-mga-detalye-ng-ulat-balita-at-pagsulat-ng-
patalastas-at-balita-3.html, Link:
https://www.youtube.com/watch?v=xtRZ8eQseqM
By: TEACHER RESH, Link :https://www.youtube.com/watch?v=lgVnPAUGtHI
by:Arlene de Guzman
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Sa araling ito matututuhan ang wastong hakbang sa paggawa ng isang
Panimula gawain. Mahalagang matutuhan ito upang maayos natin na maisagawa
ang isang bagay.
Naobserbahan mo na ba ang nanay mo o ang iba mong kasamahan sa
bahay kung paano sila magluto ? Naranasan mo na bang gawin ito ng mag-
isa? Ito ay isa lamang sa mga gawain na nangangailangan na maisagawa
ng maayos kung susundin lamang ang mga hakbang. Isang halimbawa ang
pagsunod at pagsulat ng isang resipi.
Mapag-aaralan mo sa aralin na ito kung paano makapagbigay ng mga
hakbang sa isang gawain at kung paano makasulat ng isang resipi o
patalastas.
Bago ka mag-umpisa sa ating aralin ngayon, nais ko munang sagutin mo
ang mga sumusunod na katanungan.
● Nakasusunod ka ba sa mga panutong ibinibigay?
● Ano ang mga ginawa mo at nakasunod ka sa mga panuto o
hakbang na ibinigay?
● Madali mo bang nasundan ang ibinigay na hakbang ng iyong guro
o magulang? Bakit? Bakit hindi?
● Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto o hakbang?
.
Sa pagbibigay ng hakbang, ang isang tao ay hindi lang dapat marunong
sumunod sa panuto , nararapat na may kaalaman din siya kung paanong
sumulat nito. Ang malinaw na panuto o hakbang ay nakatutulong sa isang
lider o tao upang masabi ang mga dapat gawin ng kapwa.
Narito ang dapat mong tandaan sa pagbibigay ng hakbang sa isang
gawain.
1. Maikli at madaling maintindihan.
Madaling masusundan ang panuto o hakbang kung ito’y maikli o hindi
maligoy at diretso sa puntong nais ipagawa.
2. Gumagamit ng mga simpleng salitang mauunawaan ng
lahat maging ng mga bata man.
Iwasan ang paggamit ng malalalim na salitang mahirap maintindihan ng iba.
Maayos ang pagkakasunod-sunod.
Dapat maging sequential o maayos ang pagkakasalansan ng mga panuto
upang hindi malito ang magsasagawa nito.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng resipi sa libro,Yaman ng Lahi
Wika at Pagbasa sa pahina 103-104. (Paggawa ng Kalamansi Juice)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Tungkol saan ang iyong nabasa? Ano-ano ang nakapaloob sa resipe?
Paano isinagawa ito?
Pag -aralan mo naman ang tungkol sa Patalastas

(sariling kuha ng sumulat ang mga larawan)

Patalastas- anunsyo na naglalayong hikayatin ang mga tao na tangkilikin


ang isang produkto sa iba’t-ibang anyo ng komunikasyon.
- maikling mensahe na nagpapabatid ng mahalagang impormasyon
tungkol sa
-gaganaping palatuntunan
- iba pang gawain
-tungkol sa produkto
-panawagan sa madla
-kautusan ng paaralan / bayan
- pangangailangan sa hanapbuhay
-nawawala
Mga Hakbang sa Pagsulat o pagbibigay ng patalastas:
1.Kailangang maikli at maliwanag ang mensaheng sumasagot sa tanong
na Ano,Saan at Kailan.
2. Dapat maikli at maliwanag ang paglalahad
3. Sinisimulan ito sa pinakamahalagang impormasyon tungo sa di-gaanong
mahalagang detalye.
4. Ang patnubay o unang talataan ang sumasagot sa mga tanong na
ano, sino, kalian,saan,bakit at paano.
5. Ang pamagat ng balita ay dapat sa uri ng talataan o patnubay. Ito ay
isinusulat sa malaking letra upang makatawag pansin.

B. Development 60 minuto Mula sa iyong mga nalaman tungkol sa aralin na ito,subukan mo ang
Pagpapaunlad iyong kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsubok.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gamit ang mga larawan, sumulat ng mga


paraan sa paggawa ng Kalamansi Juice:

a. _______ b. __________ c. _________


Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

d. ________ e. ________ f. ________

Gamitin ang mga signal words upang mabuo ang resipi.


Una, ________________ ika-apat__________________
Ikalawa______________ panghuli_________________
ikatlo, ___________
(Sanggunian: Yaman ng Lahi: Wika at Pagbasa sa Pilipino pahina 103-104)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bumuo ng isang patalastas tungkol sa isang


aklat na naglalaman kung paano mapapangalagaan ang sarili laban sa
sakit. Isulat ito sa inyong kuwaderno.
C. Engagement 30 minuto Upang sukatin muli ang iyong nalalaman sa pagsulat ng panuto, muling
Pakikipagpalihan sagutan ang pagsubok na ito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang wastong pagkasunod-sunod ng
mga sumusunod na hakbang sa pagsasaing.Gawin ito sa sagutang papel o
kuwaderno

1 2 3 4

Mahusay! Binabati kita at natapos mo ang mga pagsasanay. Ang susunod


na gawain ay magpapahusay sa iyong kaalaman sa pagsulat ng resipi.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:Mula sa mga isinagawang gawain, ngayon


ay iyong palawakin ang iyong kaalaman. Sumulat ng simpleng resipi
tungkol sa pagluluto ng banana que. Gawin ito sa malinis na papel o
kuwaderno.
Puntos
Pamantayan
5 3-4 1-2

1.Nasunod ang Lahat ng May 1 o 2 May 4 o 4


lahat ng tamang tamang hakbang ang hakbang ang
hakbang sa hakbang sa hindi nasunod. hindi nasunod.
pagsusulat ng pagsusulat ay
resipi ayon sa nasunod.
pagkakasunud-
sunod nito.

2. Natapos ang Natapos ko sa May 1 ang May 3 ang hindi


lahat ng mga tamang oras hindi ko ko natapos sa
gawaing iniatas. ang gawaing natapos sa itinakdang oras
iniatas sa itinakdang oras ng pagsusulat
akin. sa paggawa ng ng resipi
resipi.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Kabuuang Puntos

D. Assimilation 30 minuto Kompletuhin ang patlang upang mabuo ang diwa ng aralin. Isulat ang
Paglalapat iyong sagot sa sagutang papel o kuwaderno.
Sa araling ito, natutuhan ko na mahalaga ang pagbibigay ng ____________
o,_________________ sa paggawa ng isang gawain upang ito ay maging
____________________, ____________ ,___________ ang resulta ng isang gawain.
Ang _________________________ ay _____________________________________
na naglalayong _____________ ang mga tao na tangkilikin ang isang
produkto o anumang bagay sa iba’t-ibang anyo ng
_______________________.

V. ASSESSMENT 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Muling gamitin ang iyong mga natutuhan sa
(Learning Activity Sheets for araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa bawat pagsubok.
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
3 and 6) Sumulat ng isang maikling resipi at gawain ito ng palatastas na
makahihikayat sa mga tao na tangkilikin ang iyong resipi.

VI. REFLECTION Magsulat ka sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon


gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na______________________________________________________.
Nabatid ko na __________________________________________________________.
Naisasagawa ko na_____________________________________________________.

Prepared by: Donnalie A. Suarez Checked by: Maribeth C. Rieta, EPS-Filipino


Ellen M. Wa-at

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa
pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong
pagpili.
-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan
ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan
ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

You might also like