You are on page 1of 3

FILIPINO 8

Pangalan: Baitang at Antas: Iskor:


Paaralan: Guro sa Filipino:

IKALAWANG MARKAHAN
WORKSHEET BLG. 16
Paksa: Tula

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 2: Sagutin ang sumusunod na pahayag.

1. Ang makabagong kayarian ng mga tula na walang sukat at tugma.

A. blangko berso B. malayang taludturan C. talinghaga D. tradisyunal

2. Isa sa mahalagang elemento ng tula ay ang pagkakaroon ng pare-parehong

tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod.

A. kariktan B. sukat C. talinghaga D. tugma

3. Ang tulang ito ay binubuo ng labing-apat na taludtod.

A. kopla B. quatrain C. soneto D. triplet

4. Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, na nagpapahayag

ng damdamin sa maririkit na salita.

A. maikling kuwento B. malayang taludturan C. tugma D. tula

5. Ang mga salitang binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na

larawan sa isipan ng mambabasa.

A. larawang-diwa B. simbolismo C. soneto D. talinghaga


Pagsasanay 3: Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng mga pahayag.

soneto talinghaga tradisyunal


blangko-berso kariktan kopla
___________1. Pumupukaw sa mayamang imahinasyon at pagsasama-sama
ng mga katangiang nagpapatingkad sa katangian ng tula.
___________2. Tula na may sukat at tugma.
___________3. Tawag sa taludtod kapag pinangkat sa dalawahan.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig
FILIPINO 8

___________4. Paggamit ng mga di-pangkaraniwang salita upang maging


kaakit-akit at mabisa ang tula.
___________5. Ang tulang ito ay binubuo ng labing-apat na taludtod.

Ako ay Pilipino
Tula ni Mga Anak ni Rizal (MAR) mula sa emeare.blogspot.com
Ako ay Pilipino
Ipinanganak na may talino
Na maipapamahagi ko
Para sa kapakanan ng mundo
Ako ay Pilipino
Isinasabuhay ko ang kultura ko
Hindi ko ikakahiya ito
Kahit saan man ako magtungo
Ako ay Pilipino
Ipaglalaban ko ang katarungan ko
Karapatan ko at ng lahat ng kalahi ko
Na matanggap ang nararapat na respeto
Ako ay Pilipino
Mahal ko ang bayan ko
Hinding-hindi ko isusuko
Ang pagiging isang Pilipino
_____1. Ang paksang ginamit sa tula ay _____.
A. pagmamahal sa bayan C. pagmamahal sa kapwa
B. pagmamahal sa kalikasan D. pagmamahal sa Maykapal
_____2. Ang tula ay may anyo ng taludturang _____.
A. blangko-berso B. malayang taludturan C. soneto D. tradisyunal
_____3. Ang uri ng tugma na mayroon ang tula ay _____.
A. di-ganap B. di-tiyak C. ganap D. tiyak
_____4. Ang tula sa itaas ay nakapag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan.
A. kariktan B. larawang-diwa C. simbolismo D. talinghaga
_____5. Ang kaisipang nais sabihin ng tula ay _____.
A. Ang Pilipino ay nakikipaglaban sa kapwa Pilipino.
B. Ang Pilipino ay mahilig tumangkilik ng produkto ng ibang lahi.
C. Ang Pilipino ay marunong magpamalas ng sariling galing at talento upang
maipakilala sa iba ang sariling bayan.
D. Wala sa nabanggit.
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig
FILIPINO 8

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig

You might also like