You are on page 1of 12

Masusing banghay Aralin

Araling Panlipunan

EKONOMIKS 9

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol
sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng
kapwa
Ang mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya (AP9MKE-III-a)
D. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya
b. Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya
c. Nasusuri ang ugnayan sa isa’t-isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot na daloy
ng ekonomiya.

II. NILALAMAN
a. Paksa: Paikot na Daloy ng Ekonomiya
b. Sanggunian: MELCs
c. Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
1.Pagbati

Isang mapagpalang araw mga minamahal


kong mag-aaral.
Mapagpalang araw rin po ma’am.
Bago tayo magsimula, inaanyayahan ko
ang lahat na buksan ang inyong mga
camera at tayo ay manalangin.
Mananalangin ang lahat.
Ngayon klas, siguraduhin naman ninyo na
kayo ay nasa komportableng lugar o
pwesto upang mapakinggan at mas
maunawaan ninyo ang paksang ating
tatalakayin.

Maayos na ba ang lahat klas?


Opo ma’am.
B. Balik-aral

Bago tayo dumako sa pangunahing paksa


ay balikan muna natin ang naging
talakayan noong nakaraan.

Kung inyong natatandaan ay napag-


usapan natin ang tungkol sa
makroekonomiks, ngunit ano nga ba ito
klas?
Ang makroekonomiks ay sangay ng pag-
aaral sa ekonomiks na nakatuon sa pag-
aaral ng kabuuan ng pang-ekonomikong
kalagayan ng buong lipunan, kung saan
napapabilang ang mga pinakamaliit na
Magaling! yunit ng mga kasapi nito.
Ang makroekonomiks ay tumitingin sa
kabuuang ekonomiya ng isang bansa at
sinusuri nito ang mga kaganapan o
suliranin katulad na kawalan ng Trabaho.
Isipin iyo klas ano ang nangyari noong
nagkaroon ng pandemic sa ating bansa?
Marami po ang nawalan ng Trabaho
ma’am.
Tama! Maraming mga negosyo o pabrika
ang nagsara at nagbawas ng mga
empleyado kung kayat marami ang
nawalan ng trabaho at isa ito sa
tinututukan ng makroekonomiks.

Ano pa sa tingin niyo klas ang binibigyang


pansin ng makroekonomiks?

Binibigyang pansin ng makroekonomiks


Mahusay! ang kabuuang antas ng presyo.
Noong nagkaroon ng pandemic may
nabago ba sa presyo ng mga bilihin?

Mas tumaas po ang presyo ng mga bilihin


Tama! ma’am.
Haggang ngayon ay patuloy pa rin ang
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Kung kayat ang mga gumagawa ng batas
o patakaran ay pangunahing tinututukan
at binibigyang –pansin ang pagtaas ng
kabuuang presyo na higit na nakaaapekto
sa mga mamamayan sa kabuuan.
Ano pa klas?
Ang empleyo o paghahanap-buhay ay
binibigyang pansin ng makroekonomiks.
Tama!
Nabanggit niyo kanina klas na marami ang
nawalan ng trabaho dulot ng pandemic.
Ano naman kaya ang nagging tugon ng
pamahalaan tungkol rito?
Namigay po sila ng ayuda ma’am at
hinihikayat ang mga mamamayan na
gamitin ito upang magkaroon ng maliit na
Tama! pagkakakitaan.
Ginagawa ito upang maseguro na may
mapagkukunan ng kabuhayan ang bawat
pamilya sa lipunan.

Sino po ang may kasagutan klas?


Tinitingnan din ng makroekonomiks ang
ibang bahagi ng mundo at ang ugnayan
nito sa panloob na ekonomiya.
Tama! Tinitignan ng makroekonomiks ang
ugnayan na natin sa ibang bansa sapagkat
nakakaepekto ito sa paglago ng
ekonomiya ng bansa.

Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili


sapagkat natandaan at naunawaan niyo
ng mabuti ang ating napagaralan.
Papalakpak ang mga mag-aaral
C. Pagganyak
Bago tayo magpatuloy sa ating pormal na
talakayan ay magkakaroon muna tayo ng
isang Gawain na pinamagatang “TUKUYIN
NO AKO”
Handa na ba kayo klas?
Handa na po ma’am
Panuto: Suriin ang larawan at
kumpletuhin ang salita para sa
pagkakakilanlan nito. Sagutan ang
pamprosesong tanong sa sagutang papel.

Sino ang nais magbasa ng panuto?

Ako po ma’am!
Panuto: Suriin ang larawan at
kumpletuhin ang salita para sa
pagkakakilanlan nito. Sagutan ang
pamprosesong tanong sa sagutang papel.

