You are on page 1of 31

Maligayang Pagdating!

Tuloy ka sa ating onlayn


na klase sa Filipino!
Pagtatala
ng mga
Dumalo
MGA ALINTUNTIN SA PAGDALO SA ONLAYN NA KLASE:

Tamang Oras I-mute ang Mic Komportableng Lugar Tamang Kasuotan

I-on ang Camera Raise A Hand


PANOORIN ANG VIDEO NA ITO
Tanong:
Ano-ano ang mensahe ang iniiwan ng awitin
na hindi karaniwang maririnig sa awiting
ingles?
WIKANG PAMBANSA,
bayan/pananaliksik
at USAPIN NG CMO 20
SERIES OF 2013
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
Isinasaad sa Artikulo 14 Konstitusyon 1987 ang legal na batayan ng konsepto
ng Filipino bilang wikang pambansa , at ang magkarugtong na gampanin nito bilang
wika ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa Pilipinas:

Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinag, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng bata at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya sa Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod
at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo , ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong
na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at
opsyonal ang Espanyol at Arabic.
Malinaw sa nasabing probisyong pangwika sa
Konstitusyon na primus inter pares o nangunguna sa lahat ng
magkakapantay ( first among equals) ang wikang Filipino bilang
wikang pambansa sa kontekstong multilingguwal at multicultural ng
Pilipinas.
Sa kasalukuyan dahil sa K to 12 , sa mga unang taon ng
elementarya , ang mga namamayaning unang/inang wika (mother
tongue) sa bawat rehiyon ang aktwal na ginagamit na wikang
panturo , alinsunod sa patakarang Mother Tongue Based
Multilingual Education (MTB-MLE).
Ipinaliwanag naman sa pamphlet na
“Madalas Itanong sa Wikang
Pambansa” (Almario 2014) na inilabas
ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
ang kahalagahan ng pagkakarooon ng
wikang pambansa
Alinsunod sa Konstitusyong 1987, malinaw rin na
ang Ingles ay pangalawang wikang opisyal lamang na
maaaring alisin ng gayong status ng Kongreso kung
nanaisin nila. Samakatuwid ,habang ang Filpino ay di
maaaring tibagin at alisin bilang wikang opisyal, ang
Ingles ay maaaring alisin anumang panahong naisin
ng Kongreso.
Ibinuod ni Atienza (1994) sa artikulong “Drafting the 1987 Constitution the Politics of
Language” ang mga praktikal na kahalagahan ng Wilang Pambansa sa isang bansang gaya ng
Pilipinas na dati’y kolonya, laban sa dominasyon ng wikang banyaga gaya ng Ingles.

• Ang paggamit ng mga wikang dayuhan lalo na ng Ingles ay nagbunsod ng mabagal na pag-
unlad (underdevelopment) hindi lamang ng mga wika sa Pilipinas kundi maging ng mabagal
nap ag-unlad ng kultura at identidad.
• Ang Ingles ay naging hadlang na naghihiwalay sa mga edukadong Pilipino at sa masang
Pilipino.
• Ang mga wika sa Pilipinas ay mula sa iisang pamilya ng wika; kaya’t posibleng makabuo ng
isang wikang pambansa mual sa mga wikang ito.
• Ang wikang pambansa ay kahingian (prerequisite) sa pagkikintal ng nasyonalismo , pagbubuo
ng demokrasya at ng partisipasyon ng sambayanan sa proseso ng pagbubuo ng at
pagpapaunlad ng bansa.
USAPIN NG FILIPINO SA CMO 20 SERYE
NG 2013

