You are on page 1of 7

PAGYAMANIN

Panuto: PAGSASAAYOS SA MEMORANDUM AYON SA PORMAT. Ang


pagsunod sa mga paalala at hakbang sa pagsulat ng memo ay mahalaga upang
maging maayos , malinaw at mabisa ang gawain. Ngayon, ayusin sa wastong
pormat ang mga detalye ng memo o memorandum sa ibaba. Isulat sa bondpaper.

Kagawaran ng Edukasyon
Ultra-Complex, Meralco Avenue
Pasig City, Metro Manila Philippines

Memorandum Pangkagawaran Blg. 24, s. 2016


Para sa: Direktor ng Kawanihan
Direktor Panrehiyon,Tagapamanihala ng mga Paaralan,
Pinuno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan

Mula Kay: Sgt. BR. ARMIN A. LUISTRO FSC


(Kalihim)

Petsa: Enero 18, 2016

Paksa: 2016 Buwan ng Wikang Pambansa

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang


ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto
alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041, s. 1997. Ang
tema ng pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng Karunungan.

Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:


a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg.
1041;
b. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na
makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang
pangwika at sibiko;
c. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang
pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay
ng Buwan ng Wikang Pambansa

Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga


sumusunod:
a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan;
b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;
c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at
Karunungan;
d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang patnubay at magsisilbing batayan


ng lahat ng gawaing bubuuin at isagawa sa isang buwang pagdiriwang. Ang mga
ito ay hindi nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod upang magkaroon ng Kalayaan
ang lahat sa pagpaplano ng programa.

Para sa iba pang detalye o impormasyon , mangyaring makipag-ugnayan sa:


Komisyon ng Wikang Filipino(KWF)
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel San Miguel , Maynila Telepono; (02)
736-2525-; (02) 736-2524 ; (02) 736 -2519
Email: komfil@kwf.gov.ph
Komisyon sa wikangfilipino@gmail.com
Website ; www.kwf.gov.ph.

Hinihiling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

ISAISIP
Panuto: PAGBUBUOD : Isulat sa isang talata ang kabuoan ng kaalamang
naibabahagi sa iyo sa araling ito.

Ang “memorandum” (memo) ay ginagamit upang ipaalam ang isang bagay na


apurahan sa mga tao sa loob ng isang kumpanya o organisasyon. Ang isang tala ay
maaari ding ihatid sa mga tao o negosyo kung saan mayroon kang malapit o
matagal nang koneksyon, gaya ng mga vendor o consultant. Dahil dito, masasabi
natin na ang isang memo, tulad ng isang liham ng negosyo, ay isang nakasulat na
talaan ng iyong komunikasyon. Ang mga memo ay nagsisilbi ng dalawang layunin:
nakakakuha sila ng pansin sa mga problema at nakakatulong sila upang ayusin ang
mga ito. Nakamit nila ang kanilang mga layunin sa pamamagitan ng pag-alerto sa
mambabasa tungkol sa bagong impormasyon. Ang mga halimbawa nito ay tulad ng
mga pagbabago sa patakaran o pagtaas ng presyo, o sa pamamagitan ng paghimok
sa mambabasa na kumilos, tulad ng pagdalo sa isang pulong o pagbabago ng
kasalukuyang pamamaraan ng produksyon. Anuman ang eksaktong layunin, ang
mga memo ay pinaka-epektibo kapag ikinonekta nila ang layunin ng manunulat sa
mga interes at pangangailangan ng mambabasa.
1. Ang isang pulong o kaganapan ay dapat ipahayag o kumpirmahin.
2. Ang mga tagubilin ay dapat ibigay.
3. Pagbigay ng ulat sa katayuan ng proyekto.
4. Humihiling ng feedback o mungkahi.
5. Pagkatapos ng isang pulong, ibuod ang mga aksyon na dapat gawin.
6. Linawin o baguhin ang isang umiiral na patakaran o proseso.
7. Ipamahagi ang mga minuto ng pulong o kaganapan o mga handout.
8. Ipaalam sa iba ang tungkol sa isang isyu o ang paglutas ng isang problema.
9. Magbigay ng maikling buod ng isang kaganapan o desisyon.

ISAGAWA (ARALIN 1)
Panuto; PAGSULAT NG MEMORANDUM: Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang
pangulo sa inyong klase o seksyon sa ikalabindalawang baitang.Sumulat ka ng
isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang memorandum para sa klase sa
layuning magkaroon kayo ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga patakarang
susundin sa klasrum sa kalagayang New Normal bunga ng COVID-19 Pandemya.
Isulat ito sa bondpaper

Region IV- A CALABARZON


Schools Division of Imus City
General Flaviano Yengko Senior High
Phase 11-A, Pasong Buaya II, Imus City, Cavite

Para sa: Mag-aaral ng Grade 12 Stem- Galileo

Mula Kay: Edwin C. Peralta III


Pangulo ng Grade 12 Stem- Galileo

Petsa: 29 Marso 2022

Paksa: Gagawing Patakaran ngayong New Normal dulot ng


COVID-19 Pandemya

Hindi lingid sa ating kaalaman na tayo ay kumakaharap sa isang pandemya


ang COVID-19, dahil dito inaanyayahan ko ang lahat ng mag-aaral sa
ikalabindalawang baitang upang dumalo sa pagpupulong na gagawin ngayong
Biyernes ika-30 ng Marso taong 2022, ala una ng hapon.

Ang pagpupulong na ito ay naglalayon na mapagdiskusyunan ang mga


patakang kailangan nating sundin at gawin para sa ating New Normal dulot ng
pandemyang Covid- 19. Pinakikiusapan na lahat ay makakadalo.

Edwin C. Peralta III

Class President

ISAGAWA: (ARALIN 2)
Panuto : PAGSULAT NG ADYENDA: Alinsunod sa iyong naisulat na
memorandum para sa gagawing pulong sa nakaraang aralin , lakipan mo ito ng
adyenda .Isulat ito sa bondpaper. Gawing basehan ang halimbawa nito mula sa
“Pagyamanin”.

Region IV- A Calabarzon


Schools Division of Imus City
General Flaviano Yengko Senior High School
Phase 11-A, Pasong Buaya II, Imus City, Cavite

ADYENDA
Petsa: 24 Marso 2022

Oras: 7:30 AM – 11:00 AM


Saan/Lugar: Google Meet (Virtual Meeting)

Paksa/Layunin: Mga Patakarang Dapat Sundin sa Klasrum sa Kalagayang


New Normal Bunga ng COVID-19 Pandemya

Mga Dadalo:

Edwin C. Peralta ( President)


Lee L. Romeo (Vice President)
Raphael A. Sese (Secretary)

Sa kalagyang new normal bunga ng COVID-19 Pandemic ngayong taong


ito, atalinsunod sa tinakda ng Punong Guro at ng administrasyon ng eskwelahan,
una dapatnakasuot ng facemask at faceshield. Pangalawa, mag alcohol kung
kinakailangan. At pangatlo,dapat sumunod sa patakaran upang tayo ay hindi
mahawa at magkaroon ng virus.
Oras Pagtatalakayan Guro/EstudyantengMagt
atalakay
Pagsusuot ng Facemask at Edwin C. Peralta (
7:30 am- 8:15 am Faceshield President)
8:15 am- 8:30 am Malayang Sandali
Lee L. Romeo (Vice
8:30 am- 9:30 am Paggamit ng mga Sanitizers President)

9:30 am- 10:00 Malayang Sandali


am

10:00 am-11:00 MgaPatakaranat(Guro)Alituntunin Raphael A. Sese


am na Ipapatupad (Secretary)

You might also like