Malinaw ba ang panuto klas? Opo ma’am!


Bibigyan ko lamang kayo ng 2 hanggang 3
minuto upang sagutan ito at pagkatapos
ay ating suriin kung tama ba ang inyong
mga naging sagot.

Handa na ba kayo klas? Opo ma’am

Kung ganoon ay maari na kayong


magsimula.

Natapos na ang itinakdang oras para sa


pagsagot, tapos na rin ba kayo klas? Tapos na po ma’am

Unang larawan
(INSERT PICTURE) Malacanang Palace
Ano ang nakikita niyo sa larawan?

Nakita niyo na bas a personal ang Ang president po


palasyo? Sino kaya ang nakatira rito?

Ano naman ang tungkulin ng Presidente? Ang presidente po ang namamahala sa


ating bansa at nagpapatupad ng batas.

Tama! Ngayon klas ano ang sagot sa


unang bilang? PAMAHALAAN!

Magaling!
Ang tamang sagot ay Pmahalaan

Ikalawang larawan
(insert picture)

Jairus, maari mo bang sabihin sa klase ang


sagot?
Ang sagot ko po ay Bahay Kalakal
Mahusay! Ano kaya ang ginagawa sa
bahay kalakal? Ito po ay isang pagawaan ng mga
produkto
Tumpak!
Ako po Ma’am!
Ikatlong larawan (Babasahin ng mag-aaral ang Panuto.)
Insert picture

Sino sa inyo ang may kilalang Bombay? At


ano ang mga pangunahing trabaho ng
mga ito?
Nagpapautang at naniningil po ng utang
maliban sa mga Bombay saan pa
pwedeng makipagkalakalan gamit ang
pinansyal? Sa mga banko po ma’am katulad ng BDO

Magaling!

Huling larawan
Insert picture

Nakapunta na ba kayo sa palengke?


Ano ang karaniwang ginagawa natin
kapag nagpupunta tayo rito? Nagbebenta at bumibili ng mga
produktong kailangan sa sa pang araw-
araw na pamumuhay.

Tama! Sino ngayon ang makapagbibigay


ng sagot sa ikaapat na bilang.
Ang sagot po ay Pamilihan

Magaling!

D. Pagtatalakay

Ngayon klas base sa ating naging Gawain,


ano ang napansin niyo sa mga larawan na
pinakita ko sainyo? May ideya ba kayo? Tungkol po ba sa Ekonomiya ma’am?

Ano pa? Ma’am Paikot na Daloy po ng


ekonomiya?

Tama! Ang paksang ating aaralin ay ang


Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

Kapag narirnig ninyo ang tungkol rito klas,


ano ang unang pumapasok sa isip niyo?
Interaksyon po ma’am
ano pa?
Pag-aaral sa iba’t-ibang sektor ng
ekonomiya ma’am
magaling!
Alam niyo ba klas na si Francois Quensay
na isang ekonomista ang nagdisenyo sa
paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Sa kabuuan ay may Limang Daloy ng
Ekonomiya at bago tayo dumako sa unang
Modelo ay nais kong making kayo ng
mabuti sapagkat magkakaroon tayo ng
Gawain pagkatapos ng ating talakayan.

Unang Modelo ng Paikot na Daloy ng


Ekonomiya
(insert picture)

Maari mo bang basahin _________

Inilalarawan ng unang modelo ng


ekonomiya ang isang simpleng
ekonomiya. Sa modelong ito na ang
Dito sa unang modelo klas kung sambahayan at bahay-kalakal ay iisa dahil
mapapansin ninyo ay may dalawang ang gumagawa ng produkto ay siya ring
sektor, Ang Sambahayan na may komokonsumo nito.
kakayahang magkonsumo ng produkto at
Bahay kalakal naman na siyang
gumagawa ng produkto.

Klas sino sainyo ang mahilig kumain ng


Pastillas at polvoron?

Alam niyo ba klas na maliban sa pagbili ay


maari rin kayong gumawa ng mga ito at Ako po ma’am
maari rin niyong ibenta?
sa ganoong pagkakataon ay maituturing
kayong Bahay kalakal dahil may
kakayahan kayong gumawa ng produkto
sa makatuwid ang Sambahayan at Bahay
kalakal ay ikaw lamang.

Maliwanag ba klas?

May mga katanungan pa ba kayo


patungkol sa unang modelo? Opo ma’am

Kung wala na kayong katanungan ay


dumako naman tayo sa ikalawang Wala na po ma’am
Modelo.
(insert picture)

Pakibasa nga ang nasa unang talata

Ang ikalawang modelo ay nagpapakita ng


bahay-kalakal at sambahayan bilang
pangunahing sektor ng paikot na daloy
ng ekonomiya. Sa modelong ito ay
Klas, kung napansin niyo kanina sa unang magkaiba ang sambahayan at bahay-
modelo ang bahay kalakal at sambahayan kalakal
ay iisa lamang. Ngunit dito sa ikalawang
modelo ay sinasabing magkaiba sila ano
kayang ang maaring dahilan kung bakit
nasabing magkaiba sila?