16
Ano ba ang ched memo 20 series of 2013?
Naglabas ang Commission on Higher Education (CHEd) ng Memorandum
Order No. 20 Series of 2013 (CMO 20-2013) na may titulong “General Education
Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies (GEC),” na
nagsasaad na alisin ang mga minor subject sa kurikulum ng kolehiyo sa taong
2016 upang magbigay daan sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
mga major o teknikal na kurso na may kaugnayan sa Agham at Teknolohiya., na
siya namang naging dahilan sa pagtanggal ng English, Math, General Psychology,
Economics at Filipino.
Isa sa mga pinaniniwalaan ng
dating Komisyuner ng CHED na si
Dr. Patricia Licuanan na ang K-12
ang sagot sa uspain ng trabaho
matapos ang labindalawang
basikong edukasyon . Opsyon ang
hindi ipagpatuloy ang pag-aaral sa
kolehiyo sapagkat taglay na niya
ang kinakailangang lakas at talion
na hinahanap ng mga kumpanya
para sa kanyang serbisyo.
Tanong:
ano nga ang cmo 20 at ano ang implikasyon
nito sa edukasyon at wikang filipino?
Name
Title

9/3/20XX Presentation Title 21


Wikang filipino bilang wika ng
bayan at/ng pananaliksik
Ang inklusyon ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng
kolehiyo ay patakarang tumutupad sa mga nasabing
probisyong pangwika ng Konstitusyon 1987 hinggil sa pagiging
pangunahing wikang panturo ng wikang Pambansa na kayang
kayang ipatupad nang hakbang-hakbang. Napatunayan na ng
ibang wikang kamag-anak ng Filipin- Bahasa Melayu at
Bahasa Indonesia – na kayang kayang gawing wikang panturo
sa lahat ng antas at larangan ang isang wikang pambansang
hindi Ingles o anupamang wikang kolonyal.
•Praktikal ang paggamit ng wikang Pambansa bilang wikang
panturo.
•Mas mabilis na magkakaunawaan ang mga mamamayan at
mabilis at mas malinaw rin na magkakapalitan ng ideya
•Mas mabilis ang magiging implementasyon ng mga planong
mapagkakasunduan.
Kaugnay nito, dapat ding isabalikat ang lubusang paggamit ng
wikang Filipino bilang wika ng opisyal na komunikasyon ng
gobyerno, alinsunod sa Konstitusyong 1987. Masasabing ganap na
ang pagiging wikang opisyal ng Filipino kapag dumating ang
panahon ng lahat ng mga panukalang batas sa Kongreso at
Senado, lahat ng mga desisyon ng Korte Suprema, at lahat ng
dokumento at talakayan ng mga nasa gobyerno ay nasa wikang
Pambansa. Kapag naabot na ang panahong iyon, tiyak na lalong
lalakas ang kapangyarihang political ng mga mamamayan. Ayon
nga kay Gimenez Maceda (1997) “ang wikang Pambansa ang
wikang higit na makapagbibigay-tinig at kapangyarihan sa mga
tagaw alis, drayber, tindero, at tindera at iba pang ordinaryong
mamamayan ng bansa na gumagamit nito.”
Sa panahon ng globalisasyon – ng pandaigdigang Sistema ng
malayang kalakalan o free trade na isinasagawa sa pamamagitan ng
pag-aalis ng taripa. Nananitiling mahalagang panangga sa daluyong
ng kultural na homogenisasyon (ang paglamon ng kulturang
Kanluranin sa lokal na kultura, ang wika ng bayan, ang sariling atin.)
Madalas sinasabi ng mga promotor ng globalisasyon gaya ng mga
multinasyonal na institusyon tulad ng World Bank at World Trade
Organization na “daigdig na walang hanggahan” o borderless world
ang layunin ng pandaigdigang Sistema na ito. Sa pagsusuri naman ng
mga kritiko , negatibo , ang epekto ng globalisasyon sa mga wika at
kultura ng marami-raing bansang hindi maimpluwensiya sa arenang
global. Ayon nga kay Lumbera (2003) sa espasyo ng sariling wika at
panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon
ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan. Nakalangkap sa
wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan ng
sambayanang lumaban sa pananalaklay at pang-aalipin ng
kolonyalismong Espanyol at Amerikano. Sa tuwing pinagyayaman ang
wika at panitikang katutubo, may lakas na pinakikilos sa kalooban ng
mga Filipino, na magagamit na panlaban sa pang-aakit ng
globalisasyon.
Tanong:
bakit nga ba mahalaga ang pag-aaral ng
wika at panitikan?

You might also like