Kasi po ang sambahayan ay walang


kakayahan na gumawa ng tapos na
produkto at serbisyo ngunit ang bahay-
Magaling! Magkaiba sila sa dahilang ang kalakal ang tanging may kakayahang
sambahayan ang pinagmumulan ng mga lumikha ng mga produkto at serbisyo
salik ng produksyon katulad ng Lupa,
paggawa at capital ngunit walang
kakayahang gumawa ng produkto at ang
bahay kalakal lamang ay may kakayahang
gumawa subalit kinakailangan niya ng
mga salik ng produksyon na nanggagaling
sa sambahayan. Magkaiba man sila ngunit
kailangan nila ang isa’t-isa.

Sino ang nais magbasa klas?

May dalawang uri ng pamilihan ang


makikita sa ikalawang modelo. Una ay
ang pamilihan ng salik na produksyon o
Sa unang uri ng pamilihan klas na factor markets. Ang pangalawa ay ang
tinatawag na pamilihan ng mga salik ng pamilihan ng tapos na produkto o
produksyon dito inilagak ng Sambahayan commodity markets.
ang mga salik ng produksyon gaya ng
Lupa, kapital, paggawa at pagnenegosyo
na siyang binibili ng bahay kalakal na
ginagamit upang makagawa ng mga
produkto na siya ring dadalhin sa
pangalawang uri ng Pamilihan na
tinatawag ng Pamilihan ng tapos na
produkto o commodity markets.

Naintindihan ba ninyo klas?

Magaling! Dumako naman tayo sa


ikatlong modelo Opo ma’am
(Insert picture)

Klas kung napapansin ninyo ano ang


pagkakaiba ng ikalawa at ikatlong
modelo?

Klas ano naman itong naidagdag sa


ikatlong modelo? : May naidagdag po ma’am

Tama! May ideya ba kayo kung ano itong : Ma’am ang pamillihang pinansiyal po
pamilihang pinansiyal klas?

Ang pamilihang pinansiyal klas ay : wala po ma’am


nangangahulugang uri ng pamilihan kung
saan nakikipagkalakalan ang iba’t-ibang
pinansiyal na ari-arian.

Klas, sino dito ang may alkansya at


mahilig mag-ipon ng pera?

Bakit kayo nag-iipon?


:ma’am ako po

: Ma’am kasi po gusto kong makabili ng


bagong sapatos.

Tama! : ma’am ako naman po ay para may


Klas ang mga nabanggit ninyo ay maari perang magamit kapag may emergency.
nating ikonekta sa pamilihang
pinansiyal,bakit? sapagkat dito tayo nag-
iimpok ng pera ng pangmatagalan..
(magdaragdag ng karagdagang
impormasyon)

Ikaapat na Modelo

Klas pagkumparahin ninyo anng ikatlo at


ikaapat na modelo, ano ang napapansin
ninyo?

Ano naman itong naidagdag na wala sa


ikatlo at mayroon sa ikaapat na modelo? :mayroon pong muling naidagdag ma’am.

Sa tingin niyo bakit naidagdag ang


pamahalaan? Ano ba ng tungkuling Ang Pamahalaan po ma’am
ginagampanan ng pamahalaan?

Ang pamahalaan ang siyang bumubuo at


Ano pa klas? nagpapatupad ng batas o patakaran para
sa pag-unlad ng ekonomiya.

Tama! Ang pamahalaan ang siyang nagpapataw


Tungkulin ng Pamahalaan at ng buwis
pangongolekta ng buwis at ang tawag sa
kita mularito ay public revenue. ito ay
ginagamit para makalikha ng
pampublikong serbisyo at proyekto na
tumutugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan

(magtatanong at magdaragdag ng
impormasyon)

Dumako naman tayo sa ikalima at huling


modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya.
Sinong gusting magbasa?

: Ako po ma’am

Ang ikalimang modelo ay tinatawag na


open economy dahil sa presensiya ng
panlabas na sektor na nangangasiwa ng
pagpapalitan ng mga produkto at
serbisyo. Ang perspektiba ng mga
naunang apat na modelo ng paikot na
daloy ng pambansang ekonomiya ay
Salamat, kung makikita ninyo dito sa sarado o domestic
modelong ito, nagaganap ang kalakalang
panlabas kung saan may mga gawain ng
pagluluwas (export) at pagaangkat
(import) ng mga produkto at serbisyo sa
loob at labas ng bansa.

Halimbawa nito klas ay ang pag-aangkat


natin ng produktong bigas sa kalapit na
bansa, bakit tayo nag-aangkat sapagkat
kulang ang bigas natin upang matustusan
ang panganagiilangan ng bawat pamilya
sa isang kabuuang taon.

Sa tingin ninyo may benepisyo bang


nakukuha ang ating bansang pilipinas sa
pakikipagkalakalan sa iba pang mga
bansa?

Magbigay nga kayo ng mga benipisyo


:Opo Ma’am

Nabibigyan ng pagkakataon na makilala


at maibenta ang ating mga lokal na
Mahusay! produkto sa ibang bansa na nagdudulot
Isa ring benepisyo ay ang pagtugon sa ng malaking kita sa ating ekonmiya.
mga kakulangan ng mga materyales sa
paggawa ng produkto.
Naunawaan niyo ba ang ating paksa?

Pangwakas ng Gawain Opo ma’am


1. Paglalahat
Mahalagang mapag-aralan natin ang
limang modelo ng paikot na daloy ng
ekonomiya sapagkat isa ito sa maging
gabay natin upang mas maunawaan natin
ang mga pangyayaring nagaganap sa loob
at labas ng ating ekonomiya.

Ngayon klas, magbigay na isang modelo


mula sa ating naging talakayan at
ipaliwanag ang ginagampanan ng mga
sektor sa modelong inyong napili.

Ma’am ako po
Ang unang modelo po ma’am
Dito ay may dalawang pangunahing
sektor ang sambahayan at bahay kalakal
na pwedeng maging iisa sapagkat may
Sino pa? kakayahanang gumawa at magkonsumo
ng produkto.

Ma’am ang ikalawang modelo naman po


sa akin. Dito ay may dalawang uri ng
sektor ang sambahayan na
kumokunsumo ng produkto at bahay
kalakal na gumagawa ng produkto at
dalawang uri naman ng pamilihan ang
pamilihang kalakal at paglilingkod na
kung saan dito dinadala ang mga tapos
na produkto at at pamilihang salik ng
Ebalwasyon produksyon naman kung saan inilalagak
Para malaman ko na naunawaan niyo ng ang mga salik ng produksyon.
mabuti an gating paksang aralin ay
magkakaroon tayo ng isang Gawain.

Pakibasa ang panuto klas

FACT OR BLUFF
Panuto: Unawain ang bawat pahayag.
Isulat ang FACT kung ito ay totoo, BLUFF
naman kung di-totoo. Ipaliwanag ang
iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. Ang modelo ng paikot na daloy


ng ekonomiya ay presentasyon ng isang
konsepto o kaganapan na nagbibigay ng
konteksto sa pagsusuri ng pambansang
ekonomiya bilang bahagi ng pag-aaral ng
makroekonomiks.

_____2. Ang pangunahing aktor ng


modelo na paikot na daloy ng ekonomiya
ay ang bahaykalakal at pamilihan.

_____3. Ang buwis ay pondo ng


pamahalaan na ginagamit para
makapagbibigay ng pampublikong
serbisyo sa mga mamamayan.

_____4.Ang gawaing pag-aangkat


(import) at pagluluwas (export) ng mga
produkto at serbisyo ay pangunahing
gawain ng panlabas na sector.

_____5.Correlation ang tawag sa


Bibigyan ko laman kayo ng tatlong minute ugnayan ng bahay kalakal at sambahayan
upang isagawa ang Gawain. sa isa’t isa.

Maliwanag ba klas?

Pwede na kayong magsimula


Opo ma’am
Tapos na ba ang lahat klas?

Ano ang sagot sa unang tanong?

Sa ikalawang tanong naman klas?


FACT
Mga sagot:
1. FACT BLUFF
2. BLUFF
3. FACT
4. FACT
5. BLUFF

Tunay ngang inyong naunawaan an gating


paksang aralin sapagkat kayong lahat ay
nakakuha ng tamang sagot.

Takdang Aralin

Klas, pakilabas ang inyong kwaderno at


kopyahin ang inyong takdang Aralin.

Takdang Aralin
Maliwanag ba ang inyong takdang aralin Basahin at unawain ang tungkol sa
klas? Pambansang kita

May mga katanungan pa ba kayo klas? Opo ma’am

Kung gayon ay maari niyo bang buksan Wala na po ma’am


ang inyong mga camera para sa isang
litrato

Maraming salamat sa inyong pakikinig. Opo ma’am


Paalam klas!

Paalam ma’am

Ipinasa ni:
Lovely P. Addam
Ipinasa kay:
Joel C. Baccay

You might also like